Maingat akung bumababa ng hagdan para makita kung anung kaganapan at humina na ang boses na kanina lang masigla at buhay na buhay. Walang tao akung nakita sa sala kaya nagtuloy akong naglakad patungo sa kusina. Sa bungad palang kita ko ang babaeng sa tantiya ko nasa 5'2 ang taas. Nakatalikod sila sa gawi ko. Kita ko ang kanyang kutis na morena dahil sa suot niyang white ribbed crop top button na tenernohan ng baggy cargo pants at white sneaker shoes. Hanggang balikat ang buhok niyang blonde. Nakahilig ang katawan niya kay Maro, nakapalupot din ang mga braso niya sa katawan nito. Habang may kausap naman sa telepono si Maro at mukang balewala lang dito ang ginagawa mg babae. "Manang malayo ho pa ang bahay ninyo dito?" Bungad kong hindi pinansin ang dalawang tao sa giliran ko. "Sa dulohan l

