CHAPTER EIGHTEEN

3028 Words
Simula nang nalaman nila about me and Dylan, Palagi na akong tinutokso ni Krystin na kesyo daw ang swerte ko dahil ang gwapo at ang yaman raw! Eh wala nga akong pakialam kung gaano kayaman yong lalaking yon. Though na shock talaga ako na ganyan pala sya kayaman pero wala akong pakialam dahil hindi ko naman sya ginusto dahil sa yaman nya! Sina Iveth at Nelia naman parang hindi nila tanggap na may isang Kier Dylan ang nagkagusto sa akin dahil kesho raw ganito lang ako at ganyan. Iwan ko nga sa kanila eh dahil bakit ganyan ang akto nila. Alam ko namang impossibleng ang isang tulad nya ay pulutin ang isang tulad ko. Kahit nga ako eh, hindi makapaniwala na may gusto sya sa akin eh. Ang akin lang, bakit parang hindi nila tanggap na ang isang tulad ko ay may manliligaw na! Diba palagi nila akong pinipressure na magkaboyfriend ako? Bakit ngayon parang nagiba ang ihip ng hangin? Parang ayaw na naman nila? Not that I relay on their decision pero nag w-wonder lang ako kung bakit ganyan ang akto nila sa akin! Eh palagi nila akong sinasabihan na dapat magkaboyfriend ako, ganito ganyan pero ganito ang akto nila ngayon? "Riza! Magkikita ba kayo ng bebe mo mamaya?...Sama ako!" Kinikilig na sabi ni Kystin. I sigh. Sya lang talaga tong naramdaman kong sumusuporta sa akin, hindi ko lang alam kung anong takbo ng utak ni Iveth at Nelia. "Hindi" tamad kong sabi. May business meeting mamaya si Dylan, mukhang matatagalan raw pero gagawa sya ng paraan para sabay pa rin kaming kumain pero sabi ko next time na lang dahil ang dami ko ring gagawin. Ngumuso si Krystin "Sayang naman pero mag kwento ko nga paano kayo nagkakilala!" Excited nyang sabi. I sigh. Ang kulit talaga ng babae to pero wala namang masama kong eh kwento ko. I glance Iveth at Nelia na nakikinig pala sa amin na nakahalukipkip. "Sige na! Para naman hindi kami mag isip na ginayuma mo yon o binenta mo sarili mo sa kanya kaya ganon" nakangiwing sabi ni Nelia. Nakamot ako ng kilay dahil nahihiya ako! Pero alam na nila eh! Kaya bahala na kung anong sasabihin nila, atleast ako, alam ko na mahal ako ni Dylan at may gusto ako sa kanya. No other things attach. "Nong birthday ko, diba hindi ako pumasok sa morning class?" I asked them. Hyper namang tumango si Kyrstin. "Oo! Na stress nga kami non dahil ang tagal mo non! Baka matunaw na ang candle kaka sindi at patay namin!" Singhal sa akin ni Kystin. I giggle on what I've heard. Hindi ko kasi alam yan dahil hindi naman sila nag kwento. "Yon nga, pumunta ako sa may burol doon malapit sa lugar namin para bigyan ang sarili ko ng pahinga dahil pagod na pagod ako ng panahon na yon and without knowing na doon pala sya tumatambay kapag free time nya, ayon nagpangabot kami doon" "So! After non? Palagi ka ng pumunta dahil nandoon sya?" Sarcastic na sabi ni Nelia. "Lowkey talaga na malandi tong babaeng to!" Natatawang sabi ni Kystin. I sigh. "Hindi dahil diba? Loaded na loaded tayo sa schedule natin tapos nag t-trabaho pa ako doon sa fast food chain non...Ay! nakita ko rin pala sya doon, yon talaga ang unang kita ko sa kanya, tapos nakapag deliver din ako sa unit or penthouse nya ba yon? Iwan....So, he know where I worked, and kinagabihan sa birthday ko, pumubta pala sya sa pinagtrabaho-an ko dahil binigay nya yong panyo ko na naiwan ko doon sa burol" mahaba kong sabi. I can't believe myself, naalala ko pa kung paano kami nagkakilala, ni hindi ko nga naalala kung paano nabuo ang pagkakaibigan namin eh, paano nagsimula, paano nabuo tong friendship namin pero sa kay Dylan?...Alam na alam ko. Nga naman sinong makakalimot na sa bawat pagkikita namin, bawat moment namin, hindi maalis alis sa isip ko! "Lah? Sya pala ang nag first move? Ang haba talaga ng hair!...Pero curious ako, paano ka nya niligawan?" Hyper talagang sabi ni Kystin mukhang enjoy na enjoy na makinig. "Ano, mag d-date kami, he always updating me about sa mga ginagawa nya, also everyday nyang sinasabi sa akin na mahal daw nya ako...Aray!" Inda ko nang bigla nya akong hinampas sa braso at tumili. Bwesit talaga kapag ganito tong babaeng to, nabubugbog ako! "As in? Araw araw talaga yan? Walang palya? Gaga ka! Seryoso nga yan sayo, ang busy busy ng taong yan tapos binibigyan ka ng time! Ganda talaga ng friend ko" iling-iling na sabi ni Kystin. "Ganyan talaga yan sa umpisa" tamad na sabi ni Iveth. "Pero given the fact na may trabaho na ang tao! And take note hindi lang simpleng trabaho, he is the boss, hindi lang isang companya ang hinahawakan, hindi lang isang business meeting ang pinupuntahan tapos inuuna pa ang Riza natin? Gurl! Priority ang friend natin so it means, seryoso yong tao!" Madiing sabi ni Kystin. Ngumiwi si Nelia at malakas na bumuntong hininga kaya yong ngiti ko sanang lalabas, napawi dahil sa reaction nya. I want to ask them what's wrong about Dylan is inlove with me. Pero kapag naiisip ko kung gaano kalala ang lumalabas sa bibig nila, uurong ako. "Ganyan ba ang basihan nyo sa seryoso?" Taas kilay na sabi ni Nelia. Napakunot naman ang noo ko dahil wala akong maisip na sagot dahil ngayon lang ako nakaranas na may manliligaw kaya paano ko malalaman na seryoso nga si Dylan, na yong mga pinapakita nya ay hindi kasinungalingan? "Yong sinabi ni Riza, Isa yon sa mga basahin na seryoso ang lalaki!...Bakit? Kapag ba wala kang gusto sa tao, eh u-update mo kung anong gagawin mo? Uunahin mo kaysa sa trabaho mong tambak na tambak na?...Hello! Hindi nga mag replay ng ilang minuto nga jowa nyo, nag o-overthink na kayo eh!" Krytin said in a matter of fact toned. They continue arguing about Dylan; kungl seryoso ba sa akin o hindi.tumahimik na nga lang ako dahil ramdam ko talaga kina Iveth at Nelia na hindi nila tanggap na may manliligaw ako na kagaya ni Dylan! When lunch came, dumiritso ng labas sina Iveth at Nelia, tanging si Kyrstin lang ang naghintay sa akin dahil gusto nyang magpakwento! "Ramdam mo rin ba sina Nelia at Iveth?" Tanong sa akin ni Krystin habang lumalabas kami sa classroom. I sigh. I thought ako lang ang nakakapansin, pati pala sya. "Hmmm" tanging nasagot ko lang. Ayokong magbitaw ng salita, alam ko rin ang ugali ng babaeng to! Baka sabihin non kina Nelia na sinabi ko to ganyan! Edi mas lalo yong mainis sa akin! "Naiingit lang yon sayo dahil Gaga ka! Ang gwapo, ang yaman, at ang hot ng lalaki mo! Walang binatbat ang mga jowa nila! Grabe talaga! Paano ba magkaroon ng ganyang mukha huh? Or...Irito mo ako sa kapatid non or mga pinsan!" Napangiwi na lang ako sa kanya. One thing that change about me and Krytin, palagi na nya akong sinasamahan! Mas pipiliin nya pa ako kaysa kina Nelia! I don't know with them, simula nong nalaman talaga nila about sa amin ni Dylan, biglang nag iba ang ihip ng hangin. Natawa na lang ako sa kanya. "Sira! Naiilang pa nga ako minsan kapag kasama ko si Dylan eh" "Ganyan talaga yan sa umpisa!...Pero Riza! Huwag na huwag mo na yong pakawalan!" "Sira! Hindi pa nga kami!" "Edi, sagutin mo! Huwag mo ng pinapatagal dahil hello! Dapat ang relasyon nyo ang pinapatagal hindi ang panliligaw! At ayaw mo non? Instant millionaire ka kapag nagkataon!" High pitch nya talagang sabi. Umiling-iling na lang ako sa kanya! Wala naman akong pakialam sa yaman ng lalaking yon! Ayoko rin ng puro instant sa buhay dahil hindi nakaka proud! Gusto ko kung yumaman ako,dapat pinaghirapan ko, dugo't pawis talaga ang nilaan para naman nakaka proud o di kaya ma inspire sa akin ang mga tao. Pagkarating namin sa boarding house ni Krystin, umupo muna ako sa isang wooden chair habang sya naman ay kinukuha ang kakainin nya sa taas. My phone beep kaya kinuha ko ito. From My Crushiecake: Hi...Kumain ka na?...Nasa meeting pa ako ngayon, we can't lunch together, I'm sorry. Napangiti ako sa nabasa. Bakit nag s-sorry to? Sabi ko naman sa kanya na okay lang na hindi kami sabay ngayon dahil super busy sya. Sira din ang ulo ng isang to eh! Pinipilit talagang sabay kaming kumain, eh palagi nga sya ang nagbabayad pero! Wala lang naman yon sa kanya! To My Crushiecake: Magl-lunch pa lang ako...At ano ka ba, bakit sorry? Naiintindihan ko naman I replied! Alam rin naman nya na hindi talaga kami pweding magsabay ngayon dahil super busy nya pero gumagawa pa rin ng paraan. From My Crushiecake: I want to be with you so let's eat together in dinner. Please. I sigh! Mag p-part time sana ako para malaki-laki ang ipon ko ngayong linggo pero dahil sa lalaking to! Hindi ko matuloy ang plano. To My Crushiecake: Diba busy ka? I replied. Ayokong umu-o sa kanya dahil kahit ako may plano na mamaya pero kapag sinabi nyang mag dinner kami, edi papayag na lang! Marami pa namang bukas. From My Crushiecake: I'm not, I will fetch you by 6:00? I sigh heavily! Edi! Cancel ang pagt-trabaho ko dahil may date kami ng bebe ko! Minsan lang akong maging ganito kaya lubos lubosin na. Nakanguso akong nag tipa ng reply. To My Crushiecake: Okay, see you later? From My Crushiecake: Question mark?...Anyway see you later baby. Napatikhim ako sa replay nya. Nilapag ko muna ang phone ko dahil nag iinit ang pisngi ko at kumalabog ang puso ko. "Nangyayari sayo Riza?" Takang tanong ni Kystin na kakabalik lang, may dala ng rice cooker at plato nya. Umayos ako ng upo at tumikhim. "Wala, ganito talaga ako kapag naiinitan" pagdadahilan ko. Krystin shrug. Nakahinga naman ako ng maluwag dahil hindi sya ng uusisa, knowing her? Alam kong hindi sya naniniwala dahil alam nya naman kung paano ako a-akto kapag naiinitan! Everything really change huh? But my question is...Why? Naguguluhan ako sa mga inaakto nila, I have an idea pero parang impossible kasi kapag sinabi kong naiigit sila, impossible naman kasi may boyfriend na sila, ilang years na nga sila eh! Tapos ang gaganda pa nila, habang ako, cute lang at humihinga dito sa earth. "Saan kaya ang mga Gaga ngayon? Iwan ko rin sa mga yon kung bakit ganon ngayon, natapakan siguro ang pride nila" Ani ni Kyrstin. "Huh?" Taka kong sabi. Wala naman akong ginawang masama sa kanila. Sila nga tong kung anu-anong sinasabi pero wala akong reklamo, nga lang kapag sumusubra na sila, umiimik na ako! "Kahit kailan ka talaga Riza! Pero hello! Hindi mo ba nahahalata? Insecure ang mga yon, naiingit dahil naka sungkit ka ng lalaking ideal nila!" Mataray nyang sabi. Napakurap naman ako. "May mga boyfriend naman ang mga yon" Ani ko at kinuha ang baunan ko. "Oo nga pero do you think yon ang ideal man nila?" Taas kilay nyang sabi. Kumunot naman ang noo ko sa narinig. "Bakit nila sinagot kong hindi pala?" Confuse kong sabi. Dahil kung ako kapag hindi ko gusto ang isang lalaki, hindi ko papansinin no kahit ganito lang ako, cute lang! O di kaya di ko sasagutin dahil sa ano pang rason? Para sabihin lang na may boyfriend. Nakikisabay sa uso? "Duh! Dzai malamang, niligawan, sinabihan ng matatamis na salita, binigyan ng chocolate at flowers, fini-flex sa f*******:, i********:, tweeter, libre palagi...araw araw yon kaya nabaliw, na sanay, hinahanp-hanap na ang lalaki, na realize na inlove na inlove na pala sila, sinagot kahit hindi ideal man nila" mahaba nyang sabi. Hindi ko tuloy alam ang sasabihin ko dahil ang pumasok lang sa isip ko ay ang swerte ko pala dahil yong gusto kong lalaki, gusto rin ako, niligawan pa ako. Unlike them, na....na develop ang feelings through the process of courting. "Ang tanda mo na Riza, 23 ka na pero baby ka pa rin in terms of love...Kaya kung ako sayo, isipin mo ng mabuti ang mga desisyon mo kapag sa inyo na nong lalaki mo ang usapan dahil bago ka pa lang nagkaboyfriend!" Seryoso nya talagang sabi. I nod. She's right, I am a still beginner so dapat isipin ko lahat ng desisyon ko dahil nasa akin nakasalalay ang lahat. Ako ang papayag sa mga gusto ni Dylan! Once I agree or allow what he wants, gagawin nya na ang gusto nyang gawin and all I will do is accept what he did dahil pumayag ako. I cannot undo the history so I need to be mindful on my desisyon. We keep on talking about Dylan, Curios na Curios talaga sya about him! Kaya nag kwento ako pero kapag mapupunta na sya sa kanila ni Nelia at Iveth, hindi ako magbibitaw ng salita! Tatango lang ako o di kaya tatawa. Saktong papasok na sana kami sa gate ni Krystin nang dumating si Nelia kasama ang boyfriend nya. Nagkatinginan pa kami ni Krystin kasi parang nag-aaway ang dalawa! "Hoy-" "Alam mo namang ayokong kumain don pero pinilit mo ako! Anong napala ko? Sumakit ang tyan ko!" Madiing sabi ni Nelia sa boyfriend nya kaya natigil si Krystin sa pagtawag sa kanya. "Yon lang afford ko! Hindi ko kaya sa Jollibee o sa mga gusto mong kainan, wala akong pera ngayon" her boyfriend said. "So? Kasalanan ko pa ngayon huh?" "Hindi, nagpaliwanag lang ako na wala akong pera! Alam mo naman kapag mayroon ako, ibibigay ko lahat ng hiling mo" "Huwag mo akong kausapin ngayon!" Napakurap ako habang sinusundan sina Nelia at ang boyfriend nyang pumapasok. "Gagang yon! Ang arte talaga nya! Ito namang si Mark, nagpapa-under! Psh!" Napalingon naman ako kay Krystin. "Saan kaya yon nag lunch?" Curious kong sabi. "Ay malamang don lang sa gilid dilid! Nag pater lang siguro kaya pumuputok na naman butche non!" Maarte nyang sabi at hinawi ang buhok nya "Ano naman? Masarap naman yon?" "Para sayo! Oo, Pero sa arte non tingin mo kakain yon ng ganon?...Ang feeling rin eh! Tudo kayod nga ang daddy nya sa ibang bansa para mabigay ang luho nya tapos ito sya?...Buti nga pinag tyagaan yan ni Mark eh, ang pangit ng ugali!" Nakangiwing sabi ni Krystin. Hindi na lang ako umimik, baka may masabi akong masama at mag report pa tong babaeng to sa dalawa, edi patay na naman ako. "Kaya ingit na ingit yan sayo eh dahil boyfriend mo kayang bilhin ang mundo para sayo! Taray talaga!" Biglang tukso nya. "Gaga! Hindi naman nag ma-matter ang pag-ibig sa mga ganyan" maingay kong sabi. Kung hindi ko lang alam ang ugali ng babaeng to? Nasabi ko na ang napapansin ko kina Nelia eh pero alam ko! Traydor to minsan baka mapahamak pa ako. "Bakit? Ikaw sila?" Taas kilay nyang sabi. Napangiwi tuloy ako. "Edi hindi" tamad kong sabi. "Iba kasi ang mga mindset non!...Alam mo kung anong mindset non?" Natatawa nyang sabi. "Edi-" "Walang mindset! Hay naku Riza!" Natatawa nyang sabi. Napailing na lang ako sa kanya. Pagkapasok namin sa classroom, tinanguan lang kami ni Iveth at si Nelia naman hindi kami pinansin, mukhang wala pa sa mood. "Hoy Riza! Susunduin ka na naman ba ng bebe mo?" Kinikilig na sabi bigla ni Krystin. Gulat akong napalingon sa kanya dahil sa tanong nya. Nakakagulat lang.She wink at me and look at the two kaya sinundan ko ng tingin. Nakita ko si Iveth na nakatingin sa kawalan pero mukhang nakikinig sa amin, even Nelia shifted her seat. "Ah-" "Sos! Nakita ko kanina sa phone mo! Susunduin ka raw tapos kakain kayo sa five star restaurant! Shocks! Sana all makakain na doon, baka naman dalhan mo ako kahit tubig lang doon!" Malakas na boses nya talagang sabi. Napatampal na lang ako sa noo ko. Ang trip talaga ng babaeng to! Baka mas lalo lang ma bad trip si Nelia at nagsinungaling pa talaga! Ang galing talagang magtahi ng kwento! "Hoy Riza! Kung ayaw mo akong dalhan, isama mo na lang ako!" Makulit nya talagang sabi. "Hindi kami-" "Ahhhh sos! Narinig ko kanina sa phone mo na kakain kayo sa five star restaurant! Susunduin ka pa kaya sige na Riza, friend mo naman ako" Napapikit ako ng mariin at kinagat ang labi para matago ang ngiti ko. Obvious na obvious na nagsisinungaling sya dahil ang una nyang statement, nakita sa phone, ngayon narinig! Hindi rin magaling magsinungalin eh! Dapat ng eh seminar ang babaeng to. "Riza! Sige na! Isama mo na ako para makapasok ako sa kainan ng mayayaman, makaupo sa mga upuan ng mayayaman, makahawak ng kubyertos ng mayayaman, makakain at makainom ng pang-mayayaman kaya sige na Riza" Parang batang nanghingi ng candy nyang sabi. "Hindi-" "Riza naman eh! Sige na! Afford naman for sure ng jowa mo dahil gosh! Ang yaman nong boyfriend mo! Kahit bilhin pa nya yong restaurant na yon! Kaya non....O kahit tubig lang ang ibigay nyo sa akin, okay na ako don" pagmamakaawa nya. "Tumigil ka nga para kang tanga!" Inis ko ng sabi, nan t-trip lang talaga kay Nelia. "Mukha kang pulubi dyan Krystin, kung ayaw kang isama, huwag mong ipilit! Ganyan talaga kapag mga selfish!" Mataray na sabi ni Nelia. Biglang sumabat. I look at Krystin na naka smirk na kaya pinandilatan ko ang mata, hoping na titigil na sya. "I don't care kung magiging pulubi ako kung ang kapalit ay makakapasok ako sa isang mamahaling restaurant at makalain ng ilang libong halagang pagkain" mataray nyang sabi. "Your so cheap" nandidiring sabi ni Nelia. "At least hindi ako plastic!" Palaban nyang sabi. "Anong sabi mo?" "Ang sabi ko-" "Krystin!" Saway ko sa kanya. She roll her eyes. "Oh my God! Isasama muna ako? Sure na yan?...Sabihin mo sa bebe mo na magdala ng kapatid o pinsan nya para double date! Pero kung wala okay lang na maging third wheel ako! Basta makapasok lang" Hyper nyang sabi. I sigh heavily. Siraulo talaga tong babaeng to. "Hindi kami kakain ni Dylan mamaya sa restaurant, okay?!" "Sos! Pa humble ka pa!" Tukso nyang sabi. "Totoo nga" convince ko sa kanya para tumigil na. "Sos! Nahiya ka pa! Huwag ka ng mahiya Riza, hindi nga nahiya ang iba dyan na nag f-feeling rich eh!" Mataray nyang sabi. Napapikit na lang ako ng mariin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD