CHAPTER FIVE

2981 Words
Natulog ng late, nagising ng maaga, what a life. Simula nong tumongtong ako ng college, hindi ko na naranasang matulog ng eight hours! Buti nga buhay pa ako hanggang ngayon eh! "Papasok ka na anak?" Tanong ni mama na naghahanda ng umagahan. "Opo" inaantok kong sagot at tamad na umupo sa mesa. "Kaarawan mo ngayon, huwag ka munang pumasok sa trabaho mo mamaya" Ani ni Mama. Kumunot naman ang noo ko. Birthday ko ngayon? "Anong petsa na ngayon ma?" Taka kong tanong. "August 8 na ngayon, kaawaran mo...maligayang kaarawan" malumanay na sabi ni Mama. Napakamot ako ng ulo. Hindi ko man lang namalayan ang petsa at araw! Ang bilis bilis naman ng panahon! Tumatanda na talaga ako at hanggang ngayon, wala pa rin akong boyfriend! Ni manliligaw, wala "Salamat Ma pero sayang yong s-sweldohin ko mamaya" Ani ko. Every year naman kapag birthday ko parang normal na araw lang! Nag t-trabaho para makakita ng pera, napapagod at na m-mroblema. Hindi kasi kami mayaman para maghanda. Some people throw a party because it's their special day but not for us! Normal lang tong araw para sa amin. "Regalo mo na lang sa sarili mo, sige na" mahinahon nyang sabi. I shook my head. Tapos kinabukasan, ma m-mroblema ako kung saan ako hahanap ng pera dahil wala akong kinita mamaya...I rather work than to face another problem again! Kung may gusto man akong matanggap na regalo? Gusto kong matapos lahat ng problema namin dahil pagod na pagod na talaga ako. It's my birthday pero nothing happened! Na m-mroblema nga ako ngayon dahil kahit tumulo na ang luha ko kagabi sa pag-aaral wala talagang pumasok sa isip ko! Sana lang talaga walang mag surprise quiz ngayon o mag pa recitation. "Sige na. Ngayon lang Riza, magsisimba tayo mamaya" Pinal na sabi ni Mama kaya bumuntong hininga ako. "Opo" Ani ko at iniisip ang perang meron ako. Sapat pa naman siguro yon para bukas! Wag lang talagang manghingi si Mama dahil gutom talaga ang labas ko bukas. Tamad na tamad akong pumasok sa school, wala talaga energy. Puyat, pagod dahil sa trabaho. Wala akong ganang pumasok ngayon dahil hindi ako nakapag-aral! Parang useless lang kapag papasok ako ngayon! "Birthday ko naman ngayon, so might as well huwag na pumasok ngayon!" I said it to myself. Dumiritso ako sa isang burol kung saan makakalanghap ng sariwang hangin.it's been a while na nakapunta ako rito. I sigh in content nang nakaupo na ako. A big three protect me from the raging sunlight, the moving vehicle became my scenery. This is my birthday so I need something like this; relaxing, walang maingay, walang problema. This is my birthday so I deserve something like this. Dahil sobrang relaxing ng paligid at pagod at puyat ako ngayon, nakatulog ako. Nagising lang ako nang nakaramdam ako ng gutom. "Putang-" "We meet again" Nanlaki ang mata ko nang nakita yong lalaking crush ko, yong gwapong gwapo, yong pinagsarhan ako ng pinto! Am I dreaming? Dahil kung oo! Gago! Ayoko ng magising! "Anong....Ginagawa mo rito?" Gulantang kong sabi. Malamig nya akong tinignan. "That's supposed to be my question to you...This is my spot" malamig nyang sabi. I frowned. His what? Pumupunta ako noon rito, way back nong high school ako, tuwing mag c-cutting class at ngayon lang ako nakabalik! At hindi ko alam kung sinong nagmamay-ari nito. Sya pala? "Sayo to?" Parang tanga kong sabi. Ang gwapo nya talaga kahit saang anggulo! At kahit ang lamig lamig ng pakikitungo nya, namamangha pa rin ako, ang bilis bilis pa rin ng t***k ng puso ko. I am really into him! He look at me coldly, bobong bobo sa tanong ko kaya napangiwi ako. "I'm sorry kong pumunta ako rito, gusto ko lang magpahangin pero! Aalis na rin naman ako! Kaya sige!" Taranta kong sabi at hinagilap ang mga gamit ko. Shit! Nakaka suffocate sya! Nakaka conscious! Kamusta naman ang hitsura ko? Nakakanganga baka ako natulog? Sobrang sabog ba ng hitsura ko? Jusko naman! Crush ko sya eh pero para akong basura! Hindi pa naman ako nag-ayos kanina dahil tinatamad ako. "Your a working student?" Bigla nyang tanong kaya napatigil ako sa pag hakbang. "Huh?" Taka kong sabi at tinuro ang sarili ko. He nod. I stared him pero nang nagtama ang paningin namin. I see sadness, pain, and grief. That kind of look, alam na alam ko yan dahil ganyan din ako. "Yup" aniya. I sigh at umupo. Birthday ko naman ngayon! Birthday gift siguro to ni Lord sa akin! Feeling ko kaya sya nandito dahil may bumabagabag sa kanya. I don't know what is it pero ramdam ko na may bigat syang dinadala, that's my eyes also when I am so down! Nandito sya dahil gusto nyang magpag-isa and I understand why he choose here, it's refreshing, maka reflect ka talaga. "Hmmmm...It's a surprise that someone is in my spot...You work that fast food chain?" He asked again. Gusto kong tumalon sa burol na to sa sobrang kilig at saya! What God given to me is more than what I wish for! Yong makausap sya, yong nasa malapit sya! Oh my God! Gusto ko ng tumalon at sumigaw ng sumigaw. "Anyway, I am Kier Dylan" pormal nyang pakilala at naglahad ng kamay. Shit! Ang daming kalyo ng kamay ko pero gusto ko ring mahawakan ang kamay nya kaya tinaggap ko na. "Riza Kate" pormal ko ring sabi. Gusto kong palakpakan ng sobra sobra ang sarili ko dahil ang kalmado ko pa ring makipag-usap! Thanks to my course, it teach me to calm my mind in every situation! Pero ang systema ko, nagwawala na. "What a nice name" Aniya. Mahina akoang napasinghap. s**t! He compliments me! He compliments me! Buo na ang birthday ko! Buo na! Mahabang katahimikan ang namutawi sa amin. Nakatingin lang sya sa harapan while me, hindi na humihinga dahil sa presensya nya. At bakit sya napadpad rito? Impossible namang pumunta sya dito para sa akin, ang feeling ko naman! Hindi kami magkakilala, walang communication kaya impossible. I didn't know na madalas pala sya rito dahil kung alam ko lang, araw araw talaga akong pupunta rito kahit masyadong malayo. "Reason why your here because of a problem?" Bigla nyang tanong. Parang mahuhulog ang puso ko dahil sa sinabi nya. It's a normal question pero iba ang dating sa akin. Bakit ang gwapo nya naman kasi! "Ugh...Hindi, papahangin lang" kalmado kong sagot. The way he talk, his silence, the way he sat down, the way his Adam's apple move. Manghang-mangha ako at nakakahulog ng puso. He nod. Hindi ulit nagsalita kaya ngumuso ako. Hindi ako comportable, even though I have a crush on him, he still a stranger to me kaya nakakailang. Nakakailang huminga dahil baka mabaho ang hininga ko dahil kakagising ko lang, tapos na b-bothered pa ako baka mukha akong sabog o may muta pa, ang sarap ring mag suklay dahil baka buhaghag na buhaghag ang buhok ko pero naiilang akong gumalaw. Mahabang katahimikan ulit ang namutawi pero binasag lang yon nang kumukulo kong sikmura kaya namula ako ng husto, hiyang-hiya. "Ugh...una na ako sayo" naiilang kong sabi. He chuckled kaya bahagyang nanlaki ang mata ko. Shit! Nakakahiya! "Be safe" aniya. Habang pababa, mahina akong tumitili dahil sa kahihiyang nangyari! "Nakakahiya! s**t!" Malutong kong sabi. Sa harap pa ng crush ko! Nakakahiya! Sabog pa ako ngayon, tumunog pa ang tyan ko! Paano ako magugustuhan non? Nang masiguro kong malayo-layo na ako, saka ako nagsisigaw sa kahihiyan! Nakakahiya talaga! Inis akong pumunta sa pinakamalapit na karenderya at kumain doon, wala ng pakialam kong kung magkano ang mababayaran! Magpapakabusog talaga ako ngayon! Pagkakataon ko na yon eh para makilala sya ng lubos lubos pero tanginang tyan to! Pinahiya pa ako! Pagkatapos kung kumain, nagisip pa akong bumalik sa taas pero baka maging creepy ako para sa kanya! Baka isipin non na kaya ako bumalik doon dahil may gusto ako sa kanya. Ayoko ng ipahiya ang sarili ko! Labag sa loob na naglakad ako patungong sakayan. Papasok na nga lang ako! Baka ano pang kahihiyan ang gagawin. Pagkarating ko sa school, nakabusangot ako dahil sa nangyari. Sayang yong pagkakataon na yon! Sana kung hindi tumunog ang tyan ko! Edi sana friends na kami non! Sayang talaga yon. Pagkapasok ko sa classroom, napatalon ako nang biglang nagputukan ang mga confetti. My eyes widen when they start singing happy birthday. My three friends are holding a cake. I swallowed hard. Naiiyak sa ginawa nila. "Ano to?" Hindi makapaniwalang sabi. I don't know how to react! What they did is really shocking. Inis ako sa kanila, hindi ko sila pinansin dahil sa ginawa nilang panggugulo sa akin and here they are surprising me. "Happy birthday, happy birthday, happy birthday to you!" Nakangiti nilang kanta. I sigh para mapigilan ang luha ko but I cannot help it anymore dahil parang hinaplos ang puso ko sa ginawa nila. "Wish ka na! Dali!" Excited na sabi ni Krystin. "Iiyak na yan! Iiyak na yan! Iiyak na yan" they chanted. I shook my head and close my eyes to make a wish. Magulong magulo ang lahat, they greeted me every now and then, parang mga tanga lang. "Jason mag greet ka naman!" Hyper na sabi ni Iveth. I sigh at nag enjoy na lang sa kinakain. Bahala sila dyan! "I already did" I heard him answered. "Dapat personal yong kayo lang dalawa, you know..." Napailing na lang ako. Mga baliw talaga! Naniniwala talaga silang may gusto sa akin si Jason! "Sungit mo talaga Jason, hindi man lang sumakay!" "May gusto ka kay Jason, Riza?" One of my classmate asked. I frowned and shook my head. Everyone react kaya napabuntong hininga ako. People now a days! Hindi ako ganito kapag nagkakagusto ako! Ni wala nga akong naramdaman na kahit anong katiting! Pero don sa Kier Dylan! Shutangina lang! Nakakahiya yong inasta ko kanina! Letche talaga tong tyan ko. Sanay naman tong gutom kaya bakit...Bakit tumunog kanina!? Ang epal naman! Yon na eh! Kinakausap na ako, nagpakilala sya pero nabali ang lahat dahil tumunog ang tyan ko! Sayang lang! Ang sayang sayang lang! Pero! Why not visit there tomorrow? Pero may klase ako at may trabaho! At baka rin maisip nya na bumalik ako doon para sa kanya. I frowned. Baka hindi rin yon bumalik bukas! Nagkataon lang talaga na nagpang-abot kami doon. According to him, spot daw nya yon!baka pumupunta lang yon doon para magpahangin o para makapag-isip. Kung sana, hindi tumunog ang tyan ko, nakapagtanong na sana ako kung pupunta ba sya doon ulit! "Salamat sa inyong lahat" buong puso kong sabi. They laughed. "Sos! Wala yon! Wag ka na ulit magtampo sa amin Riza!" Masayang sabi ni Nelia. I laughed. "Huwag nyo na kasi akong guguluhin ulit! Alam nyo naman" "Promise! Pero gaga ka pa rin! Sasabunutan sana kita pero birthday mo ngayon kaya gift ko na sayo na hindi kita saktan" "Sos! Mga abnormal lang talaga kayo!" "Jason! Ikaw?" Tukso nila. I sigh. "Umayos nga kayo!" Saway ko sa kanila. I look Jason at binigyan sya ng sorry look. He shrug kaya masama kong tinignan ang tatlo. "Wish namin sayo Riza magka jowa ka na!" Walangyang sabi ni Iveth kaya pabiro kong hinila ang buhok nya. I am so happy on what happened today. Walang pag lagyan ang tuwa ko dahil sa ginawa nila. Nang mag dismissal, pumunta muna ako ng church bago umuwi! Wala akong trabaho ngayon kaya marami akong tulog ngayon! This is the first time for a very long time na makakatulog ako ng mahaba-mahaba. "Luh?" Shock kong sani nang naabutan ko sina Mama at Papa na nag-iihaw ng manok. "Oh nandyan ka na pala! Huwag ka munang papasok ngayon sa trabaho" Ani ni mama. I nod at nagmano sa kanila. "Saan nyo nabili yan ma?" I asked. "Naku! May nagpaggawa ng electric fan sa tatay mo! At may manokan pala kaya nabigyan" natutuwang sabi ni Mama. "Luh? Saktong sakto naman" "Oo nga eh! Sige na magbihis ka na don" Thank you lord. I said it in my mind. Hindi man ako mayaman sa pera, mayaman naman ako sa pagmamahal ng pamilya ko at mga kaibigan. Those past years, wala talaga akong handa sa birthday ko dahil minsan na t-timing na sa birthday ko, may naniningil sa upa ng bahay, bayarin sa kuryente o di kaya ipangbabayad sa loan ni mama. Ngayon lang talaga na ulit kaya napakasaya ko. "Happy birthday ate!" My 2 sister greeted me. Tinanguan ko lang sila. "Happy birthday ate" my brother said. I just nod at pumasok sa kwarto ko at nag review ng konte. Hindi naman nila ako inutusan na kong anong gagawin kaya mag-aaral na lang ako para wala ng hassle mamaya, matutulog na lang. I am so thankful of those person na nag effort at naki celebrate sa birthday ko. I am so happy that they make it special. Kinabukasan, back to normal na naman ang lahat; pumasok sa school, sumasakit ang ulo sa quizz at kinakabahan tuwing may tinatawag ang prof namin. Gustong gusto ko nang grumaduate dahil nakakapanghina ang school! Ang mga bayarin pa na nagpapasakit sa ulo ko. Hindi ko na nga alam minsan kung saan kukuha ng pera, kung pwede lang magikin, gagawin ko eh. "Tanginang professor yon! Ako pinag-initan!" Inis na sabi ni Nelia. Napagalitan kasi dahil hindi nakikinig kaya after mag discuss ng proff, tinanong sya ng tinanong, napahiya pa dahil ni isa wala syang nasagot na tama. "Gaga ka kasi kong makipagusap! Sabing tumungin ka lang sa harapan eh" "Gaga ka rin! Yan naman ang ginawa ko, timing lang talaga na lumingon sya sa banda natin kaya ganon" "Ang weak mo pa rin! Pwede namang hindi lumingon, nakikinig naman ako" "Psh! Nakaka bwesit ang proff na yon! Sinabihan ba naman akong ang bobo ko raw sa klase pero pagdating sa chismisan active na active ako?...Hah! Atleast maganda pa rin!" Napailing na lang ako sa usapan nila. Wala talagang paki sa pag-aaral nila, makapasa lang kahit pasang awa lang ang grade, okay na! Basta ako? I will try my best na ma plot one lahat ng grade ko para makapasok agad sa trabaho. Wala naman silang mga problema dahil may mga kaya naman sila! Kaya ganyan, walang mga paki. "Riza, mag j-joy ride kami mamaya, sama ka?" Tanong ni Krystin. I shook my head. "May trabaho ako eh. Hindi ako pwede" tanggi ko sa kanya. "Mag absent ka muna!" "Tangenk! Absent na ako kagabi tapos a-absent pa ako ngayon!?...Hindi na pwede" "Kami ang magbibigay sayo ng pera-" "Nah, ayoko! Mag t-trabaho ako, kayo na lang" Ani ko. Ayokong tumanggap ng tumanggap mula sa kanila baka in the end, yan pa ang isusumbat sa akin. Nothing is constant in this world, everyone leave, everyone slip apart kaya as much as I can, tatanggi ako sa mga ibinibigay nila dahil ayokong sumabatan sa bandang huli na binigyan kita ng ganito ganyan, may utang na loob ako. Ayoko ng ganyan. "Ang KJ talaga! Minsan lang eh" nakanguso nyang sabi. "Wala na akong kakainin bukas kapag hindi ako mag t-trabaho ngayon, tyaka na yang joy ride joy ride na yan pag mayaman na ako" natatawa kong sabi. Pagkapasok ko sa trabaho, they greeted me a happy birthday too kahit tapos na. "Bakit hindi ka pumasok kahapon? Doon sana kami kakain sa inyo!" "Nag letchon to dahil hindi talaga pinasukan!" "Isang maliit na manok lang noh... at hindi ako pinapasok ni mama kahapon" I explain "Belated happy birthday! Pero sayang kahapon yong crush mo nandito" My eyes widen. "Talaga?" "Yup! And guest what! Hinanap ka beh!" Mas nanlaki pa ang mata ko sa narinig. Ako? Hinanap? "Totoo ba yan?" Windang kong sabi. Yong lalaking yon hahanapin ako? "Yes! Tanongin mo pa kay Gerome" I look at Gerome. He nod boredly kaya napatakip ako ng bibig. "Oh my God! Kilala nya ako?" Patili kong tanong. They laugh and nod at me kaya nagtatalon ako. "Kilala nya ako? Like, tinanong nya pangalan ko?" Tuwang tuwa kong sabi. "Oo nga! Tinanong nya. Can I speak to Riza Kate?...Yan pa ang tanong pero wala ka, sayang" naawa nilang sabi. I purse my lips. "Luh? Alam nya nga! Oh my!" Tili ko at nagtatalon, hinampas ko pa ang nasa malapit sa akin dahil sa kilig. "Jusko naman tong si Riza!" "Sabi sa inyo eh, mababaliw yan" "As expected" "Yaan nyo na, birthday nya naman kahapon" Ganadong ganado ako sa pagt-trabaho dahil sa narinig kahit ang daming trabaho! So he knew my name! Oh my! Buo na ang araw ko! I am all energy kahit nag overtime ako, hindi ko naramdaman ang pagod at sakit sa katawan dahil sa narinig. "Good mood na good mood ah?" Natatawang sabi ng ka trabaho ko nang kinukuha namin ang gamit namin sa locker, mag o-out na. "Ofcourse!"Hyper kong sabi. "Nga pala! Nakalimutan namin kanina kaya ka pala hinanap nong gusto mo dahil may nakalimutan ka raw...ito oh" aniya sabay lahad ng paper bag. "Huh?" Taka kong sabi habang iniisip kong anong nakalimutan ko sa burol na yon. I look at what's inside, napangiwi na lang ako nang nakita ko ang panyo ko! Hindi ko man lang namalayan na nawala to! At nilagay nya pa pala sa paper bag. Ang sweet naman ng bebe ko. Kahit ito ang rason nya kung bakit nya ako hinanap, masayang masaya pa rin ako! Malaman nya lang ang pangalan ko, okay na okay na ako dahil alam nyang nag e-exist ako sa mundong to! Pero mas sasaya ako kapag naging akin sya. Habang naghihintay ng masasakyan, kinuha ko ang panyo sa paper bag at inamoy ito. "Amoy ko pa rin" nakangiwi kong sabi. Ibabalik ko na sana ang panyo nang may nakita akong maliit na card kaya taka ko yong kinuha. May naiwan rin ba akong card? Pero wala naman akong gamit na ganito at hindi rin ako gumawa kaya impossible! When I open the card, nalaglag ang panga ko. Happy Birthday, It's nice meeting you. Enjoy your day. -Dylan
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD