CHAPTER 17 ** Dolly POV Its late na nung bumangon kami. 1PM na saka kami kumain. Madaling araw na rin kasi kami natapos maglaro. Hanggang ngayon hindi parin kami nag uusap ni Mathew. Pag dating ko sa kwarto tulog na siya at pag gising ko wala na siya sa tabi ko. Talagang iniiwasan niya ako mula nung nangyaring halikan namin kagabi. Dapat nga ako dapat mahiya at hindi siya. "Saan si Mathew?" I asked. Nandito kasi kami sa may pool. ‘yung ibang babae naliligo na. Pero ako hinahanap ko si Mathew. Bakit ba ayaw niyang magpakita o makipag usap? Hindi naman ako nangangagat ah! "Umalis ‘yun kanina eh.." sabi pa ni Jacob. "Saan pumunta?" "Malay!" sagot naman ni Kirby. "Alis na tayo bukas diba?" narinig ko pang tanong ni Yael kay Kean. "Oo. Bukas ka rin aalis diba Dolly? Sabay na tayo." sabi

