The cycle of my life is so boring, nakakapagod at nakakapanghina. After sa school na padami ng padami ang school work, sa trabaho na naman ako na ang sakit sa katawan! Dadagan pa na palagi akong umaasa na bumalik ang lalaking iyon at sa bahay na kung hindi ulam ang problema, bigas naman.
I wanted to give up, ang sarap na lang umiyak dahil kahit anong sipag ko, hindi mauubos ang mga problema ko.
Makatapos lang ako ng pag-aaral at maging stable ang trabaho ko, gagawin ko talaga lahat ng gusto kong gawin; magbakasyon sa beach ng isang linggo, bilhin ang lahat ng gusto kong bilhin at kung anu-ano pa. Deserve ko naman.
"Kumikinis ka na Riza!" Masayang sabi ni Nelia habang pumipila kami para sa attendance ng club namin.
"Ano ngayon?" Ani ko. Walang pakialam.
Hindi naman nagbago ang mukha ko, kuminis lang pero hindi nagbago. Wala rin.
"Anong ano ngayon? Gurl! Unti-unti ka ng naging tao!" Masaya nyang sabi.
Napangiwi na lang ako.
Ano ba ako sa paningin nila? Engkanto? Mga lumalabas talaga sa mga bibig nito.
"Talaga ah" Sarcastic kong sabi. She laughed.
"Seryoso Riza! Nakikita na ang ganda mo! Pag patuloy mo lang! Within a month, re-resulta na talaga yan and by that time! Magkaka boyfriend ka na! Congrats"
Malakas akong bumuntonghininga sa sinabi nya.
Ayan na naman sila sa boyfriend boyfriend na yan! Naghahanap lang ako pero wala akong balak pumasok, naghahanap lang!pero kapag magpapakita sa akin yong lalaking nakita ko nong last last week, gagawin ko talagang boyfriend yon!
Wala ng ligaw ligaw! Sasagotin ko na agad! Mga ganong nilalang hindi dapat sinasayang!
But sadly, hindi na sya bumalik, hindi ko na sya ulit na kita pero yong ka gwapohan nya, nasa utak ko pa rin kaya hinding-hindi ko talaga sya malilimutan! Kailanman.
"Iwan ko sa inyo puro kayo boyfriend boyfriend! Naka review na ba kayo?" Nakangiwi kong sabi. She roll her eyes.
"Nag-away kami ni Mark kagabi! Hindi ako nakapag review! Bwesit kasi! Sinabing huwag sumama sa barkada nyang mga babaero! sumama talaga! Mga peste talaga!" Biglang inis nyang sabi.
"Paano mo nalamang sumama yang boyfriend mo?" Taas kilay kong sabi.
"Got feeling ko lang! Hindi ako nireplayan eh! Kaya malamang nasa barkada yon!"
Lumaylay ang balikat ko sa rason nya.
Hindi pala sya sigurado eh tapos inaway nya? What the f**k?
"Baka nakatulog lang, ikaw naman" tamad kong sabi.
Walang kwenta ang dahilan ng galit nya eh! Got feeling lang pala! Kung maka asta parang sure na sure sya.
"Hindi ako tinutulugan non! At nakita ko yong barkada nyang mga tangina kanina! Binigyan ako ng nanunuyang tingin kaya na confirm kong sumama talaga yong magaling kong boyfriend!" Madiin nyang sabi.
Ang sarap sabunutan ng babaeng toh! Ang liit ng utak! Mga simpleng bagay kung anu-anong conclusion, jusko lord!
"Tinanong mo na ba boyfriend mo?" Bored ko talagang sabi.
"I block him, inis ako sa kanya kaya bahala sya"
Natampal ko na lang ang noo ko. Abnormal talaga!
"Dapat tinanong mo! Baka hindi talaga yon sumama. Ano ka ba naman,learn how to asked! hindi yong mag c-conclude ka na agad ng kung anu-ano dyan" mahinahon kong sabi. She glared at me.
"Kung makapag advice, na experience muna? Huh?" Naghahamon nyang sabi. I sigh.
Yeah right! Bahala syang mag consumesyon dyan. Ang liit talaga ng utak.
"Iwan ko sayo, problema nyo yan, malaki na kayo, kayo nyo na yan" nakangiwi kong sabi. She roll her eyes.
"Psh!" Malditang nyang react. Napailing na lang ako.
How immature. Paano kaya nakatiis ang boyfriend nya sa ganito nyang ugali?
I promise, kapag pumasok ako sa isang relasyon, I will understand every situation, I will be logical in every aspect.Siguro kapag ganyan ang ugali ko, tatagal talaga kami! If my manligaw sa akin! O yong Dylan na nakita ko sa pinagt-trabaho-an ko.
"Soon, you will understand why I am acting like this. I swear" aniya.
Ngumiwi lang ako sa kanya.
Hindi ako ganyan ka immature noh! I rather asked than acting like that! Baka may ginawa lang ang taong mahalaga!
We have our lives too, hindi lang umiikot sa aming dalawa ang mundo kaya magtatanong talaga ako and listen to his explanation bago ako magalit.
I understand why she is acting like that kahit hindi pa ako nagkaka-boyfriend, ang dali lang naman intindihin, hindi ko na kailangan ma experience pa yan.
"Tignan natin" sabi ko na lang.
After naming mag attendance, dumiritso kami sa room 9 para sa susunod naming klase. Nandoon na sina Kristin at Iveth kaya sure akong may uupuan na kami.
"Nga pala! Kamusta yong si Jason?" Tanong bigla ni Nelia habang paakyat kami.
"Wala nga! Nagmagandang loob lang yong tao!" Bugnot kong sabi.
Pinipilit talaga nila na may gusto sa akin si Jason! Halata namang wala! Infact, wala naman talagang paki yon sa paligid nya! At wala yong interest sa mga babae, focus na focus yon sa basketball career nya.
"Sos! Kung wala syang gusto sayo sana hinayaan ka na lang nya! Gurl, hinatid ka hanggang sa inyo! Hinatid!" Kinikilig nyang sabi. I sigh.
"Nagmamagandang loob lang talaga sya! I swear" kalmado kong sabi.
"Hindi kasi! ganito yon gurl! Kung hindi ka nga gusto wala yong pakialam sayo, mag h-hi siguro dahil magkakilala kayo pero yong ihatid? Dzai! Gusto ka talaga non!" Madiin nyang sabi.
I sigh heavily.
"Kung may hinatid ba na babaeng iba yong Mark mo, ibig bang sabihin non gusto nya rin yong babaeng yon?" Taas kilay kong sabi. Unti-unti namang lumukot ang mukha nya.
"Riza! Walang kinalaman si Mark rito, okay!..."
"Kung may ihahatid nga syang ibang babae, gusto nya na yon?" Nakangisi ko ng sabi.
She roll her eyes.
"Fine! Edi nagmamagandang loob lang yong tao!" Inis nyang sabi. I laugh.
"Oh diba? Sabi sayo, walang gusto sa akin si Jason eh"
Inis na inis si Nelia sa akin, everytime na dadapo ang mata nya sa akin, sasamaan nya ako ng tingin pero tatawanan ko lang sya.
Kinagabihan! Trabaho na naman ako, nga lang, ngayon gabi, mag d-deliver ako dahil may nagpadeliver, malayo-layo sya kaya gusto kong tumaggi.
"I see na napaka hardworking mo this past few days kaya alam kong kaya mo to. Here's the address at yong floor ng unit nya. Mag-iingat ka" nakangiting instruct ng manager namin.
I sigh, nahihiya ng tumanggi.
"Okay ma'am" labag sa loob kong sabi.
"Here's the key. Mag-ingat ka sa daan" Ani ni ma'am.
Kinuha ko ang susi sa motorbike.
Marunong naman akong magmaneho dahil naturuan ako nong mga kaibigan ko! Wala lang talaga kaming motor para makatipid ako sa pamasahe, wala kasing budget.
Nakabusangot ako mukha ko habang tinutungo ang building na nakasulat. Nasa 15th floor pa ang unit na nakalagay.
Nakakapagod!
Letche naman! Sa dami namin roon ako pa nakita ni ma'am? May mga lalaki naman doon bakit ako pa na babae?
"Ang unfair ng mundo! Wala na nga akong jowa! Dito pa ako na assign ngayon!" Inis kong sabi at pinaharorot ang motorbike.
Kapag talaga ako yumaman! Hahanapin ko talaga yong manager na yon at babalibagin ko.
Pagkarating ko sa isang building, tamad na tamad akong naglakad papasok, bitbit ang order ng putanginang nag order nito! Ang arte arte! Nagpa deliver pa!
Pagkarating ko sa harap ng unit, paulit-ulit pa akong nag door bell dahil ang tagal buksan! Pa VIP talaga! Peste!
Nag bumukas ang pinto agad kong tinaas ang dala ko.
"Delivery for Kier Dylan De Lara from..." natigil ako sa pagsasalita nang nakita kong sino ang nasa tapat ko.
Sya yong lalaking inaabangan ko ng ilang araw na! Sya yong lalaking gwapong gwapo! Sya yong lalaking hinihiling kong maging akin!
"Do you have any proof that you work in this fast food chain?" Malamig nyang sabi.
Umawang ang labi ko.
Is he talking to me?
Hala! Hala! Anong isasagot ko? Yes, I am single ?
"Miss!" Tawag pansin nya sa akin kaya napatikhim ako.
"Ugh yes po sir! I am Riza Kate Wright..."
"That's not my question"
Napakamot ako ng ulo.
"Ito po yong ID ko" ani ko at kinuha ang ID na nasa bulsa ko at binigay sa kanya.
He frowned while looking at my ID, maiging tinignan ito.
Manghang mangha naman akong nakatingin sa kanya habang kumakalabog ang puso ko.
Indeed, I really have a crush on him!
Lord, sya na lang please. Please Lord.
"Thank you" aniya at sinauli ang ID ko at kinuha ang bitbit ko. He checked the box before he handed me cash.
"Salamay po sir-"
Napakurap ako ng bigla nyang sinarado ang pinto ng hindi pa ako tapos magsalita.
"Please order again" mahina kong sabi. Hindi makapaniwala sa inasta.
"Walang modo" I mumbled at inis na tinignan ang pinto.
"Buti na lang gwapo kang tokmol ka!" Gigil kong sabi at nagdadabog na umalis.
Pagkarating ko sa store namin. Malaki ang mga ngiti nila pati ang manager ko.
"So?"
"Ma'am! Hindi mo naman sinabi na yong lalaki palang yon ang hahatiran ko ng delivery!" Nakabusangot kong sabi.
"Your welcome" natatawang sabi ni ma'am.
Nagpalakpakan naman ang mga kasamahan ko.
"Buo na naman ang gabi nito!"
"Aaku-in na naman nya for sure yong trabaho sa mga ganitor!"
"Heh! Sinaraduhan nga ako ng pinto! Nakakabwesit!" Inis kong sabi.
Naghagalpakan naman sila ng tawa kaya napasimangot ako.
"Mga walangya kayo! Pinagkaisahan nyo ako!" Inis kong sabi. "Pati ba naman ikaw ma'am"
"Well atleast nakita mo na sya ulit"
"Pero ma'am! Sinaraduhan nga ako ma'am eh! Na discouraged tuloy ako!" Nagpapadyak kong sabi.
They laughed at me.
Kaya sumunod na araw, hindi na ako naniniwala sa kanila kapag may eh uutos sa akin!
Wala na akong tiwala sa kanila dahil pinagt-tripan lang nila ako! Porke baliw na baliw ako doon gaganonin na nila ako?
Anong nakuha ko? Edi pinagsarhan ng pinto.
At ang feeling din ng lalaking yon huh! Buti na lang gwapo! Pero yong pagsaraduhan nya ako ng pinto! Aba! Ang sarap sipain ng mukha!
"Riza! Wala ka bang ginagawa?"tanong ni Krystin sa amin.
That question again! Yan na yan ang tinanong ng manager namin bago ako napag tripan! Alam ko na yan, hindi na nila ako maloloko.
"Meron" pagsisinungaling ko.
"Ano naman?" Taas kilay nyang sabi.
"Kung uutusan mo ako na bilhin to o ano, o di kaya ibigay to kay ano! Ayoko!" Matinding iling na sabi ko.
Weird nya naman akong tinignan.
"Pinagsasabi mo dyan? Magpapasama lang akong mag CR" kunot noo nyang sabi.
Napalabi na lang ako.
Nadala na kasi sa ginawa sa akin ng manager ko at mga trabaho kaya para akong tanga ngayon!
Kung hindi ako pinagsarhan ng pinto nong tokmol na yon, pasasalamatan ko pa sila ng paulit-ulit! Kahit akohin ko pa lahat ng trabaho nila dahil nakita ko ulit ang crush ko at nakausap!
Pero pinagsarhan ako! Na discouraged sa inasta nya kaya ito ako ngayon! May trust issue sa mga taong may balak na utusan ako.
Nakakahiya yon! Sinabi ko pa buong pangalan ko sa lalaking yon kahit hindi nya tinanong!
Thinking of what I've acted infront of my crush! Ang sarap magpalamon ng lupa! I'm sure mukha akong tanga! At nakakahiya yon!
"Tara!Tara" iling-iling kong sabi.
"Weirdo mo talaga Riza" iling iling na sabi ni Krystin.
"Sira! Akala ko kasi uutusan mo ako!"
"Magpapasama nga lang eh" aniya. I nod.
Bakit ba ako ang napiling pag tripan ng manager namin! Because of her, may trust issue na ako! Para akong baliw sa sinagot ko kay Krystin.
Sarap talagang igisa nong manager namin.
"Hoy si Jason oh!" Turo ni Krystin sa baba.
"Ano ngayon?" Tamad kong sabi. Hinampas nya ako bigla kaya masama ko syang tinignan.
"Future boyfriend mo yan! Gaga!"
"Gaga ka rin! Hindi mangyayari yan!"
"May gusto nga yan sayo!"
"Wala nga!"
"So ipaliwanag mo yong hinatid ka nya! Sige"
I sigh. Ito na naman! Bahala sila, nakakasawa ng magpaliwanag ng magpaliwanag. Hindi naman ako pinaniniwalaan kahit totoo ang pinagsasabi ko. Nga naman, makikitid ang mga utak nito eh.
"Bahala nga kayo! Basta, wala yang gusto sa akin at hindi ko sya gusto...No more explanation!" madiin kong sabi para tumahimik na sya.
"Defensive ang Riza namin, ganyan talaga yan sa umpisa!" Nanonokso nyang sabi kaya napangiwi ako.
"Mag CR ka na!" Tamad kong sabi.
Down na down ako ngayon dahil pinagsarhan pa ako ng crush ko ng pinto, pinagkaisahan pa ako ng mga ka-trabaho ko! Even my manager.
I wanted to have break, yong makapagpahinga ako, walang iniisip na kung ano pero parang bawal ata dahil ang daming pumapasok sa isip ko at kapag hindi ko ginawan ng solusyon, ako rin ang mag s-suffer.
Ekis na sa akin ang lalaking yon! Nawalan talaga ako ng gana sa ginawa nya! Pinagsarhan ba naman ako nang hindi pa ako natatapos magsalita? Ang bastos lang!
Porke ang gwapo nya? Ganon na sya umatsa? Aba! Yong ka gwapohan nya, kukupas rin yon! Tangina nya!
Nang bumalik na kami sa classroom, nakatulala lang ako sa kawalan! Hindi talaga mapakapaniwala sa inasta ng lalaking yon! Na turn off talaga ako.
"Hoy! Si Jason nakatingin sayo!" Bulong ng demonyo sa gilid ko.
I sigh and look at Jason, he show me his thumbs up, tinanguan ko naman sya kaya nagsinghanapan sila.
Peste!
"Gurl! Sabi sayo may gusto yong tao sayo eh" ani ni Iveth.
"Sa wakas!mag kaka boyfriend na ang Riza namin!"
"Concern ang Lolo mo!"
Napapikit na lang ako ng mariin.
Ayoko na silang patulan! Lahat naman sa mga babaeng to iba ang mga kahulugan. Bahala sila.
Tapos na akong magpaliwanag! Nakakasawa na. Hindi naman nila paniniwalaan. Ang liliit ng mga utak nito eh.
Iritang irita ako habang nagkak-klase kami dahil tinutukso-tukso nila ako kay Jason.
Wala ngang gusto yong tao sa akin, obvious naman at nararamdaman ko yon! Itong mga to lang talaga ang nag-iisip ng kung anu-ano.
Nagdadabog akong umalis sa classroom dahil wala akong naintindihan sa klase dahil ang gugulo nila!
"Riza! Sandali lang!"
"Huwag ka ng magalit Riza! May Jason ka naman!"
I sigh heavily.
Maghunos dili ka Riza! Don't you dare to argue with them dahil ang liliit ng utak ng mga nyan!
"Riza, binibiro ka lang naman namin" nakangiti nilang sabi.
Tinignan ko lang sila, hindi na nagsalita pa dahil galit na galit ako sa mga pinagagawa nila.
Nakikinig ako ng maigi sa klase dahil wala na akong panahon mag self study sa bahay dahil may trabaho ako!
Ang tanging magagawa ko na lang talaga ay mag review pero yong iintindihin ko pa, hindi ko na kaya! Kaya bwesit na bwesit ako sa kanila ngayon! Nakakahiya pa kay Jason!
"Sos! Ayaw mo non? Magkakajowa ka na..."
"Wala akong paki sa jowa jowa nyo na yan! Alam nyo namang may trabaho pa ako kinagabihan! Wala na akong time mag-aral tapos ginugulo nyo pa ako" malamig kong sabi at nag walk out.
Sila kasi, ang ganda ng buhay! May mga pera kaya ganyan sila! Habang ako! Halos mamatay matay na sa pagt-trabaho para may pang-baon at maitulong kahit papaano sa mga magulang ko.
"Riza sandali!"
"Riza!"
Tawag nila sa akin pero hindi ko sila pinansin. Inis na inis talaga ako sa kanila ngayon dahil mahihirapan akong mag-aral mamaya dahil wala akong naintindihan ngayon!
Hindi kasi nila siniseryoso ang pag-aaral nila, nga naman marami ng pera pero wag naman nila akong idamay dahil mahirap pa kami sa daga. Walang wala kaya kailangan ko talagang magsikap!
I am aiming that my grade now is plot one para madali lang akong makahanap ng trabaho kaya nga nagsusumikap akong mag-aral kahit may trabaho pa ako ngayon!
Dumiritso ako sa karenderya kung saan ako kumakain palagi. Bahala sila sa buhay nila.
Wala na akong pakialam kung ako ang pag-usapan nila o kung ano ang sasabihin nila sa akin! Wala na talaga akong pakialam!
Kung wala silang pakialam sa grades nila pwes ako meron! Kung ang importante lang sa kanila ang boyfriend boyfriend na yan pwes sa akin hindi!
Mapapakain ba ako nyan? Magbibigay ng pera? Tataas ang grade ko? Hindi! Distraction lang yan!
Naghahanap ako, aaminin ko. Pero yong pag b-boyfriend na yan nasa pinaka last sa listahan ko. There's more important things than having a boy!
"Isang mismo po" order ko para naman hindi nakakahiyang tumambay.
Mamaya pa naman ang klase ko kaya dito na lang ako dahil ma b-bwesit lang ako doon sa school.
Tinutukso ako sa taong hindi ko naman gusto at hindi ako gusto! What if ma develop ako? What if mainis sa akin ang tao dahil sa mga panunukso nila?
Jason! His admirable naman, mabait, tahimik, my goal sa buhay, attractive, matalino, athletic pero iwan ko kung bakit hindi ko sya gusto! Baka kasi kaklase ko.
Never pa kasi akong nagkagusto sa kaklase ko dahil nakakahiya! Kapag mababa ang score mo, nakakahiya dahil alam ng crush mo, pag tatawagin ka sa recitation tapos hindi ka nakasagot, nakakahiya dahil saksi ang crush mo! Pressure na pressure ka pa dahil sa kadahilanang yong crush mo, kaklase mo kaya siguro hindi ko gusto si Jason dahil kaklase ko.
Like what I've said, mabait si Jason kaya nong isang araw, nagmagandang loob lang talaga sya dahil gabing gabi na, ngayon naman baka nakita nyang pagod ako kaya sumenyas sya ng ganon.
Yong mga kaibigan ko lang talaga ang iniiba ang meaning! Ginagawan ng malisya parang mga tanga.
Hindi naman ako magagalit ng ganito kapag tinukso-tukso ako! Maiinis, Oo dahil hindi totoo pero yong ginugulo nila ako kahit nagkaklase, yan, magagalit talaga ako!
Alam naman nilang nagt-trabaho ako, ilang oras lang ang tulog, pagod na pumasok sa school! Kaya sana naman naisip nilang ilagay sa lugar ang panunukso nila dahil alam nila ang sitwasyon ko!
I sigh.
Kailan ba ako titigil sa ganitong set up ko sa buhay? Nakakapagod pero wala man lang progress! Wala akong naipon, nahihirapan pa rin sa pera kahit pagod na pagod na ako!
Therefore, dapat talaga akong makatapos sa pag-aaral para sa future hindi na ako mahihirapan ng ganito.