Two days akong hindi nakapasok dahil sa lagnat. Ngayon kahit medyo nanghihina pa ay kailangan ko ng pumasok. Pero hindi muna ako makakapag training sa volleyball at sa pageant na rin. Sobrang strict na ngayon sa akin ni mommy. Pagkatapos ng klase ay sudunduin agad ako, wala naman akong magagawa. Kasalanan ko naman kasi pero ayaw ko ng isipin kung bakit. Naiiyak lang ako. Pagpasok ko sa klase ay bigla akong nailang. Lahat sila gulat at tumahimik kaya ngumiti ako sa kanila. Wala pang teacher pero halos lahat ay nandito na. "Goodmorning" bati ko sa kanila. "TRIANA!" napangiti ako ng dali-daling dinambaan ako nila keisha, muntik pa kaming matumba. "What happened? Bakit ngayon kalang nakapasok? Hindi kaman lang tumawag o kahit text nalang. Dapat nga nagtatampo kami ngayon sa 'yo kaso

