Chapter 20 ** Dolly POV ** Nandito kami ngayon sa condo ni Mr. Nerd. So Jilton is the name. JK daw for short. Familiar ‘yung name niya, saan ko nga ba narinig ang pangalan niya? Habang papunta kami sa condo na tinutulu’yan ni JK ay panay naman ang lingon niya sakin. Hindi ko mawari kung anong gusto niya o may nais ba siyang sabihin. Sa tingin ko ay naiilang siya lalo pa't kasama rin namin ang lalaking siyang dahilan kung bakit siya may pasa at sugat sa mukha. Nandito rin si Mathew kasama namin ngayon at seryoso lang siyang nakatingin samin habang ginagamot ko si JK. Kulang nalang ay butasan niya ang mukha ni JK sa sobrang lalim ng mga titig niya. Behave, Mathew! Napailing nalang ako. Hanggang ngayon hindi parin mawala wala sa isip ko ‘yung confession ni Mathew kanina. Sinabihan pa ka

