Charmaine Pagkatapos ng matindi naming pag-uusap ni daddy ay sinabihan ko syang huwag munang magsabi ng kahit ano kay Ehra. Pinayuhan ko syang ipaubaya sa akin ang lahat. Minabuti kong kontakin ang kapatid na babae ni Leighton na si Liza. Alam kong matutulungan nya ako sa mga plano kong pabagsakin si Ehra. It's time for the greatest revenge! Alam kong si Ehra naman ang malulugmok sa kalungkutan! Ngunit hindi ko na macontact si Liza. Kahit ang mga social media accounts nya ay hindi ko na makita, tila nagdeactivate sya? Bakit kaya? Nakasilip ako sa bintana ng aking kwarto at nakatanaw ako sa labas na tila nag-iisip ng malalim. Ang dami kong gustong gawin pero kailangan ko ng taong makakatulong sa akin. Nawawalan na ako ng pag-asa! Paano ako makakakuha ng impormasyon tungkol sa

