Habang kaharap ang notebook ko, iniisip ko ang mga sign na gagawin ni Dylan but sadly, walang pumapasok sa isip ko at kung meron man! Masyadong OA, hindi naman ako maganda!
I pray for it pero parang lutang ako ngayon dahil ni isa wala talagang pumapasok sa isip ko! Ang nasa isip ko lang ay puro si Dylan! Jusko! Baliw na talaga ako!
"Riza, sasama ka mamaya?" Tanong ni Kystin sa akin.
I frowned at binitawan ang ballpen na hawak ko at tinignan sya.
"Saan?"
"Ay Gaga! Outdated talaga tong babaeng to kahit kailan! Kina Shella! Namatay ang Mommy nya! And as a classmate pupunta tayo doon! Makikiramay" nabigla naman ako sa sinabi nya.
Hindi ko alam yan ah?
"Namatay mommy nya?" Gulat kong sabi. Krystin sigh
"Gagang toh! Oo nga, kakasabi ko lang! Kaya tinanong kita na sasama ka ba!? Pinahiram ka pa naman ng mommy nya ng pera nong first year ka pa" nanlalaking mata nyang sabi.
Napaisip naman ako.
Why back nong first year ako, midterm exam, wala akong pambayad ng tuition, kailangan kasing bayaran every exam para makakuha ka ng permit. Some of the teachers kasi ang requirements para maka take ka sa exam nila ay permit at hindi ka makakakuha ng permit pag hindi ka magbabayad!
And that time, walang wala talaga kami, puno pa sa utang si Mama non kaya wala talaga, zero talaga kami ng panahon na yon, naiiyak na nga ako sa gilid ng hallway but shella's mother notice me...Umiyak talaga ako non sa harap ng mommy nya dahil hindi ako makakapag take ng exam dahil walang pambayad, naawa siguro sa akin kaya binayaran rin nya ang tuition ko pero binalik ko rin naman sa kanya nang nakabali si Mama.
"Ang layo nong sa kanila, Bulacan pa yon eh" I said.
Maiintindihan naman siguro ng mommy ni Shella na hindi ako makakapunta dahil una! Ang layo non, ang mahal ng pamasahe! Sakto lang ang allowance ko para sa linggong to! Hindi kasi ako pumasok nong weekend dahil nabaliw kaya ito ako ngayon tudo tipid!
"May mga motor namang dadalhin ang mga bebe namin, sabay ka na lang sa amin" proud na sabi ni Iveth.
Psh! May sports car ang bebe ko duh!...Ang sarap mag mayabang pero ayoko, lowkey lang dapat kami!
I almost laughed on what I've think. Ang kapal ng mukha kong e l-lowkey sya, eh ang gwapo non, deserve nong ipagsigawan sa mundo!
"Sa susunod na lang siguro ako?" Hindi ko sure na sabi dahil wala akong tiwala sa mga jowa nila.
I know kung gaano yon ka kaskasira! Kung makapag drive pa naman ang mga yon parang maraming buhay!
"Anong sa susunod? Gaga ka! Sabay na lang tayo ngayon! Wag kang mag-aalala, eh sasabay ka namin!" Pasinghal na sabi ni Nelia.
Napangiwi ako at naghanap pa ng ibang palusot!
Kung malapit lang kina Shella, pupuntahan ko talaga pero ang layo non eh! Nag boarding house nga yon si Shella dahil ang mahal daw ng pamasahe.
"Basta! Sasama ka sa amin mamaya! Huwag kang umangal!" Banta ni Nelia.
I sigh heavily at tumango na lang!
Bwesit naman ang mga to eh! Ang layo layo nga non tapos pupuntahan pa! Maintindihan naman siguro nong patay!
Feeling ko nga hindi pakikiramay ang dadayuhin nila doon eh! Ginamit lang talaga nilang rason yon para makakagala! Iwan ko talaga sa mga to.
My phone vibrate kaya kinuha ko ito at nakita ang code name ni Dylan sa phone ko.
From My Crushiecake:
Want to dine with me tonight?
Napanguso ako dahil hindi kami magsasabay mamamaya! Sayang naman!
To My Crushiecake:
Pupunta kami sa lamay mamaya, kasama friends ko eh. Next time na lang.
Labag sa loob kong pinindot ang send. Quality time pa naman sana! Sayang talaga, unti-unti na sana akong naging comportable pag nasa paligid sya! Medyo nasasanay na kasi ako nasa tabi ko sya, binibiro ako, mga ganon pero of course may time talaga na maiilang ako.
From My Crushiecake:
Lamay? Who died? And where?
To My Crushiecake:
Mommy ng kaklase ko...Sa Bulacan bahay non eh, ang layo nga, hindi sana ako sasama pero wala na akong choice.
I replied. Hindi ko nga alam kung papayagan ako ni Mama! Hindi naman strict ang parents ko, ni wala nga akong curfew at hindi sila magagalit kapag umuuwi ako nang madaling araw na o di kaya kinabukasan na.
Pero kapag sila ang kasama, pagbabawalan talaga ako ni Mama, alam kasi nya ang mga hilig ng mga to at mga ginagawa! Kaya hindi talaga ako papayagan.
Pinapalayo na nga ako ni Mama sa kanila pero ako lang tong matigas ang ulo, nakipag kaibigan pa rin.
From My Crushiecake:
Bulacan? Commute?
To My Crushiecake:
Hindi, may motor ang boyfriend ng mga kaibigan ko. Makikisakay lang, nagdadalawang isip nga ako dahil kung makapagdrive pa naman ang mga yon, parang ang daming buhay.
From My Crushiecake:
Sasama ako. I will drive you.
My eyes widen in fraction. No! Hindi pwede dahil...
Napakurap ako. Bakit hindi pwede?...I asked myself at matagal na tinignan ang phone ko.
To My Crushiecake:
Wag na baka busy ka
Kunot noo kong naghintay sa replay nya dahil iniisip kong bakit ayoko syang isama.
Nahihiya ba akong malaman nila na may manliligaw ako?...eh ang gwapo at yaman non tapos ikahihiya ko lang?....Ang kapal naman ng mukha ko.
From My Crushiecake:
I'm not, sama ako, I will buy our dinner, para sabay pa rin tayo.
I sigh, lutang tuloy ako buong araw at message ng message kay Dylan para makumbensing huwag ng sumama! Pero ang gago, hindi talaga pumayag!
When the clock strike 5:00pm. Nagtipon tipon na kami sa labas ng gate, hinihintay ang mga boyfriend ng mga kaibigan ko! Habang ako naman hindi mapakali dahil sasama sa amin si Dylan ngayon.
Hindi ko kwenento sa kanila na may nanligaw sa akin ganito ganyan at hindi ko pa nabanggit na isasama ko sya ngayon.
"Iihi muna ako guys!" Paalam ko dahil kumakalabog na ang puso ko sa kaba.
"Bakit ka namumutla dyan? Okay ka lang?" Kunot noong tanong ni Kystin.
Napasinghap ako at kinagat ang labi ko.
"Ihing-ihi na talaga ako!" Parang natata-e kong sabi.
"Sige na! sige na! Baka mahimatay ka pa dyan!" Pantataboy sa akin ni Nelia.
Hinawakan ang dibdib ko dahil parang lalabas ang puso ko sa kaba.
Hindi kasi ako ready! Sana may nag inform sa akin na one of this days, sasama sya sa akin habang kasama ko ang mga kaibigan ko!
Hindi ko sya kinakahiya pero yong way ng pag-iisip ng kaibigan ko, yon ang prolema! That's way, kinakabahan ako ngayon!
Ang dami kong what if na possibling sasabihin nila pero wala na eh! Parating na dito si Dylan, ang epal naman kung magsisinungaling ako sa lalakin na hindi kami tuloy!
Inayos ko ang sarili ko bago bago lumabas sa CR.
Whatever they will say about me and Dylan, I will accept it, bahala na! Pinasok ko to so I need to accept the consequences!
"Saan natin isasakay si Riza?"
"Bawal din dito sa amin, isang angkas lang pwede dito"
"Dalawang helmet lang din ang dala namin!"
"So anong sasabihin natin kay Riza. Huwag na muna syang isasama?"
"Bakit nyo naman kasi inimbeta! Edi sana malayo-layo na ang byenahi natin!"
"Quiet! What if mag commute na lang tayo?"
"Gaga ka! Wala rin yong pera!"
"Edi i-lilibre!"
"Sige ikaw manlibre!"
"Magambagan na lang tayo!"
Natuod ako sa narinig mula kanila, naramdaman ko talaga ang panliliit sa sarili ko!
"Ano sya sinuswerte!? Duh! Sino ba kasing nagsabi sa kanya na sumama sya?"
"Sino ba ang nagbanta na kapag hindi sya sasama, ganito ganyan ang gagawin mo sa kanya!? Huh?"
"Tumahimik nga kayo! Edi sabihin natin sa kanya na wala syang masasakyan! Kung gusto nyang sumama sa atin, mag commute sya at kapag nag inarte edi iwan dito, easy!"
I lower my head.
What they said made me felt so down. My pera naman akong pamasahe pero ang marinig ko sila na na m-mroblema at naiirita dahil kasama ako, ang sarap umiyak.
Yes, they are my friends but I felt like I didn't belong to them.
Tatalikod na sana ako para iwan sila at umuwi na lang ng bahay, nang natanaw kong nag p-park ang isang sports car.
I sigh heavily at tumalikod muna, ginawang salamin ang phone, tinignan kong bakas ba sa mukha ko ang lungkot dahil sa narinig.
"Motor lang sasakyan nila, sports car sa akin, mga gago!" I mumbled bago nagkunwaring walang naririnig sa kanila nina Nelia.
They were enchanted on Dylan na naka simple lang ang pormahan, white shirt and a short? Iwan ko talaga kong short tawag dyan basta, short for boys. Next time mag s-search na ako kung anong tawag dyan!
"Hi!" Pabebeng sabi ng mga school mate ko.
Tinago ko naman ang ngiti ko nang hindi nya iyon pinansin, ang mga mata nya ay nasa akin lang.
Bakit nawala ang kabang naramdaman ko kanina? Bakit napalitan ng yabang?...Hindi ko alam. I felt so secure.
"Gaga! Papalapit sya rito beh!"
"s**t! Nagsisi tuloy ako kung bakit hindi ako nag retouched"
"Psh! Ang OA nyo, clearly! Papalapit yan dito dahil magtatanong ng pangalan ko!"
Napatakip ako ng bibig nang narinig yon sa mga kaibigan ko! Even their boyfriend give them a death glare.
Nasa likod kasi nila ako, hindi ako napapansin dahil tutok na tutok kay Dylan na parang artistang dinadamdam ang pagrampa.
Dylan frowned when he saw my expression.
Dumaan sya sa gilid ng tatlo dahil hindi tumabi sa dinadaanan, nag e-expect talaga na sila ang pakay ni Dylan.
Gurl! Akin yan!
"Aray!" Inis kong sabi ng pinitik nya ang noo ko.
Narinig kong nagsinghapan ang tatlo pero hindi ako natatakot na e bash nila, I felt proud, I don't know why.
"What's with the expression? I'm not a clown" nakasimangot nyang sabi at kinuha ang book kong dala at bag.
"Ang sakit non huh" Nakanguso kong sabi at hinimas ang noo ko.
His expression softened at biglang lumapit sa akin at hinalikan ang noo ko kaya nanlaki ang mata ko.
"Masakit pa?" He teased. Inagaw ko sa kanya ang libro at itakip sa mukha ko. He chuckled.
Nakarinig ako ng tikhim pero dahil nahihiya ako sa ginawa ni Dylan hindi ko tinignan kong sino yon but I am sure, isa yon kina Nelia.
"Excuse po...Magkaano-ano kayo ng kaibigan namin?" I heard Krystin voice.
"His my girl" proud na sabi ni Dylan at pinalibot pa ang braso sa baywang ko kaya mas nahiya pa ako.
Anong my girl? Hindi ko pa sya sinasagot! Feeling ng lalaking to!
"Oh?"
"Sure ka?"
"Oo nga! Wala namang nabanggit sa amin ang kaibigan namin, sure kayo or ano?"
"Ilang taon ka na?"
"I am 24, one year older than her"
"Prank ba to?"
"Amputa!"
"Hoy Riza!" Tawag sa akin ni Nelia kaya unti-unti akong nagtago sa likod ni Dykan.
"Bulag ka ba or something? Bakit si Riza?" Parang na d-disspoint na sabi ni Iveth.
"What do you mean by that?...."
"Tara na Tara na! Malayo pa ang byahe! May masasakyan na ako, kaya okay na!" Taranta kong sani dahil alam ko kapag wala na sa mood ang lalaking to, ang sakit na ng lumalabas sa bibig.
"Riza-"
"Mamaya! May trabaho pa ako bukas, hindi ako pwedeng magtagal kina Shella kaya tara na...Dylan" tawag ko sa lalaki dahil para ng papatayin ng tingin si Iveth.
I sigh at hinawakan ang braso nya at hinila na sya patungog sasakyan nya.
Pagkapasok namin sa sasakyan tyaka pa ako nakahingang maluwag!
"What was that? I thought this school taught students a good morals and right conduct?" Kunot noong sabi ni Dylan habang pinapaandar ang sasakyan.
Tinignan ko ang labas kong saan naghahanda na rin ang mga boyfriend nila na aalis habang ang tatlo nakatunganga pa ring nakatingin sa direksyon namin.
"Ganon talaga yon. Hayaan muna" Ani ko at bumuntong hininga.
Hindi ba nila kayang e lugar ang ganyang ugali nila? Dahil sila rin ang napapahiya eh! They should at least act proper in front of other people or ganyan talaga ang ugali nila kapag kasali na ako sa usapan?
What's wrong with me ba? Bakit ang init ng dugo nila sa akin?
Dahil ba hindi ako kasing yaman nila? Dahil ba nakakahiya akong kasama? Dahil ba basura ako kagaya ng nasa isip nila? Dahil ba hindi presentable? Ganon ba kaya ganyan sila sa akin? O dahil I let them insult me kaya nasanay sila?
Am I wrong or are they wrong? Hindi ko alam but I guess ako ang may kasalanan kung bakit ganyan sila ngayon.
Hinyaan ko lang silang insulthin ako ng insultuhin, palaging sinasabi sa kanila na okay lang, hayaan mo na lang yon kaya namehasa.
"I will take note..." Dylan thrilled kaya napalingon ako sa kanya.
"Huh?"
"I wouldn't accept any applicants coming from this school. They are so full of themselves cause... Ayokong may eh u-underestimate na empleyado ko." seryoso nyang sabi.
"Hindi naman lahat...at kahit ako, hindi mo tatanggapin?" Nakanguso kong sabi.
Napalingon naman sya sa aking sinabi. I look away.
Wow Riza! Tumatapang ka na ngayon ah!
"Why would I hire you?"
Ako naman ang napalingon sa kanya. So am I so full of myself? Hindi kaya! Alam ko kung saan ako lulugar tapos ang bait bait ko pa doon, may pa po at opo pa ako kahit ka edad ko lang naman.
"Grabe ka naman, hindi naman lahat ganon ang ugali" nakanguso kong sabi.
Kahit magkaibigan kami nina Nelia, hindi naman ganon ang ugali ko! I know kung saan ako lulugar, iniisip ko munang mabuti ang sasabihin ko para hindi makasakit ng ibang tao! At ang rami kong good character traits! Ang epal naman nito.
He chuckled.
"Why would I hire you if you're already as high as me" natatawa nyang sabi.
Kumunot naman ang noo ko.
"Huh?" Confuse kong sabi dahil hindi ko sya maintindihan.
"Huh?" He mocked kaya napalabi ako ako. "Ofcourse your my girlfriend by that time already or maybe my wife...Do do you think I will let you work?...You deserve threated like a queen"
Nag-init naman ang mukha ko sa narinig sa kanya kaya tumikhim na lang ako at nagkunwaring nagagandahan sa mga sasakyan sa labas.
"Always shy but so cute..." I heard him mumbled.
Para hindi ako mailang, natulog na lang ako buong byahe! Dahil kung kakausapin ko sya baka sumabog na lang ako dito sa kinauupuan ko dahil sa kilig.
Pagkarating namin sa bahay nina Shella, agad akong hinatak ng tatlo. Nag-aaalala tuloy ako kay Dylan dahil parang na i-intimidate sa kanya ang mga tao.
"Boyfriend mo yon?" Nanlalaking mata ni Krystin. I shook my head.
"Hindi pa, nanliligaw pa lang yan-..."
"Are you sure na gusto ka nya?" Taas kilay na sabi ni Nelia.
"Oo nga! Mga ganyang purmahan, f**k boy yan, babaero kaya sure ka bang ikaw ang gusto nyan o pinagpustahan ka lang?"
"Tama! Tama! Huwag kang mag offend Riza huh pero hindi ka ideal type ng mga ganyang lalaki kaya how sure you are na gusto ka nyan?"
"Or f**k body lang kayo? Nasarapan sayo kaya ganyan?"
Nalukot ang mukha ko sa kanila dahil sa mga theory nila.
"Hindi ko rin alam sa kanya pero sa dalawang linggo nyang panliligaw, nakikita ko namang mahal nya nga ako, iwan ko rin eh, kung gusto nyo ng sagot talaga sa mga tanong nyo, tanungin nyo na lang sya" I said while looking at Dylan na nakahalukipkip habang nakasandal sa sports car nya.
Mukha tuloy syang masungit at hindi malapitan sa pwesto nya pero ang gwapo pa rin talaga.
"Ganyan talaga ang mga boys Riza! Papaniwalain ka na gusto ka nila, ikaw ang pinakamagandang babae sa mundo, ikaw ang mahal nila, mga ganyan! Kaya sure ka talaga?" Madiing sabi ni Krystin.
I shrug.
"Kaya nga hindi ko pa sinasagot eh, I wanted to know him more"
"Anong pangalan nyan?" Nakangiwing sabi ni Iveth.
"Kier Dylan De Lara..."
"s**t! Del Lara yan?" Gulantang nilang sabi.
I nod.
"Yong pinakabatang CEO sa Pilipinas?"
Kumunot naman ang noo ko dahil hindi ko alam yan! Hindi rin naman ako nag search tungkol sa kanya dahil wala akong paki sa yaman nya!
"Gago! Saan mo nakilala yan?" Gulat na sani ni Iveth.
"He's a freaking billionaire! And De Lara's are known for being loyal. Once they fall in love, they will fight you no matter what! Kagaya nong news nong...anong pangalan non?...Zioniel Storm? Grabe, pinagkasundo sya ng parents nya sa ibang babae pero yong lalaki nag pa interview na yong girlfriend nya lang ang papakasalan nya kahit anong mangyari!"
"Paano nyo nalaman ang nga yan?" Taka kong sabi.
Ni isa sa mga sinabi nila hindi ko alam! Ang tanging alam ko lang ay CEO sya, mayaman, gwapo, gentleman at mahal ako and beyond that one wala na akong alam.
Hindi nga sumagi sa isip ko na e search sya kung sino man sya eh! Sino ba namang babaeng makakapag isip ng mga ganyan after nyang bumanat ng kung anu-ano! Psh!
"Gaga! Hindi ka ba nanonood ng balita? Hindi ba dumaan sa f*******: mo tungkol sa mga De Lara? Saang planeta ka ba nakatira!?" Singhal sa akin ni Iveth.
Napakamot ako ng ulo!
Wala na kasi akong time mag f*******:! Kung message, okay lang dahil mag v-vibrate ang phone ko pero yong mag f-f*******: pa ako, i********:? Wala na akong time dyan!
"s**t! Ang swerte mong Gaga ka kung sakaling seryoso nga yong De Lara na yan sayo" kinikilig na sabi ni Krystin.
"I don't think so!" Madiing sabi ni Nelia at umirap mukhang hindi tanggap na may gusto sa akin si Dylan!
Kahit nga ako! Nong sinabi nyang gusto nya ako hindi ako makapaniwala dahil ano lang naman ako diba?...Cute lang.
"Ang Riza namin! Dalaga na! May boyfriend na" nakangiting sabi ni Krystin.
"Huwag kang tanga Riza! De Lara na yang nasungkit mo! If paglaruan ka lang, okay lang yan, atlease ganyan ka gwapo at kapag seryoso yan sayo, abah huwag mo kaming kalimutang abnormal ka!"
"Tama! Shocks! Hindi ako makapaniwala...Riza Kate De Lara!...Taray talaga! Ang yaman ng dating" Manghang sabi ni Kystin.