CHAPTER NINE

2975 Words
Buong buhay ko, ngayon lang ako nabingi sa katahimikan. Nasa isang meeting kami ngayon, busy sila sa pag d-desisyon kung tatanggapin ba ng companyang R.E.Y, which is ang companya na pinagt-trabaho-an ko ang proposal ng kabilang companya. Everyone is silent while waiting sa sagot ni Dylan. Hindi ko alam kung bakit naramdaman ko na na takot sila kay Dylan! Ingat na ingat kasi sila sa galaw nila, mahinahon ang mga boses kapag kakausapin nila si Dylan, may iba naman bida bida, nag pa-pa impress to the point na minamaliit na nila ang kasamahan nila, which is I find it quite disturbing. Discriminating your companion is really disturbing cause it can create a chaos in the team! And If the team has an issue to each other, the unity and the business will suffer the consequences. Sumenyas si Sir Dylan kay Ms Celia, his secretary's name. Agad naman itong lumapit kay Dylan. Curious naman na sumunod ang tingin ko kay Ms. Celia at kumunot ang noo nang inabot nya yong notepad na ginamit nyang pang take note nya kanina. After she handed the note pad, bumalik sya sa tabi ko at ngumiti kaya ngumiti lang ako pabalik. Bakit sya ngumingiti? Ang iwan talaga ni Ms. Celia! Bumalik ang tingin ngayon kay Dylan na nagbabasa sa notepad. Ang gwapo nya talaga! I wonder why this people are so scared on him! Ang gentle kaya nang lalaki toh, tapos ang caring pa! Ang sarap talagang mag pa baby sa kanya like love please cuddle me! I shook my head on my thought! Nandito ako para mag observe para alam ko na ang gagawin kapag ako na ang mag d-duty! I need to focus! "I will give a chance..." malamig nyang sabi. That tone, yan na yan ang ginamit nya nong una kaming magkita sa burol! Pero imbes na mabahala like sa reaksyon ng mga tao dito sa loob ng meeting room, mas na impress pa ako. Nakaka inlove talaga! The power that his holding! Grabe! Nakakamangha kaya ako nag business eh! "Improvise everything...I will give 6 hours. Meeting adjourned" seryoso nyang sabi at naunang umalis. Napanganga naman ako sa sinabi nya. Kaya ba yon ng six hours? Mag brain storming pa sila kung ano pang gagawin para mas maganda tapos gagawa pa sila ulit ng presentation tapos...what a merciless man. "Tara na Miss Wright" tawag sa akin ni Ms. Celia kaya napakurap ako at dali-daling sumunod sa kanila. "Kapag umalis na si Sir sa meeting, dapat sumunod ka kaagad and check the next appointment then sabihin sa kanya. Huwag magaksaya nya oras, hindi gusto ni sir yon. Okay ba?" Instruct sa akin ni Ms. Celia. I nod. "Take note po" Ani ko. We stop in front of the elevator, agad namang pumindot si Ms. Celia. I observe kung anong mga pinaggagawa nya para hindi na ako mangangapa pa pag ako na lang mag isa. Pagkabukas ng elevator, agad na pumasok si Sir Dylan kaya sumunod na ako. "Miss Wright, sa kabila tayo sasakay, only the bosses will ride this elevator-" "It's alright" putol sa kanya ni Sir Dylan. Napatigil tuloy ako sa paghakbang palabas at lumingon sa kanya. He nod at me kaya ngumuso ako at nanatili sa kinatatayuan ko. "Mr. De Lara! Can we request something" habol nong mga nag present kanina sa meeting. "Take care of them Celia" baritong boses na sabi ni Dylan at lumapit sa kinatatayuan ko since nasa harap ko ang mga numero. Napalunok ako nang maamoy ang pabango nyang parang gusto kong singhot singhotin araw araw dahil ang bango, nakaka addict. "Yes po sir" ani ni Miss. Celia. Mahina akong nagpakawala ng hininga nang lumayo si Dylan sa akin. Gage! Ang sarap talagang humingi ng cuddle sa kanya. Ang sarap siguro ng tulog ko kapag yakap nya ako tapos naamoy ko pa ang pabango nya. "You already know what to do?" Tanong ni Dylan kaya napasinghap ako. God! "Yes po-" "Again, don't use po on me, please" malumanay nyang sabi. See? Who said that his ruthless? Nakakatakot? Duh! "Okay...ano, okay lang naman, naturo lahat sa akin ni Ms. Celia exempt sa pagsakay rito, sorry pala hindi ko alam" paghihingi kong sorry. Hindi kasi sinabi ni Ms. Celia na bukod pala ang elevator ng empleyado lang sa mga boss. Kaya pala pagkapasok namin kanina, doon kami sa kabilang elevator. Kanina kasi, may kasama ring naka business attire si Sir Dylan sa elevator kaya ang nasa isip ko baka loaded ang elevator kaya sa ibang elevator kami sumakay, yon pala, may rule. Hindi ko naman alam tapos ang arte lang huh, halatang halata ang discrimination. "It's okay, you can ride with me here, it doesn't matter, pareho lang naman" pormal nyang sabi. "Talaga po...I mean talaga?" Inosente kong tanong at tiningala sya. Ang taas nya kasi! Hanggang balikat nya lang ako! Mataas naman ako kapag sa height ng mga babae pero kapag tumabi ka sa kanya, iwan, liit na liit ako sa sarili. He look down on me, from emotionless eyes, lumamlam ito, I don't know kung totoo ba ang nakita o nag i-imagine lang ako dahil gusto ko sya. "Hmmm yeah...Everytime I have a meeting, huwag kang lalayo sa akin. This is your first time working like this, okay?" Aniya. Tumango naman ako. Tama nga sya, baka kung sumakay ako sa kabilang elevator kung saan saan pa ako mapunta, sunga pa naman ako minsan. "Salamat sa pag adjust" sincere kong sabi. Iwan ko talaga kung bakit nya ako nilagay sa ganitong position! Ang laking responsibilidad nito tapos nag tiwala sya sa akin. He smile and tap my head kaya nanlaki ang mata ko at halos lumabas ang puso ko dahil sa lakas ng kabog nito. "It's my pleasure to help you" nakangiti nyang sabi kaya natulala ako. Shit! Ang gwapo talaga! Ang bango! Pero mas gumagwapo pa sya kapag nakangiti, it's like seeing a paradise that made your whole system found peace. "U-ugh...I hope...sir na...ano! Makakabawi ako sa kabutihan nyong ginawa sa akin" wala sa sarili kong sabi. He chuckled and pat my head one last time bago nya binalik ang kamay sa bulsa. "You will pay me someday" nakangiti nyang sabi. Hindi talaga ako naniniwala na hindi mabait si Sir! Ang gentle kaya nya! "Huh?" Gulantang kong sabi nang marealize ang sinabi nya. Pababayarin nya ako? Oh no! Wala akong ka pera pera! Alam naman nya siguro. He chuckled. Magtatanong pa sana ako nang bumukas ang elevator kaya napanguso ako. Pinag t-tripan lang ako ng gago! s**t pero bakit hindi ako nainis? Bakit mas kinilig pa ako! What did you do to me Kier Dylan!? Dahil wala pa si Ms. Celia, naghintay pa kami ng ilang sandali. At sa ilang sandali na yon, tahimik lang ako sa gilid habang abala si Sir Dylan sa phone nya. Baka my text mate. Sa na obserba ko kasi sa kanya, mahilig syang mag message instead sa call, hindi ko alam kung bakit pero yon talaga ang na observe ko at isa pa kapag mag m-message sya, parang jowang nag tatanong kong nasaan kana ngayon! Lowkey na malandi rin tong lalaking to eh! Sa message idinadaan lahat kaya dapat siguro I will brace myself! Baka maging higit pa sa crush ang nararamdaman ko. Delikado na. Alam ko naman na hinding hindi nya ako pupulutin, I am all flaws at hindi attractive, hindi rin kagagahan, cute lang but if he's looking for a hardworking, brave and a fighter, we'll...may eh lalaban ako. I shook my head. Bakit ko ba iniisip ang mga ganito? Hindi naman ako pupulutin nyan! Halatang halata at tanggap ko na. Crush lang naman, paghanga ang nararamdaman ko sa kanya so why bothered kung sino ang ka text nya diba o kung pupulutin nya ba ako o hindi. "Sorry sir, nataggalan" hingal na sabi ni Ms. Celia. Ngumuso ako at binaling ang mata sa harap. I can't imagine myself doing that. Talking to professionals, talking to the boss in an instant. Ako kasi kailangan ko pa ng matinding paghahanda bago ako makapag report! Malaking good luck talaga sa akin sa weekend, mukhang mahihirapan talaga ako sa trabaho na to! Hindi pa kasi ako sanay! First time kong magtrabaho ng ganito ka bigat ang resposibilidad! At hindi ko alam kung makakaya ko ba! Sanay kasi ako sa paglalampaso ng sahig, pagpupunas ng mga lamisa at bintana, magkukus sa lababo at kung anu-ano pa! Pero itong ganito? Na isang maling galaw mo lang, mukhang magkakaroon ng malaking problema! Imagine, kapag may nakaligtaan kang impormasyon na dapat sabihin! What will be the cause?...Malamang, malaking problema agad at sinong sisihin?...malamang ako dahil nagpapakatanga ako! Malaking good luck talaga sa akin! Sana hindi lumabas ang pagka tanga ko sa weekend! "So alam muna ang gagawin mo Ms. Wright?" Bulong ni Ms. Celia sa akin nang umandar na ang sasakyan. I nod. "Opo. Sorry po pala kanina, hindi ko po kasi alam na hindi pwede sumakay sa elevator na yon" bulong ko ring sabi. Though sinabi na sa akin ni Sir. Dylan na okay lang na sumabay ako sa kanya dahil hindi nya ako pinapalayo, siguro na obserba nya na ang tanga tanga ko kaya ganon. "Next time, alam muna. Nakalimutan ko ring sabihin sayo" bulong nya rin. Pagkarating namin sa companya, pinauwi na rin ako ni Sir Dylan, since hindi ko naman daw schedule na mag duty ngayon, pinatawag nya lang ako para makapag observe ng gagawin kapag nasa meeting. "My driver is waiting, doon ka na lang sumakay" he said out of the blue kaya natigil ako sa paglalakad dahil sa pagkabigla. Oy my God! Bakit driver nya lang ang maghahatid? Bakit hindi sya? "Naku Sir! Wag na po! Kaya ko naman pong umuwi na magisa" tanggi ko. Ano ako bumisita lang dito para magpahatid pa? At nakakahiya rin! Malayo-layo ang amin rito! Pero kapag sya ang maghatid? Why not! Ang tanga! Ang kapal ng mukha! At ang landi! Shutangina! Kung anu-ano na lang ang pumapasok sa isip ko kapag tungkol na sa kanya! "No, mahirap makasakay ngayon, rush hour and it's for your safety" mahinahon nyang sabi. Napakamot ako ng ulo! Gusto ko ng umo-o para makatipid ako sa pamasahi pero nakakahiya pa rin! At bakit nya ako ipapahatid? Dapat wala na syang pakialam sa akin gaya ng pagdisesyon nya kanina sa meeting! Walang paki kung makakaya ba yon nilang ma revise nang ganon ka liit na oras! Iwan! I should not conclude such thing! Baka sa kaka bigay ko ng meaning sa mga ginagawa nya at mga tulong nya sa akin! Baka ako lang ang iiyak bandang huli. "My driver is waiting...or.." he thrilled kaya napakurap ako. "Huh?" Parang tanga kong sabi. He tilted his head and smirked. "Or you want me to be the one who will drive you home?" "Huh? Wala akong sinabing ganyan ah!" Defensive kong sabi. Medyo tumaas pa ang boses. He chuckled kaya napatikom ako ng bibig! At gusto na lang maging isa sa mga kagamitan rito dahil sa kahihiyang naramdaman. "I guess you want me to drive you-" "Hindi Sir! Ito na po! Magpapahatid na sa driver mo...salamat sa pagpapahatid! Ang laking tulong, makakatipid ako sa pamasahe...I hope, maganda ang gabi nyo! At hindi nyo lunurin ang sarili nyo sa trabaho, good night, God bless! And have a sweet dreams... Ang pogi nyo po!" Taranta kong sabi at dali-daling pumasok sa elevator. Dinig ko ang halakhak nya habang sumasarado ang elevator! Shit! May kakayahan ba yong magbasa ng isip ng tao? Bakit parang alam nyang gusto kong magpahatid sa kanya!? Or I said it loud nang hindi ko namamalayan kaya nasabi nya yon! Napapadyak ako! Nakakahiya! Baka nasabi ko nga ng malakas ng hindi ko namamalayan! Baka kung ano pang isipin non! Or worst baka nasa isip nya na may gusto ako sa kanya! Oh my God. "Oh no!" Mahina kong sabi! Nang ma realize ang mga pinagsasabi. Nasabi ko bang ang pogi nya? Tapos! May pa good night and have a sweet dreams pa ako!? Oh no! "Nakakahiya!" I mumbled at napakuyom ang kamay! Shit! Ano yon Riza? Bakit ba naman kasi sya nagtanong ng ganon! At yong akto ko kanina! Parang nagpapahiwatig yon na mas gusto ko ngang magpahatid sa kanya! Oh my God! Anong katangahan yon Riza! Nakakahiya! Nakakahiya! "Ma'am, sakay na po kayo" magalang na sabi ng driver. Napakurap ako at malakas na bumuntong hininga! Nakakahiya talaga! Gusto ko na lang maglamon sa lupa para hindi na nila ako magpakita at hindi ko na sila makita! Jusko! Sana lang walang isiping kakaiba si Sir Dylan sa sinabi ko! Nakakahiya talaga! Hanggang pagkarating ko sa bahay, hindi maalis sa isip ko ang nangyari kanina! Kahit sa pagtulog ko, parang nagpaulit-ulit yon na pinapanaginipan ko! Kinabukasan, matinding dasal ang ginawa ko na hindi sya mag message o hindi nya ako papuntahin sa companya dahil kung hindi! Iwan ko na lang kung anong mukhang eh haharap ko sa kanya. "Hoy Riza! Saan ka pupunta?" Biglang tawag sa akin ng kaklase ko kaya nahinto ako sa paghakbang sa hagdanan. "Sa room 10. Doon tayo mag kaklase diba?" Confuse kong sabi. Natatawa nya akong tinignan. "Sa AVR tayo ngayon! Mag eh p-play na documentary si Sir...Hindi mo ba nabasa sa GC natin?" Napakurap naman, ako. "Ah, hindi? Nag message pala si Sir?" Nahihiya kong sabi. Ang tanga! Hindi ko kasi ginalaw ang phone ko ngayon o maski tinignan lang dahil kumakalabog ang puso ko sa kaba, baka kasi mabasa ko ang pangalan ni Sir. Dylan! "Oo Riza, ikaw talaga! Doon tayo sa AVR" natatawa nyang sabi. Napanguso ako at sumabay sa kanya. Gusto kong eh umpog ang ulo ko ng paulit-ulit at ipakain ang katawan ko sa lupa! Bakit ko kasi sinabi yon kay Sir Dylan! "Nakapag study ka ba Riza?" Malakas akong bumuntong hininga ako sa tanong nya! Hindi nga ako mapalagay dahil sa pinagsasabi ko kay Sir Dylan! Tapos mag-aaral pa ako? Duh! Nagsasayang lang ako ng oras! "Hindi nga eh. May quiz ba ngayon?" I asked. Puro Dylan Dylan Dylan ang isip ko. Jusko naman. "Wala pero alam mo naman yon si Sir, tangina rin minsan pero...bakit parang wala ka ngayon sa sarili mo Riza?...Lutang yarn?" Natatawa nyang sabi. Napakamot ako ng ulo. "May iniisip lang" palusot ko. Hindi nga ako puyat at hindi masakit ang katawan sa kakatrabaho! Pero ito ako ngayon, parang tanga! Si Dylan kasi eh! Hakit ba nya sinabi yon!? Yon tuloy nakapagsabi ako ng kung anu-ano. Wala ako sa sarili sa nagdaang araw kasi laging lumilipad ang isip ko sa mangyayari sa weekend! Natatakot na nga ako kapag tumutunog ang phone ko dahil baka papupuntahin na ako sa companya. "Ayokong pumasok ngayon!" I mumbled when Saturday came. Alas threes pa lang ng madaling araw gising na ako, feeling ko nga hindi ako nakatulog eh! I don't know what's happening to me, ilang araw na yong nakalipas pero ito ako ngayon, parang tangang hindi feel ang lumabas ng bahay. Alam mo yong feeling na excited ka dahil first day mo pero ayaw mong pumunta dahil sa kahihiyang ginawa mo? That's how am I feeling right now! Gusto ko na lang maging patatas dahil sa nararamdaman ko ngayon! "Sana absent sya ngayon" I mumbled while staring at the water. Gusto kong mawala tong naramdaman ko ngayon sa pamamagitan ng paligo ngayon dahil ang lamig lamig! Sana lang talaga umepekto! Nilalamig pa ako, parang yong mga buto ko sa katawanan ng yeyelo pero naligo pa rin ako kahit ganito ang naramdaman para lang maalis sa isip ko yong mga what if's ko. Eight am pa naman ang call time pero hindi na talaga ako makatulog dahil feeling ko kapag matutulog ako, mapapanaginipan ko yong ginawa ko ng isang araw! Sinabihan ba naman si Dylan ng 'ang pogi mo' , 'Good night and have a sweet dreams' at kung anu-ano pa! Ang sarap talagang magpalamon sa lupa! Maybe, nakalimutan na yon ni Dylan! Wala lang naman yon sa kanya dahil ano lang naman ako para isip nya yon ng paulit-ulit? Baka nga may girlfriend na yon, aligaga nga sa cellphone nong nakaraan naming pagkikita! Hindi naman impossible na may girlfriend yon, sa pogi non? Baka hindi na nahirapang manligaw! Sinagot na agad! Mga ganong nilalang, hindi dapat sinasayang. "Ayosan ko yang buhok mo Riza! Ikaw talagang bata ka!" Ani ni mama nang kumakain ako. "Ako na ma! Pagkatapos kong kumain...Ma!" Alma ko nang sinuklayan nya ako. "Sige na! First day mo kamo diba? Kaya sige na! Matagal tagal na rin nang huli kitang naayosan" malumanay na sabi si Mama. She's right. Huli nyang nagawa sa akin to is when I was 10? 11?...Hindi ko tanda! Basta nong elementary pa ako non. "Kaya ko naman po" Ani ko at unti-unting umayos ng upo para makakain pa rin. "First day mo ngayon! Eh enjoy mo lang, huwag mo masyadong eh pressure ang sarili mo" ani ni mama. Hindi ko naman pini-pressure ang sarili ko at hindi naman first time kong magtrabaho pero gaga kasi ako eh! Pinahiya ba naman ang sarili nong isang araw! Jusko naman. Kabado ako habang nag-aabang ng trycle patungong sakayan ng jeep! I decide na isipin na lang yong nangyari nong isang araw na hindi yon nangyari, walang nangyaring ganon para hindi ako magkanda tanga tanga mamaya! This is my first day so that I will do my all best to impress my boss, na hindi sya nagkamaling kunin ako. I need to impress him para magtagal ako sa trabaho. Ang ganda na ng position ko don sa companyang yon at baka pagka graduate ko sa koliheyo doon na ako mag t-trabaho, hindi na ako mahirapang mag apply. "Tama Riza! What happend last time is just a dream" I convince myself at tumango-tango. Masamang panaginip lang yon! Walang nangyaring ganon, wala akong sinabi na ganon! Hindi yon totoo! "That's just a dream" I mumbled again. A dream. Yeah right Riza! That's was just a dream.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD