Nandito kami ngayon sa library dahil sa binigay na task ng teacher namin. Kailangan naming mag hanap ng mga reference para sa gagawing research.
By group yung research and in every group it consist 5 members. Pero hindi kami yung pinapili ng grupo kundi si sir yung nag assign. Umay, hindi kami magka grupong mag-kakaibigan. Nagka watak-watak kami.
Pero okay lang, ka grupo ko naman si keiro hihi. Anyways yung monitor namin yung ginawang leader sa group, dapat kasi ako pero tinanggihan ko. Hindi naman sa tumatanggi ako sa mabibigat na responsibilidad, it's just that i still have a lot of things to handle and to contemplate.
Baka hindi ako makapag-focus sa research namin, bumagsak pa kaming lahat. Yoko nun.
"Keiro, may nakita kana?" tanong ko kay keiro habang sinusundan siya. May nakita nako, actually dalawa, pero 'di ko sure kung bet niya to eh.
Hindi man lang ako pinansin at nagpatuloy siya sa paglalakbay ng kamay niya sa mga hanay ng libro habang binabasa yung title sa gilid.
"Ito, pili ka. Maganda 'to para sa topic natin." sabay lahad ko ng libro sa harap niya. Tinignan niya iyon ng hindi hinahawakan at ng mabasa na yung title umiling siya at nagpatuloy sa paglalakad, nilagpasan ako. Sungit.
"Ayaw mo? Maganda naman 'to ah. Ano ba yung hinahanap mo? Baka matulungan kita." sabi ko sakanya habang patalikod na naglalakad at nakaharap sa kanya.
"Ito ayaw mo?" sabi ko sabay kuha ng libro sa na nahawakan ko. Umiling siya pero kinuha ko parin. Tatlong libro na yung hawak ko at malalaki pa halos lahat kaya medyo mabigat na.
"Ehh ito, ayaw--AHHH" Napasigaw ako ng bigla akong matalisod, napahawak ako sa braso ni keiro pero dahil sa bigat ng mga librong hawak ko at sa gulat niya ay sabay kaming natumbang dalawa.
At mas lalong hindi ko inaasahan yung susunod na mangyayari. Nanlaki yung mga mata ko ng maramdamang magkadikit yung mga labi namin. Naramdaman ko rin yung kamay niya sa likuran ko na parang iniaalalayan niyang hindi ito lumapat sa sahig.
Napatingin ako sa mata niya at nakita kong gulat din siya, agad siyang nagmadaling tumayo at hinatak ako.
"F-first kiss k-ko." dahil sa gulat ay yun ang unang lumabas sa bibig ko habang hawak parin yung labi ko.
"W-what?" napatingin ako sa kanya ng bigla siyang nagsalita. Agad akong nakaramdam ng hiya dahil sa nangyari, biglang uminit yung pisngi ko ng maalala yung nangyari.
"S-sorry." Hindi ako makatingin sa kanya at nakayuko lang. Napatingin ako sa mga libro sa sahig ay kinuha ko yun, lumuhod ako at yumuko ng naramdam ko yung biglang pagtama ng matigas na bagay sa noo ko.
Napahawak ako doon at napatingin sa tumama sakin. Nagulat ako. Si keiro, nakahawak rin sa noo niya. Nagkatinginan kami at sabay natawa pero napangiwi rin ng maramdaman yung sakit.
"Sorry, let me." sabi niya at isa-isang kinuha yung mga libro. Kinuha ko yung dalawa at kinuha niya rin yung dalawa. Akmang aagawan niya sakin yung hawak ko ng ilayo ko sa kanya.
"Ako na, mabigat na pag-apat." sabi ko at napatingin sa noo niya. Namumula yun, akin rin kaya? Napatingin rin ako sa braso niya, namumula iyon at parang may konting gasgas.
"Keiro, nagasgasan yung braso mo." hinawakan ko yung braso niya kaya napatingin siya doon.
"No, it's fine. It doesn't hurt." sabi niya at akmang aagawan yung braso niya pero mas hinawakan ko pa.
"Gamutin muna natin to." Sabi ko at hinatak na siya. Bumalik kami sa lamesa ng grupo namin. Nakaupo na silang lahat doon at nagsisimula ng magbasa.
Nang makarating kami ay nilapag muna namin yung libro, napalingon silang tatlo sa amin at takang tumingin yung isang ka grupo pa naming babae ay may mapanuksong tingin ng makita ang hawak ko sa braso niya.
"Brailey, clinic lang kami sandali ah? Nasugatan kasi si keiro. Balik kami agad. Sorry talaga." Napatingin si brailey sa braso ni keiro at kumunot pa yung noo niya bago palipat-lipat ng tingin samin ni keiro.
"Malala ba? Ako nalang sasama." akmang tatayo na siya ng magsalita si keiro.
"No, i'm okay. It doesn't hurt, and it's just bruises. Not big deal." at uupo na sana ng hinatak ko siya. Napatingin siya sakin ako naman ay nakatingin lang kay brailey na nakatitig parin kay keiro.
Hmm somethings fishy..
"No, i insist. Let's go to the clinic. It's just bruises pero baka ma infection." hinatak ko na si keiro palabas ng library, hindi ko na nilingon yung dalawa naming kagrupo na halatang nagtataka sa nangyayari.
"I told i'm fine. It's just a small bruise." pilit niya pang hinahatak yung braso niya, hindi naman ako malakas pero mas hinawakan ko pa yung kamay niya para hindi niya makuha.
"Bala ka dyan, wag ka munang magsungit ngayon. Ako yung may kasalanan kaya nagkagasgas yang braso mo, kaya sa ayaw o sa gusto mo. Pupunta tayong clinic."
"It's not your fault, okay? Let's just go back to the library." pamimilit niya pa. Hindi ko siya pinansin at patuloy paring naglakad.
Hindi na siya umimik ng makarating na kami sa clinic.
"Goodafternoon nurse cha, can i borrow your first aid kit? Kahit yung betadine at cotton nalang po." napatingin muna yung nurse sa amin at ngumiti bago tumalikod at kinuha yung kit.
"Here. Kaya niyo na ba? Or do you need help?" inaabot niya na yung first aid kit at iginiya kami paupo.
"Kaya na po namin, thank you po." ngumiti naman si nurse cha at tumango bago tumalikod at iniwan na kami.
"Pwede na man kasing gamutin sa bahay yan eh." narinig kong pabulong-bulong na sabi ni keiro. Tumingin ako sa kanya agad naman siyang umiwas at nagkunwaring walang sinasabi.
"Alam ko naman, pero baka mas lumala 'pag di agad nalapatan ng paunang lunas." kalmadong pagpapaliwanag ko sa kanya. Sinimulan ko ng lagyan ng betadine yung bulak at hinawaka yung braso niya, habang dinadampian ko yung sugat niya nakaramdam ako na parang may nakatitig sa akin or sa amin.
Nilingon ko si nurse cha, nakita ko siyang nakatingin sa amin habang pangingiti na parang kinikilig. Luh. Ngumiti siya sakin at sumulyap kay keiro bago iniwas yung tingin. Napasimangot ako.
Na-attract din ba siya kay keiro? Hmp
Lumingon ako kay keiro at nagulat ng makitang nakatingin din siya sakin.
"What?" mahina pero supladong tanong niya. I pouted because of his kasungitan.
"Stop pouting." mas lalo akong napanguso pero agad ding itinigil ng makitang masama siyang nakatingin sa labi ko. Bakit ba?
"You're so masungit. Bakit ba palagi mo nalang akong sinusungitan? Ha?" diniinan ko yung pagdampi ng cotton kaya medyo napangiwi siya at tinignan ako ng masama.
Hindi niya ako sinagot at tumahimik nalang hanggang sa malagyan kona ng band aid yung sugat niya.
"Ayan, okay na. Panatag na ako. Atleast hindi na lalala yang sugat mo. Linisan mo nalang ulit pag-uwi mo mamaya, huh?" sabi ko.
Nakangiting tinitigan ko yung band aid sa braso niya. Ang cute kasi. Sariling band aid ko yung nilagay kon kaya may design. Kulay light blue yon na may mga small hearts na dark blue naman yung kulay. Tumingin ako sa kanya at nahuling nakatitig na naman siya sakin. Hindi ako sigurado kung nakangiti ba siya dahil nung tumingin nako naging seryoso na ulit yung mukha niya at umiwas pa ng tingin.
"Let's go back." sabi niya at nilampasan ako . Dire-diretso lang siyang palabas ng pintuan ng clinic. Napanguso ako.
Hindi man lang nag thank you, napakasungit talaga. Hmp!
"Thank you po ulit nurse cha. Pasensya na po sa disturbo." inabot niya na yung first aid kit habang may tinging nanunukso sakin.
"Boyfriend mo na ba yun triana?" mapanuksong tanong ni nurse cha. Agad namang napalaki yung mata ko.
"Haluh! Hindi po nurse cha, classmate ko lang po yun." patawa-taws pang sabi ko, tinatago ang hiya.
"Hmm, talaga ba? Crush mo? Ang cute niya triana, tapos titig na titig pa siya sa'yo. Ang sweet. Sobrang bagay kayo." kinikilig na sambit niya pa. Naramdaman ko namang uminit yung pisngi ko. I'm sure namumula rin ako.
"Kayo talaga nurse cha, palabiro. Sige po una na po ako. Thank you po ulit." tumalikod na ako at nagmadaling naglakad palabas ng clinic pero bago paman ako makalabas narinig ko pa yung tawa ni nurse cha. Napailing nalang ako at napangiti.
Cute siya at bagay kami. Hihi.
Nakangiting lumabas ako ng clinic. Napahawak ako sa dibdib ko sa gulat ng madatnan ko si keiro sa labas ng pinto.
"What took you so long?" masungit na tanong niya pero hindi naman niya ako hinintay na sumagot, naglakad na siya at nilampasan ako. Sungit talaga.
Sinabayan ko siya sa paglalakad himala hindi malalalaki yung mga hakbang niya ngayon ah.
Tahimik lang ako habang naglalakad kami. Hindi mawala sa isip ko yung sinabi ni nurse cha. Hindi ko alam pero napapaisip talaga ako, nararamdaman ko rin kasi na parang mag tumitingin sakin kanina at dalawang beses ko pa siyang nahuling nakatingin.
Napasinghap ako at napahinga ng malalim.
No, ayokong umasa. Pero aaminin ko, medyo gusto ko na siya. Medyo lang naman, diba? Diba? Oo naman triana. Hayy.
"What are you thinking? Your breathing tells how problematic you are." napatingin ako sa kanya at napaiwas din dahil sa mga iniisip ko.
"Uh wala." sabi ko nalang at tumahimik na.
Tumigil siya sa paglalakad kaya napatigil din ako at napatingin sa kanya.
"Bakit?" takang tanong ko sa kaniya. Nakatingin lang siya sakin na parang nag-aalangan pa kung sasabihin ba niya yung nasa isip niya o hindi.
"Uy, ano? Akala ko ba nagmamadali ka?" niyugyog kopa yung braso niya. Napaiwas naman siya ng tingin pero hindi parin nagpapatuloy sa paglakad.
"T-thank you." pabulong niyang sabi kaya hindi ko narinig.
"What?" Inis na tumingin siya sakin peeo agad ding umiwas.
"Ano ba kasi? Wag kang masungit, hindi ko narinig yung sinabi mo." mataray ring sabi ko sa kanya, namewang pa ako sa harap niya para effective.
Nag-aalangang tumingin siya sakin at parang tumiklop pa sa pagtataray ko.
"I said...t-thank you." napataas yung kilay ko. Binubulong pa kasi eh.
"Paano ko kasi maririnig kong binubulong mo? Hindi ba yan pwedeng sabihin ng malakas? Ha?" pagtataray ko. Napapikit siya at huminga ng malalim
"Thank you." sabi niya at tumalikod na para magpa tuloy sa paglalakad.
Napangiti naman ako. Hindi ba siya sanay magpasalamat? Ang cute niya kasi. Narinig ko naman talaga eh. At naramdaman ko namang sincere kaso ang cute niya kaya pinapaulit ko.
"Salamat saan ba, mister sungit?" tanong ko sa kanya ng nasabayan kona siya sa paglalakad.
Hindi siya sumagot at lumingon. Binilisan niya pa yung paglalakad niya, nahihiya talaga eh. Natawa ako, kaya napasulyap siya sakin ng may masamang tingin.
"Ang cute mo mag thank you keiro. Ulitin mo nga." natatawang sabi ko pa.
"Sige na ulitin mo, ang cute eh, sige na. Yiiiee" sinindot-sindot kopa yung tagiliran niya. Namumula na yung tenga niya at pisngi niya. Sobrang halata dahil sa kaputian niya kaya mas lalo akong natawa.
"Stop that. You're so annoying." iritadong sabi niya. Tinatawanan kolang siya, inirapan pa niya ako kaya mas natawa ako ng malakas.
He's so cute when he's shy. Namumula pa siya. Parang batang nahihiya.
"Stop laughing, you're catching so much attention. Stop it, triana." inis na talagang sabi niya. Napatigil ako sa pagtawa. Hindi dahil sa inis niya kundi dahil sa tinawag niya yung pangalan ko.
That's the first time he called me by my name. FIRST TIME!
"Did you just called my name?" Nanlalaking matang tanong ko sa kanya. Napatahimik siya na parang na realize niya yung sinabi niya. Umiwas siya ng tingin at naglakad na naman ulit.
Napatayo lang ako, hindi makagalaw dahil sa gulat.
He called my name. He just did! OMG!
Why does it sounds so good? Hindi naman ganun pag iba yung tumatawag ah? Kanina tinawag din ako ni nurse cha sa pangalan pero iba. Iba yung epekto.
OH MY GOSH! OMG! Ano bang nangyayari sakin.
He really is making me crazy. Ugh keiro, wth!?