Episode - 15

2257 Words
Wala na siyang magawa kung hindi umuwi ng kanilang mansyon makaraan ang isang buwan, hindi habang panahon niyang maiiwasan ang mga lugar na nagpapaalala sa kanya sa dalaga. Ayaw na niyang alalahanin pa ang babaeng nagpapagulo ng isip niya. Sa mahikling sandali malaki ang naging ipekto ng presensiya ng dalaga sa buhay niya. Ilang oras lang niya ito nakasama pero nayanig ang buong pagkatao niya. Nakaramdan siya ng kakaibang pakiramdam na tanging kay Iza lang niya nadama. Ngayon siya hinayang na hinayang at wala man lang siyang nakuhang impormasyon dito, maliban sa edad at pangalan nito. Kung hindi pa nagsabi ang Daddy niyang maglalagi ito ng ilang buwan sa Japan para pag-aralan ang ipatatayo nitong pabrika wala pa nasa siyang planong umuwi. Dahil para sa kanya ang imahe ng dalaga ang nakikita niya saan man parte ng mansyon nila. At alam niyang lalo lang siyang mangungulila dito. Gusto niya makita at makausap ang kanyang ama bago ito magtungo sa ibang bansa. Marami rin itong pinagkakaabalahan mga negosyo kahit sabihin niyang siya na lang ang bahala sa lahat pero mapilit din ito. At kung makakapili na ito ng mapapangasawa sa mga inuuwi nitong mga babae sa bahay nila baka mabawasan na rin ang mga gawiin nito at mag-focus na lang sa asawa, hindi na siya gaanong mag-aalala dito at paminsan-minsan na lang siya uuwi para dalawin ito. Pagtunog ng cellphone niya ang gumambala sa malalim niyang pag-iisip. Kaya agad niyang sinagot ito ng makita kung sino ang caller id. "[Yes, Donna]" "[Sama ka ba kila Ylan?]" bungad nitong sagot. "[Sorry, hindi ako makakasama ngayon uuwi ako. Gusto kung makausap si Daddy bago siya pumunta sa Japan.]" Tugon niya dito. "[Sayang sasama daw sila Evita, tinatanong nga niya kung sasama ka?"] anito kaya nagdadalawang isip siya ngayon. Matagal na siyang may gusto kay Evita, pero si Dax ang gusto nito. Ngayon wala na si Iza gusto niya sanang makasama din ito at ilahad ang damdamin dito. Kaya muli niyang kinapa ang dibdib kung may natitira pa bang damdamin para sa babae o baka nadala narin lahat ni Iza sa paglisan nito. "[Marami pa naman pagkakataon. Next time na lang.]" tugon ko at nagpaalam na kailangan ko pang matapos ang mga dokumento nasa ibabaw ng table ko. Ayaw kung natatambakan ako ng trabaho. "Sir, magpapa-order po ba kayo para sa dinner n'yo?" Bungad ni Lily matapos itong kumatok sa pinto ng opisina niya at isinungaw ang ulo nito. "No. Uuwi na rin ako mamaya." Tugon niya dahil wala naman siyang ganang kumain sa tuwing naaalala niya ang dalaga. "Pwede ka ng umuwi." Utos niya dito. Isang oras lang makaraan umalis ang secretary niya sinamsam na niyang lahat ng gamit niyang pwedeng dalin at gumayak na paalis ng opisina kailangan niyang makaalis na para maaga rin siya makarating ng mansyon. Matamlay lang siyang naglakad palabas ng opisina diretso sa elevator. Agad din siyang sumakay sa kanya kotse ng makarating sa parking area upang makauwi, at makapagpahinga na pagdating niya ng bahay nila, dahil wala naman siyang ibang gagawin. Hindi na rin gaanong ma-traffic sa daan kaya diretso lang ang pagda-drive niya na paminsan-minsan napapabuntong hininga siya dahil muling sumasagi sa isipan niya ang mala-angel na maamong mukha ni Iza, na hindi na mabura sa isipan niya. Araw at gabi siyang nananalanging mag-krus sana ang landas nila ng dalaga. Lumulukob na naman ang kakaibang damdamin at t***k ng puso niya sa kaalamang malapit na siya sa kanilang mansyon. Na dapat hindi na niya nararamdam dahil wala na ang dalaga. Umalis itong mukhang may tampo sa kanya dahil ni hindi niya ito nakuhang batiin, ni hindi niya ito nilingon. Nagdaramdam kasi siya dito nagmakita niyang nakikipagtawan ito sa security guard nila. Hindi rin niya maintindihan ang sarili kung bakit siya sinalakay ng galit ng makita ang mga itong magkasama at masaya, kahit wala naman ginagawang masama. Isang malalim na buntong hininga pa ang pinakawalan niya ng matanaw na niya ang mansyon nila. Nagbuga rin siya ng hangin at ilang beses ipinilig ang ulo ng biglang may kakaibang pagsasal na kabog na naman ang naramdaman niya ngayon sa kanyang dibdib, na parang may kakaiba na namang mangyayari sa kanya. Isang busina lang ginawa niya at may sumilip ng guard sa maliit na pintuan bago siya pinagbuksan ng malaking gate, bumati at sumaludo pa ang mga ito sa kanya pagtapat niya sa mga ito, kaya isang tipid na ngiti lang sinukli niya sa mga ito. Ilang minuto pa ang pinalipas niya bago siya magdisesyon buksan ang pinto at bumaba ng sasakyan. Nakatungo siyang marahan naglakad patungo sa engrandeng pintuan ng mansyon nila. Pinihit niya ang siradura nito at matamlay na pumasok matapos niyang pinasadahan ng tingin ang kabuon ng living room.Tahimik at walang tao tulad ng dati sa tuwing umuuwi siya dito, wala din pinagkaiba. Tulog na ang mga tao kung dumarating siya. May lungkot sa mukhang dumiretso siya sa grand staircase nila paakyat dito, patungo sa kwarto niya. Mapait siyang napangiti ng maalala ang dalaga. Kung paano at kung saan niya ito unang nakita, mula sa music room, sa swimming pool at hanggang sa kusina. Muli niyang nilingon ang naging silid nito. Bago humawak sa doorknob ng pintuan niya. "Psstt." isang paswit kasabay ng pagsundot sa likuran niya ang muntikan nagpatalon sa kanya dahil sa gulat. "Why so late? Bakit ngayon ka lang umuwi? Kumain ka na ba? Iinitin ko yon mga ulam para makakain ka at bak..." "Damn!" Mariin sikmat niya ng makita kung sino ang nasa likuran niya at hindi na niya napigilang yakapin ito kaya nabitin sa lalamunan nito ang sasabihin. "You here?." Bulalas niyang anas sa punong tenga nitong hindi makapaniwala. "Teka nga Maro." hingal na usal nito at pilit kumakawala sa higpit ng pagkakayakap niya. Ilang tampal din sa balikat at braso ang natikman niya mula sa dalaga. "Kung makayakap ka parang wala ng bukas grabe ganuon mo ba ako na miss." Pambubuska nito. Pero ramdam niyang nabigla din ito sa ginawa niyang pagyakap lalo na ng gawaran niya ito ng madiing halik sa noo. Kita niyang nanlalaki ang mga mata ni Iza sa ginawa niya, hindi ito makahuma sa pagka-shock. Isa lang ibig sabihin noon siya ang unang nakahalik sa dalaga. Kabado man pero naguumapaw ang nadama niyang galak sa dibdib ngayon. Pinihit niya ng isang kamay ang siradora ng pintuan at ng bumukas ito agad niyang kinapa ang switch ng ilaw kasabay ng pagkalat ang liwanag sa loob ng malawak niyang kwarto. Sa bilis ng tibog ng puso niya wala na siyang ibang naisip kung hindi igiya papasok sa loob ng kwarto niya ang dalaga habang nakayakap pa rin ang isang bisig sa maliit nitong bewang. Pakiwari niya mawawala ito sa kanya sa sandaling pakawalan niya ang dalaga, kaya kahit nagpupumiglas ito hindi niya binibitawan. "Once you entered in my room your mine." Anas niya dito. At muli niya itong niyakap at kinintalan ng magaan halik sa noo. "Maka-mine ka naman para kang nag-online shopping."Irap nito sa kanya at pilit binaklas ang mga bisig niyang nakapulupot sa katawan nito. "Magbihis ka na at bumaba na sa kusina para makakain kana mamaya kung ano na naman nangyari sa'yo." Panenermon pa nito at kinalas ang necktie niyang medyo may kaluwagan na ang pagkakatali, kaya hinayaan na lang niya ito sa ginagawa habang nakahawak sa magkabilang bewang nito ang mga kamay niya. Pinagmamasdan lang niya ang naka simangot na mukha nito. Hinila nito ang necktie niya kasunod ng paghubad sa coat niya, isinampay nito ang mga yon sa braso at naglakad patungo sa coach, maingat na ibinaba nito ang necktie at coat niya duon. "Magbihis ka na at bumaba na, iinitin ko lang ang ulam." Saad nito at naglakad na palabas ng kwarto niya. Nakatulala pa rin siya at hindi makapaniwalang nayakap at nahalikan niya ang babaeng nagpapagulo ng isip niya. Ramdam niyang halos maningas ito kaninang yakapin niya. At mas lalo na ng halikan niya ito sa noon. Sa lakas ng kabog ng dibdib niya kanina hindi na niya naisip kung anong tama at mali. Ang alam lang niya makakasama na naman niya ang dalaga. Mariing niyang nabigkas ang "Yes!" kasabay ng pagpapakawala ng isang kamao niya ng suntok sa hangin at malalaki ang hakbang na tinungo ang walk in closet niya para makapag-bihis. Hindi niya alam kung anung isusuot kanina pa siya naghahalungkat pero wala pa rin siyang mapili. Dati kahit ano na lang ayus na pero ngayon, sa dinami-dami ng damit niya wala siya mapagpilian. Natataranta na rin siya at baka mainip na sa kanya ang dalaga. Isang khaki cargo shorts na tinernohan ng white v-neck t-shirt ang sinuot niya para kung sakaling magliyab na naman siya sa init hindi masyadong mahahalata ang harap niya. Malalaki ang hakbang na lumabas na siya ng kwarto niya at nagmanadaling tinungo ang hagdan. Didiretso na sana siya sa kusina ng makita niyang nakaayus na ang dinning table para sa kanya kasabay ng paglabas ng dalaga sa kusina bitbit nito ang isang tray na may laman umuusok na mga ulam para sa kanya. "Upo na, kain na." Utos nito bago pa nailapag ang mga pagkain. Kaya tinulungan na lang niya ito. Umupo na rin siya agad sa tapat ng platong nakalaan para sa kanya dahil may kakaiba na naman siyang nararamdaman sa tuwing maglalapit sila ng dalaga, lumalakas na naman ang kabog ng dibdib niya at ng sisimula na naman uminit ang paligid sa kanya. "Sabayan mo na lang ako." Aniya dito. "Mas masarap kumain pag may kasabay." Dagdag pa niya. "Tapos na kung kumain. Ikaw na lang sasamahan na lang kita." Saad nito at umupo sa tapat ko. "Kain na" dugtong pa nito na tina-top ang dulo ng mga daliri sunod-sunod, isa-isa sa ibabaw ng lamesa, na para bang inip na inip na ito. Seryoso rin ang mukha niya. Kapag ganitong kaharap ko siya mas lalong lumalakas at bumibilis ang kabog ng dibdib kong hindi ko mawari. Hindi ko naman kayang pigilin ang malakas na kabog ng aking dibdib. Nag-uumpisa na rin akung makadama ng kakaibang pakiramdam na tanging ang presensiya lang niya nagiging mitsa ng lahat. "Halika na, kain ka rin kahit konti." Anyaya ko pa. Pero pag-iling na sunod-sunod lang sagot niya. "Ikaw na lang kumain ng madami. Mukhang pumayat ka. Nangangalum-mata ka rin." Puna niya sa akin habang mariin lang siyang nakatitig sa akin at sinusuring akung maigi. "Hindi ka siguro kumakain masyado, hindi ka rin natutulog. Kulang ka sa tulog." Mahabang saad niya. Gusto ko man sabihin sa kanya na siya ang dahilan kung bakit ako nagkakaganito, hindi ko naman maibuka ang aking bibig, nauumid na naman ang aking dila. Pagdating sa kanya hirap na hirap akung magsalita lalo kung tungkol sa nilalaman ng isip at damdamin ko. Kumain nalang ako at iniwasan ang mga mata niyang nakatitig sa aking mukha. Ngayon lang ako makaramdam ng gutom na parang isang taon akong hindi kumain. Sunod-sunod na subo ang ginawa ko para matapos na ako, pero lagi naman niyang sinasandokan ng pagkain ang plato ko sa tuwing malapit ko ng maubos ang laman nito. Kahit anung awat ko patuloy lang siyang naglalagay ng kanin at ulam sa plato ko. "Ubusin mo na, konti na lang yan, sayang kung ititira mo pa." Utos niya sa akin, kaya wala akung nagawa kung hindi kainin lahat ng binigay niya. Ilang beses ko rin hinimas ang aking tiyan dahil sa busog. Hindi naman talaga ako kumakain ng marami sa gabi, pero hindi ko siya matanggihan. Mukhang masisira ang proper diet and exercise ko sa kanya. "Tulongan na kita." Aniko ng mag-umpisa na niyang kunin isa-isa ang mga pinagkainan ko. "Huwag na, kaya ko na, konti lang naman ito." Awat niya sa akin. "Umupo ka na lang muna para makapagpahinga, kakakain mo lang. dugtong pa niya at inilagay na sa tray ang mga plato at baso. Marahan siyang naglakad papasok sa kusina bitbit ang tray kaya kinuha ko rin ang iba pang natirang mangkok na pinaglagyan ng ulam. Sumunod ako sa kanya sa loob ng kusina. "Sabi ko ako na lang, ang kulit mo talaga. Maupo ka na nga lang d'yan." Angil niya sa akin. Kaya natawa ako ng mahina. Para siyang asawa ko kung makapag salita. Buti na rin at hindi malakas ang boses niya kung hindi baka magising ang namin kasambahay. Tumayo ako sa likuran niya at ipinalupot ang aking mga braso sa maliit niyang bewang na ikinagulat naman niya. Ipinatong ko rin ang aking baba sa balikat niya. "Relax. I just want to hugs you. Na missed kita, I thought i would never see you again." Bulong ko sa kanya. Pero malakas lang niya akung siniko sa tiyan "Para kang sawa kung makalingkis. Buti na lang wala kang venom kung hindi baka kanina pa ako nakabulagta sa sahig." Sikmat niya sa akin. "Lumayo ka nga sa akin at huwag mong sanayin yan paglingkis sa katawan ko." Angil na niya sabay irap pa niya. "Ok, tulungan na lang kita." Usal kung natatawa at hinala sa rock ang isang puting towel para ipamunas sa mga platong nahugasan na niya at paminsan-minsang sumusulyap sa mukha niya. Pero puro irap lang iginaganti niya sa akin. Kahit anung gawin niya masayang-masaya pa rin ako. Para akung nakalutang sa alapaap sa sobrang saya. Mabilis man ang t***k ng aking puso balewala na sa akin dahil alam ko na ang sagot kung bakit ko ito nararamdam. Mahal ko na siya at siya ang aking kaligayahan. Siya ang babaeng kukompleto ng aking buhay. . . . . . ......................................................... please follow my account... and add my story in your library.. ...loveyouguys..God Blessed Us.. thanks much......lrs.. ....."Lady Lhee"....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD