Charmaine Tinakbuhan ko ang katotohanang hindi pa rin nagbabago si Leighton. Tinakbuhan ko ang katotohanang hindi nya kayang magpakatino para sa akin. Hindi nya kayang ibigay ang buong katapatan nya, dahil hindi ako karapat-dapat para doon. Wala naman akong ibang alam na pupuntahan pagkatapos ko silang takasan. Gusto ko lang lumayo sa lahat ng sakit na nabubuo sa puso ko. Bakit ba lagi na lamang akong pinagtataksilan ng mga taong mahal ko? Bakit kailangan kong palaging maramdaman ang lahat ng ito. Walang kasing sakit ang ginawa sa akin ni Leighton. Nakarma na yata ako sa lahat ng katarantadahang ginagawa ko sa buhay ko. I feel so worthless! Ito na nga ba ang sinasabi ko kung kaya’t ayoko na sanang magmahal muli. Sa tuwing magmamahal ako ay ganito palagi ang kinahahantungan ng pus

