Chapter 23 * Dolly POV * “Seriously? Hindi mo talaga alam?” Tanong ni Seb. Malamang. Magtatanong ba ako kung alam ko hindi ba? Sarap din nitong kausap ah! “Hindi. Haler? Kakakilala ko lang sa inyo. Diba December 22 bukas? So anong plano mo KENJI?” pagdidiin ko pa sa pangalan niya. Gusto ko talagang makita niya na talaga nga namang naiinis ako sa kanya. Hindi ko na siya tiningnan pa at pagalagala lang yung mga mata ko basta lang makaiwas sa kanya. Sino ba naman kasi ang hindi maiinis sa kanya? Ayoko nga kasing mag yosi siya. Oo, ang hot niya pag nag yoyosi siya. Ang cool niyang tingnan pero I just want to change him, not totally of course. Gusto ko lang naman itigil niya ang pagyoyosi niya dahil hindi naman ‘yunnakakabuti sa kalusugan niya and to think na isa rin ako sa lumalang

