Charmaine Pagkalipas ng tatlong araw ay nakalabas na ako ng ospital. Hindi na muling dumalaw ni Ehra pagkatapos nyang pasakitan ang puso ko. Agad namang nagtungo si Leighton nung araw na iyon para hakutin ang mga gamit ko sa mansyon. Wala na akong babalikan pa dahil ibebenta na ni Ehra ang mansyon ko. Galit sa akin si Daddy kaya nya ginagawa ito sa akin. At ito ang labis na nagpapalungkot ng aking puso. Sakay kami ng taxi ni Leighton habang nababalot ng kaba ang puso ko papunta sa bahay nila. Natatakot ako! Paano kung hindi nila tanggapin ang katulad ko? Paano kung husgahan nila ako? Kung ang sarili ko ngang pamilya ay hindi ako tanggap, paano pa kaya ang pamilya ng ibang tao? Ang pamilya ni Leighton? Nakailang pisil ako sa aking daliri dahil hindi na talaga maalis ang kabang na

