CHAPTER 6
Dolly Fiona Ferrer Point of View
December 17, 2020
I'm off to Zambuanga. Why? Ang magaling kong fiancee nasa Zambuanga pala. Ang akala namin nasa Batangas siya pero nalaman nalang namin na umalis na naman siya papuntang Zambuanga. Diba ang galing at talagang nagpapahabol siya? Okay lang siya? Sa gandang kong to pinapahabol niya ako? Sinabi ko kay lolo na ayoko ng habulin ang taong nagpapahabol. Like haler? Pwede naman akong mag enjoy rito sa Batangas ng walang asungot at least rin dito kasama ko ang mga kuya ko. But hindi pumayag si lolo. Knowing lolo? He'll do everything para magawa mo ang gusto niya.
"Bye kuya's!" sabay waved ko sa kambal nung paalis na ako. Dala ko ‘yung mga kayamanang pangdagat ko at mga ka ek-ekan sa life. Nag paiwan lang sila kuya kasi gusto nilang magkaroon kami ng time nang fiancee ko. Na maging tour guide ko naman siya pagrating ko ng Zambuanga. Ano bang meron sa Zambuanga? Hmmm?
"Bye beybi.." kunwaring naiiyak si kuya Mudoy. Binatukan naman siya ni kuya Michael.
"Bye princess." tiningnan naman siya ng masama ni kuya Mudoy saka pa ito nag pout.
Natawa naman ako sa kakulitan ng kambal. Si kuya Mudoy kasi may pagka isip-bata tapos si kuya Michael ‘yung medyo matured sa kanila.
Good Bye, Batangas!
Hello, Zambuanga!
Grabe naman! Nakakainis kasi ang taas ng takong ng heels ko. ‘yun kasi pinasuot sakin ni kuya kaya habang nasa airplane ako ay hinubad ko muna ang heels ko. Mamaya ko nalang to susuotin pag nasa Zambuanga na talaga ako. At isa pa, puro mga sexy na damit ang pinadala sa kin nila kuya. Hindi naman siguro nila ako binubugaw nito diba? Ayaw daw nilang maging mukhang manang ako. Siguro mas gusto nila ako maging mukhang pornstar. Ang perfect ah!
Naka skinny jeans lang ako at naka blouse with high heels talaga. 5'1 ‘yung height ko kaya ngayong naka heels ako ay mas lalo akong tumangkad.
Woaaaah! Saan na kaya ‘yung walang hiya kong Fiancee? Hindi ko nga pala ang pangalan niya pati ang number niya. We are completely a stranger! Ang tanging alam ko lang sa kanya ay ganster siya. ‘yun lang. Ang sabi naman ni lolo mas mabuti daw ‘yun para may thrill ‘yung pagkikita namin at mas ganang simulan ang love story kung wala kang alam tungkol sa kanya. Kamusta naman ang ganung set-up diba?
Nang marating namin ang Zambuanga ay agad ko namang kinuha ang mga gamit ko. Medyo nahihirapan pa akong mag lakad dahil ang taas ng takong ng heels ko. Idagdag mo pa tung mga maleta ko na parang hindi na ako pauuwiin ng mga kuya ko dahil sa dami ng gamit na dala ko. Hayy naku, Kambal! Ang dami ko pa namang sexy na mga damit rito. Lintek talaga ‘yun sila kuya! E engage palang naman kami, hindi pa naman to honeymoon.
Asaan na ba kasi ‘yung gangster na ‘yun? Nagkapaltos pa ako dahil sa kanya. Humanda talaga siya sakin! Teka, paano ko siya hahanapin? Kung gangster siya, syempre mukhang gangster siya. Siguro loose ‘yung suot niyang damit, at maluwag ‘yung short, at may towel sa shoulder niya. ‘yung parang rapper ganun? Aish! Bahala na nga!
Lakad - Lakad - Lakad
Lakad - Lakad - Lakad
Lakad - Lakad - Lakad
Lakad - Lakad – Lakad
Pag minamalas ka nga naman. Bigla pa akong natapilok at dahil sa bigla ko ay sumalpak talaga ako sa sahig! Pweee! Nahalikan ko pa ang tiles. Naknang! Ang sakit ng mukha ko! Ang sakit pa ng paa ko! Gusto kong maiyak hindi dahil may nakakita ng pagkadapa ko kundi dahil sobrang sakit ng katawan ko. Natapakan ko pa ang maleta ng nadulas ako. Bakit ba ang malas ko?
Napatingin ako sa grupo ng kalalakihan na mga nakaitim ang suot sa harap ko. Sino sila? Tropa ba sila ng mga BLACK BEANS? Tiningnan nila ako na parang gulat na gulat. Napaiwas naman ako ng tingin.
"Pfft.." Sila lahat. "BWAAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA." Sabay pa silang nagtawanan kaya mas lalo akong nainis. Kailangan talaga harap harapan nila akong pagtawanan? Gusto kong tumayo pero pinapakiramdaman ko pa ang paa ko. Kainis naman tung mga lalaking to. 'Oh lupa! Bumukas ka at lamunin mo ako!' Hindi man lang ba nila ako tutulungan?
Pakyo kayo! Alam ba nila ang salitang gentlemen? Sila ‘yun eh. (-_-)
"May I help you?" Sabi ng lalaking nasa harap ko na kanina lang ay pinagtatawanan ako. Langya to ah! Gwapo naman sana ang pangit lang ng ugali. At gan’yan ba talaga siya pag gusto niyang tumulong? Parang siya pa ang galit?
Pinilit kong tumayo saka ako lumapit sa kanya at sinuntok siya. Serves him right! Mas lalo akong napahiya sa pagtawa nila sa kin dahil mas lalo akong pinag titinginan ng mga tao. Sino ba naman ang hindi mapapalingun kung puro ganito ka mga pogi ‘yung tatawa sayo? Tiningnan ko ng masama ang mga kasamahan niya na parang nagulat rin sa ginawa ko. Dapat lang. I learned how to fight and believe me or not but I'm a fighter with a gold medal and I can proudly say that.
Oh oh -
He's glaring at me. Ba't mas nagalit siya? E sila ‘yung nag simula eh. Pero syempre hindi ako nagpatalo at tiningnan ko rin siya nang masama tapos bigla siyang ngumiti ng nakakaloko. Nasaktan ba talaga siya? Sabagay masakit rin ‘yung kamao ko. Nadagdagan pa tuloy ‘yung sakit sa katawan ko. Kainis.
Mas lumapit pa ‘yung mga kasamahan niya. Lagot! Baka gulpihin nila ako? Tiningnan ko ang paligid. Hindi naman siguro nila ako e-mu-murder death kill sa harap ng mga tao at to think nasa airport pa ako! Parang gusto kong bumalik sa Batangas at e enjoy ang vacation ko kesa makipagtitigan sa gwapong nilalang nato! Teka, gwapo? Oo, gwapo siya, maangas, matangkad at ang cool niyang tingnan. Oh God! Nagkakasala na naman ang aking mga mata.
"Dude? Okay ka lang?" - Sabi ng isang gwapong nilalang. Ngayon ko lang napansing na halos silang twelve na lalaki ay gwapo at cool pero may kanya-kanya silang characteristic. Tulad nalang ng lalaking nasa harap ko mismo. Gwapo siya pero nanatakot ‘yung pagiging cold niya sa paligid niya.
"Woooaaa! Ang astig ng ginawa mo ha?" Sabi pa ng isang lalaking cute. Yeah, yeah! I know I'm cool, too.
Tiningnan ko lang ‘yung iba nilang kasama na parang naiinis rin sila sa ginawa ko sa lalaki kanina. Tung lalaki naman na sinuntok ko parang wala siya sa kanyang sarili. Aba dapat lang at parang na startstruck na naman siya sa ganda ko. Pero wag niyang sasabihin na nag love at first sight siya sa kin? ‘yun kasi ang nakikita ko sa palabas eh. Tiningna ko siya ng masama na parang sinasabing 'Don't you dare,' Sila na nga ‘yung may lakas loob na pagtawanan ako tapos ngayon sila ‘yung masama maka tingin sa kin.
"Eh, Ano nga ‘yun? Kasalanan niyo naman to eh! Kung hindi niyo ako pinagtawanan, hindi sana ako magagalit, kung hindi ako nagalit, hindi ko sana siya masusuntok kaya naman kasalanan niyo!" pagdidiin ko pa. Take it! Then, I rolled my eyes.
"Woaaaa! Ang Siga. Type ko to Dree!" Sabi pa ng isa. Naks! Sorry pero I'm not available. Inisnab ko lang sila at pinakiramdaman ulit ang paa ko kung hindi na ba masakit kasi aalis na ako. May bwesit pa akong hahanapin. Nasaan na nga ba ‘yun?
"Siya pa ‘yung may kasalanan tapos tayo pa ‘yung sinisi. Hanep!" sabi pa nung isa. Anong ginawa ko? Nadapa lang naman ako kanina. Kung hindi nila ako pinansin sana -- Aish basta! Nakakainis naman tung mga lalaking to!
Biglang lumapit sa kin ‘yung lalaking sinuntok ko. Bakit? Anong gagawin niya? Susuntukin niya rin ako? Subukan niya lang at talagang itatapon ko siya sa Mars! Don't me, Mr. Black Beans!
"HOW DARE YOU PUNCH ME REALLY HARD b***h?" Ghad. I'm dead! Sa pagkakaalam ko ay sa Zambuanga lumanding ang eroplanong sinak’yan ko pero ba't ba siya nag e-english? Langya! He's glaring again. Ghad! Papatayin niya ako sa titig niya! Titig pamatay! Scary!
"Ah-eh -" My ghad. Ano sasabihin ko mag so-sorry ba ako? Pero sa pagkakatanda ko lang siya which is serves him right! Ha! Pasalamat nga siya hindi ko siya kinashibushi technique times two times two!
"What a b**ch?" hinawakan niya ang mukha ko. Diniin niya ang pagkakahaw sa pisngi ko kaya napahawak ako sa kamay siya. It hurts, moron!
"Te-Teka! Ba’t ba b***h ka ng b***h dyan ha?" Tinanggal ko ang kamay niya sa mukha ko at nag salita ulit. Ang higpit ng hawak niya, sakit ng mukha ko! "Sa pagkaka alam ko kayo ang nag simula. Kainis!" hinawakan ko ang pisngi ko at tiningnan siya ng masama.
"Wow! Di mo ba kami kilala babe?" Sabi ni lalaking my cute na dimple pero parang babaero.
"Hindi! Bakit sino ba kayo? Sikat ba kayo? Isa pa, Can't you see? Kararating ko lang galing Batangas. Kung sikat man kayo sa tribo niyo, well that's good kasi hindi ko type ang mga tulad niyo! At lalong lalo naman sa tulad mo! Yuck." sabi ko sa lalaking nasa harap ko na sinuntok ko kanina. Do I have to know him? Like duh! They look cool and hot pero kung sikat man sila rito, well, hindi naman sa lugar ko!
"Tss.." Singhal niya. Hindi parin nawawala ‘yung black aura niya pero namumula parin ‘yung pisngi niya. Dahil ba ‘yun sa suntok ko or baka nag ba-blush siya? Kyuuuuut. Ay! Erase, Erase!
"Tss Tss kapa. Kala mo kagwapohan may pa english-english pa! Hello. Part parin ng Philippines ang nilandingan ng eroplanong sinak’yan ko ba't may pa english english ka pa na di naman to parte ng Amerika! Baka nagkamali ka sa paglanding mo! Mga Black Beans!" Inis na sabi ko sa kanila. Totoo naman kasing naka black silang lahat at mukha silang black beans na gangster!
Wa-wait! GANGSTER?????? O_____O
Teka, hindi naman siguro? No . No! Baka isa sa mga lalaking to? Ghad! Hindi naman siguro. Wag naman sana. Siguro naman isang gentleman na gangster ‘yung fiancee ko? Or maybe not?
"HAHAHAHA. Black BEANS??? BWAHAHAHAHA. Langya pare." Sabi ng isa habang tawa ng tawa, siya lang yata ang tumatawa, siguro siya lang ang may sense of humor sa kanila. ‘yung iba niyang kasama ang sama na ng tingin sa akin. Makakasundo ko tung isa. Mahilig tumawa! Sira ulo. Baka tung baliw na to ang fiancee ko?
"Shut up Jigs!" Ahhh. So, Jigs is the name! Cute siya. Crush ko na siya!
"Who are you, by the way?" sabi niya habang nakataas ang isang kilay. Wow! Talbugan pa yata ako! Cuteee! Ayyy. Mali Mali. Gwapo pala! Woaaaah! Erase Erase! So GAY pala -__- He's Glaring me AGAIN!
Wtf is his problem? ^_~
"Ano naman ngayon kung di ko sabihin ang pangalan ko, isa pa may hinahanap ako!" rolled eyes. Saka ako napalinga linga. Nag aalisan na ‘yung ibang tao na nakatingin sa min. ‘yung iba naman ay naki chismis pa. Haist naku!
"Wanna die?" he said. Scary! Hindi ba usong mamilit sa kanya tapos death kaagad ‘yung pag uusapan?!
"Ah-eh.." Hindi ko natapos ang pagsasalita ko ng nag salita bigla si Jigs yata ‘yun? ‘yung crush ko. Eeeeyyy!
"Pinuno, kinakabahan lang naman si binibini!" sabay winked bago nag salita ulit, "Anong pangalan mo magandang binibini?" killer smile. I melt! Kyaaaaaah!
Oh my God! Ang kyut ng walang hiya! Super gwapo ni Jigs tapos ang bait pa, idagdag mo pa ang killer smile niya. Makalaglag panty talaga! Waaaaaah..
"Ahmm. Hi, I'm Dolly Fiona Ferrer." masayang pakilala ko kay Jigs. Hindi naman siguro halatang naglalandi ako diba?
"Hey! Stop looking at him ugly b***h!" Sabi ng sinuntok ko. Bakit so papansin? Tiningnan ko siya ng masama. Anong paki niya? Grrr!
"Ano bang problema mo ha?" sabi ko. "Anong paki mo kung titigan ko siya? Kesa naman ikaw ang titigan ko? At alangan namang ikaw ang kakausapin ko?" halos hindi makapaniwalang tanong ko.
"Shut up, will you?! WHY DID YOU PUNCH ME SO HARD HUH?!" taas kilay pa talaga siya habang tinatanong ‘yun sakin.
"Nice! How can I talk if I shut up? Pinagtawanan niyo ako at nainis ako. Kaya ayon." Sarcastic na sagot ko.
"Kasalanan ba namin kung tatanga-tanga ka? Sino ba ang tangang babae ng madudulas sa airport at halatang trying hard sa heels na suot niya? Sino ba ang sira ulong babae na kahit pinagtatawanan na di parin tumatayo? Sino ba ha?! STUPID!!" sabi niya. Napanganga ako sa sinabi niya. Kaya naman pala niyang mag tagalog eh ba't kanina pa english english pa siya at tama ba ‘yung narinig ko? Siya pa talaga ang galit? Stupid? Siya ang stupid!
"Teka teka lang mister! Una sa lahat, Di ako tanga! Kasalanan ‘yun ng sahig kung bakit siya madulas. Di ko ‘yun-" Di niya na ako pinatapos at nag salita siya.
"Nako. Kawawa naman pala ang sahig at siya pa talaga ang tanga?! Wow." sabi niya sabay at nag poker face pa talaga. Nainis ako bigla kasi kanina pa ako rito sa airport wala pa rin ang fiancee ko tapos ngayon may letseng asungot pa rito sa harap ko!
"At talaga naman di mo ako pinatapos, At wow! Nakakapag tagalog ka pala eh. Okay! Di ‘yun kasalanan ng sahig at lalong di ko rin ‘yun kasalanan. Kasalanan ‘yun ng Fiancee ko na tumakas at pumunta dito sa planetang to at nag tago. Kasalanan niya to kasi -"
"SHUT UP!!!" Sigaw niya. Tsk! Pikon talo!
"Fianceee??" Sabi ng mga kasama niya na gulat ang mukha. May nasabi ba ako?
Weird.
"Oo. Ang Walangya ko na gangster na fiancee ang may kasalanan! Kung hindi siya tumakas di ako mapapadpad dito, kung di ako napadpad dito, hindi ako mapapaltos at di ako madadapa! Kasalanan niya na nadulas ako at kung di ako nadulas di niyo ako pagtatawanan at kung di niyo ako pinagtawan di ko siya masusuntok at kung-" hindi ko na natapos ang kasasalita ko ng bigla akong hinila ng lalaking sinuntok ko saka niya ako hinalikan sa lips!
Walangya! Yucks! Bakit niya ako hinalikan? Myghaaas! Hindi ko siya kilala tapos kung makahalik siya! Close kami? At the f**k! He smells so good. ‘yung lips niya parang inexplore ang buong bibig ko. Amoy na amoy ko ‘yung mint sa bibig niya. s**t! Such a turn on!