Point of view - Patricia Monteverde - Ramdam ko ang mabilis na t***k ng aking puso dahil sa aking narinig na usapan nina Mikay at ng kanyang ina. Halos nanginginig ang aking tuhod nang ako ay tumakbo pabalik ng aking silid. Agad ko namang ni-lock ang pinto nang makarating at tuluyan akong makapasok sa loob. Halohalong tanong at pagtataka ang bumabalot sa aking puso. Paano nangyari ang bagay na iyon? Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa iniisip ko o baka naman, I'm just overthinking. Isang bagay lang ang pumapasok ngayon sa aking isip, kailangan kong makumpirma ang totoo, kailangan kong malaman kung tama ba ang aking hinala. Nagmadali akong tumungo sa aking laptop na nakapatong sa lamesang nasa tabi ng aking kama. Binuksan ko ang laptop at agad na kinuha ang litrato n