Chapter 2
"Ginabi ka na ata?"
Tumango ako saka tinanggal ang sapatos ko. "Late na din kasi natapos ang klase."
"Sumabay ka ba kay Hailey?" Tanong niya sak kinuha ang gamit ko para ilagay sa study room kung saan ako madalas mag aral.
"Hindi na, nag MRT na lang ako," sagot ko at nahiga sa sofa dala na din nang pagod.
Bianca and I stay in one roof, si Hailey nakatira pa rin sa parents niya at si Drincel naman ay sa Tita niya nakikitira.
"Kumain ka na?" Tanong ko na ikinalingon niya.
"Yup, magluto ka na lang kapag nagugutom ka."
Napasimangot ako. "Hindi ako marunong magluto!"
"E'di matuto ka!"
I scoffed and cross my arms in my chest. She's really into Study, Hindi man lang ako intindihin. Kahit isang beses hindi ako natutong magluto dahil na din sa kaniya, parang bored na bored siyang turuan ako so we both ended up ordering food.
Pero nakakainis! Nagluto siya without mine! I don't even remember the last time I cook so well kasi never namang nangyari yon.
Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa at umayos nang pagkakaupo.
"May gusto ka bang ipa-order?" Tanong ko sa kaniya habang nagb-browse sa food panda para magpadeliver.
"Milktea," aniya na ikinatango ko.
"Vanilla di'ba?" Nag angat ako nang tingin para malaman ang sagot niya.
Tumango ito kaya um-order ako nang dalawang Vanilla Milktea at isang lasagna.
Hindi naman ako kumakain ng rice sa gabi kaya Lasagna na lang ang naisip kong orderin. Nilapag ko sa sofa ang cellphone ko at nagpaalam na maliligo.
"Milktea mo," abot ko nang milktea sa kaniya pagkadeliver nang order namin.
"Thanks."
Kumuha ako nang tinidor sa kusina bago binuksan ang Lasagna at nanonood nang anime habang kinakain ito.
Inabot ako nang madaling araw dahil na din sa pag advance reading ko para sa darating na summative test namin this thursday.
"Saan si Bien?" Tanong ni Drincel pagkapasok ko ng study room namin.
"Tulog pa, hapon pa ang klase," sagot ko saka nilapag ang gamit ko.
"Anong oras ba siya natulog?"
"Mga 2 ata, Hindi ako sure," sagot ko saka isa isang binuklat ang libro na dala ko at naghighlight.
Mahilig kasi akong maghighlight at magnotes nang important information for me to easily understand the lesson at para madali lang din para sa akin alamin ito.
"Nucleic acids, deoxyribonucleic acid (DNA) and ribonucleic acid (RNA), carry genetic information which is read in cells to make the RNA and proteins by which living things function. The well-known structure of the DNA double helix allows this information to be copied and passed on to the next generation." I answered when our prof called me.
"Very well said! Miss Laforteza!"
Naupo ako nang ituloy niya ang discussion. Topic kasi namin for today is about Nucleic Acid and Proteins, buti na lang at nakapag advance reading ako at nirerecall ko din ang mga napag-aralan namin last school year para magamit namin in case na matuckle ulit namin.
"Pansin ko lang, hindi na sumana sa atin si Drincel ngayon," pagbubukas ko nang topic habang nasa quadrangle kami.
"May klase ata," ani Hailey.
"Wala, alam ko kaya schedule niyo," irap ko.
"Baka busy, eto naman lahat na lang napapansin!" Ani Bianca na ikinairap ko.
"Nagtatanong lang eh," sumimangot ako.
This week has been busy from schoolworks and projects. Madalas lagi kaming nasa study room naming apat pero minsan ay nasa library kami para mag aral.
"You can choose your group, it has 5-7 members," our prof uttered.
Occassionally, Hailey and I always in a group so expected na magkasama ulit kami.
Lumapit sa amin si Hazeille at expect na namin na kagroup namin siya kaya tumango na lang siya bago naglakad palabas.
"Tara na," aya ko kay Hailey matapos ko ligpitin ang gamit ko.
We went to our last subject bago kami nagkita kita sa quadrangle exacrly 4 in the afternoon. Balak kasi naming pumuntang MOA sea side para tumambay at ofcourse to stress out dahil sa dami nang ginawa namin this past week.
"Cassey," nilingon ko si Nikko nang tawagin niya ako pati sila Hailey, Bianca at Drincel ay napalingon din. "May group members pa ba kayo?"
"Wala pa naman, bakit?" Tanong ko.
"Pa-join kami ni Matthew!"
Tumango ako. "Sure, message mo na lang ako sa Instagram."
"Sige, salamat!" Tumango ako.
Akmang aalis na siya nang tawagin siya ni Hailey kaya nagtaka din ako.
"Sinong Matthew? Kaklase ba natin 'yon?" Tanong niya.
Ako din tuloy biglang nacurious! o baka naman talagang madami lang akong kilala sa campus kaya hindi na ko nagtatanong kung sino bang taong 'yon ang tinutukoy niya.
"Oo, bago lang siya."
"Transferee from Cebu?" Tanong niya na ikinatango ni Nikko.
Nagpaalam na siya sa amin kaya nakaalis na din kami at pumuntang MOA sea side gamit ang kotse na dala ni Drincel.
Rich kid.
"Ang ganda dito, punta tayo ulit!" Ani Hailey habang nakatayo sa bato.
Naupo kaming tatlo at hinayaan siyang mag isang nakatayo.
"Ang saya! Feeling ko nawala lahat ng pagod ko!" Muling sambit ni Hailey bago kami nilingon.
"Kailan ka pa napagod?" Pang aasar ko sa kaniya.
"Kapal mo, napapagod din ako 'no, makita ko lang yung chemistry, naiiyak na ako," pagkekwento niya saka naupo sa tabi namin.
"Ayan Biochem pa," pang aasar ni Bianca sa amin.
"Kamusta naman Archi?" Tanong ko sa kaniya.
"Ayos lang, maganda pa rin ako."
Isa isa kaming nagreklamo sa sinabi niya na ikinatawa din namin sa huli.
"Ang ating businesswoman, kamusta naman?" Pagtatanong ni Hailey kay Drincel.
"Eto, kunting buwan na lang mayaman na," pagmamalaki niya na ikinairap ko.
"Mayaman ka na talaga, Cel," pambabasag ko nang trip niya.
Inambahan niya ako nang suntok kaya umilag ako. Pareho kaming natawa sa mga kalokohan namin.
Nakakamiss naman yung ganito.
Muling tumayo si Hailey kaya sunod sunod din kaming tumayo kagaya niya.
"5 years from now, successful na tayo tapos dito ang lugar kung saan palagi tayong magkikita," panimula niya habang nakatingin sa ilog.
"Eto ang ating meeting place natin," dugtong ni Bianca sa kaniya.
"Dito ang ating favorite place," ani Drincel kaya napangiti ako.
"At dito ang ating comfort zone," pagtatapos ko nang usapan.
Sabay sabay kaming nagkatinginan at tumawa na para bang ito ang pinakamasayang araw na naganap sa buhay namin.
MOA sea side is really our comfort zone, favorite place at memorable place.
"Horror dapat! Duwag ka ba Hailey?" Pang aasar ni Bianca kay Hailey.
Pinagtatalunan kasi nila kung anong papanoorin namin. Napag isipan naming magovernight together dito sa condo namin ni Bianca, pang stress out lang ba.
"Ayoko nga nang horror! Gusto ko yung sci-fi!" Pagtatanggol naman ni Hailey sa sarili niya.
Lumapit naman sa akin si Drincel na may dalang gallon ng ice cream at kutsara.
"Ingay nang dalawa," aniya na ikinatangin namin sa kanila.
"Aso't pusa, laging nagbabangayan," umiling ako.
Mahinang natawa si Drincel kaya ngumiti ako sa kaniya saka binitbit ang baso palapit sa kanila.
"Tama na yan, romance na lang panoorin natin," ani Drincel pagkalapag nang ice cream sa lamesa.
"NO WAY!" Sabay na sigaw nila na ikinabigla namin.
"Ang sama nang ugali niyo!"
Natawa na lang ako saka binato ang cd sa dalawa, isa siyang mystery thriller kaya for sure hindi na sila mag aaway niyan.
"Ayan na! Ayan na!" Ani Hailey saka tumakbo paupo sa kama kasunod si Bianca.
Inabot ko kay Hailey ang strawberry ice cream dahil iyon ang favorite niya samantalang vanilla sa amin ni Bianca at mocha kay Drincel.
"Sino sa tingin niyo yung killer?" Pagtatanong ni Bianca sa amin sa gitna nang panonood.
"Yung babae!" Agad na sagot ni Hailey.
"Hindi, parang yung kaibigan niya kasi ang suspicious nang galaw niya eh," paliwanag namn ni Drincel.
"Ikaw, Cassey?" Tanong ni Bianca sa akin.
"Siguro yung babae din," sagot ko.
"Oh di'ba tama ako!" Agad na sambit ni Hailey kay Drincel.
"Paano niyo naman nasabing killer yung babae?" Tanong ni Drincel.
"Kasi, pansinin mo, bigla siyang lumitaw no'ng namatay yung mother no'ng guy tapos sa tuwing nagpapakita yung killer, wala siya, hindi mo ba napansin yon?" Maikling paliwanag ko sa kaniya.
Umiling siya bilang sagot.
"Saka, yung sa part na dumating yung kaibigan no'ng guy, bakit biglang kinabahan yung babae?" Dagdag naman ni Hailey.
Napatango tango kami kasi pakiramdam namin tama yung theory namin.
Alas dose nang gabi namin natapos ang pinapanood namin dahil nag aaway pa muna kami bago namin tinatapos ang panonood, bangayan din nang bangayan sila Bianca at Hailey tapos ang malala kami ni Drincel ang nasa gitna.
rip samin.
"I didn't know you were the killer, I shouldn't have trusted you"
"I never said that you can trust me"
Kaniya kaniya kaming apir ni Hailey dahil tama ang hinala namin.
"Oh ano?! Tama kami, gwapo lang kasi tinitingnan mo eh," pang aasar niya kay Drincel.
"Sinong hindi titingin sa Gwapo?"
"Si Bianca, syempre, manhid yan eh."
"Kapal mo!" Reklamo niya na nagliligpit nang pinagkainan namin.
"Hailey, ikaw maghugas," pag uutos ko sa kaniya.
"Ano ka, batas?"
"Hindi, pero ikaw ang maghuhugas kung ayaw mong sipain kita."
"Bullying!" Turo niya sa akin saka salubong ang kilay na naglakad papuntang kusina para maghugas.
"Abno."