Ilang buwan ang lumipas at naging abala ang pamumuhay ni Charmaine sa bansang Croatia. Ginugol nya ang bawat araw sa pagtatrabaho sa restaurant na ibinigay ni Ehra sa kanya. Nakaupo sya sa silyang kahoy na nasa labas ng restaurant at animo'y malalim ang iniisip. Nagpapahinga sya ng mga oras na iyon at pinakikinggan ang huni ng mga ibon. Ilang beses syang napabuntong hininga. Ilang beses nyang ibinaling ang kanyang mga tingin sa bawat taong nagdaraan sa kanyang harapan. Tila nagtatanong pa rin sya hanggang ngayon kung kailan ba nya makakamtan ang tunay na kaligayahan. Napailing na lamang sya sa mga naiisip nya. Tumingala sya sa kalangitan at doon ay para syang nangungusap sa mga ulap. Pinagmamasdan nya ang iba't ibang hugis ng mga ulap. Aliw na aliw sya sa pagtingin ng maganda at k

