bc

The Heiress' Fake Beauty (Filipino)

book_age16+
1.3K
FOLLOW
7.4K
READ
family
goodgirl
brave
drama
tragedy
bxg
rejected
poor to rich
cruel
lonely
like
intro-logo
Blurb

Hindi kailanman malilimutan ni Angelica Sandoval ang dinanas niyang pangungutya mula sa kaeskwela noong siya ay nasa senior High school pa.

Marami ang galit sa kanya dahil sa pangit niyang mukha. Pinagkakatuwaan siya ng mga taong mapanghusga.

Ngunit mas nadurog ang kanyang puso nang maranasan niyang umibig at paglaruan ng lalaki na labis niyang minahal, dahilan upang siya ay tuluyang lumayo at tumigil sa pag-aaral.

Gamit ang isang bagong mukha, muli siyang babalik sa mga taong nanghamak sa kanya. At sa pagkakataong ito, ipatitikim niya ang ganti ng isang heredera.

chap-preview
Free preview
Prologue
Disclaimer:   Ito ay isang gawa ng kathang-isip lamang. Ang mga pangalan, tauhan, kaganapan at insidente ay produkto ng imahinasyon ng may akda. Ang anumang pagkakahawig sa aktwal na mga tao, buhay o patay, o tunay na mga kaganapan ay pulos nagkataon lamang.   Point of view - Mikaela Sandoval -   Hindi ko alintana ang dami at sakit ng karayom na itinutusok sa aking katawan. Ang pagguhit nila sa aking mukha ay tila hindi ko maramdaman. Tumatak sa aking isip na nais kong gumanda, nais kong ipakita sa mga taong tumapak sa akin noon na kaya kong bumangon at muling lumaban gamit ang bago kong mukha, kaya kong punasan ang sariling luha noong ako ay nadapa.   Lumipas ang maraming buwan nang pananatili ko rito sa ospital, unti-unting gumagaling ang mga sugat na ginawa upang gumanda ang aking hitsura, unti-unting naghihilom ang tinatakpan ng puting gasa na binalot sa aking mukha. Kung tutuusin, masakit ang operasyon na ito, ngunit wala nang mas sasakit pa sa malalim na sugat na ginawa sa aking puso.   ***   Isang bagong umaga, muli akong bumangon sa kama. Dahan-dahan akong naglakad patungo sa malaking salamin dito sa loob ng aking silid at tinitigan ang buo kong katawan. Hinawakan ko ang aking mukha na hanggang ngayon ay nakabalot pa rin ng benda.   Ano kaya ang magiging hitsura ko matapos tanggalin ang bagay na ito? isang bagay na nasabi ko sa sarili.   Bigla akong napatingin sa pinto hindi kalayuan sa aking kinatatayuan nang bumukas ito. Isang ngiti ang sumilay sa aking labi nang iniluwa niyon si Mommy, kasama niya ang isang doktor at dalawang nurse na pumasok sa loob ng aking silid.   "Good morning, Mikay. How was your sleep?" rinig kong sabi ng doktor na ngayon ay nasa aking harapan.   "It was the best sleep I ever had, Doc," tugon ko.   Lumapit sa akin si mommy at hinawakan ang aking kamay, saka ako ginabayan pabalik sa aking higaan at sabay kaming umupo sa gilid nito. Ilang saglit lang ay nakita namin ang paglapit ng doktor at pagluhod niya sa aking harapan upang kami ay magpantay.   "Are you ready to see the result of our operation?" tanong niya sa akin.   Marahan lamang akong tumango bilang tugon sa kaniyang sinabi, saka mariing ipinikit ang aking mga mata. Naramdaman ko ang dahan-dahan niyang pagtanggal sa mga gasa na nakapalibot sa aking mukha. Tila napakatagal ng kaniyang ginagawa dahil naka-ilang lunok na ako. Pakiramdam ko’y mapipilayan na si mommy dahil sa papahigpit kong kapit sa kaniya. Hanggang sa maramdaman ko na ang aking mukha ay malaya na, naramdaman ko na wala nang benda na nakabalot dito.   "Look at your face in the mirror, Mikay," saad ng doctor.   Ngunit takot ako, natatakot akong ibukas ang aking mata, natatakot ako na baka ang mala halimaw kong hitsura ang muli kong makita. Ngunit nang maramdaman ko ang paghagod ni mommy sa aking kamay, lumuwag ang aking pakiramdam at ang kaba sa aking puso ay unti-unting Nawala, hanggang sa magkaroon na ako ng lakas ng loob upang ibukas ang aking mga mata.   Dahan-dahan, unti-unti, hanggang sa tuluyan ko nang maimulat ang mga talukap nito. Noong una ay malabo ang aking paningin dahil sa tagal kong nakapikit. Ngunit sa paglinaw ng aking naaaninag, hindi ako makapaniwala sa aking nakita sa isang maliit at bilog na salamin. Kinuha ko ang salamin na hawak ng nurse at tinitigang mabuti ang magandang dilag na nasa loob nito.   Ang bawat kilos, pagpikit, at pagngiti ng babaeng ito ay sabay sa lahat ng aking ginagawa. Dahil sa saya at halohalong emosyon na aking nararamdaman, nagsimulang mamuo ang mga tubig sa aking mata. Maging ang pag-iyak ng babaeng ito ay napakaganda.   Ang dati kong mahabang mukha ay naging bilugan at saktong haba ng baba. Ang dating makapal na talukap ng aking mata ay nagkaroon ng maamo at magandang hubog. Ang dating manipis at tila nauubos kong kilay, ngayon ay nagkaroon na ng korte at nagkaroon ng buhay. Ang malapad, malaki, at nakatingala kong ilong ay naging maganda, maliit, at matangos. Pati ang aking makapal at maitim na labi ay naging mapula at manipis.   Ang lahat ng bagay sa babaeng nakikita ko sa loob ng salaming ito ay tila napakaganda, hindi ako makapaniwala na ito ang bago kong hitsura. Nagsimulang dumaloy ang mga luha sa aking mata, ang kanina ko pang pinipigilang kaligayahan ay malayang tumakas sa aking puso.   "Thank you, Doc. Thank you so much!" sunod-sunod kong sabi.   Sabay sa mabilis kong paghikbi at tuloy-tuloy na pagdaloy ng mga luha, naramdaman ko ang pag-iyak ni mommy sa aking kalapit at ang mahigpit niyang yakap sa akin.   Wala nang mas sasaya pa sa nadarama namin ngayon.   ***   Makalipas ang ilang sandali, pinayuhan ako ng doktor na muling magpahinga. Maaari na rin akong lumabas ng ospital pagkatapos ng dalawang buwan. Ngunit hindi ko pa rin maiwasang hindi titigan ang aking magandang mukha sa salamin na nasa aking harapan. Muli akong tumayo, sinilip ko ang aking sarili at hinawakan ang salamin na ito.   Sino ang mag-aakala na ang dating pangit ay magiging maganda? Sino ang mag-aakala na ang dating dukha ay yayaman na lamang bigla?   Sa muli kong pagbalik gamit ang bagong mukha, matitikman nila ang ganti ng isang heredera.   Ako si Mikaela Sandoval at ito ang aking istorya.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Fight for my son's right

read
146.9K
bc

ANG NABUNTIS KONG PANGIT

read
477.7K
bc

The Cold Husband-SPG

read
4.7M
bc

Escaping from the Greek Tycoon (TAGALOG)

read
176.7K
bc

Lucas Sebastian III - SPG

read
2.7M
bc

Stranger In Bed- SPG

read
1.4M
bc

Mr. Henderson: The Father of my Child -SPG

read
2.6M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook