Chapter 1
"Princess anak, are you sure of that? the way you look its disgusting. tanong ni mom saakin habang pinasasadaan ako ng tingin mula ulo hanggang paa.
"Hey mom! ang sakit niyo naman pong magsalita"
"This is the look that i want." ito lang ang tanging paraan ko para umiwas sa gulo." Ayokong maraming babae ang nagagalit sakin.at mas lalong ayokong may mga lalaking panay ang habol saakin. nakakasawa mom."
" Is that so?" tingin mo ba hindi nila malalaman ang tunay mong kaanyuan? Baka mapahamak ka anak. Im just concern about you".
" But mom please, kahit ito lang payagan niyo na ako."
" I have to go mom, malalate na ako sa first day of school. See you later mom".
I kiss mom's cheek at dali daling pumasok sa sasakyan, pinaandar ko ito at hinahabol ang oras dahil ilang minuto na lang malalate na ako.
It was my first day of school.
first year college na ako ngayon, halo halong kaba ang nararamdaman ko sapagkat itong unang araw ng pagpapanggap ko. I have my big eyeglass ginaya ko ang stilo ng pagiging isang nerd, makakapal ang kilay sinadya kong kapalin ang eyebrow sa magkabilang kilay ko. I use light lipstick na parang maputla ang kulay ng labi at dark foundation. Halos isuka ko ang itsura ko ngayon pero i need to do it kailangan kong panindigan ang naging desisyon ko.
Mabilis kong ipinarada ang sasakyan ko, at dali-daling bumaba. Binabagtas ko ang daanan papuntang classroom ko, dinig ko ang bulong bulungan ng mga kapwa kong studyante. Im used to it, inaasahan kong ganito ang magiging reaksyon ng mga taong nasa paligid ko.
Taas-noo parin akong naglalakad, dahil wala akong pakialam sa kung ano man ang gusto nilang sabihin sakin.
" Miss are you sure dito ka talaga nag aaral? baka naligaw ka lang." saad ng mga grupong mga babaeng nakasalubong ko. Habang pinagtatawanan nila ako, Tinaas ko ang aking kabilang kilay at pinagtitigan sila..
"Hindi ako naligaw, dito talaga ako nagka enrol. Balita ko kasi kagwapuhan ang mga lalaki dito." asar kong sagot.
Agad naman silang nagtawanan sa naging sagot ko.
" Sigurado ka miss? hiyang hiya naman kami sa itsura mo." Mukha kang basahan, walang lalaking makakagusto sayo rito. kahit pangit na lalaki siguradong hindi ka pagtiyatiyagain." sabay nilang tawa lahat habang nakapalibot saakin.
Ganito pala ang pakiramdam kapag hindi kaaya aya ang itsura ng isang tao.pagsasabihan ka ng mga masasakit na salita, pagtatawanan ka, ipamukha sayo na hindi ka nabibilang sa mga taong maganda ang kaanyuan.Hindi ka rerespetuhin gaya ng inaakala mo, kase para sa kanila iba ka, pangit ka kaya dapat lang hindi ka nararapat makipagsabayan sa mga taong panlabas na anyo lang ang binabasehan.
Ngayon ko lang napagtanto na, mahirap pala. mahirap magpanggap bilang isang makalumang anyo.mahirap pigilin ang damdamin, dahil sa mga masasakit na salitang pinaparinig at ipinapakita ng mga tao sa paligid.
Kinuyom ko ang aking mga kamao at pinagtitigan sila.
"Siguradong sigurado ako, may tiwala ako sa sarili ko. Kahit ang hearthrob pa ng eskwelahang to mapapaoo ko". inis kong sagot at napaubo silang lahat
"Grabe Ang lakas naman ng self confidence mo miss, wala kabang salamin sa bahay, tignan mo nga yang itsura mo daig mo pa ang asong ligaw " mas lalong umingay at tawanan ng mga studyanteng kaharap ko.
"well kung mukhang asong ligaw man ako sa paningin niyo, huwag kayong mag alala dahil ganoon rin kayo sa paningin ko." saad ko at tinalikuran sila.
"You witch, di pa tayo tapos come back here!" rinig kong sigaw ng mga estudyanteng mapanghusga.
nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa room ko.
Pagpasok ko ganun parin ang inaasahan ko, lahat ng naroon pinagtitigan ako ng maayos mula ulo hanggang paa. Well, this is me. pinili ko ito, paninindigan ko.