bc

Deja vu

book_age16+
1
FOLLOW
1K
READ
revenge
others
dark
independent
student
drama
tragedy
heavy
mystery
highschool
like
intro-logo
Blurb

“I never knew death would be this painful.”

Ten students. A curse. A leader and an impostor among them. They are fighting for their life while gambling with their death.

Death is inevitable, and so is she.

chap-preview
Free preview
Kadiliman
“Malea! Gumising ka na riyan bago kita kaladkarin pababa!” pasigaw na sabi ng aking Ina. “Ito na po, Ma! Babangon na po.”I opened my eyes and left my room to go downstairs “Ma, nandiyan pa ba si Papa?” I asked her while looking around. “Wala ang Papa mo. Pumasok sa trabaho niya nang maaga, do’n na siya nag-breakfast. Why are you looking for him?” tanong ni Mama. “Ah, kailangan ko lang po siyang i-interview para sa project namin next week. Pakisabi na lang po sa kaniya, Ma.” Tinapos ko iyong champorado na inihanda niya para sa akin. “Sige na, Ma tuloy na ako sa school. Hindi ko masyadong naintindihan 'yong lesson namin kahapon kaya dadaan muna po ako sa library.” Kinuha ni Mama ang chopping board at sibuyas at nagsimulang tadtarin ito gamit ang kutsilyo. Bago ako umalis, sinabihan niya ako. “Mag-aral nang mabuti, ‘nak. Mahal ang tuition mo, mabuti maganda ang trabaho ng tatay mo at nabayaran natin 'yan. Ingat sa pag-uwi, ha!” Tumango ako at saka umalis ng bahay. Lawyer ang tatay ko, maraming gustong maging abogado siya dahil sobrang husay niya sa larangan ng batas. Kahit na malaki ang kinikita ni Papa, hindi lahat iyon ay napupunta sa amin. Dati, nagsusugal si Papa, sampung milyong piso ang nawala sa kaniya. Kahit baon kami sa utang, hindi iniwan ng Papa ko si Mama. Nag-pursige si Papa sa kolehiyo kahit matanda na siya para doon. Naka-graduate siya at napasa ang bar exam. Simula noon, naging okay ang pamumuhay namin. Hanggang ngayon, dalawang milyong piso pa ang kailangang bayaran. Mabuti at binigyan kami ng panahon upang bayaran ito maayos. Habang papunta ako sa paaralan, nakita ko ang kaibigan ko na si Thea. Napakayaman ng pamilya ni Thea. Ang Tatay niya kasi ang may-ari ng Salazar Furniture. Sa pangalan pa lang ng kompaniya, halatang nag-bebenta sila ng furniture para sa bahay at opisina. Tumakbo ako upang kumustahin siya. “Thea! Thea! Ako ‘to, si Malea.” Lumingon siya sa akin at parang sabik na sabik na nakita niya ako. “Oy! Malea! Hindi kita nakita since last year, ah? Ang ganda mo, fresh na fresh. By the way, narinig mo na 'yong nangyari kina Ron at Betty?” tanong niya habang sabay kaming naglalakad. “Bakit? Anong nangyari sa kanila?” tanong ko pabalik.Tumigil siya sa paglakad. “Hindi raw nila alam, bigla na lang daw binaril ni Ron si Betty. Pagkatapos, sarili niya ang binaril niya. Walang may alam kung bakit niya nagawa ‘yon dahil magkarelasyon sila. Pero bago pa barilin ni Ron si Betty, may blunt force trauma na siya sa ulo at sa bandang tiyan. From the cctv footage, hindi si Ron ang gumawa n’on." Hindi naman ako makapaniwala sa sinabi ni Thea. “Bakit naman? Wala ba nakakita ng krimen? I mean, dalawang gunshots ang nangyari, walang nakarinig man lang?” Sinagot ako ni Thea, “ 'Yon na nga, e. Nasa abandoned building sila no’ng time na iyon, only the CCTV cameras from the building near it caught the scene. They’re holding a vigil tonight, pumunta ka.” I nod my head and say, “Of course, they’re my friends. Tara na, baka mahuli pa tayo sa klase. Daan tayo sa library, ah? Kuha lang ako ng libro.” Ipinagpatuloy namin ang pagpunta sa paaralan. Pagpasok palang namin, lahat na ng estudyante ay nakatingin sa kanilang laptops, cellphones, at tablets. Inakala namin na tungkol iyon sa pagkamatay nila Ron at Betty, ngunit nagkamali kami. Pinuntahan namin ang isa pa naming kaibigan na si Lexa. “Guys! Nakita niyo na ang balita?” Nagkatinginan kami ni Thea at nagtaka. Tinanong ni Thea, “Anong ang nangyari? Ano ‘yan?” Pinatingin sa amin ni Lexa ang balita. “Hindi lang sina Ron at Betty ang nasa building na 'yun. Grupo sila, may bagong evidence ang pulis of footprints and fingerprints. They calculated that there were 10 people in that building, including Betty and Ron.” A month before the crime Betty’s POV “Ron! Ano ba? Hindi na nakakatuwa.” Sinagot ako ni Ron, “Sorry na, hindi ko naman sinasadya, eh. Nagustuhan ko lang talaga 'yong ps5 kaya nabili ko gamit ang pera natin.” Galit na galit ako sa kaniya that time. Hindi ko mapigilan ang galit at inis ko sa kaniya kaya't nasigawan ko siya. “Anong pera ‘natin?’ Pera ko! Akin 'yun! Tuition ko 'yon pang college. Bakit mo naman ginawa 'yon? Alam mo naman na gustong-gusto kong magkolehiyo. Kaya nga ako nag-ipon dahil walang trabaho si Papa. Tapos ginastos mo sa laro? Ang buraot mo naman Ron! Ilang araw akong hindi kumain para lang makaipon kahit ng isang daan. Napakadamot mo!” Hindi ko mapigilan ang iyak ko, tumakbo ako palabas. Hindi na ako sinundan ni Ron dahil alam niyang mas lalo lang ako magagalit. Pero totoo naman. Ang damot niya, pang-kolehiyo ko iyon. Bakit niya ginawa 'yun? Papunta ako sa biology ngunit natigilan ako nang dahil kay Trev. “Ano bang gusto mo, Trev? P*ta ka, kahapon ka pa, ah? Nababanas na'ko sa’yo.” He scoffed, ipinagpatuloy niya ang pagsabi ng, “Chill, Betty. Nag-away ba kayo ni Ron? Halika rito, willing ako maging rebound.” Tumawa silang lahat, ngunit ‘di ako nagpatukso at nagpatuloy pumasok sa klase. “Ito ba ang gusto ninyo? Ha? Mga mayayamang salot sa lipunan! P*ta kayo, pinaglalaruan niyo ako? Kayo nga nakahilata lang diyan, walang ginagawa sa buhay. Wala kayong magawa?” sigaw ko. Tumahimik silang lahat. Pagkatapos nun, wala nang umimik. Mabuti lang, kun’di masasapak ko silang lahat. 3 Weeks before the crime “At bakit ka nanaman nandito, ha? Wala ka talagang hiya, e. Hindi ka na nadala, e, ‘no? Pinalaki ka bang t*nga? O sadyang b*bo ka lang talaga? Kasi puwedeng pareho. Masama na nga ugali mo, b*bo ka pa, t*nga ka pa. ‘Di ba? Three in one. Anong gusto mo at kailangan mo pa sabihin harap-harapan? I got over you, wala na akong pake sa iyo. I have my own life now, a life that nobody controls, nobody can laugh at, and importantly, nobody can bully. You were a control freak, Ron! But good thing I escaped you and our toxic relationship. Goodbye.” " Betty, please."He couldn't continue what he wanted to say because I already stormed out. I wasn’t lying. I got over Ron this past week. I’ve learned to realize to love myself and not care for others’ opinions. I hated myself before, that hasn’t changed. But I am in the process of changing it. Self-love and self-confidence have been the most important thing this past week. I hate to say it but, I’ve been really positive these past few days. 2 Weeks before the crime “Ano ba ‘to, Doc? Hindi ba dapat alam mo? 'Yan pinag-aralan mo, e. Psychiatrist ka!” The psychiatrist responded, “Calm down, Ma’am. Please, stay calm. These dreams, you say, are new to me. I’ve had people come in with nightmares that are brutal. But this is not as brutal as any of them.” Later that day. “Kayo rin ba? Ikaw rin, Ron? Nagkakaroon ka rin ng mga bangungot kagaya namin?” “Oo, Betty.” He said. Kinilala ko ang mga kasama ko. Sampu kami. Ako, si Ron, si Queen, si Len, si Clark, si Meghan, si Jay, si Karina, si Lolita, at si Mark. Kaming sampu. Nagkaroon kami ng bangungot na kakaiba. Hindi siya katulad sa mga bangungot na nae-experience ng ibang tao. May tatlong parte ang bangungot namin. 1st part - Ang backstory ng taong nasa bangungot namin. Nae-experience namin ang buhay ng iba’t ibang tao, ngunit may twist. 2nd part - Sa part na ‘to, mae-experience mo usually ang rason kung bakit namatay or pinatay 'yong taong 'yon. Yes, lahat ng buhay na nae-experience namin, namamatay. At oo, nararamdaman namin 'yong sakit. Gugustuhin mo talaga na mamatay na lang sa sobrang tindi ng sakit. 3rd part - The most brutal of all the parts, the actual death. Suicide, murder, accident, etc. Any death is possible with these dreams. At oo, totoong tao ang mga ito. Sometimes from 1934 pa namatay ang mga taong ito. Ang alam ko lang, hindi ito matatapos hanggang patay kami. Death is Inevitable and we can't possibly control it.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

ARREST ME IN YOUR HEART Mr.Sergeant

read
4.6K
bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
32.9K
bc

The Ruthless Billionaire. Hanz Andrew Dux

read
81.7K
bc

De Silva's Temptation

read
22.7M
bc

Daddy Granpa

read
305.9K
bc

Journey with My Daughter

read
1.2M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook