Chapter 2

1307 Words
"OMG, Sorry, sorry talaga! Hindi ko sinasadya, sorry." Hindi mapakaling sambit ko habang pinupunasan yung uniform niya. Kaso imbes na matuyo mas lalong kumalat yung pula dahil sa kulay ng milktea. "Stop that." Malamig niyang sabi ng nakapikit na halatang nagtitimpi. Napayuko ako at napatingin sa uniform niya, 'di alam ang gagawin. You're so careless triana, 'yan tuloy mukhang galit na siya sayo! Hindi ko maiwasang pagalitan ang sarili ko, antanga-tanga kasi ehh! "Sorry, akin nalang yung uniform mo. Papalabhan ko." nag-aalangang offer ko sa kanya. Napatingin naman siya sakin na para akong isang baliw sa harapan niya. "No thanks." tipid na sagot niya at tinalikuran na ako. Naguilty naman ako agad sa nagawa ko, hindi na nga siya nakainom ng milktea na tapunan pa yung uniform niya. Antanga lang kasi triana nu? Pagkakuha ko ng inorder ko ay bagsak ang balikat na bumalik ako sa upuan naming magkakaibigan. "Anyare tri? Ba't nakasimangot ka?" si Gesiah ng mapansin ako. Napatingin naman silang lahat sakin ng may pag-alala sa mukha. "Si keiro, yung transferee, naalala niyo?" tanong ko sa kanila. Napalitan naman agad ng pagtataka ang pag-alala sa kanilang itsura. "Anong meron sa kanya? Type mo? Yiiieee." Lalo akong napasimangot ng kantyawan nila ako na agad nakaagaw ng pansin. Ba't sakin sila agad naka tingin lahat? Parang alam na agad nila na ako yung kinakantyawan ahh. "Ano ba kayo, hindi. Ano kasi nakasabay ko siyang bumili ng milktea tapos magkaparihas pa kami ng nabili ayon nagkaagawan at natapunan siya sa uniform." I pouted after telling them what happened. I can't get over. Hindi ko alam, parang uniform lang eh parang apektadong-apektado talag ako. Siguro dahil napahiya ako? Huhu "Ahh, ehh anong sabi?" pang-uusisa pa nila. Inilingan ko nalang at nagsimula ng kumain kahit walang gana. Hanggang sa makatapos kami ng pagkain hindi parin maalis sa isip ko yung nangyari kanina. Hindi tuloy ako makasabay sa tawanan nila. Hay naku! "Triana, are you okay?" si Alisha ng mapansin ang pananahimik ko. "Yeah, i'm fine. Diretso na ba tayong classroom? It's too early pa naman?" Pag-iiba ko ng usapan, alam ko kasing doon mapupunta 'pag hindi ko iniba yung usapan ehh. Ayaw ko ng matukso. Napagkasunduan naming magkakaibigan na mag stay muna sa lounge kung saan pwedeng magpahinga ang mga students katulad sa cafeteria glass window din ito at air-condition. May mga books at game board sa palid, merok ding mga stall for snacks like fries, pizza, burger, etc. Umupo kami sa usual spot namin, every vacant or lunch minsan dito kami nag s-stay pampalipas oras narin. Apat kaming magkakaibigan, magkaklase rin kami. Si Alisha Anderson , morena, matangkad, siya rin yung pinakamatanda sa amin, half-german kaya makikita sa feature ng mukha ang kagandahan. Matanda based sa birthday. Si Gesiah Colley, same body figure as alisha pero maliit lang siya ng konti kay alisha, morena rin at half-german also kaya hindi maitatanggi ang kagandahan. While si Keisha Ellison naman is my very close friend among them all, she's half-british but more on filipino feature and dito rin sa pilipinas lumaki kaya hindi halatang half-blooded siya. And me lastly, Triana Hazel Cartney, my mom is a filipino, my dad is a spanish so i'm also half blooded. Ako lang ata yung magkaiba sa feature naming tatlo matangkad kaming lahat pero ako yung medyo maliit sa amin kung mapapansin, I got my father skin color kaya maputi ako and also my father's eye color which is bluish but the difference is sa kanya super light like the sky and mine is as dark as the mixture of black and blue. Kaya hindi halata ang pagiging blue. Pagkarating sa usual spot ay nag-aalangan pa akong umupo sa upuan ko. May pagkain kasing nakalagay baka may naka upo una sakin dito. A box of pizza with letter na nakalakip sa ibabaw. I tried to read it and nabasa ko yung pangalan ko. Ops, so it's for me. Alam ba niya na pupunta kami rito ngayon? Wow naman. "Guys, pizza." kinuha ko sabay abot sa kanila ng box. "Wow, instant pizza. Kakaupo palang tri ahh." Panunukso nila. Syempre kinuha ko muna yung letter at binasa ko habang kumakain sila. 'Hi triana, I hope you're doing well today. Enjoy the pizza! -KW :)' 'Yun lang naman yung nakalagay kaya pagkatapos basahan ay nilagay ko nalang sa bulsa ng bag ko at tumayo para bumili ng maiinom namin. "Hi triana!" a group of guy greeted me when i passed by their table. I smiled at them and waved as a greeting then continued walking to the nearest stall. After ordering medyo nahirapan pa akong dalhin yung mga inorder ko apat kasi kahit may tray ay nahirapan ako dahil sa kun hindi ba naman kasi ako tanga eh binitbit ko pa yung phone ko wallet lang naman yung kailangan ko. "I'll help na." I was stunned when a guy held the tray. Dinala niya ng walang kahirap-hirap. It's kinda heavy because it's all large cup! "Uh, thanks!" ngumiti lang siya at sumunod na sa akin. Pagkarating namin sa table ay nilapag na niya at akmang aalis na pero hinawakan ko siya sa braso kaya napaharap siya sakin. "Uh, w-what's your n-name?" i stuttered. I'm shy, okay? I'm not used of asking name, it's kinda the other way around. "Oh sorry, I'm shan." He said as he lend his hand that i gladly received. "I'm triana, thank you again. Are you alone? You can join us, if you want?" I asked getting comfortable. His friendly and good-looking. Mukhang mapagkakatiwalaan naman at mabait kaya okay lang. "Sure." He said and sat beside me, where the vacant seat at. "Hi i'm Keisha" at isa-isa na silang nagpakilala. Masaya siyang kasabay kaya tawanan lang ang buong table namin hanggang sa oras na ng klase. He really is friendly and approachable, easy to be with that's why we're comfortable with him around. "Tomorrow, you can join us sa lunch, if ofcourse, you want." I invited him. He's fun to be accompanied so i never doubt to invite him. He agreed and we exchange contacts para bukas maka contact siya samin. "Ang gwapo niya no? Tapos ang bubbly pa niya. Lakas maka boyfriend-material." Kinikilig na ani Gesiah. Natawa nalang kami sa kanya habang naglalakad kami. Para siyang tangang nag d-day dream kay shan. Pagpasok namin sa room wala pa yung teacher namin kaya nag-usap-usap muna kami sandala before parting ways. Hindi kami magkakatabing lahat. Kami lang ni Keisha yung magkatabi nasa kabilang column kasi sila alisha at geisha pero magkatabi sila. Napatingin ako sa likuran ko. Nandoon na si keiro, pero nakatungo naman sa ibabaw ng mga braso niya sa lamesa yung ulo niya. Parang natutulog. Naka while t-shirt nalang siya, hindi na niya suot yung uniform niya. Napaiwas ako ng tingin dahil sa guilt. Biglang pumasok si sir kaya napatingin ako sa kanya kaso parang ang himbing ng tulog niya. I tap his shoulder a bit trying to wake him up pero hindi talaga siya nagigising. Nag s-start na si sir mag-attendance una pa naman yung boys. "Keiro, wake up!" Pasigaw na bulong ko at niyugyog yung balikat niya. Tinatawag na siya ni sir. "Walton" si sir. Palakas na ng palakas yung pagtawag niya. Nabigla ako ng nag raise ng kamay si keiro. "Present." He said coldly. Nakaayos na siya ng upo, medyo magulo pa yung buhok niya. Ang isang mata ay sarado pa na parang antok na antok. "Why are you not wearing your uniform, Mr. Walton?" napatigil ako sa tanong ni sir. Hindi ako makatingin sa kanya sa likod habang silang lahat ay nasa kanya ang tingin. Kinakabahan rin ako. "Basa pa po kasi, aksidente kong natapunan ng inumin." Mahinahong paliwanag niya kay sir. Tumango lang si sir at nagpatuloy sa pag check ng attendance. Napa hinga naman ako ng maluwag dahil doon. Nakakahiya! Ba't ba apektadong-apektado ako pagdating sa kanya!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD