Hindi ako pinapansin ni keiro buong maghapon, sinubukan ko siyang kulitin pero sa huli nabibigo lang ako kaya tinigilan ko na lang siya.
Simula ng makarating kami sa library ay hindi na siya umiimik, ni hindi man lang niya ako madapuan ng tingin. Badtrip tuloy ako.
Nung matapos yung klase namin hindi ko naman siya naabutan kasi pagkatayo at pagkatingin ko sa likuran ko nasa pinto na siya papalabas.
Sinubukan ko ring habulin siya. Nagmadali akong ayusin yung gamit ko, tinakbo ko rin papuntang parking lot kaya lang nakasakay na siya sa sasakyan nila. Hays.
Umuwi akong nakasimangot, kumain narin ako ng maaga, nag half bath at humiga na sa higaan ko.
I was about to close my eyes when i remember that he put his contact number on my phone.
Dali-dali ko inabot sa side table ng bed ko yung cellphone ko. I imediately scroll for his name. Hindi naman ako na hirapan.
Keiro. Yan yung naka pangalan kaya pangiti ako. I edited it and put a heart beside it. My smile widen when i look at it.
OMG! what am i doing? You're being crazy again triana.
Imbes na isipin pa yung ay nagsimula na akong mag-isip kung anong sasabihin o ite-text ko sa kanya.
Should i text my name? No, baka hindi na siya mag reply.
To: Keiro <3
Hi :)
After sending it, i stared at my phone for a moment before placing it on my chest. Magre-reply kaya siya? Mag e'8 pm palang naman. I'm sure he's still awake.
I waited for almost half an hour already. My eyes lid is starting to drop. Everytime my eyes closed , i'm slapping my cheeks to wake my concious up.
Still no response. It's almost 9pm. I think about it thoroughly and when i decided about it, i instantly tap his name and click the call button.
Hinintay ko na mag ring. It's ringing..1...2...3..4...5ring, still no one's answering. 'til the other line ended. I tried again and again for the third time. 1...2.. After 3 rings someone pick the phone up. Thank God!
"Hello?" Wait? Is this really keiro's number? Why there's a girl on the other line?
"Hello? Who's this?" though the sound of her voice is mature ? Is she his mom?
"Uh, h-hello po. I-is keiro there p-po?" dumagundong sa kaba yung dibdib ko. OMG nakakahiya. Baka ano isipin ng mommy niya.
"Oh, yes keiro's here but he's still on his room, nakalimutan yata yung phone dito sa sala. I'll just tell him to call you back, is it okay?" napahinga naman ako ng maluwag.
Her mom sounds nice and friendly.
"Uh, o-okay po, thank you ma'am. " sabi ko at hinintay na ibaba niya yung tawag. Pagkababa ay nakatingin lang ako sa kawalan.
Tatawag kaya siya? Maghihintay na naman ba ako? Napahinga ako ng malalim, nararamdaman ko ng hindi siya tatawag. Baka pa nga may hinala na siya na ako yunh tumawag eh.
Dahil sa kakaisip habang naghihintay ay hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.
***
"Keiro..." naramdaman kong namumula yung pisngi ko habang nakatitig sa kanya. Unti-unti ring lumalapit yung mukha niya sakin.
Napatitig ako sa mga mata niya. Nakakalunod yung mga mata niya. Parang may pinapahiwatig, napakasarap sa pakiramdam habang tinititigan.
Nakakadarang ang mga tingin niya sakin. Napahigpit yung pagkakakrus ng kamay ko sa dibdib ko dahil sa sobrang lapit na talaga ng mukha niya.
Napapikit ako ninanamnam ang init ng kaniyang hininga na dumadampi sa labi ko.
Hanggang sa maramdaman ko ang.
***
Napamulat ako at agad na napabalikwas ng biglang tumunog yung cellphone. Tf!?
Nakakainis! Nabitin pa yung panaginip ko! Huhu
Patumbang humiga ako at inis na kinuha yung phone. Pumikit ako ng mariin at hindi tinitignan ang caller ID na sinagot ang tawag. Ang sarap singhalan ng pesteng isturbo na'to!
"What!? Alam mo bang ansarap na ng panaginip ko? Tapos tatawag-tawag kang isturbo ka? Kulang ka ba sa pagmamahal? Ha?" inis na inis na talagang paninigaw ko sa kung sino mang tumatawag.
Lalo akong nainis ng hindi ito sumagot at singhap lang yung narinig ko.
"Ano? 'di ka sasagot? Sino ka ba ha? Maibabalik mo ba yung kissing scene na panaginip ko? Ha? Nakakainis!" napasabunot pa ako sa buhok ko dahil sa frustation.
Inis na pinatay ko yung tawag pero agad ding nakaramdam ng hiya at guilt ng makita ko kung sino yung caller.
Ang tanga, tanga, tanga, tanga, tanga mo talaga triana! Napaka tanga lang!
Dali-daling pinindot ko ulit yung call button pero hindi na niya sinasagot naka limang beses na akong nagpaulit-ulit pero hindi niya talaga sinasagot.
Naiiyak na ako. Tinext ko siya at nag-sorry, sinabi ko rin na nakatulog ako sa paghihintay. Napaiyak na talaga ako.
Frustrated, guilty, shame o kung ano pang nakakaiyak na feeling ang nararamdaman ko ngayon. Sobrang nakakahiya. Hindi ko na alam kung paano ko yun mababawi, paano ako haharap sa kanya bukas..
Hindi siya nagreply at tinry ko ring tawagan ulit pero nakapatay na yung phone niya.
Lalo akong napaiyak. Sa kakaiyak ko ay nakatulog ako at nagising na masama parin yung loob sa sarili.
"Kaya mo yan triana! Ikaw pa ba? Pa as if nalang tayo na walang nangyari. Nananaginip kalang nun o siya! Basta! AJA!" i encouraged my self before stepping out of our car. I thanked our driver ng pagbuksan niya ako ng pintuan.
Dali-dali akong nag lakad papasok sa room. Maaga pa ngayon kaya konti palang yung student. Dahil early bird siya ay nakita ko siya agad sa upuan niya. Nagbabasa.
Dahan-dahan akong lumapit sa upuan ko at nilagay yung bag ko. Umupo ako sa kaharap niyang upuan, i moved the chair, facing him.
"Hi keiro! Goodmorning!" masiglang bati ko sa kanya. Hindi niya ako pinansin pero dahil sanay na ako ay pumalumbaba ako sa harap niya.
"Early in the morning, nagbabasa ka na naman. Aren't you bored?" i tap his book lightly, trying to catch his attention. Still no response.
"Keiro... Keiroo... Mr. Sungit. Uyy sungit." pangungulit ko sa kanya. He sighed deeply and close his book. Napangiti ako. Ayan na, papansinin na niya ako.
Agad namang napawi ang ngiti ko ng pagkatapos niyang ilagay yunh libro niya ay pinagpatong niya yung dalawang braso niya sa ibabaw ng lamesa niya at hiniga yung ulo niya rito. Matutulog na naman siya!
"Keiro. Uyy. Pansinin moko! Wag ng sungit. Alam mo mas gwapo ka kung hindi ka nagsusungit, though cute ka naman kapag nagsusungit. Hmmm." hinawakan ko yung buhok niya at sinuklay gamit yung daliri ko pababa pero ng bumalik na sa taas yung kamay ko ay hinawakan niya at tinignan niya ako ng masama.
Alam ko naman ang ibig niyang sabihin pero dahil sa kapilyuhan na naisip ay pinagsalikop ko yung kamay namin. Hinigpitan ko yung pagkakahawak at ngumiti sa kanya ng nagpapacute.
"Papansinin moko o maghahawak-kamay tayo hanggang sa dumami tao rito sa room." nakangiti ko paring sabi sa kanya. Sinubukan niyang hablutin yung kamay niya pero mas hinigpitan ko pa yung pagkakahawak kaya tinignan niya ako ng masama.
"What do you want?" cold na sabi niya pero napangiti parin ako.
"Ayan nagsalita kana." hindi ko parin binibitawan yung kamay niya. Hindi naman na siya nagpumilit pang agawin ito kaya medyo kinalas ko ito pero agad ding binalik yung higpit ng akmang aagawan niya ulit.
"Uh-huh! Not me, mr. sungit." kahit nakatingin siya sakin ng masama ay nginingitian ko naman siya.
"How's your sleep? You look fresh today. I can say you sleep well, hmmm." pangtutukso ko sa kanya. Nakatingin lang siya sakin.
Buong oras ay ako lang ang talak ng talak habang siya ay nakatingin ng masama sakin. Hindi ko namalayang andami na palang tao sa room at pinagtitinginan na kami.
"Hoy triana! Ano yan? Ha? Akala ko ba. Hmm ikaw ahh." Napatingin ako kay keisha ng pagkapasok ay yan agad yung bungad niya. Napakalakas talaga ng bibig ng isang to.
Napatingin ako sa paligid at pinagtitinginan na halos lahat ng kaklase namin sa amin. Nasulyapan ko pang masama ang tingin ni brailey yung monitor namin sa akin. Tumingin ako kay keiro na bored lang na nakatingin sakin na parang naghihintay na bitiwan ko yung kamay niya.
Napanguso ako at unti-unting binitiwan yung kamay niya. Ang sarap pa namang hawak, it's so soft and smooth. Parang kamay pang babae, ang puti-puti pa tas ang hahaba ng daliri. Sarap hawakan.
"Ang ingay-ingay mo talaga keisha! Napaka chismusa pa, issuer ka ehh." sabi ko kay keisha na ikinaingos niya lang. May nakakatuksong tingin pa.
Bumalik ako sa upuan at naupo na parang walang nangyari. Napasulyap ako kay keiro na parang ngayon lang natauhan na nakatingin samin ang lahat. Namumula pa yung pisngi at tenga niya.
Ang cute niya talaga pag ganyan yung itsura.
Napatingin siya sakin nginitian ko siya pero agad din siyang umiwas ng tingin. Cute.
Ngayon alam ko na ang gagawin kapag nagsusungit ka keiro! Hawak-kamay lang pala eh. Hihi