CHAPTER 38 ** LEX POV ** Pagkapasok namin sa mansion ay hindi ko na siya pinansin o kinausap. Panay ang tawag niya sa ‘kin pero deadma lang ako sa kanya. Nasaan na ba ang mga tao rito? Kung magnanakaw kami malamang sa malamang ubos na ang mga kayamanan ni lolo sa pamamahay na ‘to. Pumasok kami sa dining hall at nandun ang butler at ang maid. Yumuko naman agad sila at tulad ng dati hindi ko sila pinansin at umupo na para kumain. “Psst!” tawag sa ‘kin ng babae tipaklong. “Ano?” inis na tanong ko. Tiningnan niya muna ang mga yayang nakatayo sa likod namin. "Sssshhhh. Hinaan mo naman ang boses mo! Baka marinig ka nila. Teka Manong, bakit ka ba naka upo jan ha? ‘Di ba dapat tumayo ka? Ano bang pusisyon mo sa mansion NAMIN ng fiance ko? Tsss. Tumayo kana at tawagin

