Episode - 14

2191 Words
Naingganyo akung lumapit sa isang batang babae na may hawak na barbie doll at hindi pansin ang mga sinasabi ng babae kay Mama. "Pwedeng makita yon dress ng barbie mo?" Tanong ko sa batang babaeng mas malaki sa akin, pero tinago lang niya sa likuran ang hawak niyang barbie at itinulak ako gamit ang isang libreng kamay. "Titingnan ko lang hindi ko naman kukunin, marami din akung barbie doll sa bahay namin." katwiran ko pero bigla na lang siyang bumalahaw ng iyak. "Mommy, inaagaw barbie ko." sigaw niyang umiiyak. Kaya nagmamadali lumapit sa amin ang babae at hinaklit ako sa braso, pakaladkad akung hinila at malakas na itinulak sa labas ng gate nila kaya napa-iyak ako ng sumadsad ako sa lupa dahil naramdaman ko ang sakit ng bumagsak ako, nagkasugat ako sa binti at braso. Agad naman akung dinaluhan ni Mama, lumuhod siya at pinagpagan ako, tiningnan din niya ang mga sugat ko. "Tahan na huwag ka ng umiyak, gagamutin ni Mama sugat mo" Aniya at hinipan ang mga sugat ko. Nilapitan din ni Kuya Samuel yon babaeng nanakit sa akin. "Bakit po n'yo sinakta ang kapatid ko wala naman siyang ginagawang masama?" Pagtatanggol ni Kuya Samuel sa akin. Ngunit maging siya malakas na tinabig ng isang lalaki at sinipa, sununtok din siya kaya nagkasugat din si Kuya sa mukha. Tumayo si Mama at inawat ang lalaki. "Tama na huwag mong saktan ang anak ko, bata lang yan." Sigaw na ni mama dito. Lumapit si Mama kay Kuya, umiiyak siyang niyakap kami ni Kuya. "Bea, pumasok ka sa loob." sigaw na utos niya sa batang babae. "Lumayas na kayo dito at huwag ng kayung babalik kahit kailan kung hindi ipapupulis ko kayo. Nanggugulo lang kayo dito." Sigaw niya sa amin at dalawang kamay niyang tinulak si Mama kaya napasaldak siya at bumagsak sa lupa kasama akong bumagsak sa kandungan ni Mama. "Mama alis na po tayo dito." Umiiyak na pagmamakaawa ni Kuya Samuel. Maging si Mama umiiyak na rin. "Mama, uwi na po tayo, ayoko na po dito bad po sila." saad kung humahagulgol. Habang magkakayakap kaming tatlo. Tumayo si Kuya Samuel para kunin sana ang mga dala namin. Pero hinablot ng lalaki ang mga iyun, muli itunulak niya si Kuya Samuel. "Ano akala mo makukuha mo ang mga ito. Hindi ba kayo nakakaintindi, pinalalayas na kayo dito." Sigaw niya at binuhat ang mga bag namin, ipinasok niya lahat yon sa loob ng bahay nila. "Sa amin ang mga bag na yan, ibigay na n'yon sa amin ang gamit namin para makailis na kami." Saad ni Kuya pero hinila lang siya ng lalaki palabas ng gate at padarang na binitawan. "Kuya kukunin ko na ang mga gamit namin dala para makaalis na kami. Huwag na kayung mag-alala hindi na kami babalik muli dito. Kakalimutan ko na rin magkakamag-anak tayo." Mahabang wika ni Mama. "Wala akung ibibigay, pagaari na namin yon. Kaya lumayas na kayo dito. Magsilayas na kayo. Layas!" Sigaw nila sa amin at pinagsaraduhan na kami ng gate. Marami narin mga tao ang naglabasan sa kani-kanilang bahay para makiosyuso dahil sa lakas ng boses nila. Pinagtitinginan nila kami. May mga lumapit naman sa amin na kilala si Mama. Kinukumusta nila si Mama. At kung anu-ano ang mga sinasabi nila kay Mama, naawa sila sa amin. "Masama talaga ugali ng mga pinsan mong yan, akala mo mga kung sino." wika ng isang babae. "Kaya nga walang makasundo dito yan mga yan. Masasama ang ugali." ani pa ng isa. "Ano? Bulalas ng isa pang babae. "Hindi na binalik ang mga gamit n'yo tapos pinalayas kayo. Napakawalanghiya talaga nila." singhal pa niya at masamang nilingon ang bahay sa harapan namin. "Kumusta na kayo Laura?" Ani ng ginang na nagmagandang loob na tumulong sa amin. Dinala niya kami dito sa bahay nila at ginamot ang sugat namin ni Kuya Samuel. "Ito naba mga anak mo? Nasaan na asawa mo? Bakit hindi mo kasama?" Sunod-sunod niyang tanong kay Mama. Pero hindi nagpaliwanag si mama kundi nagpasalamat na lang sa babae. "Dito na kayo kumain Laura at alam kung pagod kayo sa haba ng biyahe n'yong mag-iina. Walanghiya talaga ang mga kamag-anak mong yan." Aniya. "Pasensiyahan n'yo nalang ang ulam namin." Dagdag pa niya. "Letlet ipahiram mo nga bunso yung damit mong malaki sa kanya, para makaligo na sila ng makakain na tayo. Ikuha mo rin ng damit ng kuya mo." Utos pa ng ginang. Bago pa kami umalis mahigpit pang bilin ng batang babaeng ibalik daw namin ang damit niya. Kailangan daw bagong laba, yung daw mabango at bagong plantsa din daw. "Oo my little darling sungit isusuli namin pagbalik namin." Tugon dito ni Kuya Samuel. At lalong ikinainis ng bata ng guluhin niya ang buhok nito. . .....END OF THE FLASHBACK.... . "Hoy! Ma'am Iza, natulala ka na dyan. May problema ba" Tanong ni Kuya Bert na nagpabalik sa malalim kung pagbabalik tanaw ng nakaraan sa buhay namin. Hinding-hindi ko malilimutan ang mga naging karanasan namin yon. Kung paano kami trinato ng mga kamag-anak ni Mama. Kung paano nila kami ipagtabuyan na parang mga hayup. Sinaktan nila kami. "Wala may naalala lang." Saad ko sa kanya. Ayaw kung ilahad ang buhay ko sa kanila dahil wala naman akung ipagmamalaking magandang pangyayari sa buhay ko. "Kayo Kuya Ador saan po probinsiya n'yo baka pwede rin kaming sumama pagdumalaw kayo sa inyo." Wika kung tanong para maiba ang topic at huwag ma-focus sa akin dahil ayaw kung pag-usapan ang buhay ko, ayaw kung may malaman sila tungkol sa akin. Hapon na nang umuwi kami at wala na daw problema sa Nanay ni Digna magpapagaling lang ito ng ilang araw sa hospital at pwede ng umuwi. . ...................... . Buong isang linggo akung lulugo-lugo. Hindi ko alam kung anung gagawin, kung makikita ko pa ba siya, at saan ko siya hahanapin para magkita kami. Pasalamat na rin ako at kahit paano nagawa ko ng maayus ang mga tarabaho ko. Hanggang ngayon hindi ko parin maintindihan ang sirili ko. Nagdadalawang isip ako kung uuwi ba ako sa mansyon ngayon wala naman si Daddy, nag out of town at three weeks daw siya duon at lalong wala na siya, umalis na siya ng hindi man lang kami nakapag-usap, iniwanan niya akung nangangapa sa kasagutan kung saan siya makikita. Napabuntong hininga na lang ako at nagpasyang pagdating na lang ni Daddy ako uuwi ng mansyon. Gusto ko munang mapag-isa. Gusto kung pumunta sa isang lugar na walang iistorbo sa akin. Gusto kung mag-relax kahit isang araw lang. Next sunday sasama na lang akung mag out town sa mga kaibigan ko para makalimutan ko si Iza kahit panandalian lang, bago umuwi sa mansyon. Matapos kung maiayus ang mga gamit ko sa kabinet ng cottage na inaakupa ko lumabas na ako para maglibut-libot. Gusto kung makasagap ng sariwang hangin. Ilang beses na rin kaming nagpupunta dito sa resort nila Ylan. Pag ganitong wala kaming mga trabaho, dito niya kami niyaya. Meron daw live band mamaya kaya mag-e-enjoy daw kami, dahil marami din daw magagandang babae baka daw may magustuhan kami. Hindi ko lang masabing, nahanap ko na ang babae para sa akin, meron na ako. Ang problema ko lang saan ko siya susundan. Paano ko siya makikita ulit. Nangmapagod ako sa kalalakad naupo ako sa buhanginan sa baybaying dagat Atat pinagmasdan ang isang pamilyang naglalagoy sa dagat. Sana dumating ang araw na ganuon din kami kasaya ng magiging pamilya ko. Piping bulong ko sa isipan ko na mukha ni Iza ang lumilitaw. "Hi!" Bati niya habang papalapit siya sa akin. "Bakit nag-iisa ka lang dito?" dagdag pa niya. "Ngayon hindi na ako nag-iisa andito kana." Aniko. Sit here." utos ko. Naupo naman niya sa tabi ko. "Why are you sad? Are you sick?" Tanong niya at dinama pa ng likod ng palad niya ang noo at leeg ko. Naalala ko tuloy si Iza. Kaya napailing na lang ako at pinalis ang kamay niya. "I've noticed you're lethargic this past few days. Do you have any problem?" Sunod-sunod na tanong niya. Sa aming lahat na magkakaibigan siya ang very observer sa mga ikinikilos ng bawat isa sa amin. Kaya minsan agad niyang pinupuna ang nakikita niya. She's was our friend since in our high school day. Siya lang ang nag-iisa babae naming kaibigan while Aya, ngayon lang namin siya naging kaibigan. Ng muntik ko na siyang nasagasaan, umiiyak siyang naglalakad sa kalye at wala sa sarili. Dahil nahuli daw niya ang fiancee niyang may kasamang ibang babae sa loob ng condo unit nito. Since then naging kaibigan na rin namin siya. "I'm just a little tired of the amount of work sa office. But don't worries i'm fine." Tugon ko nalang, dahil hindi rin niya ako lulubayan hanggat hindi ako nagsasabi sa kanya. Nginitian ko nalang siya at pilit pinasaya ang mukha. Hindi ko naman pwedeng sabihin ang totoo sa kanya. Sa ngayon kaya ko pa naman sarilinin ang paghihinagpis ng aking damdamin. Makakalimutan ko rin siya. "Sure kang ayus ka lang huh." Tanong pa niya ulit, yumakap pa siya sa aking braso at ihinilig ang kanya ulo sa akin. "Ang lungkot kasi ng mukha mo. Nagkausap na ba kayo ni Evita? Binasted ka ba niya kaya malungkot ka?" Pangungulit pa niya. Ewan ko ba kung bakit naiinis na ako sa babaeng yon ngayon, dati rati halos para akung asong sumusunod sa kanya pero ngayon balewala na siya sa akin kahit makita ko pa siyang nakahubad sa harap ko. "Who said so? I'm not interested in her anymore." Saad ko. Na ikitaas ng kilay niya. "Hindi ba may gusto ka sa kanya kaya nga lagi mong pinai-invite siya sa akin tuwing may lakad tayo?" Aniya. "Andito rin siya, baka nasa cottage pa sila ngayon." Dugtong pa niya. Pero wala na akung nararamdaman pa sa kanya ngayon, na kay Iza ng lahat. Siya na ang bumubuo ng buhay ko ngayon, siya ang dahilan kung bakit ako nagkakaganito ngayon. Ninakaw niya ang puso ko. Buong-buo niya itong tinangay. "What's up bro? May problema ba?" Tanong ni Dax ng makalapit siya sa amin at umupo sa tabi ko. Mukhang napapansin din yata niya ang mga kakaiba kung ikinikilos ngayon, ang pagiging matamlay ko at walang kibo lagi. Nakatanaw sa malayo na parang makikita ko si Iza. "Wala pagod lang." aniko. "Kaonting pahinga lang ito, ayus na. Marami lang talaga akung tinapos na trabaho sa office." dagdag ko pa. "Kung ano mang problema Bro andito lang kami. Magsabi ka lang. Mukha kasing napapansin kung may kakaiba sa 'yo." Usal pa niya. Ang lakas talaga ng pakiramdam nila. Masyado na ba akung transparent at kita nila ang katotohanan o masyado lang akung nagpapahalata. Siniko ako ni Donna sa tagiliran at ginuso niya ang paparating na mga babaeng natatawanan patungo sa lugar namin. Walang gana ko naman pinasadahan ng tingin ang parating na mga babae at ibinaling na sa iba ang paningin. "Si Dax ang type niyan." Anas ko. "Sino naman nagsabi sayong type ko ang ganyang babae? Wala pa sa vocabulary ko ang magseryoso sa babae, at hindi ganyang babae ang papatulan ko." Mariin wika naman ni Dax. "Patay na patay ka nga d'yan." Dugtong pa niya. "Iniinis ko lang, ang galing kasing umirap, parang kidlat sa talim ng mga mata." Pagdadahilan ko na lang, kahit totoo naman may gusto ako kay Evita nuong una pero ngayon biglang naglaho. "Ayaw nga sa akin niyan, poor daw ako kaya ikaw gusto dahil rich ka daw." pang-aasar ko pa. "Never kung patulan yan." anas na niya. Dahil malapit na sa amin ang mga babae. "Pinakikibagayan ko lang dahil kabarkada ni Donna." dagdag pa niya. "Yeah." maikli kung tugon. "Saan nga pala party sa birthday mo malapit na yon?" Pagiiba ko ng usapan dahil umupo na sa tabi niya si Evita. "Simple gathering lang, darating kasi sila Tita Dixie mamanhikan na yata." Ani Dax. "Bakit sinong ikakasal?" Bulalas na tanong ni Donna. "Si Kuya Troy, buntis na yata girlfriend niya." saad ni Dax. "Naunahan ka pa Bro. Ang bilis naman pala ni Troy, nakabuo agad." Aniko. "Mas matanda naman sa akin yon, dapat lang na mauna na siyang magbikti." Biro niyang wika kaya natawa kami ni Donna. "Invite mo naman kami Dax." Sabad naman ni Evita. "Sorry next time na lang, family gathering lang kasi yon, at hindi ka naman member ng pamilya." diretsang tugon niya dito. "For family? Bakit sila ini-invite mo ako hindi." mataray niyang saad. "Kailangan ko pa ba i-explain sayo 'yon? Sila, simula palang mga bata kami magkakaibigan na kami kaya parang pamilya na kami." Aniyang maiirita. "Ikaw lagi lang kayung sumasabit sa amin para magpapansin." Angil na nito kay Evita na halos kumandong na sa kanya. Kaya natatawa ako sa reaksyon nila. Magkakatabi lang kaming nakaupo dito sa buhanginan malapit sa dalampasigan at tinatanaw ang haring araw na malapit ng kumanlong sa karagatan. Pero isa lang naiisip ko sa paglubog ng araw, ang paglubog din ng pag-asang makikita pa ang babaeng nagparamdam ng kakaibang apoy na tumutupok sa buong katawan ko. Humihiling na makita pa siyang muli sa pagsikat ng haring araw. . . . . . ......................................................... please follow my account... and add my story in your library.. ...loveyouguys..God Blessed Us.. thanks much......lrs.. ....."Lady Lhee"....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD