"Ano yan?" Agad kung tanong ng iabot niya sa akin ang tatlong paper bags. Nuong isang araw lang binilhan niya ako ng mga damit sa mall. Ngayon ito na naman.
Sa dalawang linggo kung pagtira sa bahay niya halos hindi ako lumalayo sa tabi niya at lagi ko siyang binabantayan. Lagi din niyang sinasabing huwag daw akung lalayo sa kanya, kaya pabor lahat sa aking ang nangyayari ng sa ganun madali ko nalang siyang maaakit.
"Isuot mo may pupuntahan tayo. Make it fast Sweetheart, baka hinihintay na nila tayo." Aniya at bahagya pa akung tinulak papasok sa kwartong inaakupa ko.
Isa-isa kung binuklat ang laman ng bawat paper bag pagpasok ko sa kuwarto. Isang bistidang kulay puting lace ang lamang ng una. White platform strap heels sandal naman ang isa may belt na baby pink din kasama. Ng maisuot ko ang dress at humarap sa full length mirror napa wow ako sa ganda niya lampas tuhod ko lang haba at mukha na akung prinsesa sa ganda kaya ilang beses pa akung nagpaikot-ikot sa harap ng salamin. Iniisip kung anong okasyon ang meron sa pupuntahan namin. At kung hindi ba siya papasok sa opisina niya.
Pagbukas ko ng pinto nagulat pa ako ng makita siyang palakad-lakad sa harap ng kwarto ko, mukhang inip na inip na siya. "Isuot mo rin ito, mamaya yun isa naman." Usal niya ng salubungin niya ako paglabas palang ng aking kuwarto.Talagang hinintay niya ako. "You're so gorgeous, and bagay na bagay sayo ang suot mo.." Dagdag pa niya at hinapit ako sa bewang sabay patak ng halik sa aking noo.
Itinaas ko ang aking kamay na sinuotan niya ng singsing at pinagmasdan itong mabuti. Kumikinang sa ganda ang isang malaking diamond sa gitna, ganun din ang mga briyantitos nito sa palibot. Nasisiguro kung hindi lang isang milyon ang halaga nito. Kaya matalim ko siyang tinitigan. Isang mahinang tawa lang sinukli niya sa akin, hinila niya ang aking kamay na may suot na singsing at kinintalan ito ng halik. "Let's go." Saad niya at mahigpit na hinawakan ang aking kamay at may pagmamadaling niya akung hinila pababa ng hagdanan. Kaya hindi na ako nakapagsalita at nagpatianod nalang sa kanya iniisip ko nalang na baka nga naghihintay na sa amin ang mga kasama niya.
"Saan ba tayo pupunta? Anung okasyon ba meron at nagmamadali ka?" Tanong ko pagkasakay namin ng kotse niya. "Dapat kagabi palang sinabi mo na para hindi tayo nagmadali ng ganito." Dagdag reklamo ko pa.
"Kasal." Isang salita lang binigkas niya. Kaya nanahimik nalang ako, sinipat ko pa ang suot niya. Isang white long sleeve polo lang suot niya katerno ang itim na slacks. Ang guwapo parin niya kahit anung isuot niya.
Pinagmasdan ko nalang ang bawat madaanan namin dahil mukhang ayaw niyang magsalita, naka-focus lang mga mata niya sa kalsada. Ramdam ko rin ang kamay niyang gumagap sa aking kamay. Sanay na akung ganito ang ginagawa niya sa tuwing nagbibiyahe kami malapit man o malayo kaya hinayaan ko nalang siya sa gusto niya. Ilang linggo narin kaming ganito. "Be ready Sweetheart." Usal niya kaya nagpalingon ako sa kanya at wala sa loob na tumango. "Malapit na tayo." Usal pa niya kaya nilinga-linga ko ang paligid kung saad banda na kami pero hindi naman pamilyar ang lugar sa akin. Isang subdivision ang pinasokan namin at pawang matataas na pader na bakod at gate na lampas tao lang nakikita ko. "Here we are." Saad niya kaya agad akung sumilip sa bintana pero itim na mataas lang na gate ang nakikita ko at dalawang mamahaling kotse may dalawang tao rin naguusap sa tabi nito.
Bumababa na ako ng binuksan niya ang pinto ng sasakyan, nakaalalay lang siya sa akin at ayaw bitawan ang aking kamay.
"Anong meron bakit para kang hari kung makapagutos? Agad-agad mo kaming pinapupunta dito" Asik ng isang lalaking papalapit sa amin kasunod niya ang isang babae na parang modelo kung lumakad. Bumeso siya kay Maro ng makalapit siya dito. Nginitian din niya ako pero naagaw naman ang attention namin ng mga sasakyan parang galing sa karerahan. Parang silang may emergency hinahabol. Lahat sila nagrereklamo kay Maro ng makababa na sila ng mamahalin nilang sasakyan, inabala daw niya ang mga ito.
"Hi!" Bati sa akin ng isa pang babaing bagong dating at bumeso siya sa akin matapos niyang halikan sa pisngi si Maro. "I'm Donna, Maro's best friend." Aniya.
"Iza." Pakilala ko naman at inabot ang kamay niya.
"So what now?" Singhal ng isa pang lalaki kay Maro. "Anong gagawin natin dito?" Dagdag pa niya.
"This is Izadora Figueroa my fiancee. And today is our wedding so let's get inside baka naiinip na si Judge." Anusyon ni Maro kaya naglalaki ang aking mga matang tumingin sa kanya. Mariin naman niyang pinisil ang aking kamay na parang pinahihiwatig niyang sumakay nalang ako at umayun sa kanya.
"What?" Sabay sabay nilang bulalas na hindi makapaniwala. Nagpalipat-lipat din ang tingin nila sa amin ni Maro.
"Ikakasal kana?" Bulalas din ng isa pang babae. "Paano na ako, akala ko pa naman ako mauunang ikasal." Usal niyang nakasimangot at pinadyad ang isang paa na parang bata.
"Tang..** na kung sino pa ang tatahi-tahimik siya pang mauunang mag-asawa." Asik din ng isa.
"Dudes baka mabitay ka niyang. Mukhang ang bata pa niya." Ani pa ng isa.
"She's already eighteen." Usal naman ni Maro. Kaya muli na naman sila nagulat sa kaalaman kae-eighteen ko palang. Isang mahinang suntok sa braso ang tinamo niya sa isang lalaki
"Pumasok na daw po kayo sa loob, naghihintay na si Judge sa opisina niya." Wika ng isang babaeng bigla nalang sumulpot sa harapan namin. Kaya hinila na ako ni Maro papasok sa loob ng malaking bahay, kasunod namin ang mga kaibigan niyang patuloy na naglilitanya.
Malawak ang living room ng bahay, kumikinang na marmol ang sahig nito. Dumiretso kami paakyat sa curved wood staircase na kulay brown. Parang sanay na sanay na sila dito. Samantala para akung batang hawak lang sa kamay ni Maro na sumasabay sa paglakad niya. Ilang nakasarado pang pinto ang nadaanan namin, at ang pinakahuli ang kinatok ni Maro. Isang malumanay na boses ang nagpapasok sa amin. "Come in."
"Good morning Ninong." Bati dito ni Maro, nagmano pa siya dito at magaang yumakap.
"Good morning Tito." Halos sabay-sabay din bati ng mga kasama namin. Nakipag shakes hands ang mga lalaki dito at humalik naman ang dalawang babae sa lalaki na sa tingin ko nasa early 60's na siya base sa dami ng gray hairs niyang nakikita ko.
"Bakit mukhang biglaan yata ang disisyon mo? May laman naba at nagmamadali ka?" Makahulugang tanong nito. Habang nakatayo lang ako sa tabi ni Maro.
"Wala pa po Ninong bubuo palang." Pagbibirong tugon niya.
"Alam ba ng Daddy mo ito?" Tanong ulit nito.
"Sasabihin ko po pagdating niya galing ng Japan." Malumanay na tugon ni Maro
"Sigurado akung matutuwa yun pagnalaman may asawa kana, mabibigyan mo na siya ng apo." Saad pa niya kaya napaubo nalang ako sa naririnig. Hindi ko akalain na mauuwi sa kasalan ang lahat. "Bueno simulan na natin at may court hearing pa ako." Usal niya kaya hinila na ako sa kamay ni Maro paharap dito. Nasa likuran naman namin ang mga kaibigan niya.
Malakas ang tahip ng aking dibdib at hindi malaman kung anung gagawin. Para akung manyikang di-susing sumusunod sa bawat sabihin at iutos niya. Hindi ko maibuka ang aking bibig sa bilis ng mga pangyayari, sa kaalamang kinakasal na ako ng wala sa panahon. Hindi ko naman magawang tumutol dahil ito naman talaga ang misyon ko ang akitin siya pero hindi para pakasalan siya. Hindi para matali sa kanya. May limitasyon ang pananatili ko sa poder niya at hindi panghabang-buhay. Bayad ang mga araw ko at dapat kung gawin. Anim na linggo nalang ang nalalabi kung mga araw sa piling niya at lilisanin ko na siya. Iiwan ko na siya at bubuo ng mga pangarap na malayo sa kanya.
Ilang minuto rin ang itinagal ng seremonya ng wala akung naintindihan dahil inaakupa ng samut saring bagay ang pag-iisip ko. Nabalik nalang ako sa kasalukuyan ng marinig ang mariing singhal ng isang kaibigan ni Maro. "Ginawa mo pa akung ring bearer. Ayan!." Aniyang singhal kay Maro at may inabut na kulay pulang maliit na square box. Kaagad din kinuha ito ni Maro at binuksan. Wala ng madaming seremonya at isinuot niya sa daliri ko ang kumikinang na wedding ring namin, inabot din niya sa akin ang isa at ganuon din ang ginawa ko sa utos ng Judge. "You may now kiss the bride." Utos ng Judge.
Halos hindi ako makahinga sa ginawa niya. Damping halik lang sa aking labi pero iba parin ang dating sa akin dahil first kiss ko sa labi yun. Palakpakan naman sila at binati kami. Ganuon din ang ginawa ng Judge. Niyakap naman ako ng dalawang babae.
"Kailangan ko ng umalis." Saad ng Judge, kaya nagmamadali narin kaming sumunod dito palabas ng opisina niya.
"Kami muna kasama ng Misis mo. Ngayon lang namin siya makakasama." Saad ni Donna nakakapit siya sa isang braso ko, nasa kabila rin ang isa pang babae.
"Bakit kasi itinago mo siya sa amin, hindi tuloy namin siya naka-bonding. Magtiis ka muna." Usal din ng isa. "Iza kami muna makakasama mo hayaan mo muna silang mga lalaking magkakasama. By the way I'm Aya. Dalawa lang kaming babaeng sa grupo." Dagdag pakilala niya.
"Ni hindi mo sinabing kasal mo kaya hayan ni isa sa amin walang kahit anung dala. Kasalan mo yan." Paninisi pa ni Donna.
"Ipunin nalang ninyo at doblihin sa church wedding namin." Tugon dito ni Maro.
Sabay-sabay kaming tatlong naglakad palabas ng bahay ng Judge. "Saan na tayo ngayon?" Tanong pa ni Aya ng malapit na kami sa mga sasakyan nila. "Sa amin kana sumabay, ngayon ka lang namin makakasama." Bulong pa niya sa akin. Nahihiya man ako pero tumango nalang ako bilang pagsang-ayun dahil hindi parin ako makapaniwala sa nangyari. Kahit nagrereklamo sila ramdam ko ang mainit na pagtanggap nila sa akin.
Hindi ko na pala siya kailangan akitin dahil ako pala ang inaakit niya. At ayun sa mga naririnig kung tuksuhan nila, mukhang madalas silang magpunta sa mga bar para mang-hunting ng mga babae. Kung ganuon tunay siyang lalaki at hindi binabae tulad ng hinala ng kanyang Daddy. Kung sabagay pabor sa akin ang maling hinala ng kanyang ama. Matutupad ang aking pangarap na makapag-aral at mahanap si Kuya Samuel. Bubuo kami ng magandang buhay tulad ng mga habilin ni Mama bago siya pumanaw.
"Ok lang Sweetheart, sila muna kasama mo para hindi naman sila magtampo sa akin." Aniya. Siya ang nagbukas ng pinto ng sasakyan ni Donna. Kinintalan pa niya ako ng halik sa noo bago ako pinapasok sa loob. Nagmamadali narin siyang sumakaya sa kotse niya at nauna ng pinasibad ang kotse niya. Nakasunod lang kaming lahat sa kanya para daw sa isang simpleng salo-salo.
Isang kilalang Italian restaurant ang hinintuan namin. Diretso lang kaming pumasok sa loob ng igiya kami ng isang unipormadong staff sa VIP room na pina-reserved daw ni Maro.
"Minsan sama ka naman sa amin. Huwag kang papayag na itago ka lang ni Maro sa loob ng bahay." Ani Donna at sinulyapan pa niya ng tingin si Maro.
"Hindi ko alam na may pagka-possessive pala yang asawa mo." Parinig din ni Aya.
"Takot lang maagawan. Takot makarma." Saad din ng isang kaibigan niya.
"Maraming iiyak na babae ngayon pagnalaman nilang may asawa kana." Ani pa ng isa.
"Kaya pala ilang linggo ka ng hindi sumasama sa amin. May binabahay ka na pala." Saad din ng isa. "Hinahanap ka pa naman ng isa kagabi." Dugtong pa niya.
"Paano nalang si ano umaaa pa naman yun?" Singit din ng isa.
"Shut up Dudes baka maniwala ang asawa ko sa inyo." Singhal naman ni Maro. Tahimik lang naman akung pinagmamasdan at pinakikinggan ang mga panunukso nila. "Wala naman akung seryosong naging relasyon maliban sa asawa ko." Dagdag pa niyang asik sa mga kaibigan niya.
Mga biruan, kantiyawan at tawanan lang maririnig sa loob ng VIP room na kilalagyan namin. Naaaliw din akung pinagmamasdan at pinakikinggan ang mga kaibigan ni Maro. Para silang mga teenager kung magbiruan at hindi mo aakalain mga successful businessmen silang lahat. Ang isa naman naninilaw sa lalaki ng mga alahas na suot.
Ngayon ko siya unti-unting nakikilala, kung anong pagkatao ba ang meron siya. Sa halos dalawang linggo namin magkasama sa bahay at opisina niya wala akung maipintas. Inaasikaso niya akung parang prinsesa, lahat ibinibigay niya kahit hindi ko naman hinihiling. Iniingatan at nirerespeto niya ako, wala yata akung natandaang ginawan niya ako ng hindi maganda o binastos maliban na lang sa paghalik sa noo at pagyakap paminsan-minsan. Ramdam ko naman maingat at may respeto ang yakap niya.
"Saan na tayo pupunta ngayon?" Tanong ko sa kanya dahil ibang daan na naman ang tinatahak namin.
"Sa private resort natin, we can stay there for three days or so. For our honeymoon." Usal niya. Kaya matalim ko lang siyang inirapan. Simula pa kanina parang nalulon ko na ang aking dila, nabla-blako ang utak ko sa mga pangyayari. Walang matinong maisagot sa mga tanong ng mga kaibigan niya. Lagi akung nangangapa ng sasabihin kanina. Ngayon heto na naman ang honeymoon daw namin. Kaya bigla nalang kumabog ang aking dibdib.
Ginanap niya ang aking kamay pero pinalis ko lang ang kamay niya sa inis at ibinaling ang tingin sa bintana sa tabi ko. Lahat ng ginagawa niya na dapat kaming dalawa ang nagdidisisyon, sinosolo niya kaya nagmumukha tuloy akung tanga.
.
.
.
.
.........................................................
please follow my account...
and add my story in your library..
...loveyouguys..God Blessed Us..
thanks much......lrs..
....."Lady Lhee"....