Episode - 12

2209 Words
Kanina pa siya palakad-lakad at mayat-mayang sumisilip sa bintana, inaabangan niya ang pagdating ng dalaga, para siyang hindi mapanganak na pusa sa pagkabalisa. Padilim na ang kapaligiran, nagtatago na ang haring araw ngunit wala pa rin ang mga ito. Kaya lalong umusbong ang matinding pag-aalala at takot na baka may nangyaring hindi maganda sa mga ito. Hanggang ngayon wala pa ito, nasaan na ba ang mga ito. Sari-saring hindi maipaliwanag na katanungan sa isipan niya ang nakapagpapainit ng ulo niya. Hindi niya naintindihan ang sarili kung bakit niya ito nararamdaman sa kabila ng wala naman silang relasyon ng dalaga. Daig pa niya ang isang ulirang asawa kung mag-aalala. Pero wala naman siyang lakas ng loob na magtanong tungkol kay Iza dahil baka mag-isip pa ng kung anu-ano ang mga tao sa loob ng bahay nila. Gusto niya itong sundan para alamin kung may nangyari ba ditong hindi maganda ngunit saan naman niya pupuntahan, wala nama siyanb alam kung saan ba nagpunta ang mga ito. Hindi na niya alam ang gagawin. Gusto na niyang ibalibag lahat ng makita niya sa hindi maipaliwanag na kadahilanan. Halos magkandara pa siya sa pagtakbo palabas ng veranda ng kwarto niya ng may marinig siyang ugong ng sasakyan. Unang lumabas ng sasakyan si Digna ng bumukas ang pinto nito sa likuran bahagi ng sasakyan, magkasabay naman bumukas ang pinto sa harapan, sabay din lumabas si Iza at isang lalaki mula sa driver side nagtatawanan ang mga ito na tila may pinaguusapan. Kaya mas lalong nag-init ang ulo niya sa nakikitang may ibang lalaki itong kasama at masayang nagtatawanan. Gusto niyang sugurin ng suntok ang lalaki pero wala naman siyang karapatan para gawin yun. At bakit ba siya nagagalit, matatalim ang mga matang sinundan lang niya ng tingin ang mga ito hanggang makapasok sa bahay. Walang ganang bumalik na lang siya sa loob ng kwarto na hindi alam kung ano gagawin. Ayaw naman niyang bumaba, ayaw din niyang makita ang dalaga. Nagagalit siya dito na hindi niya mawari. Wala naman itong ginagawang masama sa kanya pero galit siya kay Iza, masama ang loob niya dito ng makitang masaya itong kasama ang ibang lalaki. Tanaw ko mula sa kinatatayuan ko sila Daddy at Iza. Hindi ko alam kung bakit may kirot akung nakapa sa aking dibdib dahil sa nakikita ko. Parang pinipiga ang aking puso. Magkatabi silang dalawang magkaupo sa iisang couch, nakapataas ang magkadikit niyang mga binting nakapabaluktot paharap kay Daddy habang nagbabasa ng libro. Si Daddy naman, busy ding nagbabasa ng dyaryo. Ni hindi nila ako napansin na dumaan sa harapan nila. Gustong-gusto kung hablutin si Iza at ikulong na lang sa loob ng kwarto ko. Nalilito ako kung bakit ko ito nararamdaman hindi naman ako ganito dati. Madami ng dinalang babae dito si Daddy pero walang pumukaw sa attention ko ni isa sa kanila. Balewala silang lahat sa akin at hindi ko pinakikialaman ang mga babae ni Daddy. Mahal na mahal ko si Daddy, siya na lang ang nag-iisa kung pamilya. Pero ngayon ibang-iba na ang tingin ko sa kanya, para siyang isang kalabang handa akung saktan ano man oras. Ano bang mangyayari sa akin at nagkakaganito ako. Tingin ko kay Daddy kaaway. Napabuntong hininga na lang ako sa mga naiisip. Napakabait ni Daddy, napaka buti niyang ama. Hindi dapat ako nag-iisip ng masama laban sa kanya at baka bumangon sa hukay si Mommy. Ipinilig ko ng ilang beses ang aking ulo at ilan beses din ako nagbuga ng hangin upang iwaglit ang masamang isipin. At nilingon ang dalawang tao sa aking harapan na walang pakialam sa paligid nila. Nagpasya na akung maglakad palapit kila Daddy para batiin ito. Once a week na lang kami nagkikita at sa tuwing uuwi lang ako dito. "Dad!" Agad kung bati dito ng makalapit ako. "Oh! Hijo, andyan ka na pala? Kumusta ka na? Kumain ka na ba? Ano bang gusto mong kainin? Anung oras ka ba dumating at hindi ko namalayan? Kumusta ang trabaho mo." Sunod-sunod niyang tanong sa akin. Ganyan na siya sa akin simula ng mamatay si Mommy, kung siya nga ang masusunod gusto niyang araw-araw akung umuwi dito. Pero nakakagod din magbiyahe dahil almost two hours drive din mula sa opisina. . ..................... . Napalingon ako sa nagsalita. Ngayon ko lang uli siya nakita. Hindi siya lumabas ng kwarto niya kagabi, kahit ilang beses ko pa siyang tinawag. Halos sumakit na nga ang mga kamay ko sa kakakatok sa pinto ng kwarto niya pero hindi niya ako pinagbuksan. Nagpahatid lang daw ng pagkain kay Nana Luz. Hindi na raw lumabas ng silid niya at marami daw ginagawa. Ayun kay Digna. "How was your day Dad?" Tanong niya ulit sa ama niya. Para silang sabik na sabik sa isat-isa. Kaya may lungkot sa mukhang napayuko ako dahil hindi ko naranasan ang may isang amang gumagabay sa akin. Ni hindi ko nga nasilayan ang pagmumukha ng aking ama. Ni buong pangalan nga hindi ko alam. Pinagmamasdan ko lang silang mag-amang nag-uusap, puro tungkol sa negosyo nila ang pinag-uusapan. Kaya mapakayaman nila dahil sa mga negosyo nilang patuloy na lumalago. Yumoko na lang ako at nagpanggap na nagbabasa kahit wala naman sa libro ang ang akin attention. Umupo siya sa single seated chair sa tapat ko kaya nilingon ko siya pero ni minsan kahit saglit hindi niya ako tinapon ng pansin nakapamulsa lang ang dalawang kamay niya, ayaw niya sigurong ipakita kung paano pumilantik ang kanyang mga daliri. Napalingon ako sa mga hita niya ng bahagya niya itong itaas at magdekuwatro. Kitang-kita ko naman sa siwang ng laylayan ng suot niyang cargo short na khaki ang singit niya, puti ang suot niyang brief. Gusto kong ibalibag sa mukha niya ang hawak kung libro, hindi ba niya alam na sa luwang ng hita ng suot niyang short ay nasisilipan ko siya. Maputi ang binti niyang may mga balahibong paakyat sa kanyang hita, sayang siya, bakit kasi naging bading pa siya. Tumayo na lang ako dahil ako ang nahihiya sa nakikita ko, kahit naman bakla siya may lawit pa rin siya at kita kung nakabukol. Nakakailan hakbang palang ako ng tawagin ako ni Don Carlos. "Iza, Hija." Usal niya kaya napabalik ako. "Ito nga pala ang aking anak si Maro, siya ang nagma-manage ng ibang negosyo namin. Maro, anak siya naman si Iza." pagpapakilala niya sa amin pero nakayuko lang si becky. "Popsy nakilala ko na po siya kahapon." aniko at tinapunan siya ng tingin pero hindi niya talaga ako nililingon. Ano kaya nangyari at parang iba siya ngayon dahil ba kasama namin ang Daddy niya kaya hindi niya ako pinapansin. Kung ipagpapatuloy niya ang ganito paano ko gagampanan ang misyon ko. Paano ko pa malalaman kung benabae o lalaki siya, hindi kaya balaki siya. Yun tinatawag nilang AC/DC, pwede sa lalaki, pwede din sa babae at inaakit niya ako. Ipinilig ko na lang ang aking ulo sa naiisip. Mali man mag-isip ng hindi maganda sa kapwa pero kung ganito naman ang nangyayari, paano na ako. Pero gagawin ko ang makakaya ko tulad ng ipinangako ko kay Don Carlos. Bilang pagtanaw ng utang na loob, at para rin sa mga pangarap ko, para mabuhay ako ng matiwasay, malayo sa mga taong gusto akung ilublob sa putikan. Kailangan ko lang pag-aralan mabuti ang bawat galaw ni Maro. First time ko pa lang naman siyang nakilala mahaba-habang araw pa gugugolin ko para magawa ng maayus ang trabaho ko. Pang naging malapit na kami sa isat-isa atska ko na lang pag-paplanohan kung paano siya akitin para maging isang tunay na lalaki siya. Pero kung wala naman pag-asang maging lalaki siya at least nagawa ko pa rin ang napagkasunduan namin ni Don Carlos. Siguro pag-uwi na lang niya next week ko siya kakausapin ulit baka marami lang siyang iniisip ngayon tungkol sa kompanya nila. Hayaan ko na lang siya ngayon, iiwasan ko na lang muna siya para may time siyang mag-isip para sa trabaho niya. Mahirap din mag-manage ng malaking negosyo, kahit siguro ako makukulta ang utak sa kaiisip kung paano magpalago ng negosyo. Kaya siguro madalas din siyang magkulong sa kwarto, dahil si Don Carlos maghapon din nagtratrabaho ng opisina niya, halos hindi rin siya lumalabas ng opisina. Nagpaalam na ako sa kanila dahil hindi naman ako maka relate sa pinag-uusapan nilang mag-ama, kahit gusto ko rin makinig para sana may matutunan din ako tungkol sa negosyo pero parang hindi naman ako welcome kay Maro, masama niya akung sinibat ng matalim na tingin. Hindi naman ako manhid at marunong naman akong makahalata kung ayaw sa akin ng isang tao. Tumalikod na ako sa kanila at naglakad diretso sa kusina para tumulong sa pagluluto. Ayaw ko namang mag-señorita lang dito kahit na nga ba sinabi ni Don Carlos na hindi ko kailangan magtrabaho dito sa mansyon, hindi rin ako sanay ng walang ginagawa. Nakakahina ng katawan ang walang ginagawa lalo at hindi ako sanay ng nakatunganga. Parang hinahanap ng katawan ko ang maglakad sa gilid ng bangketa at magtinda ng mga kakanin. Na-misses ko tuloy ang mga suki ko. "Nana Luz ano pong maitutulong ko." Aniko pagpasok sa kitchen. Naghihiwa siya ng karne ng baka, naghuhugas naman ng mga gulay si Digna. Naglakad lang ako papalapit sa kanila. "Kaya na namin ito Hija." Aniya. "Sandali lang ito. Madali lang naman magluto." Dagdag pa niya. Pero hindi rin ako nagpapigil at tumulong kay Digna, naghiwa rin ako ng gulay at nagbalat ng sibuyas. Habang nakikipag kuwentuhan sa kanila. Mamimiss ko sila pag-alis ko dito, apat na buwan ko silang makakasama ngayon, sana makita ko pa sila balang araw. Pagnatupad ko na ang aking mga pangarap. Babalikan ko sila at pasasalamatan sa kabutihan nila sa akin. Magkasabay kami dumulog sa hapag ni Daddy ng tawagin kami ni Yaya para kumain. Nagtaka ako at napatingin kay Daddy ng makita kong dalawang plato lang nakalangay sa ibabaw ng mesa, gusto kung magtanong ngunit hindi ko magawa baka kung anung isipin ni Daddy. Baka isipin niyang pinakikialaman ko ang babae niya, kaya nagumpisa na akong magsandok ng kanin pero biglang nagsalita si Daddy. "Digna nasaan si Iza? Bakit hindi pa siya sumabay sa amin kumain.?" Tanong ni Daddy at luminga-linga pa sa paligid. "Busog pa daw po siya Señor mamaya na lang daw siya kakain. Marami po kasing cookies na kinain si ma'am Iza kanina." Paliwanag niya kaya nawalan tuloy ako ng ganang kumain. Kung hindi ko lang kaharap si Daddy baka hindi na rin ako kakain. Halos hindi ko din malasahan ang mga isinusubo kung pagkain sa isiping baka mas gusto niyang kasabay ang lalaking nakita kung katawanan niya kagabi, at ang dinig ko pa nanuod daw ng sine ang mga ito. Ano naman kaya ang ginawa nila sa sine, marami ding pwedeng gawin ang isang babae at lalaki sa loob ng sine habang nanunuod. Napahigpit ang hawak ko sa tinedor sa mga naiisip ko, tama bang pag-isipan ko sila ng masama, ng mga kahalayan, wala naman akung alam tungkol sa kanilang dalawa. Hindi tamang magbintang ng walang sapat na pruweba. "Excuse me Dad, mauna na ako. I have to do something important." Pagdadahilan ko pa kay Daddy. "I'm not done yet my business proposal, and I need it for tomorrow." Dagdag ko pa, kahit tapos ko ng lahat last friday pa. Gusto ko lang talagang mapag-isa. Hindi ko na kasi maintindihan ang sarili ko. Bakit ako nagagalit kay Iza, masama ang loob ko sa kanya ngayon. Pero gustong-gusto ko siyang makita. Ano bang nangyayari sa akin. Lahat ng nangyayari sa akin buhat ng umuwi ako dito last friday bago sa aking pakiramdam, simula ng makita ko siya. Gulong-gulo na ang isip ko. Gusto kung kumunsulta sa isang tao pero kanino naman ako magtatanong, sa Doctor, sa Abogado, o sa isang professor. "Damn!" sigaw ng utak ko sa dami ng katanungang bumabagabag sa akin. "Go ahead Hijo. Mapapahanda na lang ako ng miryenda mo mamaya at ipadadala sa kwarto mo." Saad ng Daddy niya. Bagsak ang mga balikat niyang naglakad paakyat sa magarbo nilang hagdanan, patungo sa kwarto niya. Pipihitin na sana niya ang doorknob ng kwarto niya ng mapalingon siya sa pinto ng kwartong inaakupa ng dalaga, nakatitig lang siya duon. Umaasang bubukas 'yon at lalabas ang dalagang nakangiti tulad ng madalas nitong gawin pagkausap siya. Ilang minuto rin siyang nakatayo ruon bago tuloyang binuksang ang kanyang kwarto at pumasok sa loob. Bigong ibinagsak ang kanyang katawan sa kama at matiim na tumitig sa puting kisame ng kwarto niya. Ngunit imahe ng mukha ng dalaga ang kanyang nakikita kaya padarang siya bumangon, malalaki ang hakbang na tinungo ang veranda para makasagap ng sariwang hangin. Kanina pa nagsisikip ang dibdib niya sa mga naiisip. Gusto niyang makausap ang dalaga pero paano. Ano ang gagawin niya para makausap ito, at ano naman ang sasabihin niya dito. Nauumid nga ang dila niya pagkaharap ito. Kailan ba magiging normal muli ang pagtibok ng puso niya. Mas lalo nga itong naghuhuromintado ngayon dahil sa nangyayari sa pagitan nila ng dalaga. Iba ang ipinakikita nito ngayon sa kanya dahil mas lamang ba ang lalaking kasama nitong nanuod ng sine kahapon. Ano ba ang ginawa ng lalaking ito sa kanya. Bulong niya sa kawalan ng may pait sa dibdib. . . . . . ......................................................... please follow my account... and add my story in your library.. ...loveyouguys..God Blessed Us.. thanks much......lrs.. ....."Lady Lhee"....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD