CHAPTER 9

1950 Words
Chapter 9 Papunta na kami sa GUEST ROOM namin ni Kenji Mathew! Kasama ko siya and tahimik lang kami. Sa tuwing naiisip ko na sinabi niya yong tungkol sa halik naiinis talaga ako. Bakit kailangan niya pang ulitin? Di niya ba nahahalata na na awkwardan ako sa kanya at lalong lalo na sa ginawa namin kanina? Tiningnan ko lang ang likod niya habang nag lalakad. Sexy ng likod niya. Lalaking lalaki at talagang naaakit ako sa katawan niya. Ang lakas ng s*x appeal niya, gwapo rin siya, neat pa manamit. I wonder kung anong katangian pa meron siya? What do I expect from this person? He's a gangster after all. "Ba't ang tahimik mo?" tanong niya bigla saka ako sinulyapan sa likod niya tapos humarap ulit sa harapan. I pouted. "Bakit masama bang maging tahimik Mr. Kenji Mathew Suzuki?" Balik na tanong ko sa kanya. Hindi ba pwedeng tahimik lang na pantasyahan siya? Paki niya ba? Eh sa may iniisip ako eh. "Kenji nalang. Pinapahaba mo ‘yung pangalan ko." Eh, mahaba naman talaga ang pangalan niya diba? "Mathew!" Sabi ko. "I said KENJI!!!" Inis niya akong sinulyapan. Problema nito? Eh pangalan niya parin naman ‘yung Mathew ah. Weird! "Ano bang pinagkaiba nun? Pangalan mo rin naman ‘yung Mathew ah? Isa pa cute kaya ng MATHEW!!" Kyut naman kasi. Masyadong biblikal. Kabaliktaran ng characteristic niya. Well, I don't even know if he's religious! We just met. Gosh! And to think na fiance ko siya. "Cute? Tsss.. I'm not a pet!" Anong connect? Pet lang ba ‘yung may karapatan maging cute? "Well, basta ‘yun na ‘yun. Mathew kasi. Mat ang tawag ko sayo--" bigla siyang huminto kaya tumama ‘yung mukha ko sa likod niya. "Ba't kasi huminto ka?" Tiningnan niya ako na parang may matang tumubo sa noo ko. Dahan dahan naman siyang humarap sakin saka siya parang bored na bored na nakatingin sakin. Ba't ba laging pagod siya sa tuwing titingin siya sakin? "Tssskk.. Whatever FIONA!!!" diin niya then he smiled. Wtf! Nag smile siya? Umabot pa talaga sa mata niya. Ang what's that again? Fiona? FIONA! Urrgg! I'm not the Shirk princess! Tapos ay tinalikuran niya ako at naglakad ulit. "What? Wait nga! FIONA!? Ohh! Please call me DOLLY! Ayoko sa Fiona! I'm not a Shirk the freak!" maarting sabi ko habang nakasunod sa kanya. "Don't wanna!" Ayy. Parang bata? Ano to? May split personality ba siya? Childish gangster! "Tsssss. Okay fine! MATHEW MAT "KO". I smiled widely. Bigla na naman siyang nahinto mabuti nalang at nakahinto ako tapos naglakad siya ulit. Nantitrip ba tong lalaking to? Ba't ba sinabi kong 'KO' eh pwede naman MAT lang? Err! Na awkward tuloy ulit ako. Letse naman talaga oh! Nakakailang. Tiningnan ko siya, ewan ko lang ha. Pero parang matagal ko na siyang kilala at hindi ako nahihiyang ipakita kung ano ako! Like, DARNA! Keber ba! Nakarating na kami pero nahihiya akong mag salita! Hindi ko naman kasi ugaling palaging mag salita baka ma irita siya at suntukin niya ako. Mahirap na hindi ko pa naman siya masyadong kilala. Baka nga pag kinausap ko siya minuminuto ay ihagis niya ako papunta sa ibang planeta. Mahirap na! "Sa sofa ka! Sa kama ako!" dali-dali siyang humiga sa nag iisang kama sa kwarto! WTF ulet! Okay lang? Sa sofa mo ako patutulugin eh byenahe ko pa nga ang lugar nato. Para ano? Para sa sofa lang matulog? No way! "Wooow! Ang gentleman mo naman! AYOKO!!!! Sa kama ako, Sa sofa ka!" sigaw ko at umupo sa dulo ng kama malayo sa kanya pero nilapit niya ‘yung paa niya malapit sakin kaya pinandilatan ko siya. "Wanna Die? I don't wanna! Sa Sofa ka!" sinipa sipa niya pa ‘yung may bewang ko. Wow! Chansing mo tol! "A-YO-KO!!!" diin ko, "At wag mo nga akong masipa sipa dyan! Ayokong katabi ka baka ano pang gawin mo sa kin." pabulong kong sabi. "Fine! Tabi tayo!" gulat akong napalingon ulit sa kanya. "Para mapatuna’yan kong wala akong gagawin sa yo." "WHATTTTTTTTTTTTTTT? A-a-aYOKO nga!" nauutal na sabi ko. "As if naman na gusto kong katabi ka at wala naman talagang mangyayari sa tin. Hindi ako papayag noh! Anong tingin mo sakin? Easy girl? Tsk!" Kainis to ah! "Don't expect too much, b***h! I will never touch you. Matutulog lang tayo!" He said while smirking. As if I believe you. No way! But I know he's just playing on me. I won't lost this game that he's trying to play. Don't me! I'm Dolly! A Ferrer! "OKAY FINE! Subukan mo lang galawin ako at talagang puputulin ko yang bird mo!" he smirked. "Are you threatening me?? Wanna die????" he said while glaring. "No." I stuttered. So scary, "But, still. Don't you dare." I warned again. "I won't. Don't expect to much, b***h. I have a good taste of my prey." he winked. Like, Iwwww! Wag mo akong akitin! Teka, sinong inaakit niya? Ako? Over my dead and sexy body! Pumasok muna ako sa CR para maligo at makapag bihis na rin. Nakakainis naman ‘yung Kenji na ‘yun. Napahawak ulit ako sa lips ko. Naalala ko na naman si Raul. First kiss ko si Raul, parang lahat yata ng emotion sa pagboboyfriend na feel ko na kay Raul. Even ‘yung first major break up naranasan ko rin sa kanya. Pagkatapos kong magbihis ay lumabas na ako sa CR. Nakita ko pang hanggang ngayon ay nakahiga parin ang gangster nato sa kama. "HEY!!!" I shouted saka ako lumapit sa kanya. "WHAT???" Tingnan niya pa ako. "Matutulog ako! LABAS !!!!" 4pm narin kasi at pagod talaga ako sa byahe. Ang haba ng araw nga’yun at gusto ko munang magpahinga. Pwede ba ‘yun? Pagod ako at inaantok pa ako dahil sobrang aga kong nagising para sa byahe papunta rito. "Sungit! Okay fine. Aalis tayo mamaya! Night Club daw. Sleep well FIONA KO!!" he said and left na wala pang lingon lingon. Hindi niya man lang tatanungin ang opinyon ko? He left me dumbfounded. Grabe! Siguro ganito rin ‘yung impact sa kanya nung tinawag ko siyang MATHEW MAT KO? Like! Iw? At ano raw? Night club? Sounds good. Hindi pa ako nakapasok sa mga club-club na may mga different lights eh. I'm still 17, I'm still young para sa mga bagay na ‘yun. But still I'm curious! Anyway, matutulog muna ako. It's late in the afternoon but then I want to rest. ZZZZZZZZZZZZZZZZZZZ. MATHEW MAT KO ? FIONA KO???? Darn that idea! ’yan ang huling narinig ko sa isip ko bago nilamon ng antok.   Nagising ako dahil sa ingay mula sa labas. Puro boses ng mga lalaki ‘yung naririnig ko. Bumangon naman ako at tiningnan ang wall clock ng kwarto, 8:14PM? Holy crap! Gabi na pala and I'm starving! Tumayo ako para lumabas, ang ingay kasi. Dagdag mo pa ‘yung gutom ko. Paglabas ko, nagulat ako. Bubuksan din sana ni Mathew ‘yung pinto kaya ‘yung ending magkaharap kaming dalawa. Napatingala naman ako sa kanya. Bakit ang tangkad niya? Tangkad sa gatas ba to? At anong ginagawa niya? Ba't nasa pinto lang siya? "Ba't hindi ka gumagalaw diyan? Tabi nga!" medyo tinulak ko siya paatras. Mahina lang kasi baka tumilapon ako pabalik sa kwarto pag tinulak ko siya ng malakas, mahirap na. "Te-teka, anong ginagawa niyo dyan?" tanong ko habang nakatingin sa mga kasama niya na para bang naiinis na nakatingin samin. "Eh kasi, si pinuno! Ayaw ka kasing gisingin ni pinuno dahil ang himbing ng tulog mo." sagot ni Jigs. Ngumiti ako sa kanya. Why so gwapo? Halos lahat sila mga pogi. Ba't napapalibutan ako ng mga gwapong nilalang? Napailing ako. 'Go back to your senses , Dolly.' "Bakit ba? Ano bang problema?" tanong ko. Ano namang connect kung tulog pa ako? "Tsss. Let's eat!" sabi ni Mathew sa likod ko kaya nilingon ko siya. Teka, tama ba tong iniisip ko? Wag niyong sabihing.. "Hindi pa ba kayo kumakain?" It's already 8pm. Its late! Tumango lang ang iba. Talaga? Bakit hindi sila kumakain? Wala bang nag luto? Teka, hindi rin ako magaling mag luto. "Teka! E ano pang inintay niyo? Ba't hindi pa kayo kumain? Ang iingay niyo pala pag gutom. Mga isturbo!" Sabi ko. Wag na wag lang talaga nila akong palulutoin dahil talagang wala silang mapapala sa kin. "Let's go!" hinila naman ni Mathew ang braso ko at pumuta na kami sa may malaking cottage. Ready na ang mga pagkain at kami nalang iniintay. Black na naman ang aura ni Kenji Mathew. What's new ba!? At meron na palang pagkain, inintay pa nila ako. Sana nauna nalang sila. Iba rin tung mga lalaking to. Take note: Hindi dapat ginugutom ang mga gangster, nag iingay sila. "Hinintay niyo ba akong magising bago kayo kumain?" tanong ko sa kanila na sinunggaban kaagad ang pagkain. "Hinintay ka talaga ni Pinuno dahil ayaw niyang kayo lang dalawa ‘yung nandito." narinig ko pang sabi nung Yael. Hinila na naman ako ni Mathew sa medyo maliit na table na good for 2 person only. Okay, para saan to? Dalawa kasi ang table and ‘yung isa mahaba siya at nandun ang member ng black mamba na kumakain at ang isa naman na table kung saan kami umupo ay parang —- PANG COUPLE????????? WTF? Ba't kinacareer niya ‘yung magiging mag fiancee namin? Wag niyang sabihing? No! NO! Don't you dare, Mathew! I'm not available! "Date ba to?" out of the blue, I asked. Dapat sa isip ko lang ‘yun tinanong eh! Tiningnan naman ako ni Kenji ng masama. "Wag kang assuming. We need to pretend that our relationship is really existing to make my mother believe everything. Ayokong magpaliwanag palagi kay mom. Let her think this way." seryosong sagot niya. "Nandito ba ang mom mo?" I asked tapos lumingon sa paligid. "Are you an idiot? Of course, she's not here because if she's here maybe nandito na siya mismo sa harapan nating dalawa." umiwas siya ng tingin. Kyut! Bakit iba ‘yung kislap ng mata niya ngayon? Tiningnan ko ang kabuohan niya at mukhang fresh na fresh. Umupo nalang ako habang nasa harapan ko siya nakaupo rin at naka titig lang sa akin, wala na yong black aura niya. Good! Mas okay pa ‘yung hindi nalang siya mag sungit o ano? Wala lang, mas okay sakin ‘yung mabait siya ng konti sakin. Pero nakatingin parin siya sa akin, habang naka —- NGITI ??????????????? Darn! Pakiramdam ko ay uminit ‘yung mukha ko at umakyat lahat ng dugo ko sa mukha. Why o why? "Ngiti-ngiti mo jan?" tanong ko kunwari nagmamaldita. "Let's eat?" sabi niya tapos ay inabot sakin ‘yung kutsara at tinidor sa lamesa. Yumuko ako para maiwasan ‘yung mga titig niya. Nailang naman ako sa kanya ng magsimula na siyang kumain kaya kumain narin ako, nagugutom narin kasi ako. Di rin naman kalayuan ang member ng BLACK MAMBA kaya rinig na rinig ko ang usapan nila. "—sooss! Mag so-sorry na nga lang dami pang arte! ‘yan napapala sa pagiging insensitive. Nagutuman pa tuloy tayo." sabi ni Seb. Napakunot naman ang noo ko. "Palibhasa hindi ka pa na in love, dude! Kaya tingnan mo si pinuno sobra kung mag effort!" sagot pa ni Kirby. In love tung kaharap kong lalaki ngayon? Talaga? Edi mabuti at mas klarong wag siyang magkakagusto sa kin. No way! Ayoko pang makasal. "ULOL! In love ka diyan! Ang papangit niyo." Singit pa ni Jigs kaya sinulyapan ko agad sila. Pagtingin ko sa kaharap ko ay nakatitig parin siya sa kin. "May dumi ba ako sa mukha?" I asked then I smiled. "Wala, kumain kana at mag bihis. Aalis tayo!" he answer tapos tiningnan ‘yung kabilang table. Bakit sa tuwing titigan ko rin siya ay iiwas siya ng tingin? Na aawkwardan din ba siya? "Eh? Saan tayo pupunta?" tanong ko naman habang kumakain parin. Ang sarap naman nitong butter shrimp na to. "Night Club!" Matipid niyang sagot. "OKAY!" Teka, ba't na eexcite ako? First time ko kasing pumasok run. Sa edad kong to, hindi na talaga ako makahintay na mag 18 ako kasi for sure walwal is life na talaga! Tsss. Para saan pa kung magbibihis ako eh, mga mini shorts lang din naman ‘yung dala kung gamit. 3 nights and 4days lang din naman ako dito sa Zambuangga dahil I will fly back sa Manila. Hindi ako pwedeng magtagal rito. Uuwi rin ako sa December 21. Yiz yiz! Tapos na kami kumain at nandito na ako sa kwarto at nag iisip ng isusuot! Gheed. Parang natatakot akong sumama. Paano ba naman kasi eh puro sexy shorts lang talaga ‘yung dala ko. May dress pero sobrang iksi. Ano bang nakain ng mga kuya ko at ito ang pinadala nila sakin? Gusto na ba talaga nilang magkapamangkin? Sasakalin ko sila pagbalik ko!  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD