Chapter 43 Third Person FLASHBACK Umalis si Kenji para puntahan ang black mamba sa bar. Ang plano niya sana ay kasama si Dolly pero nagbago ang isip niya. Tumawag si Jigs sa kanya dahil may naghahanap sa kanya. Isa sa mga kilala at malakas sa industriya ang nagpatawag sa pinuno nila. Pumunta siya sa bar kung saan naka reserve ang mga VIP na costumer. Pagkapasok niya sa loob ng bar ay may mga naka itim na suit sa labas at naghihintay na sa pagdating niya. Pagkapasok niya sa loob ay nakita niya ang grupo ng black mamba at ang ibang kasama ng mafia boss nila. Nakita niya rin si Raul at ang kanyang ama na si PAIN Rico. Kilala ni Kenji si PAIN dahil sa sila rin ang matinding kaaway nila sa negosyo sa ibang bansa pero ang mas kinagulat niya na kasama nila si Raul. Kahit nagulat siya ay h

