Mama Emz POV Awang awa ako sa panganay kong anak nang makita ko syang umiiyak nang dahil sa babae. Ganito pala sya magmahal. Akala ko nung una ay wala nang pag-asa. Akala ko habang buhay na nyang paglalaruan ang damdamin ng mga babae. Akala ko puro se.x lang ang nasa utak ng anak ko. Kaya laking gulat ko na ganito ang nangyari sa kanya, halos hindi na makakain ang anak ko dahil maghapon na lang nagmumukmok sa kanyang kwarto. Sobra din pala sya magmahal kagaya ng kapatid nyang si Migz. Dinalhan ko sya ng meryenda. Ang paborito nilang magkakapatid na niluluto ko, ang maruya. Pumasok ako sa kanyang kwarto at nasilayan ko syang umiiyak na naman habang nakatitig sa kanyang cellphone. Halos mahabag ang puso ko sa nakikita ko sa aking anak. Hindi ako sanay na nagkakaganito sya. “Oh, T

