Episode - 18

2471 Words
"Diretso na ba tayo sa office mo bukas?" Tanong ko sa kanya ng makita kung humiga siya sa kama ko. "Anung gusto mo? Gusto mo bang umuwi muna tayo sa bahay ko." Balik tanong niya. "Ano bang usually ginagawa mo?" Aniko. "Diretso na sa office wala naman akung gagawin sa bahay." Saad niya. "Sige sa office na." Aniko. Gusto ko lang naman malaman para alam ko kung anong isususot ko. "Kung inaantok ka na pwede ka naman ng matulog para makapagpahinga ka na." Dagdag ko pa. "Hindi pa ako inaantok, hinihintay lang kita.Yayayain sana kita mag-movie marathon tayo." Usal niya. Kaya napataas kilay ako. "Maaga pa naman, ngayon lang kita makakasama. Ngayon lang ulit kita nakita. Ilang linggo rin tayong hindi nagkausap." Pangungulit pa niya at bumangon na. "Sabi mo super busy ka sa trabaho tapos ngayon nagrereklamo ka. Bakit kasi hindi ka umuuwi? Siguro lagi karin sa gimmikan kaya wala ka ng time umuwi." Usal ko nalang baka kasi lagi niyang kasama ang boylet niya. Kung sabagay hindi ko naman maibibigay ang kaligayahan niyang nakikita sa boylet niya. "Sumama lang akung nag-out of town sa mga kaibigan ko last sunday para makapag-relax." Katwiran ko dahil hindi ko naman pwedeng sabihin sa kanya ang totoong dahilan ko. "Baba lang ako magpapaluto lang ako ng popcorn para may makain tayo habang nanunuod." Aniko para makaiwas sa mga tanong niya. "Ako nalang magluluto aabalahin mo pa sila. Mga pagod na ang mga yun." Saad niya at tumayo na siya. Diretsong naglakad palabas ng kwarto niya kaya wala din akung nagawa kung hindi sabayan siya. "Marunong ka bang magluto?" Tanong ko sa kanya pagpasok palang namin sa kusina. Dahil kaagad siyang naghalungkat sa cabinet. "Oo naman para popcorn lang naman. D'yan ka lang ako ng bahala." Usal niya. "Ano bang gusto mo plane lang ba o yong sweet? 'Yung may caramel? Tanong niya. Naupo nalang ako at pinagmasdan ang ginagawa niya. Parang sanay na sanay siya sa ginagawa. Wala siyang arte sa katawan, bawat galaw niya maingat at sinisiguro niyang tama. "Done!" Saad niya ng maisalin na niya sa isang malaking bowl at ilang beses pa siyang sumobo ng popcorn. "Tikman mo kung ok lang ang tamis." Usal niya at sinubuan ako ng makalapit ako sa kanya. Kaya kaagad ko naman siyang hinapit sa bewang at magaang niyakap. "Let's go para makarami tayo ng mapanuod." Hila ko sa kamay niya matapos kung bitbitin sa isang kamay ko ang niluto niyang popcorn. Diretso kaming umakyat patungo sa entertainment room ng hindi siya umimik. "Anung gusto mong panuodin? Mahilig kaba sa drama or love story?" Tanong ko sa kanya matapos ko siyang igiya paupo sa isang bangko. "Ayoko ng iyakan, gusto yung may halong action." Usal niya at lumapit pa sa akin kaya hindi ko na naman mapigil na maginit lalo at medyo madilim at malamig sa silid na kinalalagyan namin. "Netflix nalang tayo, ano bang bagong pelikula ngayon?" Tanong niya kaya kinuha ko nalang ang remote control at naupo sa tabi niya. "Ikaw na pumili." Aniko at inabut sa kanya ang remote. Manaka naka ko naman siyang sinusubuan ng popcorn habang nakasandig siya sa aking balikat.Tutok na tutok ang mga mata niya sa screen ng tv. Feeling ko tuloy girlfriend ko siya. Kaya iniakbay ko ang isang braso ko sa balikat niya, hinila ko pa siya pakabig sa aking dibdib. Sana huwag ng matapos ang sandaling ito. Piping bulong ko. Isang elegant casual maxi off shoulder lace dress na lampas tuhod ang sinuot ko dahil wala naman akung mapagpiliang iba.Tenernuhan ko nalang ng black stiletto na may three inches heels. Nag-aalangan akung magsuot ng jeans at baka pintasan lang niya. Pinasahan ko pa ng ilang beses ang pustura ko sa minimalist full length mirror at isinukbit na sa balikat ang shoulder bag ko bago nagpasyang lumabas ng silid ko. Ilang beses pa akung luminga paglabas ko ng kwarto, nagbabakasakaling makita ko na siya sa labas ng silid niya pero wala akung nakita ni anino niya. Dumiretso nalang ako ng lakad patungo sa hagdanan upang sa living room nalang siya hintayin. "Ohh.. here you are." Usal niya nangmakita niya akung pababa ng hagdanan. Nakangiti siyang nakatingalang naghintay sa akin pagbaba habang inaayus niya ang kanyang necktie. Napaka-gwapo niyang tingnan sa three piece business attire siya at handang-handa na sa pagpasok sa office niya. Sino ba naman babae ang hindi magkakagusto sa kanya. Sa tindig palang tutulo na ang laway mo, idagdag pa ang taglay na kagwapuhan niya, talagang isusuko mo ang bataan sa kanya. Kung hindi ko lang alam na may lahing aswang ito baka isa na ako sa nagka-crush sa kanya. Inilahad niya ang isang kamay ng nasa huling baitang na ako, agad ko din itong hinawakan. "Let's go para hindi tayo tanghaliin, baka abutan tayo ng traffic." Saad niya at hinila na ako sa palapulsuhan. Wala akung nagawa kung hindi magpatianud sa kanya palakad patungo sa maluwang na pinto palabas ng mansyon nila. Kaagad din niyang binuksan pataas ang pinto ng kanyang red Ferrari sports car ng makalapit kami dito. "Get in." Utos niya, at kinabitan ako ng seatbelts matapos kung iayus ang aking upo, kaya amoy na amoy ko ang hininga niyang tumatama sa aking panga. Nagmamadali na siyang naglakad pakabila sa driver seat matapos niyang maisara ang pinto. Kaya inilinga ko ang aking paningin sa loob ng kanyang sasakayan. Malabot ang upuan at amoy na amoy ko ang panlalaking air freshener na ginamit. Sa unang pagkakataon mararanasan kung makasakay sa mamahaling sport car, kaya napangiti ako dahil ni sa hinagap hindi ko pinangarap na makasakay sa ganito. Sa magazine ko lang nakikita ang ganitong mga sasakyan, may makita man ako sa kalsada ang bilis naman tumakbo parang laging nakikipaghabulan. "You're so beautiful in your dress, bagay na bagay sa'yo yung kulay lalo kang pumuti at tumingkad ang ganda mo." Kinikilig niyang papuri bago pa niya ini-start ang engine ng sasakyan. Kaya napairap nalang ako sa komento niya. "Bakla talaga." Bulong ko sa isipan ko. Gusto ko sanang tanungin kung type niya ang dress ko pero imposible naman kumasya sa kanya dahil ang laki ng katawan niya. Ngayon ko malalaman kung ano bang tinatago niya. Baka kaya marami siyang dress sa bahay niya tulad ng suot ko. Kaya hangang-hanga siya. Ibinaling ko nalang ang paningin sa bintana sa tabi ko at hindi na siya pinansin at baka mahalata pa niyang kinakabahan ako. Lahat ng nangyayari sa aking ngayon puro bago sa pandama ko. Kailangan ko narin simulan ang aking misyon dahil araw-araw ko na siya makakasama, pero ano bang dapat kung gawin para maakit ko siya. Paghuhubad lang ang alam ko para makaakit ng lalaki. Magpakita ng private parts ng katawan, dahil yun ang naririnig kung madalas sabihin ng mga babaeng kabit-bahay namin sa eskuwater. Paano kung hindi naman effective dahil berde ang dugo niya at hindi siya maa-attract sa katulad ko. Hindi kami talo. Ano pa kaya ang dapat kung gawin maliban sa maghubad. Napabuntong hininga nalang ako sa mga naiisip. "Are you ok? Nahihilo ka ba sa mahabang biyahe? O nabibilisan ka?" Tanong niya kaya napalingon ako sa kanya. Ang layo na pala ng tinatakbo ng isip ko. Ramdam ko ang kamay niyang gumagap sa kamay kung nakapatong sa aking kandungan. "Hindi, ayus lang ako may naisip lang ako." Usal ko nalang para hind na siya mag-alala. "Ngayon lang kasi ako nakasakay sa ganito kamahal na sasakyan. Dati sa magazine ko lang ito nakikita ngayon nakasakay pa ako ." Pagdadahilan ko, na siya namang totoo. "This is your first but not the last.This could be the beginning." Makahulogan niyang wika, diretso lang ang tingin niya sa harapan namin. Napatingin nalang ako sa mga kamay namin ng bahagya niya itong pisilin. Pakiramdam ko nag-init ako bigla. Siguro nga ito na ang simula dahil araw araw na kaming magkasama. Hindi ko na siya iiwanan hanggang matapos ang misyon ko. Dalangin kung huwag sana akung mabuko sa gagawin ko at baka itapon niya ako sa basurahan. Pero ano nga ba ang dapat kung gawin? "Sa manebela ka nalang humawak at sa daan ka tumingin." Usal ko at marahan pinalis ang kamay niyang nakahawak sa kamay kong nakapatong sa kandungan ko. Ayaw na niyang bitawan ito simula pa kanina. Iba narin ang nararamdaman ko dahil nakadikit din ang malalaki niyang daliri sa aking hita. Kahit sabihin pang bakla siya lalaki parin siya sa tunay na pagkatao. At ako yata ang natutukso sa ginagawa niya dahil nadadarang ako ng init na nagmumula sa katawan niya. Babae ako at normal na taong may pakiramdam kaya hindi imposibleng makaramdam ako ng kakaibang init mula sa isang lalaki. Sa gwapo niya at tikas ng tindig sino naman babae ang hindi maa-attract sa kanya. Idagdag pang napakalambing niya, wala yatang oras na hindi niya ako inaalala at kung anu-ano ang mga itinatanong. Muli kung itinutok ang aking paningin sa labas ng sasakay pamilyar na sa aking ang daan. Ilang beses din akung naglalako ng kakanin sa lugar na dinadaanan namin. Maraming tao sa bangketang ito, yung nga lang hindi masyadong mabili ang kakanin dito dahil maraming mayayaman at maarte sila sa pagkain mas gusto nila ang pasta at junk foods. Namiss ko na tuloy ang pagtitinda, hinahanap-hanap din ng aking katawan ang maghapon nakatayo at palakad-lakad. Kahit paano kumikita ako ng pag-araw araw namin gastusin. Ngayon buhay mayaman ako de aircon at mamahalin kotse ang sinasakyan may bonus pang guwapong baklang driver. Paano ko kaya siya gagawing tunay na lalaki. Dakmain ko kaya ang hinaharap niya at kung titigas, lalaki, kung hindi, patay tulad niyang lalaki ang kailangan para tigasan. Naipilig ko nalang ang aking ulo dahil sa mga kalokohan naiisip. "Naiinip ka na ba? Don't worry malapit na tayo." Usal niya kaya napalingon ako sa kanyang mukha, seryoso itong nakatitig lang sa kalsada, siguro iniisip niyang nababaliw na ako dahil kanina pa ako nagbubulong dahil sa mga naiisip. "Hindi naman nagagandahan lang ako sa matataas na builidings. Halos lahat kasi ng mga gusali dito nagpapataasan. Parang ipinahihiwatig nila kung gaano sila katatag at ka-successful sa negosyo, sa buhay." Komento ko pa. Dahil kung titingnan mo ang mga building milyon-milyon ang halaga nila at hindi birong salapi din ang kinikita ng may-ari. Iniliko niya ang sasakyan at pinasok sa isang basement ni hindi ko napansin kung ilang palapag ang building na pinasukan namin. Parking area, kulay pulang malalaking letra nalang ang aking nabasa kasunod ng pulang mahabang arrow. Mukha rin may sarili siyang parking space. Kaagad siyang bumaba at umikot sa gawi ko ng maihinto niya ang kanyang sasakyan napapaka-gentleman talaga siya, tulad din siya ng kanyang ama. Inalalayan niya ako papasok sa building. Hapit niya ako sa aking bewang kaya ang bawat taong madaanan namin pinagtitinginan kami. Ilang beses ko narin pinalis ang kamay niyang nakahawak sa akin pero pilit din niyang binabalik. Maraming mga empleyado niya bumabati sa kanya, sinusuklian naman niya ang mga ito ng isang pagtango at tipid na ngiti. May ilang mga kababaihan naman nagtataas kilay silang sumusulyap sa akin. Makahulugan din ang tingin nila na para bang ngayon lang sila nakakita ng tao. Kaya pormal lang ang aking mukha at hindi sila pinapansin. Basta kasama ko ang CEO nila, wala na akung pakialam sa pagtataray ng mukha nila. Ilang araw lang naman akung maglalagi dito, pagnatapos ko na ang misyon ko hindi na kami magkikita-kita. Kaya bahala sila kung anung isipin nila. Kaagad din kaming pumasok sa elevator na kaming dalawa lang. "Anung floor ang office mo?" Tanong ko sa kanya dahil ang bilis ng kamay niyang pumindot kaya hindi ko nakita kung anong numero. "35th. floor." Tugon niyang pabulong. "Ang taas pala." Tanging nasambit ko. "Natandaan mo ba kung saan tayo dumaan? Dapat kabisahen mo lahat, pwede kang magpunta dito ng ikaw lang mag-isa. Anytime na gusto mong pumunta dito o puntahan ako welcome na welcome ka." Saad niya. At mas lalo akung hinapit sa katawan niya. Kaya heto na naman ang mabilis na pagtibok ng puso ko. Talaga binibigyan niya ako ng sakit sa puso. Ano nga ba siya lalaki o binabae. Bulong ko pa at bahagyan lumayo sa kanya. "Para kang sawa lagi kang nakalingkis sa akin. Baka naman makasanayan mo na yan." Reklamo ko nalang. "Ang sarap mo kasing yakapin para akung nasa langit." Usal niya. Magkahawak kamay din kaming lumabas ng elevator patungo sa office niya. Isang babaeng pa ang aking nakita. Napatayo siya at sinalubong kami. Kunot noo rin siyang pinasadahan ako ng tingin bago tumingin kay Maro. "Good morning sir." Bati niyang nakatitig sa mukha ni Maro kaya tinaasan ko siya ng kilay at matalim na sinulyapan ng tingin. Sila lang ba ang pwedeng magtaray. Kabisado ko na ang galawan ganito lahat na yata ng tao sa lansangan nakita ko na, kung paano sila magsungit kahit wala ka naman ginagawang masama sa kanila. Kung paano ka laitin dahil sa kasuotan namin mga tindera, may iba pa ngang ayaw kaming lapitan dahil amoy pawis at mabaho daw kami, kaya nga lagi akung may dalang towel at cologne. Diretso kaming naglakad papunta sa nakapinid na pinto, kaagad niya itong binuksan at pinauna akung pumasok. Maluwang ang silid namin pinasok may isang malapad na lamesa na may salamin sa ibabaw, marami rin mga folder na nakasalansan sa ibabaw nito. Mukhang tama nga siya tambak ang trabaho niya. Transparent glass wall ang halos kahati ng dinding kaya tanaw ang mga naglalakihang buildings. "Have a seat." Utos niya sakin ng iginiya niya akung umupo sa isang couch na kulay itim, naglakad siya diretso sa kanyang swivel chair. Iba talaga pang CEO maawtoridad magsalita. Bulong ko. Kasunod ng mga pagkatok sa pinto at kaagad din itong bumukas. "Coffee sir?" Ani ng isang babae, sinundan ko lang siya ng tingin. Nakasuot siya ng pencil cut skirt, mahaba ang slit sa likod katerno ng threefort puff sleeve na square neck na halos lumuwa na ang malaking hinaharap. Makapal din ang kolorete niya. "Sweetheart coffee or juices? Do you want anything to eat? " Malambing niyang tanong sa akin kaya napasunod din ng tingin ang babae sa gawi ko. Kasabay ng pagtikwas ng kanyang kilay. "I have had enough Darling, thanks." Usal ko nalang at bahagya pang hinimas ang aking tiyan. Hanggang andito ako at hindi pa natatapos ang aking misyon wala munang pwedeng lumapit sa kanya, ako lang. Kaya babantayan ko siya bakla man siya o lalaki at baka mabulilyaso ang mga pangarap ko. Hindi na ako pwedeng bumalik sa dati kung buhay dahil magiging impyerno na ang kinabukasan ko. Kaya kailangan kung makipagsabayan ngayon sa mga babaeng matataray dito. Wala akung paki-alam kung edukada pa sila kung wala naman sila sa lugar at katwiran. Lalaban ako dahil milyon ang kapalit ng lahat para sa kinabukasan ko, namin ni Kuya Samuel. . . . . . ......................................................... please follow my account... and add my story in your library.. ...loveyouguys..God Blessed Us.. thanks much......lrs.. ....."Lady Lhee"....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD