Charmaine Simula nang magprose ng kasal sa akin si Leighton, at ibahagi ko sa kanila ang tungkol sa pagbubuntis ko ay mas lalo kong nadama ang pagiging espesyal ko. Lahat sila ay laging inaalala ang mga gusto at ayaw ko. Lahat sila ay inaalala ang mga bagay na makakasama at makakabuti sa akin. Mas higit kong naramdaman ang pagmamahal ng isang totoong pamilya. Ganito pala kasaya kapag malapit ka nang ikasal sa taong mahal mo at kapag malapit ka nang maging isang ganap na ina. I can't imagine that I am bearing my little sweetie inside my tummy. Kakaibang pakiramdam ito para sa akin. Habang nakaharap ako sa salamin ay namamangha kong hinihimas at tinitignan ang umuumbok ko pa lang na tiyan. I smiled! Ngayon ay mas lalong may dahilan ako para bumangon tuwing umaga. Ngayon ay may dah

