CHAPTER 27 Pumasok ako sa kwarto at nilock ko talaga ang pinto. Kung pumasok siya bahala siya pero hindi ko siya papansinin. Pinaiyak niya pa ako. Hindi pa nga kami nagsisimula pero pinaiyak na ako ng letse na ‘yun. Humiga agad ako sa kama at piniling ‘wag na munang mag bihis. Magpapalamig muna ako saka ako bababa run. Kahit naman papano gusto ko parin tapusin ‘yung nasimulan ko. Gusto kong ako na personal magbigay ng cake pero dahil asar na asar ako ay bahala na siya kung anong gagawin niya sa cake na binigay ko. It’s 8:15PM at hindi man lang ako sinundan ni Mathew na siyang kinatuwa ko kasi kung susundan niya ako pagkatapos kong maasar sa kanya ay baka hindi ko siya matansya at tumilapon siya sa Manila beach. Hindi ko namalayang nakaidlip pala ako. Muling bumalik sa ‘kin

