Dinamput nalang niya ang tasa ng kape na ibinaba ng Yaya Luz niya sa ibabaw ng mesa at wala salitang nilisan ang kitchen. Dumiretso siya palabas ng mansyon patungo sa hardin. Halos ibagsak niya ang tasang may lamang mainit na kape sa glass round table sa tabi ng swimming pool sa sama ng loob. Ang kaninang matamis na ngiti sa mga labi, ngayon ay napalitan ng nakakairitang ngisi sa kaalamang may ibang lalaki na naman itong kasama at hindi niya alam kung saan na naman ang mga ito nagpunta. Kung anong oras ba ito uuwi.
Ilang beses na rin siyang nagpapalalakad paikot sa gilid ng swimming pool pero hanggang ngayon wala pa rin ang dalaga. Hindi na nga niya naubus ang kape dahil nawalan na siya ng gana ng malamang kasama nito ang lalaking kinaiinisan. Magdadalawang oras na siyang paikot-ikot duon at paminsan-minsang nililingon ang malaking gate nila at nagbabakasakaling bumukas yun at pumasok na ang dalaga. Mainit na rin sa balat ang tirik na sikat ng araw pero baliwala lang sa kanya ang lahat.
Nagpanggap pa siyang nagtatanggal ng tuyong mga dahon ng halaman ng matanawan ang amang patungo sa gawi niya. At patay malisyang kunwaring hindi ito nakita.
"Maro Hijo, mainit na bakit andito ka pa?" Bungad nitong may kalakasan. May hawak itong basong may laman juice. Naupo ito sa reclining chair na nasisilongan ng malakit payong na may ibat-ibang kulay.
"Dad, kumusta ka na? Tuloy ka ba sa Japan? Sabi ko sa inyo ako na lang gagawa ng lahat para hindi na kayo mahirapan." Litanya niya habang naglalakad papalapit sa ama.
"Don't worried son, kayang-kaya ko pa. Malakas pa naman ako at walang sakit." Tugon nito. "Hindi rin ako pinababayan ng mga hired mong body guard. Kung ako lang masusunod tama na ang isa o dalawang security." Dagdag pa nito at sinulyapan ang mga body guard malapit sa may gate.
"Daddy kailangan niyo yan para sa seguridad n'yo. Alam naman n'yog hindi na safe ang panahon ngayon. Kailangan pa rin nating mag-ingat." Aniya dito matapos umupo sa tapat ng Daddy niya. "Dapat kasi Dad nag-aasawa na kayo para may mag-aalaga sa inyo. Piliin lang niyo yung babaeng hindi pera ang habol sa inyo." sermon pa niya sa ama na ikinatawa nito.
"Ikaw ang dapat ng mag-asawa para mabigyan mo na ako ng apo." Nakangiting wika nito. Mapait lang siyang napangiti at ilang beses umiling bilang tugon dito. Dahil ang babaeng kanina pa niya hinihintay, kasama ng iba na hanggang ngayon wala parin. Kumukolo narin ang dugo niya sa inis.
"Kailan ang alis n'yo Dad? Ihahatid ko na lang kayo." Saad niya dito. Dahil ayaw na niyang pag-usapan ang pag-aasawa dahil masama ang loob niya sa babaeng gusto niyang makasama.
"Sa isang araw na alis ko. Huwag ka ng mag-aalala ako ng bahala sa sarili ko. Ang mga body guard ko na lang kasama ko, sila na maghahatid sa akin." Wika nito. "Mag-ingat ka dito at alagaan mong mabuti sarili mo, mukhang pumayat ka yata." Dagdag pa nito.
"Ng diet lang ng kaonti Dad bumibigat na kasi timbang ko." Pagdadahilan niya dito. "Kayo rin mag-ingat duon. Just give me a ring if there's any problem Dad, pupuntahan ko kayo agad." Seryoso niyang turan sa ama.
"Thank you son." Tugon nito at tinapik pa siya sa balikat. "Aalis na ako, pupuntahan ko si Atty. mukhang nalulungkot na naman. Alam mo naman kamamatay lang ng asawa non." Anito At nilisan na siya. Tinanaw lang niya ang bulto ng papalayung ama. Naiwan siyang nag-iisa. Nagpapasalamat na din siya at hindi nahalata ng kanya ama ang pagiging balisa niya. Napasandal na lang siya sa likuran ng bangkong kinauupuan at ipinikit ang mga mata dahil hanggang ngayon wala pa ang dalaga. Kaya hindi parin siya mapalagay sa kaiisip dito.
Nasa malalim siyang pag-iisip ng tumunog ang bakal nilang gate. Agad siyang napadiretso ng upo ng matanawang bumukas yon at hinintay kung sino ang papasok duon. Isang itim na pick up truck ang dahan-dahang sumusungaw sa kakabukas na gate. Sinusundan lang niya ng tingin ito at hindi niya inaalis ang mga mata dito, hinihintay niya kung sino ang sakay nito, hindi niya maaninag ang tao sa loob dahil tinted ang salamin ng sasakyan.
Napakunot noo siya ng bumaba sa driver seat ang lalaking kinaiinisan niya. kasunod nito si Digna na bumababa sa passenger seat. Agad din naglakad ang mga ito patungo sa likuran bahagi ng sasakyan. Dalawang kamay ni Digna ang may bitbit na echo bag, lumakad ito palayo sa sasakyan, samantala isang may kalakihang karton naman ang buhat ni Bert. May lumapit din dalawa pang lalaki at may binuhat din tig iisa pang karton. Kinabahan siya at lalong naningkit ang mga mata niya ng walang Iza ang bumaba. Tatayo na sana siya ng bumukas ang back seat door, unang nakita niya ang paa may suot na rubber shoes na puti, lumapat ito sa semento kaya lalong lumakas ang kabog ng dibdib niya ng makita ang kabuoan nitong may subong ice cream in cone sa bibig. May ngiti sa labing napakamot na lang siya sa ulo ng makita ang hitsura ng dalaga. Sa taas nito five six at sa edad na disiotso para parin itong batang walang muwang sa mundo. May bitbit din itong dalawang echo bag na hindi kalakihan, nahuhulaan na niya kung anong laman ng isa dahil nakabakat ang hugis ng galon ng ice cream. Ni hindi siya nito napansin, kaya hinayaan na lang niya itong makapasok sa loob ng bahay. Bago nagpasyang pumasok na rin sa loob para sundan ang dalagang kanina pa niya hinihintay.
Abala ang lahat sa kanilang ginagawa sa loob ng kusina ng pumasok siya dito. Kaya walang nakapansin sa kanya ng hapitin niya sa bewang ang dalagang nakatayo sa may pintuan at kinintalan ng halik sa pisngi. Nanglalaki naman ang mga mata nitong hinarap siya at binigyan ng isang matunog na tampal sa braso na nakaagaw ng attention sa mga kasambahay.
"Oh! Maro kakain ka na ba?" Agad na tanong dito ng Yaya Luz niya ng makita siyang nakatayo sa tabi ni Iza.
"Hindi ka pa kumakain?" Tanong nitong nakatikwas ang kilay. "Tanghali na ano ka ba? Nagpapakamatay ka ba talagang tao ka sa gutom? Pwede ka naman kumain kahit walang mag-aasikaso sa'yo. Hindi ka na bata, matanda ka na dapat ikaw ng gumawa niyang para sa sarili mo." Talak nitong panenermon sa kanya at itinulak na siya palabas ng kusina. "Punta ka na duon at ako na maghahanda ng pagkain mo para makakain ka na." Utos nito. Kaya hinawakan na niya ang mga kamay nitong nakahawak sa braso niya. At siya na ang humila sa dalaga patungo sa dinning area.
"Bakit hindi mo ako isinama?" Malumanay niyang tanong dito ng makarating sila sa dinning area.
"Bakit nagsabi ka bang sasama ka? Eh tulog mantika ka nga." Turan nitong pamimilosopo.
"Kahit na sana ginising mo ako. Dapat nagsasabi ka sa akin pag-aalis ka." Nakasimangot niyang usal.
"Tsk! Dami mong alam. Umupo ka na nga at ikukuha na kita ng pagkain mo." Saad nito at tinalikuran na siya kaya wala siyang nagawa kung hindi sundin ito at hintayin.
Ilang sandali lang lumabas na si Iza sa kusinang may dalang isang tray na puno ng pagkain kaya sinalubong niya ang dalaga at siya na ang nagbuhat nito.
"Upo na at kumain ka na." Utos nito matapos maiayus lahat ng pagkain niya sa ibabaw ng mesa.
"Sabay na tayo. Hindi na kita nakakasabay kumain." Paglalambing niya sa dalaga.
"Ikaw na lang busog pa ako. Kumain na kami kanina bago umalis. Nagmiryenda rin kami ng shawarma sa mall kanina, nag ice cream din ako. Kaya busog na busog pa ako." Paliwanag niya dito.
"Hindi mo naman kasi ako hinintay dapat tayo magkasama sa mall." Himutok pa nito. "Hindi na lang ako kakain, mamaya na lang." dugtong pa nito at binitawan na ang hawak na kubyestos.
"Hoy! Macarionito Rogoberto, subukan mong huwag kumain sasapakin na talaga kita." Mariing singhal ng dalaga. Na ikinalukot ng mukha nito.
"Damn! Don't call me like that. Parang pinababangong mo sa hukay ang mga lolo ko." Asik din nito sa kanya at hinarap na siya ng binatang lukot na lukot ang mukha sa pagkakasimangot. Kaya napahagalpak siya ng tawa ng makita ang mukha nito.
"Ano bang nangyayari sa inyong dalawa?" Tanong ng isang tinig na nagpatingil ng pagtawa niya.
"Sorry po Nana Luz, yan po kasing alaga n'yo hindi ko naman po alam na magagalit pala siya pagtinawag sa buong pangalan niya." Pagsusumbong niya dito.
"Hay! Naku Hija ayaw talaga niya sa pangalan niya kaya nga ng tumuntong na siya ng grade one siya na ang nagbigay ng pangalan sa sarili niya." Paliwanag nito at ibinaling pa ang paningin sa gawi ng binatang nakaupo patalikod sa mesa. "Nitoy kasi tawag sa kanya ng nasirang Mommy niya pero ayaw rin niya yon. Mas gusto pa niya talaga ang Maro. Pinagsama niya ang unang dalawang letra ng pangalan ng mga lolo niya." Mahabang wika pa nito.
"Where did you get that name? Who told you that?" Mariin din tanong ng binata sa kanya.
"Nabasa ko lang sa certificate mong nakasabit sa library ng Daddy mo." Tugon niya dito.
"Tsk! napakaliit na nga nuon nakita mo pa." Reklamo pa nito. At tumayo na pero hinila niya ito sa kamay pabalik sa bangko.
"Saan ka pupunta? Hindi ka pa nga kumakain aalis ka na." Nalumanay ng saad ng dalaga.
"Nawalan na kung ganang kumain." Nakasimangot nitong wika.
'Dapat nga proud ka pa dahil pangalan ng mga lolo mo ang dala mo." Anas niya dito. At ikinulong sa mga palad niya ang mukha ng binatang hindi pa rin maipinta sa pagkakasimangot ang mukha at pinatakan niya ng halik sa noo. Ikinagulat naman ng binata ang ginawa niya pero ilang sigundo lang bigla din umaliwalas ang mukha nito at sumilay ang isang matamis na ngiti sa mga labi. "Kain na." utos na niya dito na agad naman tumalima ang binata.
"Ok, dito ka lang sa tabi ko." paglalambing pa nito.
"Ang arte." Bulong niya na umabot naman sa pandinig ni Maro dahilan para tingalain siya nito "Ako na nga." dugtong pa niya at siya na ang naglagay ng kanin sa plato ng binata maging mga ulam nilagyan din niya ang plato nito.
"Ako na lang baka ipaubus mo na naman sa akin yan lahat." Anito at kinuha na sa kamay niya ang kutsara.
Sunod-sunod naman sumubo ito ayun sa utos niya. At walang reklamo sa ginagawa niya.
Masaya siya dahil hinalikan siya ng dalaga kahit sa noo lang na nagbigay kinabot sa kanya. Uminit bigla ang pakiramdam niya kaya idinaan na lang niya sa pagkain para hindi siya mahalata ng dalaga. Ibang-iba talaga ang dating ni Iza sa kanya, kaunting galaw lang nito at dikit sa balat niya nagliliyab na siya. At lahat ng litid niya nagtatayuan. Paano pa kaya kung makatabi ko na siya sa kama ko ano kayang mangyayari sa amin. Bulong niya sa isipan at naiiling na nagpatuloy lang sa pagkain.
"Aahh." Utos niya sa dalaga ng itapat niya sa bibig nito ang kutsarang may laman kain at ulam. Isinahud din niya ang isang palad sa tapat ng bibig nito at pilit pinanganga.
"Ikaw na lang busog pa ako." Tanggi nito pero mapilit ang binata kaya wala siyang nagawa kundi kainin ang isinusubo nito sa kanya. "Ayaw ko na talaga." Usal ng dalagang nakatakip ang isang palad sa bibig.
"Pag hindi ka kumain hindi na rin ako kakain." pananakot niya dito.
"Ano ba tayo dito, nagtatakutan?" Angil nito at lumayo sa kanya. "Bilisan mo na, iiwanan na kita dito. Para kang batang takot mapag-isa." Sikmat pa nito sa kanya. Kaya wala siyang nagawa kung hindi sundin ang dalaga. At baka nga iwan siya nito.
Sabay din silang umakyat sa hagdanan matapos siyang kumain. Ayun sa dalaga may gagawin pa daw ito sa kwarto nito. Kaya wala siyang nagawa kung hindi samahan nalang itong umakyat. Kung pwede nga lang huwag na siyang humiwalay dito. Gusto niyang kasama ito lagi.
"Ano ngang gagawin mo sa kwarto mo baka pwede kitang tulungan." Pagpupumilit pa niyang tanong dito.
"Iaayus ko lang mga dadalhin ko bukas, hindi ba sasama ako sayo? Gusto ko rin makita mga ginagawa mo, ng isang CEO." Aniya dito.
"Sige tulungan na kita." Pangungulit pa niya.
"Hay, naku Maro kaya ko na kaunti lang naman mga gamit ko kaya wala naman akung madaming dadalhin. 'Yun isususot ko lang ng ilang araw. Wala na." Saad pa niya dito. Pero nagpilit parin itong sumama sa loob ng kwarto niya at wala na siyang nagawa kung hindi hayaan ang binata. Wala din naman itong gagawin at walang makausap. Ayun pa kay Nana Luz nagkukulong lang daw ito sa kwarto, lalabas lang kung kakain. Kaya alam kung malungkot din ang buhay nito. Walang kapatid na pwedeng makausap o makasama sa gimikan. Nakatunganga ka maghapon at naghihintay ng paglubog at pagsikat ng araw.
.
.
.
.
.
.........................................................
please follow my account...
and add my story in your library..
...loveyouguys..God Blessed Us..
thanks much......lrs..
....."Lady Lhee"....