I'm so excited. Today is the Day! Me and keiro we're going on a date!
Hindi naman siya makakatanggi ehh. It's a deal, a consequence that he is obligue to do.
I really did prepare for this day to come. Pagkauwi ko ay nag-isip agad ako kung anong magandang gawin para sa date namin.
And i came up with an idea that i'll bring him somewhere memorable. I'll make sure that this day and moment will be the most cherishable moment in his life.
I texted him the details of our date. The place, the time and ofcourse i'll provide for all our needs. All he need to do, is to bring himself to that place.
After fixing myself, bumaba na ako at lumabas ng bahay. Mom and dad is already at work kaya ako nalang mag isa dito.
Nasa labas na yung sasakyan kaya sumakay na agad ako. I texted him that i'm on my way already. I put my phone on the seat beside me and got my mirror. Can't get enough of my face today.
Baka kasi maging haggard ako dahil sa kaba. Oo, kinakabahan ako ngayon. Hindi ko alam bakit.
Nang makarating ay bumaba na agad ako sa sasakyan. It's already 3:40 in the afternoon.
"Manong, i'll call you nalang po, if magpapasundo na ako. Thankyou po!" tumango naman yunh driver namin at minaneho na ang sasakyan paalis.
Pumunta ako sa may malapit na puno oara sumilong. Nilatag ko ang dala kong blanket sa damuhan at nilagay yung mga dala ko.
This was my plan. We will going to have a picnic here,the view is overlooking the city. Kaso merong araw pa at mga ulap kaya nakakasilaw.
Actually alas 4 pa yung time na sinabi ko sa kanya pero gusto kong early ako para makapag prepare at kapag dumating na siya maayos na lahat.
I sat down at the blanket and look at my face again in the mirror. Okay pa naman. Hindi naman ako nag me'make up. Powder lang pero ngayon naglagay ako ng liptint.
Marunong naman akong mag make up pero hindi talaga ako mahilig at minsan lang ako mag pulbo kung feel ko lang haha.
Napatingin ako sa relo ko. 4:10 na, baka na traffic. I search for my phone on my bag but i can't find it. Ite'text ko sana si keiro.
Shett! Baka na iwan ko sa sasakyan! Patay! Pano ako magpapasundo mamaya? Ugh! Kainis!
Siguro makikitawag nalang ako kay keiro? Hindi naman siya siguro madamot hihi.
I was enjoying the view the whole time. Medyo nag o'orange na yung langit hindi narin masakit yung araw, masarap na sa pakiramdam ang hangin.
Napapikit ako. This feels good. Relaxing. Peace.
I wonder how does it feel to be here with him. Talking. Laughing.
Napangiti ako sa naisip. Napatingin ako sa relo ko 4:30 na. Napabuntong-hininga ako.
It's still early, tri. Don't lose hope. Baka na traffic or may dinaanan pa.
Instead of thinking negative, inenjoy ko nalang ang masariwang hangin at mas gumagandang tanawin.
Napapangiti ako sa mga naiisip ko na pwedeng mangyari ngayon. Mas na e'excite pa ko.
Hindi ako nawalan ng pag-asa kahit na unti-unti na ring nawawala ang liwanag galing sa kalangitan. Napatingin ako sa relo ko. Ulit.
6:02...
Sisiputin niya ba ako? Naiiyak na ako. Napatingin ako sa basket na nakalatag sa tabi ko. Kahit na hindi ako masyadong magaling magluto, i tried to cook all of this, i even baked.
Slowly my hope and my emotions turn down in unison. Napatingin ako sa kalangitan. Andaming bituin pero unti-unting natatabunan ng ulap.
Napapikit ako. Nakakapanlumo. Everything is ruin. Nakakaiyak. Nakaka disappoint. Hindi ko alam pero kahit ganito na yung ginawa niya sa akin. Hindi ko parin maiwasang mag-alala sa kanya.
Siguro may nangyaring masama o kaya may biglaan silang pinuntahan. Napatango-tango ako.
Pero hindi na rin nakakapagtaka triana. Ilang beses kana niyang tinanggihan. Ni-reject. And now he's taking you for granted.
Unti-unti kong naramdaman ang luhang tumulo sa aking mga pisngi.
Wala na. Tapos na ko. Ayoko na. I think i should give up already. Ito na eh, ikadalawang beses na niya akong nireject. Kahit hindi niya sinasabi, pinaparamdam niya naman.
Sana naman sinabi niya nalang ng diretso na ayaw niya sakin. Hindi yung binibigyan niya pa ako ng mga maling akala. He's giving me false hope.
Napahikbi ako kasabay ng pagbuhos ng malakas na ulan. Hindi na ako nag-abala pang sumilong kasi kahit anong gawin ko mababasa pa rin naman ako.
Parang nakikisabay ang panahon sa nararamdaman ko. Masakit. Ganito ba talaga kapag first love?
Yeah, first love. Hindi naman siguro ganito ka sakit kung hindi naman ito pagmamahal diba?
Pero hindi ko naman pwedeng ipagpilitan yung pagmamahal ko sa isang taong ayaw namang tumanggap nito. Sa isang taong ayaw namang suklian ito.
Nagsisimula na akong kwestyunin ang sarili ko. Mahirap ba akong mahalin? Hindi ba ako karapat-dapat sa ganitong klaseng pagmamahal? Pangit ba ako? Masyado ba akong mapangarap? Desperada?
Alam ko namang sa simula palang hindi niya na ako gusto. Pero pinilit ko pa rin, nagbabakasakaling mabago ko yung nararamdaman niya. Na matutunan niya rin akong mahalin.
Pero siguro ito na yung sign? Na kailangan ko ng mag give up at kalimutan yung nararamdaman ko. Kasi kung ipagpapatuloy ko pa to. Ako paren naman yung masasaktan sa huli. Tama na.
Hindi ko alam kung paano at anong oras na ako naka uwi. Basta nagising nalang ako na nasa isang silid na, nakahiga sa kama. Nilalamig pero ang init-init ng katawan ko. Sobrang lamig pero pinagpapawisan parin ako.
Sobrang sakit ng ulo ko. Gusto kong imulat ang mga mata ko pero parang pati sila ay suko na rin sakin.
Kahit mahapdi ay pinilit kong imulat ang mata ko. Napatingin ako sa gilid ko at nakita ko si mommy.
She's holding my hand, nakaubob ang ulo sa kama ko at nakaupo sa sahig.
I woke her up.
"M-mom" i tap her shoulder. Napabalikwas naman siya at napatingin agad sa akin ng may pag-aalala sa mukha.
"Triana, baby. How's your feeling?" she asked worriedly.
"Ano pong nangyari? P-paano po ako nakauwi? " hinang-hinang tanong ko sa kanya.
"Bukas na tayo mag-usap anak, sa ngayon magpahinga ka muna. Hindi pa maganda ang pakiramdam mo. Magpahinga ka muna, okay? " napatango nalang ako kay mommy. Ngumiti naman siya.
"Shh, don't cry. I love you baby, hmm? Hindi ko man alam kung ano pero alam kong may pinagdadaan ka. And i won't force you to tell me kung ano iyon. I'll wait. Mommy will wait. I will wait until you're ready to open it up. For now, rest baby." She wiped my tears and kissed me on my forehead. Napapikit ako sa riin niyon.
My mommy... I loveyou so much..
I couldn't voice it out anymore and just drifted to sleepiness.
I'm giving up..