Come in!" Malakas na wika ni Don Carlos ng may marinig siya sunod-sunod na katok sa pinto ng opisina niya.
"Good Afternoon po sir." Ani ng boses ng isang babae. "Señor pwede ko po ba kayo maistorbo kahit ilang minuto lang po." Magalang na usal nitong nakasungaw ang ulo sa pinto.
Nag-angat ng mukha si Don Carlos mula sa mga binabasa nitong mga dukomento ng marinig nito ang matamlay na boses ng isang babae. "Halika pumasok ka. Lumapit ka dito. Hindi kita maintindihan. May kailangan ka ba?" Tanong nito bago hinubad ang salamin sa mata at ilang beses kinurap-kurap ang mga mata, tinitigan ang babae sa harap niya, nasa likuran nito si Iza.
"Magpapa-alam lang po sana ako kung pwede kung madalaw ang Nanay ko. Sinugod daw po siya sa ospital kahapon at naka schedule na operahan ngayon." Anito. "Gusto ko lang pong makita si Nanay kahit isang araw lang po." dagdag pa nitong pagsusumamo
"Bakit anong sakit ng Nanay mo? Bakit ngayon mo lang sinabi? Dapat kahapon ka pa nagsabi." Usal nito, bakas sa mukha ang pag-aalala.
"Ooperahan daw po sa gallbladder mamayang alas sais ng gabi. Kaya gusto ko po sanang makita si Nanay." Matamlay nitong tugon.
"Kailan mo gustong puntahan ang nanay mo?" Tanong ng Don. "May problema pa ba sa hospital?" usal pa nitong kunot ang noo.
"Kung pwede po sana bukas din po ng umaga para makabalik din po ako sa gabi." pakiusap pa nito. "Tungkol naman po sa gastusin sa hospital nagawan na daw po ng paraan ni Tatay. Sasagutin daw po ng mayor namin ang mahigit kalahati ng hospital bills, matagal din po kasing nagtrabaho si nanay kila mayor. Yon gamot na lang po ang problema pero madali na lang daw pong remedyohan yon sabi ni Tatay. Kung pwede rin po sanang balihin ko yung kalahating buwang kung sweldo para may pamasahe lang po ako." litanya pa nitong pakiusap
"Bueno, huwag mo ng intindihin ang pambili ng gamot ng nanay mo ako ng bahala duon." Anito at binuksan ang drawer ng lamesa nito at inabutan siya ng lilibohin. "Ito bilin mong lahat ng gamot na kailangan ng nanay mo samahan mo na rin ng vitamins. Ibili mo rin siya ng mga prutas. Sabihin mong padala ko ang prutas at magpalakas siya agad." Mahabang wika nito na ikinaaliwalas ng mukha ng katulong. Ang kabang nararamdaman niya kanina napalitan ng galak sa mga narinig buhat sa amo.
"Maraming, maraming salamat po Don Carlos, hayaan po n'yo sasabihin ko kila nanay." tuwang-tuwang wika nito.
"Popsy pwede po ba akung sumama kay Digna? Gusto ko pong dalawin nanay niya." Usal ni Iza na kanina pa nakikinig sa usapang nila Don Carlos at Digna. Yun naman talaga ang pakay niya, ang sumama kay Digna para makalabas naman siya ng mansyon at makagala. Makasagap ng sariwang hangin dahil pakiramdam niya para siyang sinasakal kung nakakulong lang siya sa loob ng mansyon ng mga De Fontanilla, pakiramdam din niya galit sa kanya ang binatang target ng misyon niya dahil hindi siya pinapansin nito. Paano pa niya magagawa ng maayus ang trabaho niya kung iiwasan siya nito.
Pinagmasdan siyang mabuti ng Don bago ito nangusap. "Sigurado ka bang gusto mong sumama?" Nanantiya nitong tanong. Alam niya kung anung gusto nitong ipahiwatid sa kanya.
"Opo, gusto ko pong sumama sa kanya. Mag-iingat po kami. Hindi ako aalis sa tabi ni Digna." aniya.
"Kung ganuon pasasamahan ko kayo kay Bert." anito. "Tawagin mo sila Bert at Ador, kakausapin ko para ipag-drive kayo." Utos nito kaya nagmamadali ng lumisan si Digna.
"Mag-iingat ka hija. Alam mo ang sitwasyon mo. Huwag kang lalayo kila Bert." bilin nito ng makalabas ng opisina nito si Digna. Puro po at opo naman ang tanging naging tugon niya sa Don.
"Para po saan iyan?" tanong niya dito ng maglabas ito ulit ng lilibohin at iniabut sa kanya.
"Para may pang-gastos ka." Ani Don
"Ayos lang po ako. Halos hindi ko pa nga po nagagalaw yung binigay n'yo sa akin." pagtangi niya dito.
"Kunin mo na yan allowance mo hanggang andito ka sa poder ko. Kailangan mo yan. May apat na buwan ka pang mamalagi dito at kailangan mo ng perang panggastos." Anito, kaya wala siyang nagawa kung hindi tanggapin ang perang binibigay ng Don. Dagdag ipon pa rin niya yon para sa plano niyang pag-aaral at sa tutuluyan bahay.
Napagkasuduan nilang alas tres ng madaliang araw sila aalis para mahaba-haba daw ilalagi niya sa hospital. Gusto rin dumaan ni Bert sa bahay nila dahil madaanan daw ang bayan nila bago ang kay Digna.
.
*^*^*
.
Ilang beses na siyang nagpapabalik-balik sa kusina umaasang makikita niya si Iza duon. Hanggang ngayon ni anino nito hindi niya makita. Tinanghali na siya, dapat kanina pa siya umalis para pumasok sa opisina pero hindi niya magawa dahil gusto niyang makita at makausap si Iza kahit saglit lang bago siya umalis. Wala naman siyang lakas ng loob na katukin sa kwarto ang dalaga. Baka atakihin na naman siya ng nerbyos at hindi makapagsalita pagnakaharap ito.
"Bakit tinanghali ka yata Maro?" bulalas ng yaya Luz niya ng makita siyang papasok sa kusina. Kaya napakamot na lang siya sa batok dahil wala naman siyang maikatwiran dito.
"Papasok na ako Yaya." Aniya dito. Tuloyan na siyang lumabas ng kusina at dumiretso palabas ng mansyon. Kung dati bago palang mag alas sais nakaalis na siya, ngayon alas seyete na pasakay pa lang siya ng kotse niya. Muli tinanaw niya ang gawi ng kwarto ni Iza pero walang indikasyon makikita niya ito. Nag-aalala siyang hindi na niya muling makikita ang dalaga. Baka umalis na ito tulad din ng mga babaeng dinadala ng daddy niya. Hindi nagtatagal ang mga ito at agad din umaalis.
Ihininto niya ang kotse bago pa niya marating ang mataas nila gate para sana magtanong sa mga security guard nila, ibinaba niya ang salamin bintana ng kotse sa tapat niya. Ngunit hindi na pala niya kailangan magtanong dahil dinig na dinig niya ang pinag-uusapan ng mga ito. "Pre, umalis na ba si Ma'am Iza?" ani ng isang guard.
"Oo kanina pa Pre, ang aga ngang umalis." ani naman ng isa pa.
Dahil sa narinig nag-iba ang timpla ng pakiramdam niya. Naihampas niya ang dalawang palad sa manibela ng sasakyan na nagbigay ng malakas na ingay na ikinagulat ng mga guwardya. Nagmamadali ang mga itong binuksan ang gate matapos sumaludo sa kanya. Wala sa sarili pinasibad niya ang sasakyan palayo. Nanghihinayang siya ngayon kung bakit hindi niya ito pinansin kahapon ni hindi nga niya nagawang batiin ito. Sumama din ang loob niya dito ng walang sapat na dahilan. Ngayon siya nagsisi. Wala siyang kaalam-alam sa pagkatao ng dalaga, ni hindi niya nakuha ang contact number nito. Hindi rin siya pwedeng magtanong sa daddy niya tungkol sa dalaga. At dahil tinanghalin siya siguradong aabuting siya ng katakut-takot na traffic bago niya marating opisina.
Ihinto niya ang sasakyan sa laan space ng parking area ng kompanya niya. Inabut ang briefcase niyang nakapatong sa passenger seat at bumaba ng kotse niya. Walang gana siyang naglakad papasok sa loob ng gusali nila. Sa unang pagkakataon wala siyang tinugon ni isa sa mga bumabati sa kanyang mga empleyado nila. Dati rati binibigyan niya ng tipid na ngiti at ganting bati ang mga ito pero ngayon hindi man lang niya sulyapan kahit saglit ang mga ito maging ang dating kabatian hindi niya nilingon. Diretso lang siyang sumakay sa elevator patungo sa opisina niya. Kaya nakaukit sa mukha ng mga tauhan niya ang pagtataka sa inakto niya. Ito rin ang unang araw na tinanghali siya ng pasok at wala sa condition. Kaya ang mga empleyado niya kanya-kanyang bulongan na umabot din sa pandinig niya bago nakapasok sa kanyang opisina.
Pabalibag niya isinarado ang pinto ng opisina niya na nagbigay ng malakas na ingay. Hindi rin niya magustohan ang mga komento ng mga empleyado niya. Nasira na ang araw niya simula palang sa mansyon nila hanggang sa opisina niya. Pinasadahan na lang niya ng tingin ang tambak na mga folder sa ibabaw ng table niya na kailangan pa niyang i-review.
Tumayo siya paharap sa transparent glass wall ng kanyang opisina at tinanaw ang mga naglalakihang gusali at ang mga sari-saring mga sasakyang na paro't parito na tila nakakarerahan ang bawat isa.
Kanina pa gulong-gulo ang isipan niya, sa nagdaan dalawang araw sari-saring emosyon ang naramdaman niya na hindi mapangalanan. Naramdaman niya ang kakaibang saya at galak. Kakaibang init ng katawan na kay Iza lang niya naramdaman. Ang matorpe sa harap ng isang estrangherang mahiwagang babae, na nagtataglay ng kakaibang malakas na virus na tumutupok sa katatagan niya. Sa isang kisap mata nagulo ang tahimik niyang mundo. At ang lahat ay dahil sa nag-iisang babaeng pumukaw sa kamalayan niya. Si Izadora Figueroa. Ang nagpagulo ng isip at diwa niya hanggang ngayon. Sigusigundo niyang nakikita ang magandang mukha nito sa balintataw niya. Ang babaeng parang kidlat na dumating sa buhay niya at simbilis din ng bulang naglaho ito. Pakiramdam niya parang nawala ang isang parte ng katawan niya. Nawala ito at dinala ng dalaga, ang kanyang puso.
.
^*^*^
.
"Halikayo pasok muna kayo at ipapakilala ko kayo sa Misis ko." Anyaya ni Bert sa kanila ng marating nila sa ang bahay nito. Isang semi bungalow type ang bahay nito na may hardin sa harapan may grahe din ng sasakyan sa kabilang gilid ng bahay. Maaliwalas tingnan ang paligid dahil sa ibat-ibang uri ng mga halamang namumulaklak.
"D-da. Dad." Bulol na wika ng isang batang lalaking halos madapa sa pagtakbo pasalubong sa gawi namin. Malalaki naman ang hakbang na sinalubong ni Bert ang bata. Tuwang-tuwa nitong pinupog ng halik ang anak. Matinis din ang boses nitong tumatawa sa ginawa ng ama. Muli sinalakay siya ng pangungulila sa isang ama. Naluluha siyang pinagmasdan ang mag-amang sabik na sabik sa isat isa.
"Ang cute ng anak mo kuya Bert. Ang pogi niya." Komento ni Digna na pumukaw sa kanyang tumamlay na diwa. Gustong kargahin nito ang bata pero ayaw sumama sa kanya. Wala ang asawa nito, pumasok daw sa school dahil isang itong teacher.
"Kuya Bert pwede naman natin puntahan ang asawa mo sa school para makilala namin." Saad ko na lang para din magkita ang mag-asawa dahil once a month lang daw siya nakakauwi dito sa kanila kaya ganuon na lang kasabik sa anak niya.
Matapos namin mabisita sa paaralan ang asawa ni kuya Bert na isang math teacher. Dumiretso na kami sa hospital kung saan naka confined ang nanay ni Digna.
Kitang-kita ang tuwa sa mga mata ng mga magulang niya ng makita ng mga ito si Digna. Naluha pa ang nanay nitong bagong opera ng ibigay nito dito ang padala ni Don Carlos. Ilan beses din itong umusal ng pasasalamat.
"Kuya tayo muna sa labas." yaya ko kila Kuya Bert at Kuya Ador para magkaroon naman ng bonding ang pamilya ni Digna.
Pumasok kami sa isang cafeteria para magmiryenda. Masayang kakuwentuhan sila Kuya Bert at Kuya Ador madami silang alam na jokes. Hindi ko naranas ang ganitong buhay. Trabaho bahay lang ako, simula ng mamatay si Mama, naging mahirap na ang buhay para sa akin. Sa kalye na ako nabubuhay at wala ng panahon upang mamasyal dahil bawat oras mahalaga sa akin. Kung hindi ako maglalako ng kakanin sa kalye wala kaming kakainin ni Kuya Samuel. Ngayon may pera ako pero hindi pang habang panahon kung hindi pang apat na buwan lang. Apat na buwang kung mararanas ang ginhawa, nakasilong sa mala-palasyong bahay, kumakain ng masasarap, natutulog sa de aircon na kwarto na may malapad at malambot na kama. Kompleto ng gamit sa katawan. Pero ang lahat ng ito ay may hangganan. Kaya kailangan kung tipirin lahat ng ibinibigay ni Don Carlos sa akin para may panimula ako pagnatapos na ang akin misyon. Ang aking kontrata.
Sa pagkakatanda ko ang huling punta namin sa isang probinsyang kasama si Mama nuong limang taong gulang ako, sa kapatid ng Nanay ni Mama. Gusto ni Mama na makilala daw namin ang mga pinsan namin ni Kuya Samuel. Pinag-ipunan pa ni Mama ang gagastusin namin para makapunta lang kami sa kamag-anak daw namin.
..........FLASHBACK.........
"Sino ba yang dumating?" Hiyaw ng isang babae.
"Laura daw ho." Tugon ng isang dalagita. "Anak daw po ni Lydia." dagdag pa niya.
"Bakit andito ka? Anong kailangan mo?" Singhal agad niya dito ng makilala ang bagong dating. "Hindi ka na welcome dito. Isang kang kriminal. Dahil sa kalandian mo namatay si Tiyang Lydia. Ngayon may gana ka pang magpakita sa amin. May mukha ka pang humarap sa akin. Kung hindi ka sana maagang lumandi at nagpabuntis sa isang lalaking patay gutom, di hindi sana namatay ang sarili mong nanay. Lumayas na tayo dito, malas ka, malas kayung lahat." Tunggayaw niya.
"Ate Aida, gusto lang sana namin dumalaw sa inyon, para makumusta kayo dito." Mababang boses na saad ni Laura. "Kumusta na ba kayo dito? Si Tiyang Rosing kumusta na?" dagdag pa ni Laura.
"Wala. Wala ka ng kukumustahin dito simula ng namatay si Tiyang Lydia itinurin ka rin namin patay na. Kaya wala kaming kamag-anak na Laura ang pangalan. Layas." Hiyaw niya at iwinawagayway ang kanyang kamay pagtatabuy sa amin nila Mama. Ilang beses din humakbang paatras si Mama upang hindi siya masagi ng kamay nitong patuloy lang sa pagtataboy sa amin.
.
.
.
.........................................................
please follow my account...
and add my story in your library..
...loveyouguys..God Blessed Us..
thanks much......lrs..
....."Lady Lhee"....