Chapter 1

1737 Words
Chapter 1 "Have you seen Bianca?" "I think nasa library siya," sambit niya kaya tumango ako bago tinahak ang daan papuntang library. Pagkapasok ko bumungad agad sa akin ang tahimik at malamig na simoy ng aircon sa loob. Binigay ko sa librarian ang library card ko bago hinanap si Bianca. Nang mahanap siya ay agad siyang tinabihan saka nagtingin na din nang libro na pwede kong magamit. "Alam mo na ba?" Pagtatanong ko sa kaniya. "Ang alin?" "May transferee daw," pagchichika ko sa kaniya saka kumuha nang ibang libro na magagamit ko pangreview. "Saan? Sa section niyo?" Pagtatanong niya habang binubuklat ang mga librong nakuha niya. "Yata, hindi ako sure eh," Hindi niya ako pinansin at nilagpasan ako nang lakad kaya sinundan ko siya at naupo sa harap niya kung saan siya nagbabasa. "Oy!" Mahinang kabit ko sa kaniya na ikinaangat nang tingin niya. "Wala ka man lang bang tatanungin?" Kumunot ang noo niya. "Para saan? Hindi naman ako interesado." Napasimangot na lang ako dahil pagdating sa ganitong usapan ay wala talaga siyang interes bukod sa pag aaral. Nerd, pero bestfriend kami niyan. Iniwan ko siyang nagbabasa saka binitbit ang librong kinuha ko papuntang librarian para mahiram ko. Binalik din niya pagkatapos ang library card ko bago ako lumabas ng library. Habang naglalakad hindi ko maiwasang maconscious sa dala kong libro dahil na din sa bigat. Isa isa ko itong binuklat at napamura na lang nang iba ang nakuha kong libro. Saktong paglingon ko ay siyang pagkabunggo naman sa akin nang isang estudyante dahilan para mabitawan ko ang mga librong hawak ko. "Sorry..." He apologized and help me pick up my things. "Its okay," tanging sambit ko at nginitian siya nang hindi siya binibigyan nang tingin. Nilagpasan ko siya at bumalik sa library para palitan ang librong nakuha ko saka pumuntang study room namin. "Ano yan?" Tanong ni Drincel pagkalapag ko nang libro sa lamesa. "Libro," sagot ko at naupo sa harap nang mga libro para mapag aralan. "I mean, anong klaseng libro," paglilinaw niya. "Pakilinaw kasi," pagtataray ko. Ewan ko ba gustong gusto ko siyang tarayan, minsan naiirita ako kapag kausap ko siya or kapag nakikita kusang nawawala mood ko. Ewan ko ba. "Bakit ba ang sungit sungit mo sa akin?" Tanong niya. "Pangit mo kasi." Narinig ko ang tawa ni Hailey kaya mahina din akong natawa. "Joke lang! Eto naman hindi mabiro." "E'di wow," irap niya. Nagkatinginan kami ni Hailey at napakibit balikat na lang dahil matampuhin talaga yan si Drincel, kunting biro lang ginagaw niyang pangseryosohan kaya hindi kami magkaayos ayos niyan eh. Kinabukasan, pinakilala sa amin ang transferee dahil kahapon lang daw dumating from Cebu kung saan ang hometown niya. Sa likod ko siya nakaupo dahil doon na lang ang bakante na pwede niyang pag-upuan, minsan kasi nakikiseat-in ang ibang student kapag wala silang prof kaya napupuno kami sa isang classroom. "I lost my pen, Do you have one?" Rinig kong tanong nng transferee kay Alexis, blockmates namin. "Wala eh, isang pen lang kasi ang dinadala ko lagi, sorry," paghingi niya nang tawad. I have no choice kung hindi kumuha nang isang pen sa pencil case ko at iniabot sa kaniya. Taka pa niya itong tinignan. "I have extra pen, here." Natulala pa siya nang makita ako kaya pumitik ako sa ere para pabalikin siya sa sarili niyang wisyo. "Thanks.." Tinignan ko siya saglit saka nakinig sa discussion ng prof namin, nagtetake down notes minsan kasi mahirap ang Bio-chem na kinuha namin ni Hailey at ang iba ay Business at Architect. "Magkikita kita ba tayong apat?" Tanong ko kay Hailey pagkalabas namin ng room pagkatapos ng klase. "Hindi ko alam, sabi ni Drincel may klase pa daw siya," sagot niya habang nakatingin sa cellphone niya. "Ano bang tinitignan mo diyan?" Tanong ko dahil na din sa curious ako sa tinitignan niya. "Post ni Doc," sagot niya saka binulsa ng cellphone habang pababa kami nang hagdan. "Sinong doc? Doctor mo?" "Hindi, yung ate nang turtle," sagot niya na ikinatango ko. May gc kasi siya or should I say squad tapos lahat sila nasa same grade except sa kaniya at sa isa pa na kaedad lang namin, bunso daw silang dalawa at ang nag iisang ate nila ay ang magdodoctor then the rest ay crimonology, tourism, at culinary arts. "Nasaan ba siya?" Tanong ko nang mapadaan kami sa quadrangle. "Canada," aniya na ikinatango tango ko. "Bakit parang ang lungkot lungkot mo? Miss mo?" "Syempre, hindi pa naman kami nagkikita kahit isang beses. Hindi ko pa nga alam kung ano ang itsura niya sa personal," pagkekwento niya. As far as I know, their Ate and her never been meet in person. Yung hanggang chat lang sila kasi lagi taliwas ang meeting time nila. Kapag busy si Hailey, hindi busy ang ate nila pero kapag busy ang ate nila busy si Hailey. In short, hindi sila pinaglalandas nang tadhana. "Andiyan na si Bianca," wika ko nang mahagip nang paningin ko si Bianca na naglalakad palapit sa gawi namin. "Si Drincel?" Tanong agad niya pagkalapit sa amin. "May klase pa daw siya sabi niya," sagot ni Hailey sa kaniya. Nagtungo kami sa isang fast food chain malapit sa school kasi may meeting pa daw si Bianca para sa report nila kaya kailangan talaga malapit lang para hindi na hassle kapag babalik ng school, mainit pa naman. "Kilala niyo ba si Angelo Fuente?" Pagtatanong ni Bianca sa amin. "Oo," sagot ko. "Engineering siya di'ba?" Tumango siya. "Oo, umamin sa akin." Pareho kaming nabulunan ni Hailey nang sabihin niya iyon kaya dalawa din kaming binigyan niya nang tubig na ikinainom agad namin. "Kailan umamin?" Tanong ni Hailey sa kaniya habang pinupunasan ko ang bibig ko. "Kanina, kaya nga natagalan ako eh," aniya. "Anong sabi mo sa kaniya?" Tanong ko. "Wala, nilagpasan ko lang siya." Pareho kaming natawa ni Hailey sa sinabi niya kasi talagang napakamanhid niya. Wala siyang alam sa love! Oh! Ako din pala. I've never been fall in love, so kapag may umamin sa akin hindi ko din alam ang sasabihin at gagawin ko. "Anong reaction niya?" Nagkibit balikat siya. "Nilagpasan ko nga di'ba, malay ko ba kung anong reaction niya." "Oo nga naman, b*bo lang Cassey?" Pagsang ayon ni Hailey na ikinairap ko. Pagkatapos namin kumain, sumabay pa sa amin si Bianca papasok kung saan napahinto kami nang harangan kami ni Angelo kasama ang mga kaibigan niya. "Bianca... I really like you..." Nahihiyang amin niya sa harap namin na ikinatingin namin ni Hailey. "Hindi kita gusto eh... Sa iba na lang.." Diretsong sambit ni Bianca saka siya nilagpasan. Nagpipigil ako nang tawa nang sundan namin siya ni Hailey. Napahagalpak lang kami nang tawa nang makasabay na namin siya sa paglalakad. "Ang harsh mo naman po Ate Bianca," pang aasar ko sa kaniya. "Nagsasabi lang ako nang totoo 'no," sagot niya sa akin. "Saka hindi ko siya type." "Okay." Sabay naming sabi ni Hailey na may halong pang aasar. "Totoo nga!" Depensa niya sa sarili niya. "Bakit defensive ka?" Pang aasar ni Hailey kaya napairap na lng siya at mabilis n naglakad. Nag apir kaming dalawa saka tumakbo pero nahinto lang ako nang huminto sa harap ko ang isang lalaki, Siya yung transferee na kaklase ko. "Your pen..." Abot niya sa pen na pinahiram ko. Tinignan ko lang iyon at saka siya hinarap. "You can have it, Bye!" "But..." Hindi ko na hinintay pang matapos ang sasabihin niya at saka tumakbo palapit kina Bianca. "Sino yon?" Tanong ni Hailey pagkasabay ko sa kanila. "Pinahiraman ko nang pen, sinasauli," sagot ko. Muntik pa akong malate sa next subject ko kakakulit kay Bianca about sa confession ni Angelo sa kaniya. Magkaiba kami ni Hailey ng schedule kaya minsan lang kami magkaklase sa isang subject. Alas sais natapos ang last subject ko kaya alam kong mag isa na naman akong uuwi kasi madalas maaga umuwi ang dalawa except sa amin ni Hailey pero si Hailey sinusundo ako hindi, kinakailangan ko pa tuloy sumakay nang taxi para makauwi which is ang ayaw ko. Baka marape ako eh. Habang nagliligpit nang gamit ko sa loob ng room, pakiramdam ko may nawawala akong gamit kahit wala naman akong nakalimutan pagpasok ko kanina. "Sh*t!" Mura ko nang makapa kong nawawala ang id ko na nakaipit sa collar ng uniform ko. Mabilis kong sinukbit ang bag ko at dinial ang number ni Hailey habang naglalakad ako palabas ng room. [Bakit?] saktong pagsagot niya nng tawag ay ang pag abot naman nang Id ko saktong paglabas ko nang pinto. Pinatay ko ang tawag at binulsa ito bago tinignan ang nakakuha ng id ko bago ito tinanggap. "Thank you," pagpapasalamat ko sa kaniya. Unang araw pa lang pero tatlong beses ko na siyang nakausap. Normal lang naman yon kasi siya ang nakapulot ng id ko at pinahiram ko siya ng pen na dapat isasauli niya. "Saan mo 'to nakita?" Tanong ko habang naglalakad palabas ng campus kasama siya. "No'ng tumakbo ka..." Mahinang sagot niya na ikinatango ko. Alam kong madaldal ako pero parang nawala yung daldal ko dahil sa hiya. Ewan ko ba kung bakit ako nahihiya but I think he's a nice guy. "Magtataxi ka?" Tanong ko nang tuluyan na kaming makalabas nang campus. "MRT," sagot niya na ikinangiti ko. "Sabay na tayo," aya ko sa kaniya. Wala siyang nagawa kung hindi sabayan ako maglakad papuntang MRT. Hindi naman ganoon kalayo ang Station ng MRT sa school kaya pwedeng pwede lakarin saka mas maganda ding maglakad sa ganitong oras ng gabi. "Ano pa lang course mo?" Pagbabasag ko nang katahimikan. Ang tahimik kasi niya eh, parang nahihiya ata siyang makipag interact sa ibang tao. "Chemistry," simpleng sagot niya na ikinatango ko. Kaya pala magkaklase kami sa isang major subject, related pala ang course niya sa course ko akala ko kasi nakiseat in lang siya eh. "Saan ka bababa?" Tanong niya sa akin pagpasok ng station. "Sta. Mesa," sagot ko saka nilabas ang wallet ko para bumili nang ticket. "Ikaw?" "Pandacan lang," aniya saka nagbayad. "Ah mauuna ka pala," tumango siya saka sumabay sa akin maglakad papasok ng MRT. Tahimik lang kami sa byahe at nakatingin lang ako sa dinaraan namin. Nilabas ko din ang headset ko at sinuot para makinig ng music habang nasa byahe. Nang mahinto kami sa Pandacan station kinalabit niya ako kaya tinanggal ko ang headset ko. "Mauuna na'ko," paalam niya na ikinatango ko. "Ingat," sambit ko at kumaway sa kaniya pagkalabas niya nang train. "Ingat ka din," aniya bago tuluyang magsara ang pinto.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD