CHAPTER EIGHT

2979 Words
"What do you mean na si Sir ang nag review ng papers mo? Hindi nya yan trabaho Miss Wright" litong sabi ng secretary ni Dylan na nag orient sa akin. Nag dinner break muna kami dahil yon daw ang utos ni Sir. He doesn't like his employee starve raw. Tumanggi ako dahil wala akong ka pera pera sagot daw ni Ms. Gena. "Totoo po" magalang kong sabi. Even though gumagawa sya ng paraan para hindi ako mailang, hindi pa rin ako comportable. Ngayon ko pa lang kasi sya kilala. I don't know kung anong pakikitungo ang gagawin ko para hindi sya ma offend at wala syang masabing masama sa akin. "Talaga? Napaka impossible! Ni walang kinakausap sa personal si Sir! Kahit nga ako, hanggang doon lang ako sa b****a ng opisina kaya nga hindi kita sinamahan sa loob diba?" I nod. Naguguluhan na rin. "Si Sir kasi nag offer sa akin ma'am, baka ganon po" I politely said. Lito syang tumango-tango.Ako naman, nalilito sa inasta nya. Anong meron kong si Sir ang nag review ng paper ko at nakipag-usap sa akin ? Ano sya gold dahil wala kinakausap? "Baka pero ang weird lang" kibat balikat nyang sabi. After naming mag dinner, she began teaching me on what to do, tinuro-an ako sa mga gamit kung paano gamitin, kung saan ilalagay ang mga file, anong gagawin kapag may bisita biglaan. "Then, also checked the emails, yan ang huwag ma huwag mong kalimutan and a head of time, remind him na-..." Naputol ang sasabihin nya nang nag ring ang phone nya. Sumenyas sya sa akin na maghintay ako saglit kaya tumango ako at ngumu-ngusong tinignan ang monitor. "Ang dami namang trabaho" I mumbled nang nag check ako ng email. Ang daming pumapasok. Nanghihingi ng appointment! At English pa, ang sakit sa ulo! "Miss Wright, pinatawag na kayo ni Sir sa taas" kunot noo nyang sabi kaya tumayo ako. "Sige po" magalang kong sabi at kinuha ang phone ko. "Wait...Magka-ano-ano kayo ni Sir?" Kunot noo nyang tanong. "Wala po" Taka kong sagot. Tumango-tango sya. "You may go now" aniya, nakatingin sa kawalan. Taka ko naman syang tinignan bago umalis. "Weird" I heard her say. Dahil nasa itaas pa ng floor na to ang opisina ni Dylan, kailangan ko pang sumakay ng elevator. Hindi kasi daw pumapayag si Sir na may kasama sya sa opisina nya kaya dito sya sa ibabang floor ni CEO. Pagbukas ng elevator, nakita kaagad ng mata ko si Dylan na naka talikod, nakaharap bintana! Napanguso ako. Pati likod nya ang pogi tignan! At ang angas ng dating! Hindi ko alam kung paano nya nakuha ang ganyang pangangatawan! Ang ganda tignan ng biceps. Halata talaga sa katawan nya na nag g-gym. Magsasalita na sana ako nang lumingon sya sa akin kaya napalunok at umayos ng tayo. Shit! Bakit nga ako pumayag na mag trabaho rito? Hindi man lang ako nagtanong tanong sa kanya kung bakit nya ako binigyan ng trabaho, bakit sa ganitong position nya ako nilagay! Bakit hindi janitor ang trabaho ko! Pagkarinig ko lang sa malaking sahod, okay na agad eh! Tanga lang! "You okay with the work here? Kaya mo ba?" He asked while looking at me intently kaya napalunok ako. Why is he looking at me like that? Hindi nya ba alam na ang gwapo nya tignan? Kaya para na akong hihimatayin rito. "Okay lang po" Halos hindi na makahinga kong sabi. "Sit down, I won't bite you" malumanay nya ng sabi kaya malakas akong bumuntong hininga at umupo. Bakit hindi ako comportable sa mga tao rito? Yes crush ko sya pero ngayong magiging boss ko na sya? Tangina! Hindi na ako pwedeng lumandi! Baka mapatalsik na lang ako rito bigla! Pero kapag nasa labas na, doon, lalandiin ko talaga sya. "So you okay here?" Mahinahon nyang sabi. I need to calm myself at umayos ng sagot dahil wala ako rito para paibigan sya! Nandito ako para mag trabaho!. "Opo...Salamat po pala-" "Stop saying po please" aniya kaya napanguso ako. "Okay...ano..salamat sa pagbigay ng trabaho na to...Nga pala, pwede mag tanong?" Inosente kong sabi. He nod while smiling kaya napalunok ako. Ito ba ang sinasabi nilang ruthless? Mga gago pala sila eh! Ang sarap kayang mag pa baby dito! Napaka gentle ng datingan eh. Ang fake news ni ateng secretary! "Your may" aniya at sumandal sa sandalan. I sigh. God! Ang gwapo nya sa position nya! ang sarap magpayakap! "Bakit mo ako inalokan ng trabaho rito?" I asked shyly. He chuckled. "Like what I've said, I wanted to help you. I've seen you so tired then still continue doing that work and you also studying. I'm not heartless" aniya. Napanguso ako. Okay, pero hindi ako satisfy cause why would he care? Ano ngayon kung pagod ako? I frowned pero winaksi ko kaagad sa isip ko. Baka gusto nya lang talagang tumulong! Ang dami-dami nyang pera kaya winawaldas na lang kung saan saan. "Salamat po sa tulong!" I sincerely said. He nod and cross his arm and look at me, kung saan saan ko tuloy binaling ang mata ko. Why is he looking at me like that? May dumi ba ang mukha ko? O napapangitan ba sya sa akin? "You're course is...?" Out of the blue nyang sabi. "Ugh...Business administration po, major in financial management" lito kong sagot. Ano to? Interview? Gage! "Why business?" Bakit sya nagtatanong? Curious ba sya sa akin? Getting to know each other?...Whatever it is! Mukhang kailangan kong sagutin, background check siguro! Para masigurado nyang hindi ako sindikato. "Ugh..." Bakit nga ulit business ang kinuha ko? Way back when I am high school, gusto kong mag business dahil ang ganda ng uniform tapos ang gara tignan. Yon lang naman! "Dahil yon po ang gusto ko" walang kwenta kong sagot. Honestly, wala talaga akong pangarap nong high school ako! Yong utak ko lang kasi ay trabaho, trabaho, trabaho! Yan lang! Hindi ko alam ang gagawin ko sa buhay. Pero ngayong college na ako, hindi pa rin pumasok sa isip ko kung anong gusto ko sa buhay! As long as maka survive, hindi babagsak, may kakain, okay na yon. Pero ang goal ko talaga ay yumaman para hindi na ako maghirap ng ganito. "If your given a change to took another course...what is it?" He asked again. Mag o-offer ba sya sa akin ng scholarship pang second courser ko? Bakit ba sya tanong ng tanong ng ganyan! "Law?... Iwan po sir! Basta maging milyonaryo" walang kwenta ko talagang sabi. He chuckled. "You wanted to be a millionaire?" Natatawa nyang sabi. May nakakatawa ba ron? "Hindi naman po. Gusto ko lang po talagang maahon sa hirap ang pamilya ko" seryoso kong sabi. His laugh turn into smile. "Ofcourse! You amazed me huh" I don't know what to feel on what he say. Ngayon lang ako napuri ng ganito ng walang kasunod na insulto! Kaya kahit sa pagtulog ko, napapanaginipan ko pa ang mga sinasabi nya sa akin kaya good mood na good mood ako kinabukasan. "Ate hindi ka na zombie ngayon?" Inosenteng sabi ng kapatid ko. "Duh!" Mataray kong sabi. Kung hindi lang bata eh! I am the first born of the Wrights! Kasunod ko ay si Richelle Mae, 17 years old! Pero isip bata pa rin! Gusto pang mag laro kung saan saan, ang dungis dungis pa pero mas mabuti ng ganyan para walang magkakagusto at kapag walang nagkakagusto,sure na makakapagtapos kaya okay ng ganyan sya. Ang pangatlo ay si Rain Ray, 10 years old pa lang kaya palaging sumasakit ang ulo ni mama dahil ang kulit kulit! And last one ay si Reniel, 8 years old! Nag iisang lalaki namin kaya spoiled na spoiled kay Papa, ibibigay lahat ng gusto kahit walang wala kami. "So kumusta ang bago mong trabaho?" Tanong ni mama. "Ang ganda ng building ma! Ang laki laki tapos ang mga tao roon, professional na professional ang dating! Tapos yong boss grabe yong isang floor talaga ang office nya ma" mangha kong sabi. "Hmmm kaya kayo, dapat talagang makapagtapos ng pag-aaral para may ganon rin kayong office. Huwag kayong tumulad sa amin ng tatay mo. Alam nyo naman kung gaano kahirap ang buhay" Yes! Mama is right. Ang hirap hirap talaga ng buhay! Ang hirap maghanap ng pera, ang hirap ng trabaho, ang sakit sa katawan pero ang liit ng sweldo! Mahirap talaga kaya dapat magtapos talaga kami ng pag-aaral. Dapat sa future, hindi na ako mam-mroblema ng pera, hindi na sasakit ang katawan ko kaka trabaho, tapos mabibili ko na lahat ng gusto ko, makakagala kung saan saan, makaka pag bakasyon kapag holiday, mga ganon, yong hindi ko naranasan ngayon. Pagkapasok ko sa skwela, good mood na good mood ako dahil nakatulog ako ng maayos tapos nakapag review pa! "Abah! Parang kahapon lang para kang tanga hindi mapalagay ah?" Ani ni Iveth. My smile grow wider kaya taka nila akong tinignan. "May jowa kana no kaya ganyan ka lapad ang ngiti mo?" Hula ni Krystin. I rolled my eyes. Jowa na naman! Iwan ko talaga sa babaeng to wala rin namang jowa, takot rin sa commitment! Nga lang ang kaibahan namin, sya may kalandian, ako wala! "May bago na kasi akong trabaho! Every weekend na lang kaya makakatulog na ako ng maayos!" Masaya kong sabi. They sigh heavily, sign na hindi sila interesado sa sasabihin ko! "Hay naku Riza! Ano pang bago!? At saka! Kahit ano pa yang trabaho mo, pagod pa rin ang ending" nakangiwing sabi ni Kryistin. "Hindi kasi! Mas-" "Huwag ka ng magpaliwanag Riza! Alam na namin yan! Congrats na lang dahil may bago kang trabaho" walang interest na sabi ni Nelia. Napasimangot naman ako. Kapag tungkol sa pag-ibig, sa mga kalokohan, sa chismiss, active na active silang makinig! Pero kapag seryoso na, ito sila, walang mga interest! Nga naman, mga rich kid kasi. Poor people like me! Kunting blessing na dumating, ang laki na ng pasalamat namin, kunting tulong, parang lahat ng problema namin masusulosyonan! We were contented of the blessing that God given unto us pero sila na map-pera? Parang kulang pa sa kanila, gusto pa nila ng higit pa! Kapag mayaman ka kasi, wala kang pakialam kung magkano ang presyo ng isang bagay. Basya gusto mo at maganda sa paningin mo, bibili kaagad! Pero kapag mahirap ka? Kahit ang itong bagay na to ang gusto mong bilhin, hindi mo mabibili dahil mahal, tapos doon ka na lang sa affordable lang!kahit yong mamahalin ang gusto mo. Magsasalita pa sana ako nang mag vibrate ang cellphone ko. Unknown number. Hi, this is Kier Dylan. Please saved my number, this is for work purposes as my secretary. I forgot to give you my number. Napangiti naman ako. Nice! Nakuha ko ang number nya ng hindi nahihirapan! Dali-dali kong nilagyan ng pangalan ang contact nya. To My crushiecake: Okay po sir "Sabi na nga ba may boyfriend na eh! May boyfriend na ang Riza natin!" Biglang tili ni Krystin kaya napatalon ako at napatago sa phone. "May boyfriend ka na Riza? Pakilala mo naman kami! Ikaw Riza huh. Lowkey ka talaga na malandi" tukso ni Iveth. "Ngayong may boyfriend ka na! Dapat ayosin mo na oras oras ang sarili mo!" "Luh? Anong pangalan nyan Riza? Ikaw huh!" Natampal ko na lang ang noo ko sa kanila. "Anong boyfriend pinagsasabi nyo? Boss ko yong nag message-" "Palusot! Si Jason ba yan? Lowkey relationship ba ang peg nyo?" "Payag ka non Riza? Lowekey lang? Dapat hindi beh! Dapat ipagsisigawan ka sa bawat sulok ng mundo!" "Itatago talaga yan kapag hinahayaan na naman nya sarili nya" Napapikit ako ng mariin at malakas ng bumuntong hininga. "Wala akong boyfriend okay? Boss ko lang talaga yong nag message, kailangan kasi sa trabaho ko" mahinahon kong sabi. "Sos! Mukha mo Riza! Kami pa talaga niloloko mo!" Gusto kong ipakita sa kanila ang message ni Dylan pero napalitan ko na ang contact name at ayokong malaman nila na crush ko yon at isa pa baka sabihan pa ako nang mga to na ang jejemon ko! "Bahala nga kayo! Basta wala akong boyfriend" tamad kong sabi "Si Jason yan no dahil hindi mo sinasabi sa amin?" Tukso ni Iveth. I sigh. "Hindi nga..." "Oh my God! Hindi nga daw! So it means meron nga?" Tili ni Krystin at sumayaw sayaw pa. I sigh at tinignan si Nelia at Iveth na nakangising aso na sa akin ngayon na para bang nahuli nila ako sa crimeng ginawa ko. Mga abnormal! Kapag mag kaka boyfriend ako, hindi ko itatago no para naman matahimik tong tatlo! Specially kapag si Dylan na boyfriend ko! Hinding hindi ko talaga sya itatago! Sa gwapo non? Itatago ko lang? Never. "Lowkey na malandi ka talaga Riza! Oh my! Ang Riza namin my boyfriend na" masayang masaya nyang sabi at sumayaw sayaw pa. Malakas akong bumuntong hininga. My friends and their own kind of concluding things. Bahala sila sa buhay nila! From My Crushiecake: Your first day is this coming Saturday but my secretary will orient you on what you will do if there's a meeting...Makakapunta ka ba ngayong gabi? Ngumuso ako sa message nya. Ofcourse! Kung makapal lang talaga ang mukha ko kahit walang office hour bubuntot ako sa kanya eh! Willing na willing ako! To my Crushiecake: Yes po sir, pupunta po ako. "Mga Friend! Ang saya tignan ang Riza natin na may boyfriend! Ngumingit ng sya lang mag-isa, namumula! Grabe ang aliwalas pa ng mukha, good mood na good mood pa" manghang sabi ni Krystin. "Wala nga akong boyfriend" walang gana kong sabi. "Sauna lang yan ganyan Riza! Sinasabi ko sayo" pambabaliwala nila sa sinabi ko. "Huwag nyo namang eh discouraged! Minsan lang lumandi ang Friend natin eh!" "Wala nga akong boyfriend okay? Dahil kung mayroon kayo ang una kong pagsasabihan" mahinahon kong sabi. "Sasabihin mo ba talaga sa amin?" Taas kilay na sabi ni Nelia. I nod confidently. "Oo! Sasabihin ko talaga! Bakit ko naman e lilihim?" Balik tanong kong sabi. "Bakit nga ba?" Nelia challenged. I pursed my lips, tinago ko nga na may nagustuhan ako pero wala kasi akong pinanghahawakan at impossible kasing maging akin kapag sinabi ko na si Dylan ang nagustuhan, baka pagtawanan lang ako ng mga to pero kapag boyfriend ko na, ipagsisigawan ko no! "I swear kapag nag ka boyfriend ako kayo unang makakaalam para naman tumahimik kayo! Nakakarindi kayo eh! Dapat magka jowa kana, ganito ganyan! Amputa-...aray!" Inis kong sabi dahil bigla akong binatukan ni Nelia. "Yang bibig mo!" Saway nya. "Wow! Parang sila hindi marurumi ang lumalabas..." hindi ko tinuloy ang sasabihin ko nang masama na ang tingin nya sa akin. " Sabi ko nga titigil na ako" nakanguso kong sabi at umirap. "So sino nga yan Riza?..." tanong na naman ni Iveth. Hindi nya ba na gets? Or sadyang bobo lang talaga sya? Halata na ngang wala akong jowa nag tanong pa! "Jusko! May nakikita ba kayong kasama ko? Sa mga post ko meron ba? o di kaya inlove ako? Hello!" Sarcastic kong sabi. "Bakit ngumingiti ka dyan?...Huwag mo kaming lokohin Riza! Tapos na kami sa stage na yan" nanlalaking mata na sabi ni Iveth. Uminit ang pisngi ko. Ngamungiti ba ako habang nag t-type ng replay kay Dylan? Hindi ko kasi namamalayan eh. "Oo nga! Sabihin muna Riza! Ang fake friend mo naman, kami nag k-kwento ng mga love life namin tapos kaw hindi? Ang unfair Riza" pang g-guilty ni Kryistin. Lumaylay ang balikat ko. Ang kukulit naman ng mga toh! "Ano naman ang eh k-kwento ko? Wala naman akong boyfriend! Pero kapag yong bagong trabaho ko ang eh k-kwento ko marami akong sasabihin!" Mahinahon kong sabi kahit nagpipigil na lang na hindi sila mabulyawan. Ang kukulit eh. They sigh and rolled their eyes, natawa naman ako sa kanila. "Grabe ang experience ko! Pagkarating ko doon sa-" "Tumahimik ka Riza!baka masipa kana namin!" "Puro trabaho trabaho!ugh! Hindi ka pa nga nag k-kwento na s-stress na ako!" "Kaya hindi muna naalagaan ang sarili mo eh dahil dyan sa kaka trabaho mo!" Reklamo nila. Natawa na lang ako! Hindi pa kasi nila nararanasan na maghirap kaya ganyan ang mga reaksyon. Hindi kasi nila alam kung gaano kasaya na nakapasok sa ganon kalaking companya. Baka soon! Kapag may mga trabaho na kami, makikinig na sila sa akin, puro gala, boyfriend, make up, pagkain ang laman pa kasi ng utak kaya ganyan. I understand why they are acting like this. May kaya sila kaya why bothered nga naman! But I know, soon, sabay sabay na kaming mag kwento kong gaano kahirap ang trabaho, anong feeling mapag-initan, gaano kasaya ang makahanap ng trabaho malaki ang sweldo, at gaano ka satisfying kapag nakuha muna ang perang pinaghirapan mo. My phone vibrate kaya napatingin ako rito. From my crushiecake: Nasa burol ka or you in your school? Napataas naman ang kilay ko. Bakit nya tinanong? Na w-weirdohan na ako sa mga kinikilos nya huh. Una yong sya ang nag review ng paper ko, na hindi nya pala trabaho. Pangalawa, nakikipag-usap sya sa akin but according to his secretary hindi daw yon kumakausap ng impleyado, pang-apat yong tumulong sya sa akin dahil lang nakita nya akong pagod. He's so weird pero kinikilig ako sa nga pinaggagawa nya! Kahit ang nasa isip ko na baka nya ako trinatong ganito at tinutulungan dahil na aawa sya sa akin. "Sino ba talaga yan Riza?" Biglang tanong ni Kryistin at sumilip sa phone ko kaya agad kong pinasok sa bulsa. "Wala! Ang epal! Sabing boss ko lang eh!" Nanliit ang mata nya sa akin kaya tinaasan ko ng kilay. "Bakit hindi mo pinapakita kong boss mo lang?" Pang-uusisa nya. I sigh. "Privacy kasi! Privacy!" Madiin kong sabi pero malisyosa lang nya akong tinignan. Malakas akong bumuntong hininga. "Edi text mate! Happy? Happy?" Inis kong sabi. Nanlaki ang mata nya at biglang tumili kaya napatampal na lang ako ng noo. Malala na talaga tong babaeng to! Jusko naman! Kapag hindi totoo, maniniwala! Kapag totoo na ang sasabihin ko, hindi maniniwala. Mga abnormal talaga!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD