Chapter 3: My FIANCE is a GANGSTER?????
"WHAAAAAAAT?????" Syempre nagulat ako nung tumakas siya. Sino bang aakalaing tatakas ang lalaking ‘yun. Siguro matagal na nung alam na fiance ko siya kaya ayon tumakas. Kapal! Kung mas maaga ko ring nalaman ay tatakas ako. Pero ngayon hindi na, OA na ‘yun. At ano ba sa tingin niya? Na pakakasalan ko siya? Eh, eengage palang kami at posible pang hindi kami ikasal. ‘Wag siyang assuming na pakakasalan ko siya agad. Like duh? So young, wild and free pa ang drama ko. Psh! Hindi naman ako papatol sa kanya. Over my dead and sexy body!
"Chill, hija. Oo, tumakas siya kasi ayaw pa niyang magpakasal," At sinong may sabing magpapakasal agad ako sa kanya? Okay lang ba siya? Nasa edge palang kami ng pag eengage at wala pang kasalan. Kala niya naman papakasalan ko siya agad! "Taga Makati lang rin siya. Baka nga nagkasalubong lang kayo ng hindi mo namamalayan." sabi ni grandpa habang kumakain.
At ako? Nakatulala lang ako sa kanila. Kaya talaga nilang kumain ng hindi man lang iniintindi ang mangyayari sa buhay ko?! Wala na ba talaga silang pakialam sa mangyayari sa ‘kin? Sa buhay ko? Wala pa sa isip ko ang pag aasawa at pagpapakasal. Ano ba? Bakit ako lang ang nagpapanic! Hindi basta basta ang pagpapakasal! Ano ba!? Jusko!
"Teka! Teka lang at nag sisink in pa sa ‘kin ‘yung mga nangyari. Una, engage ako. Sa murang edad ko may plano na kayong ipakasal ako. Pangalawa, hindi ko pa nga kilala tung pensyopilato nato na pakakasalan ko ay ngayon nawawala pa. Siya pa talaga ang may ganang tumakas? Walang hiya! Sa mala dyosa kong mukha siya pa talaga ang lumayo?! As if I wanna marry that guy! Like duh? I'm the victim here, not him!" Ang kapal niya para takasan ang beauty ko. Halos walang hinga-hinga kong sabi sa kanila.
Di naman sa gusto ko mag pakasal pero HALEEER?Ang ganda ko kaya! Long hair, I'm pretty too! Let me rephrase it, I'M BEAUTIFUL, young and sexy! Hindi nga lang pinagpala ng laki ang hinaharap pero at least naman may shape ang katawan ko. Hindi rin naman gaano kayaman pero may maibubuga naman siguro ako. Conceited lang ang peg? Napangiti ako sa aking naisip.
"Relax! Ano ba? Para ka namang inaatake." sabi pa ni kuya Mudoy kaya nilakihan ko talaga ang mata ko sa kanya. 'Seriously? Kung siya kaya magpakasal tapos sabihin ko ang katagang 'relax'? Tingnan ko lang kung hindi sasabog ang eardrums namin sa mga talak niya!'
Huminga ako at tiningnan si kuya Michael, 'Say something, kuya. Its worst than Raul! At least si Raul ay pinagpalit ako, eh ‘yung isa ay tinakasan ako! Tae! Parang parehas lang din pala! Ano bang nangyayari sa mga lalaki ngayon? Nagiging problema na talaga sila! HAHA at talagang nilahat ko pa sila?'
"Spoiled kasi ‘yun princess. Lahat ng gusto niya nakukuha niya! Sa pagkakaalam ko may gang ‘yun siya eh." mas lalo akong napanganga. Seryoso? As in? Sure na ba? May gang siya tapos ibibigay nila ako sa kanya? I mean ipagkakatiwala nila ako sa isang gangster?
"So, my FIANCE is a GANGSTER?????? Paano nangyari ‘yun? Ba't niyo ko ipagkakatiwala sa lalaking alam niyo na maaargabyado ako?? Gosh! Nakakainis!" Padabog kong sabi, totoo naman kasi. "Ayoko sa gangster!" bulong ko.
"Relax okay? Wala namang masama kung susubukan mo baby eh. And, isa pa mas maproprotektahan ka niya. Mayaman pa! Sampong Beses ang yaman nila satin" Like duh. As if naman ang yaman namin. Tsk! At kanino niya naman ako proprotektahan? Nakakatakot kaya ‘yung mga gangster. ‘Di ba sila ‘yung mahilig sa violence, war and anything dark. Basta ganun, ‘yun sila ‘di ba? Mahilig silang manakit, manigaw at baka hindi sila kumikilala ng babae at masapak rin ako. The hell? Ano ba tong napasok ko? Sana nananaginip lang ako. Oo, tama. Panaginip lang to.
"Saang planeta ko ba hahanapin ang empaktong ’yan at maitapon ko na siya sa impernong lugar."
"Kumain muna tayo mga apo!" seryosong wika ni grandpa. Huhu. Gusto kong maiyak. Nalunok ko yata ang dila ko. Nawalan na ako ng ganang kumain. Gusto kong halughugin ang planetang yekok at sulungin ang impaktong ‘yun.
"Opo, Grandpa!" Masayang sagot ng kambal. Mas lalo akong nainis sa kambal.
"Pero, grandpa!" pigil ko.
"Pagkatapos nating kumain sasabihin namin sayo lahat. Para Bukas makaalis ka na!"
WTH? Bukas? Agad-agad? Hindi naman sila masyadong halata na nagmamadali ‘di ba? At talagang ako pa ang pupunta sa kanya? Kamusta naman ang pagiging dalagang Filipina ko nito? Siguraduhin niya lang talaga na ka gwapohan siya para may saysay ang pag punta ko kung saang planeta man siya napunta.
"OKAY!" sagot ko at pinilit na kumain.
Habang kumakain kami ‘yun lang ang nasa isip ko. Paano kung bad influence ‘yung lalaking ‘yun? Mamatay tao? Pusher? Adik? ‘Wag naman sana. Mababahiran na talaga ng dumi ang aking isipan at masasaniban na ako ni Medusa.
Pero seriously? I'm going to marry the anonymous gangster na ‘yun?
***
Pagkatapos naming kumain, ayon na nga. Sinabi na nila sa ‘kin ang lahat. Kasama pala ng lalaking ‘yun ang gangmates niya na nagbakasyon sa Zambuanga! Walang hiya talaga. Naisipan niya pang magbakasyon. Naisipan niya pang mag enjoy habang ako rito naiinis sa magiging tadhana naming dalawa?
At taga Makati din siya. I mean, sila! Sila ng mga gangmates niya at sabi pa nila kuya na batch daw niya ‘yun gangster na yun, so mas matanda siya ng isa o dalawang taon sa ‘kin. Tsk! Seriously? I'm gonna marry that guy? For real na ba to? Gosh! I'm not yet ready to that marriage thingy! Sabi ni grandpa, susubukan muna namin at hindi naman namin kailangang magmadali. Hindi pa ba kami nagmamadali sa lagay na to?
So, aalis na ako bukas? Gosh! Good luck to me! Kinakabahan tuloy akong makilala ang ang fiance ko. Gosh! Anong gagawin? What? Oh no!
I'm going to meet my fiance!!
My Fiance!
My Fiance!
My Fiance!
Iw! Ba't feel na feel ko?
Waaaaah! My fiance is a Gangster! A damn gangster! Good luck to me bukas! Ewan ko ba pero mas malakas ‘yung kaba ko ngayong engage ako sa taong hindi ko naman kilala. Makakamove on ba nga ba ako sa ex kong si Raul? Er! Hanggang ngayon siya parin ‘yung gusto ko, sana tuluyan ko nang makalimutan si Raul. Sana. Please.