Episode - 20

2321 Words
Nabaling nalang ang tingin ko sa kanya ng ihinto niya ang kotse sa tabi ng kalsadang wala naman bahay o kahit anong pwede namin puntahan dahil puro punong kahoy at damuhan ang aking nakikita. "Galit kaba? Hindi ako hihingi ng apology or sorry sa mga naging disisyon ko, dahil ito ang alam kung tama. Ayaw kung magkasala sayo. Ayaw kung may magawa akung mali sayo na ikagagalit mo at isiping nagte-take advantage ako. At kung ano man sinabi ko kanina sa harap ng Judge at sa mga kaibigan ko totoo lahat yun, galing sa puso at isipan ko yon. At sinuguro kung totoo ang nararamdaman ko para sa iyo. Mahal na mahal kita una palang kitang nakita sa music room, sa swimming pool, sa kitchen ng gabi una tayong magkasalong kumain. Hindi rin totoong namumula ang balat ko pagnalilipas ako ng gutom. Kinakabahan lang ako nuon gabing yon at natatakot na may magawa akung hindi maganda sayo. Ang lakas ng hatak mo, hindi ko makontrol sa sarili kung maakit sayo. Gustong-gusto na kitang halikan at yakapin ng gabing yun, kung pwede nga lang ipasok na kita sa kwarto ko at magkulong nalang tayong dalawa ginawa ko na. Natatakot din akong mawala ka pa sa akin, ayaw ko ng malayo ka pa. Gusto ko lagi kitang nakikita, laging kasama. Kung sa tingin mo mali ang ginawa ko. Huwag kang mag-alala hindi man ako marunong manligaw pero liligawan parin kita sabihin mo lang kung anung dapat at pwede kung gawin para matutunan mo rin akung mahalin. Maghihintay ako kahit gaano katagal basta dito ka lang sa akin, huwag kang aalis, huwag mo akung iiwan. Lahat gagawin ko mahalin mo lang ako kahit kaunti." Humihingal niyang mahabang wika. Kaya muli na naman akung na-shock sa mga narinig na ipinagtapat niya. Pinakatitigan ko ang kanyang azul na mga mata, tulad ng kanyang ama maging ang mga mata nakikiusap. Malamlam ang mga mata niyang nakatitig din sa akin. Ganito rin ang kanyang ama nuong nakikiusap na akitin ko ang kanyang anak. Ilang beses pa akung lumunok ng sariling laway dahil hindi ko alam ang isasagot sa kanya. Sa ilang araw namin magkasama may kakaiba narin akung nararamdaman para sa kanya pero hindi ko naman pwedeng sabihin sa kanya ang nilalaman ng damdamin ko dahil may limitasyo ang pagsasama namin at ayaw kung umasa siya. Kontrata lang ang lahat ng ito. Masakit din sa akin kung magkakahiwalay na kami. He is may first love. My everything. He's already my husband. For real at hindi na mababago yun. "Sinarili mo ang lahat. Ginawa mo akung tanga." Anas ko. Isang malalim na buntonghininga lang tugon niya. "May i ask you one question and please answer me seriously." Malumanay na niyang tanong sa akin. Titig na titig din ang mga mata niyang nagungusap sa akin. Hindi ko naman inaalis ang aking mga matang nakatitig din sa kanya. Kaya bahagya akung tumango kahit kinakabahan ako sa kung ano itatanong niya. "What is your relationship with my Dad? May namamagitan ba sa inyong dalawa?" Tanong niyang ikinalaki ng aking mga mata. Iniiisip ba niyang may relasyon kami ng Daddy niya. Tama nga ang sabi-sabi sa loob ng mansyon nila. Madami ngang dinadalang magagandang mga babae ang Daddy niya sa bahay nila pero hindi para dito kung hindi para sa anak niya ayun dito. Na kahit minsan hindi daw pinag-interesan ng anak nito. Ibig lang sabihin nirerespeto nito ang mga babae at iniisip na mga babae ng Daddy niya ang mga yun. Gusto ko siyang pagtawanan sa mga sinasabi niya pero seryoso ang kanyang mukha. "Baliw ka talaga. Kung iniisip mong babae ako ng Daddy mo bakit mo ako pinakasala?." Singhal ko nalang. "Napakabait ng tatay mo. Pinangarap ko ngang sana siya nalang ang tatay ko. Dahil ni anino ang tunay kung ama hindi ko nakita." Dugtong ko pa. "I'm so sorry, tinatanong ko lang dahil nagi-guilty ako. Ayaw kung magalit sa akin si Daddy sa isiping baka may relasyon kayo. Ngayon hindi na ako mahihirapang sabihin sa kanya ang tungkol sa atin." Aniya. "Baka naman pwedeng huwag mo munang sabihin sa kanya ang tungkol sa kasal natin. Ang bilis ng pangyayari, nakakahiya sa kanya." Pakiusap ko sa kanya, wala sa usapan namin ang kasal. Akitin at gawing tunay na lalaki lang usapan namin pero lumangpas ako sa napagkasunduan. Bigla kung naging asawa ang iniisip niyang baklang anak. Wala nga ako sa kalingkingan ng mga babaeng dinadala niya sa bahay nila para ereto sa anak. Ni wala nga akung maipagmamalaki sa kanila. Isa lang akong ordinaryong babaeng nakatira sa squatter area at kidn*pped victim. Nakuha sa casa at napangasawa ng anak niyang bilyonaryo. Ano pang mukha ang ihaharap ko sa kanya. Akitin at hindi gawing asawa ang usapan. Baka isipin niyang inakit ko ang anak niya dahil mayaman sila. "Gusto kung makasal din tayo sa simbahan. Kahit saan mo gusto, garden or beach wedding pa yan. Basta gusto kung ikasal uli tayo, ipakita at ipagmalaki sa buong mundo na ikaw ang asawa ko. Hindi naman natin pwedeng itago ang relasyon natin ng matagal. Wala akung plano itago ka. Gusto kung ikaw ang kasama ko sa lahat ng lugar at okasyon na pupuntahan ko, ipakilalal sa lahat ng kilala ko." Litanya niya. "Huwag na muna sa ngayon, hindi pa ako sanay na may asawa. Ang bilis mo naman kasi ni hindi mo ako inabisohan sa mga plano mo parang ikaw lang mag-isa ang ikakasal." Reklamo ko nalang. Dahil wala akung maisip na ibang idadahilan sa kanyan. "Sige na tayo na mukhang nakakaabala na tayo sa ibang motorista." Aniko dahil masikip ang daaan at bawat sasakyan gumilid ang iba humuhinto pa. Wala naman siyang imik na sinunod ako. Ngayon gulong-gulo ang isip ko kung paano magpapaliwanag kay Don Carlos. Sino bang ama ang matutuwa kung bigla nalang nagasawa ang anak mo sa isang babaing pinulot lang sa casa. "Bebe wake up, where here na." Anas niya sa punong tenga ko. Ilang beses ko pang kinusot ang aking mga mata at inunat ang aking nangawit na katawan. Puno ng mataas na niyog ang aking mga nakikita sa labas. Pagbukas at sara ng pinto ng sasakyan aking narinig. Kasunod ng pagbukas din ng pinto sa aking harapan. "Let's go inside para makapagpahinga ka." Usal niya at hinala ako sa kamay. Isang white two storey house ang nasa harapan namin. Naririnig ko rin ang paghampas ng alon ng tubig sa dalampasigan kaya napabaling ang tingin ko sa may likuran namin. Tanaw na tanaw ko ang kulay langit na tubig. May maliliit na alon itong nagbibigay buhay dito. Naalala ko tuloy si Mama mahilig siya maglangoy sa dagat at lagi niya kaming dinadala ni Kuya Samuel sa beach. "Magandang araw po Señorito." Ani ng isang tinig kaya napabalik ako sa kasalukuyan at nilingon ang nagsalita. Isang may edad na lalaki ang nakatayo sa harapan namin. Nakangiti siya at nanlalaki ang mga matang nakatingin sa akin na parang ngayon lang nakakita ng tao. Nilingon din niya ang mga kamay namin ni Maro na magkasalikop. "Magandang tanghali po Señorito Maro." Bati din ng isa pang babaeng hindi nalalayo sa edad ng lalaki sa harap namin. "Bakit po hindi kayo nagpasabing darating kayo, sana nakapaghanda kami ng makakain n'yo."Dagdag pa niya. "Biglaan lang po ang punta namin dito, mga ilan araw lang po kaming mananatili dito. Gusto lang namin magbasyon at makapag-relax ng mga ilang araw." Saad niya. "Si Iza po Misis ko." Dagdag pa niya na lalong ikinalaki ng mga mata nila. "Nag-asawa ka na?" Bulalas pa nilang sabay kaya nagtaka ako, mukhang may lihim na naman silang matutuklasan ko. Hindi naman pala bakla ang lalaki sa tabi ko, kung hindi saksakan ng babaero na kahit saan yata magpungta may babae. Hindi niya pinansin ang mga tanong ng dalawang matanda, hinila nalang niya ako sa kamay papasok sa loob ng bahay. Puro kahoy ang upuan na pinatungan na makapal na kotson. Native style ang loob ng bahay. Makakapal na kahoy at ratan ang karamihan sa bangko at mesa na pinatungan din ng salamin. Maging ang kesame kulay brown na tabla. Marmol naman ang sahig. Ethnic design ang carpet na nakalatag sa gitna ng maluwang na living room. "Ang ganda naman dito." Usal ko ng makita ang hagdanan, makapal na kahoy na kumikintab ang bawat baitang, sanga naman ng kahoy na kininis ang pinaka-balustre. "Si Daddy nagpagawa nito, regalo niya kay Mommy nuon wedding anniversary nila." Aniya. "Nagustuhan mo ba? Sayo na din ito ngayon dahil asawa na kita." Dagdag pa niya. Hinala niya ako paakyat sa hagdanan. "Kakaiba kasi, kongkretong samento sa labas sa loob parang kang nasa loob ng isang malaking cottage." Papuri ko sa bahay. "Pwede kang magpahinga muna. Gigisingin nalang kita pagkakain na tayo." Aniya pagpasok namin sa isang kwarto. Niyakap pa niya ako at hinalikan sa labi. "Kailangan mong magpahinga ngayon mamaya may gagawin tayo at sigurado akung mapapagod kita." May pilyong ngiting usal niya kaya matalim ko lang siyang inirapan. Hindi naman ako tanga para hindi maintindihan ang sinabi niya. Wala naman akung magagawa kung hindi ibigay ang nais niya dahil legal kaming mag-asawa at yun ang trabaho ko, ang misyon kung akitin siya. Ngayon walang kahirap-hirap at hindi ko na kailangan mag-isip ng kung anu-ano. At ito ang unang araw na magkakasama kami sa kwarto at magsasalo sa iisang kama. "I can't resist myself." Anas niya sa punong tenga ko. At muli niya akung hinalikan sa mga labi. Hindi ko alam kung paano tutugonin ang mga halik niya. "Mamaya tuturuan kitang humalik baba mula ako para magpahanda ng makakain natin. May gusto ka bang kainin?" Tanong pa niya. "Kahit ano nalang na meron dyan. Hindi naman ako mapili sa pagkain." Tugon ko. Nasanay na ako sa simpleng pagkain lang basta malinis at maayus ang pagkakaluto ayus lang sa akin. Kung ano lang kaya ng bulsa ko, yun lang binibili ko paminsan-minsan ng kakarneng baboy din kami ni Kuya Samuel minsan naman pagkumita ng malaki nilagang biyas ng baka. Mas madalas kami sa lechon manok para hindi na ako magluluto. "Ang ganda dito, ang sarap maligo." Aniko ng makarating kami sa dalampasigan at hindi alintana ang matinding sikat ng araw. Para akung batang sabik na sabik sa tubig. Naglakad pa ako palusong sa tubig na may maliliit na alon. "Sweetheart mainit pa baka ma-sunburn ka. Kung gusto mo mamaya ka nalang maligo sasamahan kita." Usal niyang nakasunod sa akin. "Upo nalang muna tayo dun." Saad pa niya paturo sa folding bed sa ilalim ng puno ng talisay. Sariwa at presko ang simoy ng hangin kaya nahiga ako, pinaunan naman niya ang hita niya. "Ayus ka lang ba? Gusto kung pagkatapos nito pumunta tayo sa inyo. Gusto kong makilala ang pamilya mo at makausap sila."Pahayag niya kaya napabangon akung bigla. *** "Tiyang totoo po bang dumating si Maro? Nasaan na po siya Tiyang." Ani isang tinig ng babae na mukhang tuwang-tuwa. Kaya napahinto ako sa tangkang pagbaba ng hagdanan. Upang hintayin ang sagot sa tanong niya. Ilang minuto rin ako nakatayo lang para pakinggang ang pag-uusap nila. "Umuwi ka nalang at huwag mo ng hanapin si Señorito Maro. Masasaktan ka lang." Ani ng tinig lalaki. "Pero Tiyong nasasabik na po akung makita si Maro, matagal na po kaming hindi nagkikita." Pakiusap pa ng babae. "Hindi na tamang makipagkita ka pa sa kanya, may asawa na siya at kasama niya ngayon sa kwarto niya." Sabad ng isa pang babae. "Hindi po totoo yan. Nagbibiro lang po kayo. Alam na alam naman ninyong bata palang kami mahal na mahal ko na si Maro at alam kung may pagtingin din siya sa akin. Hihintayin ko pa siya dito gusto ko siyang makita, gusto ko siyang makausap." Saad pa niya. Kaya malalaki ang hakbang kung bumalik sa kwarto namin. Dumiretso nalang ako sa cr para maligo ng makitang tulog parin si Maro. Ilang babae ba ang makikita kung naghahabol sa kanya. Ilang babae ba ang naugnay sa kanya at lahat nalang yata gusto siyang maging asawa. Sabagay hindi namang kataka-taka maraming mahumaling na babae sa kanya dahil magandang lalaki siya idagdag pang mayaman siya. "Hi, Bebe good morning." Bati niya sa akin pagbukas ko ng pinto ng banyo na ikinagulat ko. Kinintalan niya ako ng halik sa labi at dumiretso na siyang pumasok sa banyo. Naiiling nalang akung naghalungkat ng isusuot ko. Sino kaya ang babaeng naghihintay sa kanya. Bulong ko. Mabagal akung kumilos upang mauna siyang lumabas ng kwarto namin. Gusto kung makita at malaman kung sino ang babaing naghahanap sa kanya at kung anung kaugnayan niya dito. "Hindi ka pa ba tapos" Tanong niya paglabas ng cr, nakatapis lang siya ng puting tuwalya. "Maya-maya pa. Mauna ka ng bumaba, susunod nalang ako." Aniko at pinakiramdaman siya. Isang dark beige combat cargo short at white round neck t-shirt suot niya ng lumabas ng kuwarto namin kaya patingkiyad akung sumunod sa kanya ilang minuto makaraan siyang lumabas ng pinto. "Maro, kumusta ka na? Ang tagal mong hindi nagawi dito. Namis tuloy kita." Malambing na usal ng babae. Gusto ko sanang makita ang histura niya pero hindi naman ako makababa at baka kung ano pa makita kong ikasasama ng loob ko. "Ikaw pala Elise. Gumaganda ka yata." Ganting bati rin ni Maro dito. Hindi ko man hilig makinig sa usapan ng ibang tao pero kailangan kung alamin kung sino siya at kung may namamagitan ba sa kanila kaya tumayo nalang ako sa may hagdanan at ikinubli ang aking katawan para hindi nila mapansin kung sakali man tumingala sila. May kaba sa dibdib kong pinakinggan ang pag-uusap nila. Mahirap palang maging asawa ng isang lalaking mayaman at gwapo marami kang kaagaw. Masalimuot talaga ang buhay may asawa tulad ni Mama, iniwan siya ng asawa niya at pinagpalit sa iba matapos niya itong pag-aralin. Ibang babae parin ang nakinabang at hindi siya, ni hindi nila sinustentuhan si Kuya Samuel. . . . . . . ......................................................... please follow my account... and add my story in your library.. ...loveyouguys..God Blessed Us.. thanks much......lrs.. ....."Lady Lhee"....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD