Charmaine "My God Ate Charm! Hindi ko maimagine ang itsura ng Mich na 'yon! Hindi din ako makapaniwala na nagawa natin ang mga plano!" Wika ni Kate Buong pagkasabik na sinabi ito ni Kate sa akin. Tila hindi na nya alintana ang kasamaang nagawa namin kay Mich. Gustong gusto din nya ang ideyang napabagsak namin si Mich. "Sa tingin ko nga ay kulang pa 'yon sa dami ng atraso nya sa akin. Pero ayos na 'yon. Hindi naman ako kasing sama nila para ulit ulitin pa ang pagpapahirap sa kanila!" Sabi ko Kumakain kami ni Kate nang mga oras na iyon sa isang japanese restaurant. Napagkwentuhan naman namin ang mga gagawin ko sa aking pinsan. "Simple lang naman ang gagawin ko kay Ehra! Babawiin ko si Leighton sa kanya. Alam ko naman na mahal pa rin ako ng kuya mo! At hindi nya maaatim ang lahat n

