Episode - 16

2236 Words
"Magpahinga ka na alam kung pagod ka sa trabaho at nag-drive ka pa ng almost two hours pauwi dito." Pagtataboy niya sa akin matapos naming mailigpit lahat ng kalat namin dito sa kitchen. "Huwag ka lang matutulog agad at baka bangungotin ka sa sobrang busog hindi ka na sikatan ng araw bukas sayang naman mga pangarap." Dagdag na wika pa niya, kaya matawa ako sa mga pinagsasabi niya. "You come with me." Aniko at hinila na siya sa palapulsuhan paakyat sa hagdanan, hanggang makapasok kami sa aking silid. "Sandali, bakit dito mo ako dinala may sarili naman akung kwartong ginagamit." Reklamo niyang nagpupumiglas. Pilit din niyang binuksan ang pinto. "Hindi daw magandang tingnan ang babae't lalaki sa iisang kwarto." aniya, kaya hinayaan ko na lang ang gusto niyang nakabukas ang pinto ng kwarto ko. "Ok, just stay here for a while para hindi ako makatulog agad. Baka nga bangungotin ako." Pagdadahilan ko. Binitiwan ko na rin ang kamay niya at baka kung saan pa kami mapunta at kung ano pa magawa ko sa kanya. Ayaw kung magalit siya sa akin at baka kamuhian pa niya ako pag may nagawa akung hindi maganda. "Have a seat." Utos ko at naupo na rin sa single seated chair. "Ang ganda ng kwarto mo." Komento niya habang inililibut ang paningin sa kabuoan ng aking silid. "Panlalaki talaga ang motif. Gray with a little white combination. But for me madilim ang kulay at walang buhay, parang malungkot ang nakatira. But anyway karamihan sa mga lalaki ganitong kulay ang gusto." Litanya niya. "Hindi naman malungkot kaya nga may white combination para magbigay buhay at lumutang ang kagandahan ng kulay, hindi lang n'yo na-a-appreciate na mga babae dahil mahilig kayo sa red and pink which is girl's color na nakakakuha ng attraction ng opposite s*x, kaya gustong-gusto niyo." Aniko. "Oh! that's base on my opinion only." Dagdag ko dahil biglang tumaas ang isang kilay niya. "Kahit na basta madilim pa rin sa paningin ko." Giit pa rin niya. "Pwede ko bang lapitan mga display mo?" Tanong niya at tinuro pa ang high glass escaparate kung may mga samu't sari kung collections na galing pa sa iba't-ibang bansa na bigay ni Mommy at Daddy ang karamihan, may mga regalo din galing sa mga grandparents ko. "Yes, sure go ahead" Aniko at tumayo na rin para igiya siya. "Ang hilig mo palang mangolekta ng mga laruan." Aniko dahil naalala ko rin may mga collections din ako ng mga dolls nuon bata pa ako. Pasalubong ni Mama sa akin pag umuuwi siya galing sa pagpe-performed kasama ang grupo niya mula sa ibang bansa. Mayroon din galing kay Lolo nuong nabubuhay pa siya. Lahat ng yun naiwan ko sa barung-barong namin nakalagay sa isang kahon na binalot ko ng packagingtape. "Mga remembrance ko yan, bigay ni Mommy nuong nabubuhay pa siya." Saad niya. "Hala! Bakit putol na ang kamay ng isa." Bulalas niya nang makita niya ang isang robot na mahigit apat na pulgada ang taas. Kaya binuksan ko ang pinto ng escaparate at inilabas ang robot kasama ang nakahiwalay na kamay nito. "Inagaw kasi ito ng pinsan ko nuong bata pa kami tapos naibagsak niya sa semento kaya ganyan, nahiwalay ang kamay." Paliwanag ko. Ipinakita ko rin sa kanya kasama ang naputol na kamay. "Siguro umiyak ka ng masira ito nuh?" Aniya. "Mukhang pwede naman yatang idikit para mas magandang tingnan." Dagdag pa niya. "Yeah, umiyak ako at sinabunutan ko siya." Kwento ko. Kaya natawa siya. "Five year old lang ako nuon." dugtong ko pa. "Tsk!" Palatak ko dahil mukha ngang bata palang bading na siya dahil nanabunot ng kalaro. Lahat yata ng display ko tiningnan niyang mabuti at inisa-isa. At bawat isa tinatanong niya ako kung saan galing at kung sino nagbigay. Lahat naman sinasagot ng tama at totoo. Mukha rin interesado siya sa mga collections ko. "May kasalanan ka pa sa akin." Saad niya matapos niya makita ang mga collections ko. "Marami kang kasalanan." dagdag pa niyang saad. "Ano naman kasalanan ko." hindik kung tanong. Pero bigla nalang niya akong hinawakan sa panga. "Ang sabi ko sa iyo huwag kang magse-shave, bakit makinis na naman ang mukha mo? Ang panga mo." Sikmat na niya kaya napakamot na lang ako sa batok ko dahil buong akala ko hindi ko na siya makikita. Kaya nag-shaved ako kahapon bago pumasok sa trabaho. "Light stubble lang naman sabi ko, para bumagay sa iyo mahirap bang magpatubo ng balbas at bigote?" Angil pa rin niya. "Sorry." hingi ko ng paumanhin. "Hindi na mauulit, mapapatubo na ako ng stabbed beard. Promise hindi na ako magse-shave magtre-trim na lang ako paghumaba." Saad kung pakiusap. "Let your natural stubble grow to at least 3 to 4 cm. To add your rugged masculine." Usal pa niya. "Dagdag s*x appeal din yun. Sobra neat and clean mo kasi para kang girl." dugtong pa niya na ikinasimangot ko. "Ok na, sige na. Susundin ko na gusto mo." Pagsuko kung turan para hindi na siya magreklamo. "Second.. Bakit hindi ka umuuwi tuwing linggo? Hindi ba yon na lang ang araw mo para umuwi dito?" Usisa pa niya. "Marami lang trabaho sa opisina kaya hindi ako nakakauwi." Pagsisinungaling ko dahil hindi ko kayang sabihin sa kanya ang totoo. "Kahit isang araw lang sa loob ng isang linggo wala kang dayoff?" Singhal pa niya. Kaya eto na naman ang nag huhorumentado kung dibdib dahil dinadaga na naman ako sa mga singhal at angil niya. "Gaano ba kahirap ang isang office girl? I mean nag-oopisina. Hindi ba ikaw ang Chief Executive officer ang may pinakanataas na position sa kompanya niyo? Bakit wala kang dayoff? Anong trabaho mo 24/7 walang pahinga, walang tulogan. Ano gagawin mo sa kayaman mo kung mamatay ka naman sa katatrabaho? Hindi mo naman madadala sa hukay mo ang mga kayamanan mo." Sermon niya na parang asawa ko na siya. "Marami lang talaga akung trabaho sa office na hindi ko maiwan." Pangangatwiran ko pa. "Hhmm. Can i come with you sa office mo? Para makita ko naman kung anong ginagawa ng isang office girl. I mean ng isang CEO. Promise hindi ako manggugulo, hindi kita aabalahin titingnan ko lang opisina mo?" Pakiusap pa niya na ikingulat ko. Pero nagalak din ako sa kaalamang makakasama ko siya sa araw at gabi. Kasama sa bahay ko. "Ok, pack your things now and we're leaving early in the morning tomorrow." Saad kung utos. "What! Tomorrow, agad agad. Hoy! Maro linggo pa lang bukas sa lunes pa pasok mo.!" Sikmat niya na ikinatawa ko. Dahil nawala ako sa aking sarili sa tuwa at excited na makakasama ko siya. "Sorry. Oo nga pala." Anikong nakangisi. "Matulog ka na nga. Antok lang yan."Aniya at tumayo na siya mula sa pagkakasalampak sa carpeted kung sahig. "Good night Darling." dugtong pa niya na nagpalukso na naman ng puso ko, kaya inilang hakbang ko lang siya para yakapin at hagkan. "Good night sweetheart, see me in your dream." Aniko matapos ko siyang kintalan ng magaang halik sa pisngi. "Alam mo kung may malapit lang na presinto dito kanina pa kita pina-pulis sa dami ng ninakaw mong mga halik sa akin baka ngayon nakakulong ka na." Mariing na niyang singhal sa akin. At malalaki ang hakbang na tinungo ang pinto palabas ng kwarto ko, marahan din niyang isinarado ito. Naiwan akung halos maglulundag sa saya na parang bata. Dahil sa mga nangyari sa akin ngayon. Wala akung mapagsiglan ng tuwa kaya may ngiti sa mga labi kung ibinagsak patihaya ang aking tawanan sa kama. . ....................... . Halos magtatakbo ako papasok sa kwartong kung inaakupa dahil sa labis na kaba hindi ko alam kung bakit nag-iba ang pakiramdam ko ng yakapin at hagkan ako ni Maro. Agad ko rin sinarado at ini-lock ang pinto ng makapasok ako. At parang nahahapo kung ibinagsak sa malambot na kama ang aking katawan. Tumitig sa kisame at dinama ng mga daliri ko ang aking noo at pisngi na dinapuan ng mga labi niya. Pakiramdam ko para pa rin nakadikit ang mga labi niya sa pisngi ko. Ano ba talaga siya lalaki ba siya o binabae. Bakit kung makayakap siya para siyang lalaki? Bulong ko sa hangin. Dahil dama ko ang init ng katawan niya kaninang niyakap ako na parang nadarang din ang aking katawan sa init na nagmumula sa kanya. Dalawang buwan at isang linggo na lang ang nalalabi sa akin para isakatuparan ang pang-aakit sa kanya. Nasa akin na ang pera pero wala pa akung nagagawa. Ayaw ko naman masira sa napag-usapan namin ni Don Carlos. Kinabukasan ko rin ang nakasalaylay dito. Kailangan ko rin mahanap si Kuya Samuel. Siguro sisimulan ko na lang siyang akitin pag nasa bahay na niya ako. Kailangan ko sigurong maglakad ng naka nighties sa harap niya, yung kita ang kaluluwa ko. Susme! Baka bumangon si Mama sa hukay at batukan ako pagginawa ko yon. Ano kaya ang dapat kung gawin? Matulog kaya ako sa tabi niya at magpanggap na natatakot sa multo. O kaya maghubad ako sa harapan niya at magsayaw ng hubot hubad , hindi rin pwede at baka naman multohin ako ng nanay niya kung ganuon ang gagawin ko sa anak niya. Hayy naku, ano kayang gagawin ko para maakit ang benabaing gwapong maskuladong masarap yumakap. Kausap niya sa hangin na parang baliw. Bumangon na siya sa pagkakahiga sa kama at naglakad patungo sa banyo para maglinis ng katawan. Kailangan na niyang matulog para maaga din siya magising dahil kailangan din niyang tumulong sa gawaing bahay para walang masabi ang mga tao sa bahay na tinitirhan niya. Magulo pa rin ang isip niya ng lumabas ng banyo. Hanggang ngayon wala parin siyang matinong maisip kung paano maakit ang binata. Hindi rin siya pwedeng magtanong sa mga kaibigan dahil secret lang ang misyon niya. Nahihiya din siya kung sasabihin niya sa mga kaibigan kung anung trabaho niya ngayon. Ang mang-akit ng binabaeng nagnakaw ng unang halik at yakap niya. "Good morning po!" May ngiti sa labing bati niya sa mga taong abala sa kusina na naghahanda ng almusal. "Magandang umaga din sa 'yo hija." Ganting bati din ni Nana Luz. "Good morning din ganda." Usal din ni Digna. "Umupo ka na d'yan Iza at mag kape." Utos pa ni Nana Luz. "Kami na dito." Dugtong pa nito ng makita siyang sumingit na naman na maghiwa ng karne. "Gusto ko lang pong tumulong, wala din naman po akung gagawin. Hindi naman ako sanay na nakatunganga lang." Litanya niya. "Oo nga naman ma'am Iza, maupo ka na lang, kami ng bahala dito. Madali lang naman magluto. Sanay na kami sa gawain namin sa araw araw. " Sabad naman ni Loleng. "Nana Luz, hindi po ba maggro-grocery ngayon?" Tanong niya dahil ayaw talaga siyang pagtrabahohin ng mga ito. "Mamaya pa yon. Bakit may ipabibili ka ba?" Tanong nito. "Pwede po bang ako nalang mag-grocery, bigyan na lang n'yo ako ng listahan para mabili ko lahat ng kailangan." Tugon niya dito. "Para may magawa din ako. Naiinip lang po ako dito." dagdag pa niya. "Sige na Nana Luz kami na lang ni Ma'am Iza ang pupunta sa grocery." Singit din ni Digna. "Bueno kung yan ang gusto niyo. Mag-ingat kayung dalawa." Pagsuko nitong saad dahil sa kakulitan nila. "Thank you po Nana Luz. Magpapasama na lang po kami kay Kuya Bert." Aniyang tuwang-tuwa at nagmamadali ng lumabas ng kusina. . ....................... . Napabalikwas siya ng bangon ng magmulat ang mga mata ng makitang maliwanag na ang kapaligiran. Naalala niya ang mga nangyari kagabi dahilan kung bakit siya tinanghali ng gising. Hindi siya halos nakatulog kagabi sa saya at sa mga iniisip dahil sa bilis ng pangyayari. Ang buong akala niyang wala na ito at hindi na muling makikita. Nasa kanya na ngayon ang pagkakataon at magiging pag-aari na niya ang dalaga kung susuwertihin siya. Agad din siyang tumayo at nagmamadaling pumasok sa cr upang makapag shower. Kailangan niyan puntahan ang dalagang nagbigay liwanag ng matamlay niyang buhay. Ang nagbigay kulay at kaligayahan sa kanya. Gusto niya itong makita na parang sabik na sabik na siya ganon kagabi lang kasama niya ito sa kwarto niya. Paglabas niya ng kwarto pinasadahan pa niya ng tingin ang kabilang pinto, ang silid na inaakupa ng dalaga. May ngiti sa labing malalaki ang hakbang na dumiretso na siya sa hagdanan pababa. Nagbabakasaling makikita ang dalaga sa kusina kung saan ito madalas mag lagi. "Good morning Señorito." Bati dito ni Loleng ng makita siya sa pintong nakasungaw ang ulo. "Oh, Maro kain na. Ano bang gusto mo? May kailangan ka ba?" Sunod-sunod na tanong ng Yaya Luz niya ng tuloyan na siyang nakapasok sa loob ng kusina at nagpapalinga-linga. "Igagawa na kita ng kape, bakit ba tinanghali ka yata ngayon. May kailangan ka ba? Sino bang hinahanap mo?" Paguulit na tanong nito ng hindi siya nagsalita. "Yaya Luz, nasaan po si Iza?" Malumanay niya tanong dito. "Umalis sila nila Bert." Tugon nito na hindi niya nagustohan, kaya malalim na buntong hininga ang pinawalan niya. "Ako na lang gagawa ng kape mo." dagdag pa nito ng mapansing ng iba ang timplada ng mukha niya. Pabagsak naman siyang naupo sa pinakamalapit na bangko sa kanya at walang ganang pinagmasdan ang mga taong abala sa pagluluto. Ang kaninang saya at galak napalitan na naman ng kalungkutan at kirot sa dibdib. Walang iniwan sa kasabihang.. Pag may saya may lungkot at sakit. . . . . . ......................................................... please follow my account... and add my story in your library.. ...loveyouguys..God Blessed Us.. thanks much......lrs.. ....."Lady Lhee"....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD