CHAPTER 40 Binuksan ko ang app ng cellphone ko at hinanap agad ang mga recipe sa pwede kong lutuin. Plano kong magluto ng sinigang. Tiningnan ko pa ang mga kitchen cabinet at mga nakalagay pa sa kusina pero kulang ang mga recipe na andito. Kahit nga cooking oil wala siya. Seriously? Paano ‘ko to lulutuin? Alangan naman titigan ko lang ‘to tapos ‘yun na? Luto na agad. “Mat, wala kang kahit ano sa cabinet mo. Paano ko ‘to lulutuin?!” Hindi naman siya sumagot. "Hoy! Ano nga? Sumagot ka nga Mat.” Tawag ko ulit sa kanya. Hindi man lang siya nakinig sa ‘kin, “Hoy!” "Call me MASTER!!" I rolled my eyes. “Okay ka lang? No way!” I hissed. Siya na nga ‘tong inaalagaan siya pa ‘tong pabebe masyado. Hindi siya sumagot at parang bingi na walang narinig. "Hoy, Mat! Makinig

