CHAPTER 58: UNTOLD STORY * FLASHBACK ** Galit na galit ang papa ni Fin dahil hanggang ngayon hindi parin lumalabas ang doctor. Di niya alam kung mapapatay niya ba ang batang si Mot sa harap niya kasi mas unang naging okay si Mot at agad na pinuntahan si Fin sa ER. Bata palang sila ay magkaibigan na ang dalawa at pinigilan ng ama niyang si Miguel. Ayaw niya sa binatang ‘to dahil kalaban nila ito pagdating sa industriya. Hindi niya inakalang magkakagustohan pa ang anak niya at ang anak ng kanilang mortal na kaaway. "BASTARD! How dare you do that to my princess?! Ne ako nga halos di ko pinapayagan madapuan siya ng lamok tapos ikaw--" sigaw ng daddy ni Fin. "Tama na po ‘yan tito. Di rin naman siguro ginusto ni Kenji ang nangyari.." singit ni Michael, ang kapatid n

