Chapter 1

1154 Words
Araw ng kasal ni Aleyah Lavelle Aguirre, ang masaya sana nitong araw ay bilang naging isang bangungot. Dahil ang lalaking mahal niya’y hindi siya sinipot, umiiyak at patuloy pa rin na umaasa na darating ito. Pero sa bandang huli ay walang Vince Daniel Espartero na dumating. Lalong nagkagulo sa loob ng simbahan, maraming desmayado dahil kilala sa kanilang bansa ang Pamilya Espartero. “Anong gagawin natin? Kailangang matuloy ang kasal, nasan na si Vince isang malaking kahihiyan to!” Mariin na bulong ni Mr. Aguirre sa ama ng binata. Kahit nagngingitngit na ito sa galit, mas pinili niya pa rin maging kalmado sa harap ng kanyang anak. Ngayon ay, nakalupasay na sa sahig at walang tigil sa pag-iyak. “Daniel! Nasaan ka na, akala ko ba mahal mo ako?! Bakit wala ka pa!” Muling sigaw ni Aleyah bago paghahapasin ang sahig, doon niya ibinuhos lahat ng sakit na kanyang nararamdaman. Pinangakuan siya ng binata na magpapakasal sila at magkakasama habang buhay. Pero sa huli, iniwan siyang luhaan at pinahiya ang kanyang pamilya. Pumasok sa simbahan ibang tauhan ni Mr. Espartero, dala ang masamang balita. “Boss, nakaalis na ng bansa si Sir Vince kasama ang ex-girlfriend niya.” Bulong nito, umigting ang panga niya sa galit kulang nalang ay sumigaw siya at magwala. “Hanapin mo si Vincent!” Malamig nitong utos, agad naman itong sumunod. Muli silang lumabas para hanapin ang kakambal ni Vince. “What happened, nahanap na ba si Vince?” Seryoso na tanong ni Mr. Aguirre. “Wala na dito sa pilipinas si Vince at mukhang wala na itong balak bumalik. Meron akong plano, si Vincent ang ipapakasal ko sa iyong anak. Ipaliwanag mo sa kanya lahat kung gusto niyong maisalba ang kumpanyang pinaghirapan mo. Ako na ang bahalang kakausap kay Vincent.” Seryoso nitong paliwanag, wala na silang ibang pagpipilian kailangang matuloy ang kasal. Lumakad na palabas si Mr. Espartero, nagtungo ito sa parking lot ng simbahan. Habang ang kanilang mga bisita, hindi malaman kung anong nangyayari bakit mas nauna pang dumating ang bride kesa sa groom. Lumapit naman si Mr. Aguirre sa anak niyang kanina pa umiiyak. “Aleyah, let’s talk.” Seryosong sabi nito dahilan para lalong makaramdam ng kaba ang dalaga. “Dumating na ba si Vince, dad?” Sinisinok na tanong nito, hindi sumagot ang kanyang ama nanatili lamang itong tahimik. “Dad, sabihin mo naman sa akin kung anong nangyayari?” Naiiyak na namang tanong niya, hinawakan ng ginoo ang kamay ni Aleyah para alalayan itong makatayo. “Ipapaliwanag ko sayo ang lahat pagkatapos ng kasal niyong dalawa ni Vincent.” Seryoso nitong sagot dahilan para mag salubong ang dalawa niyang kilay. “Bakit ko papakasalan si Vincent? Hindi naman siya ang mahal ko, dad ano ba?! Ayokong magpakasal sa lalaking yan, si Vince ang boyfriend ko hindi siya!” Galit na katwiran ni Aleyah. “Alalahanin mo ang kumpanya Aleyah, kung hindi ka magpapakasal kay Vincent tuluyan itong malulugi. Hindi na babalik si Vince, umalis na siya ng bansa at wala ng balak bumalik!” Sunod-sunod na umiling si Aleyah, hindi ito naniniwalang iniwan siya ni Vince. “Hindi yan totoo, nangako siyang pakakasalan niya ako. Mahal na mahal ako ni Vince, hindi niya magagawang iwanan at ipahiya ako.” Pagtatanggol ng dalaga. “Wala na hindi na babalik ang anak ko Aleyah, kaya isipin mo nalang yung kumpanya ninyo. Pumayag na si Vincent, wala ng dapat problemahin.” Paliwanag ni Mr. Espartero, tumingin ang dalaga sa kanyang ama. Sobrang sama ng loob niya, hindi naman siya naging masamang tao pero bakit ganito ang nangyari sa mismong mahalagang araw niya. “Mag-usap kayong dalawa ni Vincent pagkatapos ng kasal niyong dalawa.” Dagdag na sabi ng ginoo bago tuluyang lumapit sa dalaga. “Huwag ka ng umasa na babalik si Vince, dahil sumama na siya sa ibang babae. Umalis sila ng bansa, kasama ang kanyang ex-girlfriend.” Bulong ng ginoo na naging dahilan para lalong makaramdam ng galit si Aleyah. Tumakbo na agad sa isip niya kung sinong ex-girlfriend ang tinutukoy ng ginoo. Walang iba kundi ang lagi nilang pinagtatalunan na dalawa, dahil magkasama sila sa iisang kumpanyang pinapasukan. Buong akala niya’y tuluyan ng naka-move-on si Vince, pero hindi pa pala. Kahit durog na durog ang kanyang puso, wala itong ibang pagpipilian kundi sumunod sa kagustuhan ng kanyang ama. “Sige, papayag akong magpakasal kay Vincent.” Seryoso na sabi nito, wala siyang ideya kung anong itsura nito dahil ni minsan ay hindi pa sila nagkikitang dalawa. Lumakad na silang mag-ama palabas ng simbahan at nagtungo sa kotse. Inaayusan si Aleyah, dahil nagkalat ang makeup nito sa mukha. Habang abalang nagreretouch ang dalaga, pumasok na si Vincent sa loob ng simbahan. Nakasuot ito ng black tuxedo, pumagay sa makisig nitong pangangatawan at merong tangkad na 5’9. Ang namumungay nitong mga mata ay bumangay sa maamo niyang mukha. Tumayo siya sa gilid, inayos nito ang sarili parang maging komportable. Wala sana siyang balak pumalit sa kapatid, sinabihan lang ng kanyang ama wala siyang makukuhang mana kung hindi ito papayag sa kagustuhan nito. Kung sa pag-aasawa ay wala itong balak, dahil ayaw niyang matulad sa ama na iniwan lang ng kanilang ina at sumama sa ibang lalaki. Bumukas ang pinto ng simbahan kaya napatingin siya doon. Pumasok ang babaeng kailangan niyang pakasalan. Nang makalapit na ito sa kanya ay sabay na silang lumakad palapit sa altar. Sobrang bilis ng tïbok ng kanyang puso at nanlalamig ang kamay niya sa kaba. Nanatili namang tahimik si Aleyah, hindi niya akalaing mas malakas ang s3x appeal ng kakambal ng kanyang nobyo. Pagkarating nila sa altar, nagsimula na ang kanilang kasal. Kahit naguguluhan ang mga bisita, mas pinili nalamang nilang tumahimik. Pagkatapos nilang isuot ang kanilang singsing, pinirmahan na nila yung marriage certificate. Walang ibang naganap, kunting seremonya at pagpirma lang na katibayang ikinasal silang dalawa. Matapos ang kanilang picture taking, unang lumabas si Aleyah at umalis. Walang balak pumunta sa venue ang dalaga, wala siyang ibang iniisip ngayon kundi hanapin si Vince kung saang bansa ito pumunta. Pagdating niya sa condo, agad siyang naghubad ng wedding dress. Kinuha niya yung cellphone at tinawagan ang matalik na kaibigan ni Vince, pero hindi ito sumagot. “s**t! Sagutin mo!” Galit na sigaw ni Aleyah, muli niyang dinayal ang numero ng binata. Wala siyang ibang malalapitan kundi ito lang. Dahil alam niyang hindi sasabihin ng kanyang ama kung nasaan si Vince, lalo na ang ama ng binata. Nabaling ang tingin ni Aleyah sa pinto ng kanyang unit dahil merong kumatok, tumayo siya pagkakaupo at lumakad palapit doon. Sumilip muna siya sa maliit na butas, may mga lalaking naka-itim sa harap ng kanyang unit. Napa-atras siya nang merong mata na sumilip din sa butas. Walang iba kundi ang kakambal ni Vince, si Vincent na seryoso ang mukha at walang emosyon yung mata. “Open this f u c king door!” Malamig na utos nito, bago kumatok ng sunod-sunod. Itutuloy.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD