Leighton Agad akong nagtungo sa lugar kung saan huling nakita si Charmaine. Hindi ako susuko hanggat hindi ko sya nakikita. Hindi ako papayag hanggat hindi ko sya muling makasama. Nakatayo ako sa may tindahan sa di kalayuan para tanawin ang address na ibinigay sa akin. Gusto ko lang makasiguro na dito nga sya nakatira. Kapag naghintay ako sa tapat ng bahay nya at makita nya ako doon ay marahil na taguan nya akong muli at hindi na muling magpakita sa akin. Mas mabuti nang magmasid muna ako sa lugar na ito. "Teh, isa pa ngang softdrinks" sabi ko sa tinderang nagbabantay ng tindahan "Nakailang bote ka na pogi ha! Saka, sino ba ang hinihintay mo?" Tanong ng tindera sa akin. Napalingon ako sa kanya. Marahil ay maaari akong magtanong sa kanya. Baka may impormasyon akong makuha sa

