Time flies so fast, today we will have our acquaintance party. Walang pasok buong araw puro activities lang para sa mga students tapos mamayang gabi may acquaintance ball.
This event is being celebrated every school year. Magandang activity especially for the freshmen to socialize with higher levels and also for the seniors na ga-graduate na like us.
Meron namang college ang university kaso hindi sila part ng event, unlike foundation week na buong school nag-pa participate.
So ngayon naglilibot lang kaming apat sa buong campus, syempre dito sa high school campus lang. Separated kasi yung college at high school.
"Pagod na'ko. Kanina pa tayo paikot-ikot, saan ba tayo pupunta?" reklamo ko. Kanina pa kasi kami paikot-ikot eh. Hindi naman bumibili sa mga stall, hindi rin sumasali sa mga activities.
Hindi naman required na sumali sa mga activities, basta nakikipag socialize kalang okay naman na daw. Ang mga activities na hene-held nila ay paint party, dance battle, open mic at marami pang iba may mga pa games din yung mga seniors.
Umupo kami sa isang sulok, umalis sila tatlong para bumili ng pagkain. I'm so tired and feet hurts kaya nagpaiwan na muna ako para mag reserve na rin ng upuan.
Habang nakaupo ay nililibot ko yung tingin ko ng may mapansin ako. Nag-iisa lang siya, wala ba siyang kaibigan? Ang suplado niya kasi, andami kayang gustong makipag-kaibigan sa kanya.
Sinundan ko siya ng tingin, pinagtitinginan siya ng mga dinadaan niya. Hindi niya kasi suot yung glasses niya, naka lagay lang sa polo niya. Nakakunot pa yung noo niya habang naglalakad siya.
Ohh kita mona, mukha palang. Ayaw ng makipagkaibigan. May mga bumabati sa kanya, yung iba nilalapitan pa siya pero tipid na ngiti lang yung binibigay niya.
"Oh, anong tinitignan mo diyan? Gutom na gutom ka ba? Tulala ka ehh." napatingin ako sa kanilang tatlo ng bigla nalang silang sumulpot sa harap ko.
"Wala, may iniisip lang. Saan tayo pagkatapos nila? Wala naman tayong pasok ehh." tanong ko sa kanila. Nagsimula na kaming kumain habang nag-uusap.
"Kahit saan, basta uwi tayo before mag 4. Mag p'prepare pako para mamayang gabi." ani Gesiah. Sumang-ayon naman ako. Nagpa plano kami ng pupuntahan namin at mga gagawin mamayang gabi.
Pupunta ka ya siya? Feel ko hindi, feeler kasi ako ehh. Duh! Pero totoo, parang hindi. Hindi man required yung pagpunta pero lahat ng student ay pumupunta talaga. Inaabangan pa nga ito every year ehh.
"Girls, powder room lang." sabi ko at tumayo na. Tinawag pa ako ni keisha pero hindi ko na siya nilingon.
Hindi ko alam kung saan ako pupunta pero namalayan ko nalang yung sarili ko na sinusundan siya. Pumasok siya sa isang hallway na wala medyong tao. Sumunod ako.
Teka, saan ba siya pupunta? Sunod lang kasi ako ng sunod. Pumasok siya sa isang room. Ayy room pala namin. Wala tao syempre,wala naman kasing pasok. 'nong ginagawa niya dito?
"Why are you following me?" napasigaw ako with talon sa gulat ng papasok na sana ako sa room pero bigla siyang humarang sa pintuan.
Tignan mo'to. Kahit nanggugulat wala paring emosyon. Ansarap sapakin nito ehh.
"Ano ba! Nakakagulat ka naman ehh." pasigaw ko na ani sa kanya. Sarap talagang batukan ehh. Tinaasan niya lang ako ng kilay at tinalikuran. Umupo siya sa upuan niya sa likuran.
"Why are you following me?" tanong niya ulit ngunit hindi man lang tumingin sakin.
"Hindi kita sinusundan no!" I said defensively. Ba't ba ako nandito? Sinundan ko ba talaga siya? Bakit nga ba?
"K then, why are you here?" walang ka emosyong-emosyon na tanong niya. Hindi ako nakasagot. Nilibot ko yung tingin ko baka may makita akong pwedeng irason.
"Uh, may kukunan lang ako." palusot ko pa sabay lapit sa upuan ko. Nagpanggap ako na parang may hinahanap sa mga gamit ko sa ilalim ng upuan ko.
Hindi niya na ako pinansan at hinarap na yung libro niya na hindi ko namalayang binabasa niya pala.
"Pupunta ka ba mamaya sa ball?" tanong ko sa kanya. Syempre hindi ko ipapahalata na curious at interesado ako. Chill lang.
"Sinong kasama mo? Or may date kaba?" hindi siya sumasagot kaya tinanong ko ulit.
"Why do you wanna know?" napatingin ako sa kanya ng mahimigan ko ang paghihinala sa tono niya.
"Wala lang, hindi ba pwedeng magtanong? Atsaka napapansin ko kasi na parang ayaw mo naman sa crowded places kaya yun" nagkibit balikat nalang ako at tumayo. Humarap ako sa kanya ng naka cross ang mga braso sa dibdib.
"So you're observing me all this time, huh? Are you interested with me?" My eyes widened at napaubo-ubo ako sa gulat. Halata ba? Ayy teka-teka, hindi kaya! Napa ka assuming naman nito!
"Hoy, assuming ka no? 'Di ba pwedeng palagi kitang nakikita? Atsaka magka klase tayo kaya napapansin ko. Duh!" pairap na sabi ko pero napabalik agad yung tingin ko sa kanya. Nakangisi siya. He's smirking! OHEMGEE!!
"Are you smiling?" tanong ko sa kanya habang nilalapit ko yung mukha ko sa kanya.
Nawala naman agad yung ngiti niya at bumalik na yung 'usual' na ekspresyon ng mukha niya.
"No, why would i?" napatitig ako sa kanya. Hindi naman ako nag iilusyon ehh. Nakita ko talaga, naka ngiti siya.
"Are you done? Can you please leave me alone?" natauhan naman ako galing sa paninitig sa kanya dahil sa tanong niya.
Pinapaalis niya na ako? Ayaw ko nga! Gusto ko dito!
"Anong ginagawa mo? Ba't mag-isa ka dito? May kaibigan kaba? We can be friends, if you want. Alam mo kasi halos lahat dito sa schook kaibigan ko, i can even introduce you to some of my friends. Would you like to?" tinitigan niya ako ng matagal, naconscious naman ako bigla. May dumi ba 'ko sa mukha? Haggard ba ko? Maputla ba ko? Ano ba yan!
"Bakit? May dumi ba ko sa mukha?" kinuha ko yung foundation ko sa bag na may mirror. Wala namang dumi yung mukha ko ahh. Medyo haggard lang pero hindi naman ako pangit no!
Tumingin ako pabalik sa kanya at nakita kong umiiling-iling siya. Bakit ba?
"So pupunta ka nga mamaya? I'll introduce you to some of my friends. Ha?" pangungulit ko sa kanya. Kailangan niya ba ako bibigyan ng full-attention niya.
Pakiramdam ko nakikita lang ako ng atensyon sa libro niya ehh. Teka nga! Ako? Nanghihingi ng atensyon? Sa isang lalaki? First time to ahh at saka ang swerte naman ata niya?
Tumayo na ako ng makaramdam ako ng hiya dahil sa pangungulit ko. Nakaramdam ako ng lungkot at inis sa sarili. Bakit pa kasi sumunod? Parang tanga na ehh.
Tumalikod na ako sa kanya at hahakbang na sana ng bigla siyang magsalita. Napaharap naman agad ako sa kanya.
"Where are you going?" malamig na tanong niya. Nakaramdam naman agad ako ng kaba dahil sa ano? Hindi ko alam. Basta kinakabahan ako.
"Uh, aalis na? Sorry sa pang-iistorbo." nakangiwing sabi ko hindi makatingin sa mga mata niya.
Binaba niya yung libro at tumingin ng diretso sa mga mata ko. Napatalon ako sa bigla dahil sa atensyon na binibigay niya.
Pakiramdam ko first time akong na bigyan ng atensya ng buong mundo. Nakakagaan at napakasarap sa pakiramdam ang binibigay ng tingin niya.
"Hindi ko pa sinasagot yung mga tanong mo, baka hindi ka makatulog sa kakaisip." tumaas naman yung kilay ko dahil sa huling sinabi niya.
"Uh, okay?" sabi ko nalang at hinintay yung sasabihin niya.
"Yes, i'll go. I'm alone here because i want to. I have friend, i don't need a lot of friends." part na kaya ako sa 'i don't need a lot of friends' niya? Ouch. Another rejection na naman ba?
Tumango nalang ako at tumalikod na para umalis. Hindi na ako nagsalita. First time rin may isang guy na hindi interesado sa akin. Hindi naman sa nagmamayabang ako pero halos kasi yung nakakasalamuha ko gusto makipagkilala at makipagkaibigan sakin.
"And no, you're not disturbing me."