CHAPTER 25 “Woooow! Mat, tingnan mo ang ganda.” Sabay turo ko sa labas ng veranda sa kwarto namin. Kitang-kita namin ang nasa baba. Ang white sand, ang swimming pool at dagat. Nakita ko pa ang ibang member ng black mamba na busy rin sa kakahintay sa mga chiks nila. Naramdaman ko ang biglang pagyakap ni Kenji sa likod ko. Sinulyapan ko siya saka ngumiti. “Kitang-kita ang dagat rito. Bukas makikita rin natin ditto ang sikat ng araw. Ang ganda.” I smiled widely. Ang laki rin ng kwarto namin ni Mat. Napaisip naman ako na kwarto niya ‘to dati pa pero hindi niya man lang dito nadala ang babae niya. I shrugged. Hinarap niya ako sa kanya saka siya yumuko pero nakahawak parin siya sa bewang ko. “Mas maganda ka.” I giggled. Tiningnan ko ang kwarto namin ng mahagip ng mata ko an

