Chapter 14 Charmaine Pagpasok ko nang aking opisina ay tumambad sa akin si Michelle Torres na nakaupo sa sofa. Kaibigan ko sya since college. Naghiwalay ang landas namin nang tumira ang pamilya nila sa Canada. “Mich!” tuwang tuwa kong banggit ng pangalan nya. Nagkamustahan kaming dalawa. Nagkwentuhan! “Kamusta naman? Are you married? “ tanong nya sa gitna ng aming pag-uusap Ngumiti ako sa mga tanong nya. Hindi ko alam kung bakit ba hindi talaga mapigilan ng mga labi ko ang pagngiti sa tuwing maaalala ko si Leighton. At si Leighton lang ang naiisip ko nang tanungin nya kung kasal na daw ba ako. “Not yet, pero malapit na siguro.” Sabi ko Nakita ko ang pananabik sa mata ng aking kaibigan. Kilala nya kasi ako na lagi na lamang bigo sa pag-ibig. Wala kasing sumeseryoso sa akin.

